INICIAR SESIÓNHANGA na talaga siya sa pagiging bibo ni Kian, dahil nakaka-aliw talaga ito kausap kaya't hanggang sa mga sandaling ito ay kausap niya pa rin ang bata.
"Tita Mary, may alam po ba kayo tungkol sa lakad ni Daddy?"
Napakurap-kurap siya sa tinanong bata at hindi niya alam kung paano ito sasagutin.
"Sabi niya po kasi may pupuntahan siya bukas at hindi niya po ako pwede isama, nang tanungin ko kung saan ay iniba po niya ang usapan" dagdag pa ng bata.
"Ahmm gano'n ba? Baka may date siya-"
"Hindi po nakikipag-date ang Daddy ko,' mabilis na kontra ni Kian.
"Paano mo nasabi?" nakataas kilay na tanong niya at nalimutan niyang isang bata ang kanyang kausap.
"Basta po, hindi po mahilig sa girlfriends ang Daddy ko."
Tumahimik na siya dahil wala na din naman siyang maisip na sabihin pa rito.
"Eh ikaw po, Tita Mary?"
"Anong ako, Kian?"
"Nakikipagdate ka din po ba?" parang matandang tanong nito.
Napangiwi siya. "Ahmm hindi," alinlangang sagot niya.
"Bakit hindi po? May boyfriend ka na po ba, Tita Mary?"
Kung nagulat siya kanina sa mga tanong ng bata ay mas nagulat siya sa ngayon.
"Aba'y kay bata mo pa, may alam ka na agad sa mga ganiyan..." hindi niya maiwasang ikomento.
Narinig niyang humikhik ang bata sa kabilang linya. "Narinig ko lang po sa mga kaklase ko kasi po ang mga tita ng mga ito ay may mga boyfriend na po."
"Gano'n ba?"
"Opo, so may boyfriend ka din po ba?"
Huminga muna siya nang malalim bago sagutin ang bata. "Wala, Kian."
"Bakit po wala?"
"Kasi..."
"Kasi hinihintay ko ang Daddy mo." Gusto niyang sabihin pero tinikom niya ang kanyang labi.
"Kasi po?"
"Huwag na lang natin pag usapan, Kian," sagot niya na lang.
Mukha na intindihan naman ng bata dahil iniba nito ang usapan at na punta sila sa malapit na kaarawan nito.
***
EXCITED na sinukat ni Mary ang binili niyang dress na kulay yellow at sandal. Mangha-mangha siya habang sinisipat ang sarili sa salamin maya-maya may nag door bell. Nagulat siya ng biglang na lang siyang niyakap ni King pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto. Umaalog ang mga balikat nito sa matinding emosyon nararamdaman,
sinakmal tuloy siya ng takot.
"Hey, what's wrong?" nag-alalang tanong niya.
Ilang sandali muna ang dumaan bago nito nagawang kontrolin ang sarili. Kumalas ito sa kanya namumula ang mga mata nito, nag alala tintigan niya ito.
"Dumating ang resulta ng biospy ni Kian, Mary. Hindi na kasi ako mapalagay, kaya pinilit kong alamin ngayon araw habang si Mama inaayos sana ang handa para sa birthday ni Kian," panimula nito.
"Ano ba ang resulta?" kinakabahang tanong niya.
May ideya na siya sa utak niya pero gusto niyang makumperma ito.
Tumingin ito sa kanya bago ng salita
"Gaya ng kinakatakutan ko.... it's positive," sagot nito na halos hindi lumalabas ang tinig sa lalamunan.
"May acute lymphocytic leukemia nga si Kian."
'Di makasalita niyakap ni Mary ang lalaki sabay silang pumunta sa bahay ng Mamatita ni King ng gabing 'yon habang nasa bayahe pinakalma niya na lang ang lalaki. Nang dumating sila imbes na party ang madadatnan nila isang nagkakagulong pamilya ang nadatnan nila mabilis na bumaba si King sa kotse nito at nilapitan ang kapatid na nakatayo sa gilid ng gate hawak ang cellphone nito tila may kinakausap ito.
"Hello Ma, andito na si Kuya, oo sasabihin ko.... sige......ma.... ano? Okay po.........kami na bahala rito.... sige.... bye."
Nang maibaba na nito ang cellphone at saka lang ito lumapit sa kapatid.
"Kuya, sinugod kanina si Kian sa hospital dahil nahimatay ito habang nakikipagbiruan sa kaibigan," sumbong ni Lord sa kapatid.
"Ano? Saang hospital dinala ang anak ko?" nanlalamig na tanong ni King sa kapatid.
"Sa Saint Gabriel kuya ito ang room number, nandon din si Mama," paliwanang ni Lord.
Mabilis na sumakay ulit si King sa kotse sumunod naman siya.
***
HINAPLOS ni Mary ang maputlang pisngi ni Kian. Gabi na noon at nasa hospital na sila. Kakatapos lang ito sumailalim sa unang chemotherapy treatment nito. Iyon ang pangunang lunas na sinasabi ng doktor habang wala pang nakukunang ka-match na bone marrow para sa stem cell transplant nito iyon lang daw ang pinakaepektibong treatment para mas tumataas ang chance na gumaling ang sakit nito.
Tulog si Kian nagdumating sila kahapon, ang Lola nito ang nagbabantay na mabilis tumakbo ng makita ang anak na si King at niyakap.
"King anak, kawawa naman ang apo ko," maluha-luhang sabi nito.
"Tahan na, 'Ma, gagaling si Kian, malakas yang anak ko," panpalakas nito sa loob ng Ginang.
Nalipat naman ang tingin nito sa kanya, nahihiyang napayuko naman siya, hindi ito ang unang pagkakataon nameet niya ang ina nito. Wala pa din ito pinagbago mas lalo lang ito gumaganda, idol niya ito noong highschool pa lamang siya, dahil napakasupportive nito sa mga anak.
"Magandang gabi po Ma'am," nahihiyang bati niya sa Ginang.
"Magandang gabi din iha, sino itong magandang babae kasama mo anak, girlfriend mo?" baling nito sa anak.
Namumula naman siyang at yumoko.
"Sana nga po girlfriend ako nitong anak mo," pilyang bulong ng maharot na isip niya.
"No, 'Ma. She's Kian friend, kapitbahay namin siya sa Fantasy condominium," sagot nito sa ina.
Tumango na lang ang Ginang habang siya ay lihim na nasaktan sa sinabi ng lalaki sapagkat mukha hindi siya talaga nito naalala.
***
NAGISING si Mary nang maramdaman niyang tila ba may tumatapik ng marahan sa kanyang pisngi. Minulat niya ng dahan-dahan ang kanyang mga mata at nang sumalubong sa kanya ang mukha ng lalaking pinapangarap niya ay hindi niya napigilan ang sariling magtaas ng kamay para abutin ang pisngi nito.
"Hey, I'm sorry to made you stay here-"
Napabalikwas siya ng bangon nang mapagtanto niyang hindi siya nananginip kundi totoo ang kanyang nakikita. Kinusot-kusot muna niya ang kanyang mga mata at nilibot ang paningin sa paligid. Nasa isang private room siya ng isang sikat na ospital.
"Are you okay? I'm sorry if ngayon lang ako. I got so busy with my clinic and the office-"
Naputol ang pag papaliwanang ng lalaki nang dinala niya ang kanyang daliri sa mga labi nito. Nag tama ang kanilang mga mata, she can feel pain, sadness at isa pang emosyun na hindi niya mapangalan sa mga mata nito.
"Hindi mo kailangan humingi ng tawad at magpaliwanang. I understand, masaya nga ako't nakakatulong ako sa inyong mag-ama." Ngitian niya ang lalaking hinawakan ang kamay niyang nasa labi nito at hinalikan iyon.
Mapungay ang mga matang napatitig siya sa lalaki dahil sa ginawa nito. Parang mamaiihi siya sa kabog ng kanyang dibdib nang dumampi muli ang mainit na labi ng lalaki sa kanyang kamay.
"Thank you for being here, thank you for being understanding and thank you for everything, Kian is lucky to meet a friend like you."
Parang gusto niyang umiiyak sa sinabi ng lalaki para pigilan ang sarili ay tumingala siya at marahang natawa sabay bawi sa kamay mula sa lalaki.
"Ano ka ba, wala iyon. Sino pa ba magtutulungan kundi tayo-tayo din."
Pagod na ngumiti ang lalaki. "Yeah, ahmmm kumain ka na ba?"
Napakurap-kurap siya sa tanong nito hindi niya lang kasi inaasahan na bigla itong magtatanong ng gano'n sa kanya.
"By the way, I like the smell of your hands and it's feels so soft..."
Napa-awang ang labi niya sa gulat ng bigla na lamang iyon sinabi ng lalaki. Habit ata nitong gulatin siya at pabilisin ang tibok ng puso niya.
"And you know what, I also like the way you smile." Ngumiti pa ito sa kanya habang siya ay pinigilan ang sariling mapa lumasay sa kilig at galak.
"T-talaga?" nauutal na tanong niya.
Nagkamot ito ng batok at tumango. "Yes..."
"You're unbelievable," na ibulalas niya.
Napatitig sa kanya ang lalaki akala niya magagalit ito sa sinabi niya pero wala siya nababasang galit sa mga mata nito kundi pagka-aliw. Hindi niya akalaing maririnig niya ang mga iyon sa lalaki at higit na hindi siya makapaniwalang palihim pala siya nito pinag-aaralan.
...
Binibining Mary ✍️
NAPANGITI si Mary nang matapos na niya lutuin ang mga kailangan ihain para mag-ama. Lumakad na siya patungo sa kung saan si Kian upang tawagin."Kian.... Kian!!" "Yes po, Tita Mary?""Kain ka na, baby, nasaan na Daddy mo?" nakangiting sabi niya."Sige po, nasa kwarto pa din po," sagot nito."Ganun ba, mauna ka na doon sa kusina, tatawagin ko lang si Daddy crush," may halong kapilyang giit niya."Yieeee, sige po," masayang sagot nito.Nang makarating na siya sa labas ng kwarto ng lalaki ay kaagad siyang puwesto sa harap ng pinto."Sir-boss-among-tunay, breakfast is ready.... ay! 'Di sumasagot...ahmmm," nagtatakang tanong niya sabay tulak sa pinto. Nagulat siya ng mapansing bukas ito, ganun pa man ay tinulak niya ang pintuan at pumasok."Kin—ayy, shit!" gulat na hiyaw niya sabay takip sa kaniyang mga mata at saka tumalikod. Nakita niya kasi ang hindi dapat makita, naka-half-naked lang naman ang lalaki sa harap niya. Sa palagay niya'y galing ito sa banyo at katatapos lang maligo."Ang O
NASA bahay na niya si Mary pero feeling niya nandun pa rin siya sa condo ni King. Grabe nakakahiya, nakakakilig, nakakainis at nakakabaliw ang nangyari kanina buti na lang paglabas niya sa cr nasa kusina na si Kian kasi kung hindi baka umuwi na lang siya sa sobrang hiya. Masaya ang bata nang makita siya at mas lalo pa itong sumaya nang ibigay niya ang cookies na niluto niya. Hinalik-halikan siya nito at niyakap, tuwang-tuwa naman siya. Si King naman nakamasid lang, magpapaalam na sana siya para umuwi pero pinigilan siya ni Kian at inalok na sabayan na ang mga ito sa tanghalian, kailan pa siya humihindi kay Kian? Medyo nawala na ang pagkailang niya pero sa tuwing nakikita niya at sinusubo ang itlog naalala niya uli, nagtanong pa nga si Kian kung bakit namumula siya. Sinabi niyang mainit pero alam niyang 'di naniwala ang bata sapagkat malakas ang air-conditioning habang si King naman tahimik pero alam niyang pinagtatawanan na siya nito, halata naman kasi na pinipigilan lang nito mapangi
PALABAS na siya sa kaniyang condo nang makita niya si Reynier na naka-upo sa kanyang sofa. Tumingin ito sa gawi niya nababasa niya ang pagtataka sa itsura nito."Oh, bhe, saan punta mo?" kaagad na tanong ni Reynier sa kanya. Bihis na bihis kasi siya gan'on din si Kianna."Hmmm bounding with girls lang, bhe, ikaw muna bahala dito sa bahay ko ah," habilin niya sa kaibigan."Sige, bhe, regards mo 'ko kay Janen ha?" pahabol nito."Opo," natatawang sagot niya.PAGDATING niya sa restaurant ng kaibigan niyang si Jonamie ay kaagad niyang nakita si Mariel at Myca."Oh! Anak mo?" manghang tanong ni Mariel."Oo, "di ba halata?" biro niya habang buhat-buhat ang anak."Hindi!! Wala man lang na mana sa 'yo," direktang sagot nito.Simaan niya naman ito ng tingin. Kahit kailan talaga napaka-abnormal itong kaibigan niya."'Di ka pa rin nagbabago," napailing na komento niya."Hmm parang may kamukha," singit ni Myca na sinusuri si Kianna na inosenteng nakatingin sa babae."Artista?" pabirong tanong niya
KALALABAS lang ni King sa kaniyang silid nang makita niya ang kaniyang anak na si Kian nakaupo sa may sofa."Kian...." tawag niya sa atensiyun ng anak."Yes po, Daddy?" sagot nito.Nakaupo ito sa kanilang sofa at bihis na bihis. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang kaniyang anak. "Hmm sino 'yung babaeng kinausap mo last week? Ba't close kayo anak?" mamaya ay usisa niya."Po?" nalilitong tumingin iyo sa kanya.Hindi kasi masyado naiintindihan ni Kian na may amnesia ang kanyang ama kaya't gano'n na lamang ang naging reaksiyun ng bata."Ahh, 'yun po ba, Daddy? Si Tita Mary po, kapitbahay po natin siya dati sa Fantasy Condominium. Mabait po siya sobra. Noong na hospital po ako, siya po ang nagbabantay sa akin kapag nasa work ka po, saka po sa pagkaalala ko nililigawan mo po siya kasi inutusan mo ako bigyan siya ng chocolates at nag-date pa kayo kaya nga po lagi mo ako iniiwan kay Lola-Mama ehh, diba ginagawa lang 'yun ng mag-dyowa? Saka po gusto ko siyang maging Mommy," mahabang salaysay n
1 YEAR AND 8 MONTHS LATER..."Mommy! Mommy! Wake up!" Ingay na nagmumula sa alarm clock ni Mary.Napabalikwas siya ng bangon dahil narinig niya ang tunog ng alarm clock, senyales kasi iyon na kailangan niyang painumin ng gatas ang kaniyang anak. Yes, nanganak na siya, mag iisang taon na ito and her name is Kianna Mary Sigua sobrang kyut nito at maganda mana sa ama, mukha itong girl version ni King, minsan nga nagtatampo siya kasi sa itsura wala man lang itong nakuha sa kanya dagdag mo pa sa ugali."Good morning, sweetheart," bati niya sa anak na naabutan niyang nakaupo na sa little chair nito, siguro kinuha ito ni Reynier sa crib nito sapagkat maaga nagising. Tinaas nito ang kamay sa kanya means gusto nitong magpabuhat. Nanggigil na binuhat niya ito."Naglalambing na naman ang baby ni Mommy hmm," aniya sabay halik sa pisngi ng anak at leeg. Tawang tawa naman ito pati siya natawa na din."Good morning, bhe," bati ng bagong dating na si Reynier galing sa kusina may bitbit kasi itong ul
NARITO siya ngayon sa kaniyang condo, kasama niya ang kaniyang pinsan na si Valliere ang nakababatang kapatid ni Juliane."Nagpunta ka na ba sa clinic niya, pinsan? O sa opisana niya?" tanong ni Vallire sa kanya.Tumango naman siya. " Oo eh, kaso wala din ako nakuha,” malungkot tugon niya.Mag-iisang buwan na pero wala pa rin siyang clue kung nasaan sina King at Kian. Noong nakaraang araw muntik pa siyang mahimatay sa sobrang hilo. Buti na lang inalalayan siya ni Reynier, sinamahan siya kasi nito. Ito lagi ang taga comfort niya dahil gabi-gabi siyang umiiyak, ewan ba niya pero sobrang napakaemosyunal niya.Nagtataka rin siya kada umaga sumusuka siya at ‘di maganda ang pakiramdam niya nitong mga nakalipas na araw at meron pagkakataong inaaway niya si Reynier kasi kumain ito ng cheese na ‘di niya nagustuhan ang amoy. May clue na siya kung ano ‘tong nangyayari sa kanya pero kailangan niyang ikumpirma muna. Tumunog bigla cellphone niya napatalon tuloy siya sa isipang baka si King ang tuma







