Share

One

Author: Allecorianna
last update publish date: 2026-07-01 09:14:45

AMBER REYES

Nakatutok ako sa lumang kuwaderno ni Noah habang paulit-ulit na binabasa ang mga tanong sa kanyang assignment. Mahina ang ilaw ng bombilyang nakasabit sa aming maliit na sala, ngunit sapat na iyon para mabasa ko ang mga nakasulat sa papel. Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa kapatid kong himbing na natutulog sa lumang banig na nakalatag sa sahig.

Napangiti ako nang makita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya habang natutulog. Siguro ay sobrang napagod talaga siya kanina. Maaga pa lamang ay naglaba na siya ng tambak naming mga damit sa likod ng bahay. Ilang beses ko pa siyang pinagsabihan na ako na ang gagawa noon, pero matigas talaga ang ulo niya. Palagi niyang sinasabi na ayaw niyang ako lang ang nahihirapan para sa aming pamilya.

Grade eleven na ngayon si Noah at malapit nang tumungtong sa kolehiyo. Matalino siya at palaging nasa honor list kaya ginagawa ko ang lahat para hindi siya mapatigil sa pag-aaral. Ayokong maranasan niya ang mga bagay na pinagdaanan ko noon nang mapilitan akong huminto sa pag-aaral para buhayin ang pamilya namin matapos mamatay si papa.

Dahil sa sobrang pagod, hindi na niya nagawang tapusin ang assignment niya at nakatulog na lamang siya matapos kumain ng hapunan. Kaya naisip kong ako na lang ang sumagot. Hindi naman dahil gusto kong sanayin siyang umasa sa akin, kundi dahil gusto kong makabawi man lang sa lahat ng pagsisikap niya.

Huminga ako nang malalim at muling ibinalik ang atensyon ko sa kuwaderno. Ngunit ilang segundo pa lamang ang lumilipas ay napahinto ako nang marinig ang sunod-sunod na pag-ubo ni mama mula sa kanyang silid.

Agad akong tumayo at nagmadaling lumapit sa kanya.

Pagpasok ko sa maliit niyang kuwarto ay nadatnan ko siyang nakaupo sa kama habang hinihingal at nakatakip ang panyo sa kanyang bibig. Nagsimulang kumabog nang mabilis ang dibdib ko nang makita kong may bahid iyon ng dugo.

"Mama..." mahinang tawag ko habang lumalapit.

Mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay at pinilit ngumiti kahit unti-unti ng pinupuno ng takot ang puso ko. Ilang buwan na siyang may sakit at halos maubos na ang kaunting ipon namin sa pagpapagamot niya. Kahit anong trabaho ang pasukan ko ay hindi pa rin sapat ang kinikita ko para sa lahat ng gastusin namin.

"Ayos lang ako, anak," mahina niyang sabi habang pilit na ngumingiti.

Pero alam kong hindi iyon totoo.

Mas lalo siyang pumapayat sa bawat araw na lumilipas at mas madalas na rin siyang hinihingal. Minsan ay nahuhuli ko siyang umiiyak nang palihim dahil alam niyang nahihirapan na ako.

Pinigilan kong maiyak habang marahang hinihimas ang kanyang likod.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin. Hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng pera. Pero isang bagay ang sigurado.

Hindi ako susuko.

KINABUKASAN, nagising ako nang marinig ko nang ingay ng nag-uusap sa sala. Dahan-dahan kong imulat ang mga mata ko at saka bumangon. Inayos ko muna ang itsura ko bago lumabas sa maliit kong silid. At laking gulat ko nang makita si Lisa.

Ang kababata ko at matalik kong kaibigan na nagtatrabaho sa Maynila.

"Ay sa wakas! Gising na ang maganda kong frenny!" malakas ang boses niyang sambit bago ako niyakap ng mahigpit.

"Grabe ang ganda mo na! Parang hindi kasambahay ang trabaho mo. Pumuti ka pa at kuminis!"

Kumalas siya ng yakap sa akin at saka nagkibit-balikat.

"Well, napakayaman ba naman kasi ng amo ko. Kahit medyo masama ang ugali, hindi naman madamot sa pagkain at libre naman kami sa lahat," aniya sabay tawa.

"Mabuti napadalaw ka dito."

"Ay oo! Tatlong araw ako dito kasi nagsabi akong dadalawin ko sina mama at papa. Pero may isa pang dahilan kung bakit ako nandito."

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

"Ano iyon?"

"Naghahanap ng isa pang kasambahay ang amo ko. At ako ang sinabihan kasi nga probinsyana ako at mapagkakatiwalaan talaga. Kaya naisip agad kita. Fifty thousand ang monthly ko doon at libre pa sa lahat. Ano? Gusto mo ba? Kapag pumayag ka, sasama ka na sa akin doon."

Napatingin ako kay mama bago kay Noah. Malaking pera ang fifty thousand para sa isang kasambahay. Dito madalas na hindi pa aabot ng sampung libong piso ang isang buwan.

"Anak... malaking sahod iyon at marami tayong mabibili doon. Maigi sigurong subukan mo," wika ni mama sabay ngiti.

"Oo nga, ate. Ayos lang kami ni mama. Ako na ang bahala kay mama dito. Hindi ko siya pababayaan."

Napakurap ako habang nakatingin sa kanila.

"Sigurado ba kayo diyan? Ayos lang ba kayo dito kung sakaling magtrabaho ako sa Maynila?"

Mabilis na tumango si mama at saka lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at saka ngumiti.

"Ayos na ayos lang kami dito, anak. Sayang ang opportunity na ito kung tatanggihan mo. Malaki ang pasahod sa Maynila kaysa dito."

Napatingin ako kay Lisa na ngayon ay nakangiti. Mapait akong ngumiti bago niyakap si mama.

"Sige po, mama. Palagi na lang akong tatawag sa inyo. Huwag niyo pong pababayaan ang sarili ninyo. Mami-miss ko po kayo."

Pakiramdam ko maiiyak na agad ako kahit hindi pa ako umaalis. Napangiti ako habang nakatingin kay mama. At si Noah naman ay yumakap sa akin.

"Huwag kayong mag-alala... gagalingan ko doon para sa inyo. Kayo ang gagawin kong inspirasyon para hindi ako sumuko at mapagod," naiiyak kong sabi sabay ngiti.

"Anak, palagi mong tatandaang mahal na mahal kita. Sobra akong nagpapasalamat na ikaw ang naging ko. Napakabait mo at mapagmahal sa pamilya."

Napangiti na lang ako habang naluluha. Kahit papaano medyo gumaan ang pakiramdam ko. Ngunit hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi ko alam kung anong klaseng tao ang makakasalamuha ko sa Maynila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Maid for the Boss (SPG)   Seven

    AMBER MABILIS akong tumayo dahil naiilang na ako sa t1te ni Haven na sumusundot sa puson ko. Ngunit dahil nagkalat pa rin doon ang juice at hindi ko pa rin nalalampaso, muntik na naman akong masubsob at napahawak na naman ako sa pagitan ng kanyang hita. “Ay jusmiyo ang laki!” bulalas ko sabay layo kay Haven. Nakangiwi siya habang hawak-hawak ang kanyang pagkalalak1. At ako naman ay nanlalaki ang mga mata mabilis na tumayo at nakatingin sa kanya. “Nakakaloka ka naman, sir! Bakit ang lumaki bigla? Parang noong una ko iyang hinawakan, hindi naman ganiyan kalaki! Pero ngayon…bakit parang biglang naging sawa! Ganyan ba talaga iyan? Lumalaki na lang bigla?” Mabagal siyang tumango at tila ba nasasaktan pa rin. Siguro masyado ko na namang napisat ang alaga niya kaya masakit para sa kanya iyon. “Nababaliw ka na ba talaga? Bakit ganyan ang mga tanong mo? Bakit, ngayon ka lang ba nakahawak ng ganito? At hindi mo alam na talagang lumalaki ito?” Tila nag-init ang pisngi ko at saka mabagal

  • Maid for the Boss (SPG)   Six

    AMBER SUMUNOD NA ARAW, abala ako sa paglalampaso nang biglang may bumuhos na juice sa harapan ko. Pagtingin ko, nakangising nakatingin sa akin si Haven. Kung saan ang isang basong juice na hawak niya ay tinapon niya sa kalalampaso ko lang na sahig. “Sir? Ano naman po ang nakain niyo at parang nawala kayo sa sariling pag-iisip?” Biglang sumama ang mukha niya at saka matalim ako ang tiningnan. “Ang lakas din ng loob mong magsalita ng ganiyan sa akin? Sino ka ba sa inaakala mo?” galit ang boses niyang sabi. “Sir, sa pagkakatanda ko po nasa edad trenta na po kayo. At iyong ginawa niyo po ngayon ay hindi gawain ng isang trenta anyos na lalaki. Matatanggap ko pa kung isang bata ang gumawa niyan. Pero bakit naisipan mong ibuhos ang juice na iyan? Sa katatapos ko pang lampasuhin na sahig? Ano po iyan, sir? Trip niyo lang o tamang baliw-baliwan lang po kayo?” mahinahon kong sabi habang nakakunot ang noo ko. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga na para bang galit na galit na siya sa

  • Maid for the Boss (SPG)   Five

    AMBER Dalawang araw ang lumipas matapos sabihin sa akin sir Haven na kapag tinitigan ko pa siya ulit, kakaladkarin na niya ako palabas ng mansyon. Ano bang problema niya? Parang sobra naman siyang makapagsalita eh wala naman akong ginagawang masama. Parang tinitingnan ko lang siya dahil humahanga ako sa kagwapuhan niya pero grabe ang ugali! Abala ako ng araw na iyon sa pagdidilig ng halaman. Ni hindi ko nga napansin na may tao na pala sa likuran ko dahil seryoso ako sa ginagawa ko. “Huwag mong masyadong lunurin iyang mga halaman.” Sa labis nagulat ko ay napasigaw at napatalon. Sa hindi inaasahang sandali ay na-out of balance ako. Kung kaya naman para hindi tuluyang lumagapak ang mukha ko lupa, napahawak ako sa lalaking nasa harapan ko. Ngunit hindi ko inaasahang ibang bahagi ng katawan niya ang mahahawakan ko. “Putang1na!” Hindi nga nasubsob ang mukha ko sa lupa dahil naitukod ko agad ang siko ko. At mabilis akong tumayo. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya na

  • Maid for the Boss (SPG)   Four

    AMBER DALAWANG araw ang lumipas ganoon pa rin ang nangyayari. Kapag kumakain sila, bawal kaning tumingin. Pero minsan, nahihirapan akong gawin iyon."Lisa, bakit ba bawal silang tingnan? Ano ba ang mangyayari sa kanila kapag tiningnan sila habang kumakain?" hindi ko napigilang tanong."Hindi ko rin alam eh. Siguro maiilang sila? Hindi ko talaga alam pero sinusunod ko na lang. Alam mo naman ang mayayaman, may kanya-kanya silang rules. Minsan ang weird pa nga. Pero mas mainam na sumunod ka na lang.""Oo tama ka. Medyo weird nga sila pero grabe sobrang yaman ng pamilya nila. Tapos para silang mga robot. Parang ayaw ngumiti ng isa sa kanila.""Hayaan mo na sila. Basta ang mga tanong mo, sa sarili mo lang itanong. Basta ang payo ko sa iyo, sundin mo lang ang lahat ng rules dito," wika niya bago ako kinindatan.Bumuga na lang ako ng hangin bago tumango. Katulad na lang ngayong araw. Matapos ang hapunan ay isa-isang tumayo ang mga miyembro ng pamilya mula sa kanilang mga upuan. Walang imi

  • Maid for the Boss (SPG)   Three

    AMBERHindi pa man tuluyang lumulubog ang araw ay naging mas abala na ang buong mansyon. Kung kanina ay may kanya-kanyang gawain lamang ang mga kasambahay, ngayon ay tila sabay-sabay silang kumikilos. Ang iba ay naghahanda ng mga plato at kubyertos sa napakahabang dining table. Habang ang ilan naman ay abala sa pagluluto at paglalagay ng iba't ibang putahe sa malalaking serving plates.Hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid habang maingat na ginagawa ang ipinagagawa sa akin ni ate Joan. Kanina lamang ako dumating sa mansyong ito ngunit pakiramdam ko ay napakarami ko nang nakita sa loob ng isang araw. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nakapasok ako sa bahay ng isang napakayamang pamilya."Amber."Napapitlag ako nang marinig ang boses ni ate Joan."Yes, po?""Ilagay mo na itong mga baso sa dining room. Mag-iingat ka dahil imported ang mga iyan. Kapag may nabasag ka, isang buwan mong sahod ang katapat."Nanlaki ang mga mata ko."Ha? Isang buwan po? Grabe naman!”Mabili

  • Maid for the Boss (SPG)   Two

    AMBER "Ano? Tara na?" wika ni Lisa habang naghihintay sa akin sa labas ng bahay. Napatingin muna ako kina mama at Noah bago tuluyang lumabas ng bahay. Kagabi pa kami nag-iyakan tatlo at nagyayakapan. Tuloy-tuloy na akong naglakad at hindi na sila nilingon pa. Baka kasi kapag ginawa ko iyon, hindi na ako makaalis. "Nga pala...papayuhan na kita. Kapag pinagalitan ka, huwag kang iiyak at susuko. Pagkapasok sa tainga mo, ilabas mo agad sa kabila. Kagaya nga ng sinabi ko, medyo masama ang ugali ng mga iyon. Pero nagtitiis na lang kami dahil malaki ang sahod," wika ni Lisa habang nasa traysikel kami. "Oo sige. Ako pa ba? Kailangan ko talagang tibayan ang loob ko para sa kanila. Gusto kong gumaling si mama at mabili ang mga pangangailangan nila." ILANG oras din ang inabot ng byahe namin bago kami nakarating sa Maynila. Halos lumuwa ang mata ko sa laki ng bahay na nasa harapan ko. Parang hindi nga ito bahay. Para itong mansyon. Nakakalula sa laki at ganda. "Hoy, ano ka na? Kanina

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status