Share

Chapter 6

last update publish date: 2026-05-25 20:55:06

NASA labas na siya ngayon ng hotel kung saan ginanap ang reception nina Darren and Charmine. Nanghihintay siya ng taxi na siyang maghahatid sa kanya pauwi dahil wala naman siyang jowabels na maghahatid sa kanya hindi gaya ng mga naka-edaran niya. Mukhang napag-iwanan na nga talaga siya dahil ang lalaking kanyang inaasam ay hindi pa niya mawari kung pareho din ba sila ng nararamdaman. Napabalik siya sa kanyang katawang lupa nang marinig niya ang boses ng lalaking pamilyar sa kanya.

"Hi, Mary, pauwi ka na diba? Pauwi na rin ako, halika sumabay ka na sa akin," alok nito sabay bukas sa passenger seat ng kotse.

Matagal niya ito tinitigan bago niya makilala ang lalaki, medyo nahihilo kasi siya sa iniinom niyang wine, nasobrahan siya ata. Kailan lang pinapangarap niya lang na mapansin nito, makausap at makasama ngayon nasa harap na niya.

"Oh, Mr King, ikaw pala ang gwapo mo talaga, mula noon hanggang ngayon," humuhikhik na hirit niya.

Tinitigan siya nito at saka nagsalita, "Lasing ka ba?" tanong nito at saka hinawakan siya sa braso para 'di matumba.

"Hindi ah!" tanggi niya sabay tumawa.

Hinila siya nito at inilalayan paupo sa passenger seat saka nilagyan ng seatbelt. Naamoy ni Mary ang pabango nito parang ang sarap makulong sa bisig nito naaalala niya tuloy noong sinalo siya nito.

"Hmm ba't ang manhid mo?" pabulong na tanong niya.

"Huh?" takang tanong ng binata

"Sabi ko ba't ang manhid mo! 'Di mo ba ako naalala? Ako 'yong babaeng patay na patay sa iyo noong high school! Oo, King, mahal kita dati pa! Saka alam mo-" 

Naputol ang sinasabi ni Mary dahil nakatulog na ito. Tahimik na pinaandar naman ng binata ang kotse niya.

Habang sa bayahe 'di niya maiwasang isipin 'yong sinabi ng dalaga napatingin siya rito, familliar ito sa kanya 'di nga lang niya maalala kung saan niya ito nakilala pero unang kita niya pa lang rito sa restaurant. Ang gaan na agad ng loob niya rito kaya 'di siya nagtaka ng mapalapit pa lalo ang loob ng anak niya sa babae.

KINAUMAGAHAN, masakit ang ulo ni Mary parang minamartilyo sa sobrang sakit minulat niya ang mga mata. Gulat napabangon siya ng mapansing hindi ito ang kwarto niya, sisigaw na sana siya ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang naka-short na si King na may hawak na breakfast at nasa likod nito si Kian ngiting-ngiti itong nakatingin sa kanya.

"Goodmorning po, Miss Mary. Ginagawan ka po namin ni Daddy ng breakfast at ito nga po pala 'yung gamot ininumin niyo muna para 'di na po sumakit ulo niyo," nakangiting sabi ni Kian na umupo sa gilid ng kama.

"Salamat Kian, ba't pala ako narito? Kaninong kwarto 'to?" nagtatakang tanong niya.

"Dinala kita rito kagabi kasi 'di ko alam kung saan susi ng unit mo. 'Di mo ba naalala sabay tayo umuwi kagabi galing sa kasal ni Darren at akin pala 'tong kwarto. 'Wag ka mag-alala doon ako natulog sa sofa kagabi, kumain ka na muna para maka-inom ka ng gamot," mahabang paliwanang nito.

Nalilitong man ay tumango na lang siya at nag pasalamat sa lalaki, lumabas ito at sila na lang ni Kian ang natira.

"Miss Mary sa friday na po pala ang resulta ng test ko," basag ni Kian sa katahimikan. 

Napatingin siya rito. "Gano'n ba? Sana maging negative ang resulta," tugon niya.

"'Yan din po ang hiling namin ni Daddy," ani naman ni Kian.

Parang walang itong sakit ang hyper kasi nito laging nakangiti.

***

"SALAMAT nga pala ha, sorry naka-abala pa ko sa inyo, pasensyahan muna ko kagabi, mahina lang talaga ang torelance ko sa alcohol at mukha na parami pa ako kagabi, 'di ko namalayan, sorry! Wala ba akong ginawang kalokohan kagabi?" nahihiyang tanong niya nang ihatid siya ni King sa pintuan niya.

"You're welcome, wala 'yon."

Ngumiti ito. "Wala ka naman ginawang kalokohan natulog ka lang naman pero sana sa susunod 'wag ka masyadong umiinom ng marami at kung maari huwag ka na lang umiinom baka mapano ka pa," malumanay na payo nito.

"Oo, tatandaan ko 'yan."

Lihim na kinilig siya sa sinabi ng lalaki at sa pag aalaga nito sa kanya kagabi at kaninang umaga.

"Sige hanggang dito lang ako, goodbye, Mary," pamamaalam nito.

"Goodbye King, thank you ulit."

Saka kumaway rito bago pa ito tumalikod bigla itong ng salita. "By the way punta ka sa birthday ni Kian bukas ah, sa bahay ng second parents ko ang handaan, alam kong inaasahan ka ni Kian," nakangiting turan nito at tumalikod na.

"Oo pupunta ako," pahabol niya rito.

***

NASA MALL siya nagpasama siya kay Irene makahanap ng ireregalo kay Kian excited na excited siya para mamaya.

"Ren, sa tingin mo ano ang kaya ang magandang regalo para kay Kian?"

"Toys or clothes, kahit alin sa dalawa pwede na," suggest naman nito.

"Oo nga naman, halika doon na lang tayo sa mga damit," aniya sabay hila niya kay Irene.

"Sige, by the way, kamusta na ang pagpapakyut mo kay King? Any progress?" tanong bigla ni Irene.

Namula naman siya. "Anong pagpapakyut? Hindi ako nagpapakyut sa kanya no," tanggi niya.

"Hanggang ngayon denial queen ka pa din no! Ayy oo nga pala narinig ko sabay daw kayo umuwi pagkatapos ng kasal ni meow, saan kayo pumunta?" usisa nito.

"Ikaw ba't ang chismosa mo," saway niya na lang rito habang pumipili ng damit.

"Ito naman parang anothers diyan, share mo naman kapag may time," pangungulit nito.

"Ito na i-shi-share ko na, oo sabay kami umuwi, 'di ko nga naalala eh nalasing ako remember? Nagulat nga lang ako ng magising ako sa ibang kwarto.... a-at ibang kama-" Naputol ang pag kwekwento ni Mary ng dinugdugan ito ni Irene.

"Omo! Natulog kayo magkatabi? Omo may nangyari sa inyo? Ikaw ha! Ang rupok-rupok mo bumigay ka agad, wala pakipot-kipot sis-"

Tinampal naman ni Mary bibig ni Irene.

"Aray ko! Bakit ba?" gulat na tanong ni Irene.

"Ikaw ang dumi ng utak mo, hindi kami natulog ng magkatabi at higit sa lahat walang may nangyari sa amin," paliwanang ni Mary.

"Aws, okay...akala ko kasi meron eh," natatawang sabi ni Irene.

"Che! Ikaw talaga, oh ayan hawakan mina it-try ko lang 'tong dress if bagay sa akin," tugon niya na lang at pumasok sa dressing room.

A few minutes later lumabas na siya.

"Maganda ba?" tanong niya pagkalabas niya.

"Ganda sis, bet na bet ko 'yan, baka pagnakita ka ni Mr King Jam Montel eh hindi ka iuwi," pilyang komento nito.

"Baliw, pero seryoso? Kukunin ko na 'to pati na 'yung sandal, diba bagay naman?" tanong uli niya.

"Oo nga," pagtitiyak nito.

***

PAG-UWI niya nadatnan ni Mary na tumutunog ang telepono pagdating niya sa condo unit niya, Kakauwi niya galing mall sinagot niya iyon pagkasara niya ng pinto. Si Kian ang tumatawag huminga siya nang malalim, saan kaya nito nakuha numero ng telepono niya?.

"Hi Kian, bakit napatawag ang birthday boy may problema ba?"

"Wala po, Ms Mary, gusto ko lang po itanong sa iyo kung totoo yong sinasabi ni Daddy na pupunta po kayo sa birthday ko?"

Saglit napaisip siya bago ngumiti at napailing. "Oo, totoo, ihahatid ako ng daddy mo diyan. Advance Happy birthday baby Kian at Kian mas maganda siguro kung Ate Mary na lang ang itawag mo sa akin."

"Eh, hindi ko naman po ikaw kapatid."

Oo nga naman naiisip niya. "Pero panget naman kung Miss Mary tawag mo sa akin masyadong pormal," kontra niya.

"Alam ko na po, "Tita" na lang po ang itatawag ko po sa iyo, mas gusto ko iyon kaysa sa "Ate "...okay po ba, Tita Mary?"

"Bahala ka, okay naman sa akin ang tita."

"Okay rin sa akin kung mommy," sinaway agad niya ang pilyang ideyang sumulpot na isip niya.

...

Binibining mary ✍️

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mahal Kita Dati Pa   Chapter 26

    NAPANGITI si Mary nang matapos na niya lutuin ang mga kailangan ihain para mag-ama. Lumakad na siya patungo sa kung saan si Kian upang tawagin."Kian.... Kian!!" "Yes po, Tita Mary?""Kain ka na, baby, nasaan na Daddy mo?" nakangiting sabi niya."Sige po, nasa kwarto pa din po," sagot nito."Ganun ba, mauna ka na doon sa kusina, tatawagin ko lang si Daddy crush," may halong kapilyang giit niya."Yieeee, sige po," masayang sagot nito.Nang makarating na siya sa labas ng kwarto ng lalaki ay kaagad siyang puwesto sa harap ng pinto."Sir-boss-among-tunay, breakfast is ready.... ay! 'Di sumasagot...ahmmm," nagtatakang tanong niya sabay tulak sa pinto. Nagulat siya ng mapansing bukas ito, ganun pa man ay tinulak niya ang pintuan at pumasok."Kin—ayy, shit!" gulat na hiyaw niya sabay takip sa kaniyang mga mata at saka tumalikod. Nakita niya kasi ang hindi dapat makita, naka-half-naked lang naman ang lalaki sa harap niya. Sa palagay niya'y galing ito sa banyo at katatapos lang maligo."Ang O

  • Mahal Kita Dati Pa   Chapter 25

    NASA bahay na niya si Mary pero feeling niya nandun pa rin siya sa condo ni King. Grabe nakakahiya, nakakakilig, nakakainis at nakakabaliw ang nangyari kanina buti na lang paglabas niya sa cr nasa kusina na si Kian kasi kung hindi baka umuwi na lang siya sa sobrang hiya. Masaya ang bata nang makita siya at mas lalo pa itong sumaya nang ibigay niya ang cookies na niluto niya. Hinalik-halikan siya nito at niyakap, tuwang-tuwa naman siya. Si King naman nakamasid lang, magpapaalam na sana siya para umuwi pero pinigilan siya ni Kian at inalok na sabayan na ang mga ito sa tanghalian, kailan pa siya humihindi kay Kian? Medyo nawala na ang pagkailang niya pero sa tuwing nakikita niya at sinusubo ang itlog naalala niya uli, nagtanong pa nga si Kian kung bakit namumula siya. Sinabi niyang mainit pero alam niyang 'di naniwala ang bata sapagkat malakas ang air-conditioning habang si King naman tahimik pero alam niyang pinagtatawanan na siya nito, halata naman kasi na pinipigilan lang nito mapangi

  • Mahal Kita Dati Pa   Chapter 24

    PALABAS na siya sa kaniyang condo nang makita niya si Reynier na naka-upo sa kanyang sofa. Tumingin ito sa gawi niya nababasa niya ang pagtataka sa itsura nito."Oh, bhe, saan punta mo?" kaagad na tanong ni Reynier sa kanya. Bihis na bihis kasi siya gan'on din si Kianna."Hmmm bounding with girls lang, bhe, ikaw muna bahala dito sa bahay ko ah," habilin niya sa kaibigan."Sige, bhe, regards mo 'ko kay Janen ha?" pahabol nito."Opo," natatawang sagot niya.PAGDATING niya sa restaurant ng kaibigan niyang si Jonamie ay kaagad niyang nakita si Mariel at Myca."Oh! Anak mo?" manghang tanong ni Mariel."Oo, "di ba halata?" biro niya habang buhat-buhat ang anak."Hindi!! Wala man lang na mana sa 'yo," direktang sagot nito.Simaan niya naman ito ng tingin. Kahit kailan talaga napaka-abnormal itong kaibigan niya."'Di ka pa rin nagbabago," napailing na komento niya."Hmm parang may kamukha," singit ni Myca na sinusuri si Kianna na inosenteng nakatingin sa babae."Artista?" pabirong tanong niya

  • Mahal Kita Dati Pa   Chapter 23

    KALALABAS lang ni King sa kaniyang silid nang makita niya ang kaniyang anak na si Kian nakaupo sa may sofa."Kian...." tawag niya sa atensiyun ng anak."Yes po, Daddy?" sagot nito.Nakaupo ito sa kanilang sofa at bihis na bihis. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang kaniyang anak. "Hmm sino 'yung babaeng kinausap mo last week? Ba't close kayo anak?" mamaya ay usisa niya."Po?" nalilitong tumingin iyo sa kanya.Hindi kasi masyado naiintindihan ni Kian na may amnesia ang kanyang ama kaya't gano'n na lamang ang naging reaksiyun ng bata."Ahh, 'yun po ba, Daddy? Si Tita Mary po, kapitbahay po natin siya dati sa Fantasy Condominium. Mabait po siya sobra. Noong na hospital po ako, siya po ang nagbabantay sa akin kapag nasa work ka po, saka po sa pagkaalala ko nililigawan mo po siya kasi inutusan mo ako bigyan siya ng chocolates at nag-date pa kayo kaya nga po lagi mo ako iniiwan kay Lola-Mama ehh, diba ginagawa lang 'yun ng mag-dyowa? Saka po gusto ko siyang maging Mommy," mahabang salaysay n

  • Mahal Kita Dati Pa   Chapter 22

    1 YEAR AND 8 MONTHS LATER..."Mommy! Mommy! Wake up!" Ingay na nagmumula sa alarm clock ni Mary.Napabalikwas siya ng bangon dahil narinig niya ang tunog ng alarm clock, senyales kasi iyon na kailangan niyang painumin ng gatas ang kaniyang anak. Yes, nanganak na siya, mag iisang taon na ito and her name is Kianna Mary Sigua sobrang kyut nito at maganda mana sa ama, mukha itong girl version ni King, minsan nga nagtatampo siya kasi sa itsura wala man lang itong nakuha sa kanya dagdag mo pa sa ugali."Good morning, sweetheart," bati niya sa anak na naabutan niyang nakaupo na sa little chair nito, siguro kinuha ito ni Reynier sa crib nito sapagkat maaga nagising. Tinaas nito ang kamay sa kanya means gusto nitong magpabuhat. Nanggigil na binuhat niya ito."Naglalambing na naman ang baby ni Mommy hmm," aniya sabay halik sa pisngi ng anak at leeg. Tawang tawa naman ito pati siya natawa na din."Good morning, bhe," bati ng bagong dating na si Reynier galing sa kusina may bitbit kasi itong ul

  • Mahal Kita Dati Pa   Chapter 21

    NARITO siya ngayon sa kaniyang condo, kasama niya ang kaniyang pinsan na si Valliere ang nakababatang kapatid ni Juliane."Nagpunta ka na ba sa clinic niya, pinsan? O sa opisana niya?" tanong ni Vallire sa kanya.Tumango naman siya. " Oo eh, kaso wala din ako nakuha,” malungkot tugon niya.Mag-iisang buwan na pero wala pa rin siyang clue kung nasaan sina King at Kian. Noong nakaraang araw muntik pa siyang mahimatay sa sobrang hilo. Buti na lang inalalayan siya ni Reynier, sinamahan siya kasi nito. Ito lagi ang taga comfort niya dahil gabi-gabi siyang umiiyak, ewan ba niya pero sobrang napakaemosyunal niya.Nagtataka rin siya kada umaga sumusuka siya at ‘di maganda ang pakiramdam niya nitong mga nakalipas na araw at meron pagkakataong inaaway niya si Reynier kasi kumain ito ng cheese na ‘di niya nagustuhan ang amoy. May clue na siya kung ano ‘tong nangyayari sa kanya pero kailangan niyang ikumpirma muna. Tumunog bigla cellphone niya napatalon tuloy siya sa isipang baka si King ang tuma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status