Se connecterAMBER
Hindi pa man tuluyang lumulubog ang araw ay naging mas abala na ang buong mansyon. Kung kanina ay may kanya-kanyang gawain lamang ang mga kasambahay, ngayon ay tila sabay-sabay silang kumikilos. Ang iba ay naghahanda ng mga plato at kubyertos sa napakahabang dining table. Habang ang ilan naman ay abala sa pagluluto at paglalagay ng iba't ibang putahe sa malalaking serving plates. Hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid habang maingat na ginagawa ang ipinagagawa sa akin ni ate Joan. Kanina lamang ako dumating sa mansyong ito ngunit pakiramdam ko ay napakarami ko nang nakita sa loob ng isang araw. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nakapasok ako sa bahay ng isang napakayamang pamilya. "Amber." Napapitlag ako nang marinig ang boses ni ate Joan. "Yes, po?" "Ilagay mo na itong mga baso sa dining room. Mag-iingat ka dahil imported ang mga iyan. Kapag may nabasag ka, isang buwan mong sahod ang katapat." Nanlaki ang mga mata ko. "Ha? Isang buwan po? Grabe naman!” Mabilis tumango si ate Joan. "Hindi ako nagbibiro. Ganoon kamahal iyan.” Agad akong napalunok bago marahang tinanggap ang tray na puno ng mga kristal na baso. "Si-Sige po..." Napabuntong-hininga ako nang makaalis siya. "Grabe naman...isang baso lang katumbas na agad ng isang buwan kong paghihirap? Hindi yata baso ang mga ito. Baka gawa ito sa ginto," bulong ko sa sarili dahilan upang mapahagikgik si Lisa na nasa tabi ko. "Huwag kang masyadong maraming sinasabi. Baka marinig ka." "Nakakatakot naman kasi ang presyo. Hindi kapani-paniwala.’ "Mas matakot ka kapag si Madam Gina ang nakaharap mo." Napakamot na lamang ako sa ulo bago maingat na naglakad papunta sa dining room. Halos mapasinghap na naman ako nang makita ang napakalaking hapag-kainan. Mahigit sampung tao yata ang maaaring kumain nang sabay-sabay roon. Ang makintab na mesa ay napapalibutan ng mamahaling upuan habang sa gitna nito ay nakahanda na ang iba't ibang klaseng pagkain. May steak, baked salmon, roasted chicken, iba't ibang pasta, salad at mga pagkaing hindi ko pa man lang naririnig ang pangalan. Sa probinsiya, malaking handaan na para sa amin ang may pritong isda at gulay sa hapag. Dito, pakiramdam ko ay araw-araw na yata silang may piyesta. Maingat kong inayos ang mga baso bago ako lumapit muli sa kusina. "Amber." Lumingon ako kay ate Joan. "Kapag bumaba na ang pamilya, tayong mga kasambahay ang magse-serve. Huwag kang magsasalita maliban na lang kung may itatanong sila sa iyo. Huwag ka ring basta titingin sa kanila." Napakurap ako. "Bakit po?" "Dahil hindi mo trabaho ang titigan ang mga amo." Agad akong tumango. "Opo." Ngunit kahit sinabi niya iyon ay hindi ko maiwasang maalala ang lalaking nakita ko kanina sa hardin. Young Master Haven. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa isip ko ang mukha niya. Kahit seryoso siya at halos walang emosyon ang ekspresyon, parang may kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag. "Ano ba itong iniisip mo, Amber? Nandito ka para magtrabaho, hindi para humanga sa isang guwapo,” saway ko sa sarili. Napailing ako bago itinuloy ang pag-aayos ng mga pagkain. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsimula nang bumukas ang pinto ng dining room. Isa-isang pumasok ang mga miyembro ng pamilya. Nauna ang isang matandang babae na elegante ang pananamit at halatang may awtoridad sa buong bahay. Hindi na kailangan pang sabihin kung sino siya. Si Madam Gina. Kasunod niya ang isang babaeng nasa limampung taong gulang na napakaayos ng bihis at seryoso rin ang mukha. Marahil ay si Madam Grace. Sunod namang pumasok ang isang lalaking may edad na ngunit matikas pa rin ang tindig. Nakasuot ito ng simpleng polo ngunit kitang-kita pa rin ang pagiging elegante nito. At pagkatapos nilang tatlo... Siya. Si Haven. Hindi ko alam kung bakit tila bumagal ang oras nang makita ko siyang muling pumasok sa silid. Simple lamang ang suot niyang itim na long sleeves na nakatiklop hanggang siko ngunit tila mas lalo pa siyang gumuwapo sa simpleng ayos na iyon. Diretso siyang naglakad patungo sa kanyang upuan ng hindi man lamang lumilingon sa paligid. "Amber." Napapitlag ako nang marinig ang mahinang bulong ni Lisa. "Huwag kang tumitig." Agad kong ibinaling ang tingin ko sa hawak kong serving plate. "Nakatitig ba ako?" "Oo. Kanina ka pa nakatingin kay sir Haven. Lagot ka talaga kapag nahili kang nakatitig.” "Sorry, hindi ko sinasadya.” "Kontrolin mo sarili mo." Hindi ko napigilang mapangiwi. Tumikhim si ate Joan bilang hudyat na magsimula na kaming magsilbi. Isa-isa naming inilapag ang mga pagkain sa mesa. Tahimik lamang ang buong pamilya habang kumakain. Walang nagsasalita. Ang tanging maririnig lamang ay ang mahinang tunog ng kubyertos na tumatama sa mga plato. Habang naglalagay ako ng juice sa baso ni Madam Grace ay hindi ko na naman napigilan ang sariling mapatingin kay Haven. Tahimik siyang kumakain. Napakaingat ng bawat galaw niya. Maging ang paraan ng paghawak niya sa kubyertos ay napakaelegante. Hindi ko tuloy maiwasang ikumpara siya sa mga lalaking kilala ko sa probinsiya. "Ang layo talaga..." Hindi ko namalayang nasabi ko pala iyon ng mahina. "Ano?" bulong ni Lisa. "Wala." Mayamaya pa ay muli akong napatingin kay Haven. "Ewan ko ba. Bakit parang artista ang dating niya? Hindi naman siya ngumingiti pero ang guwapo pa rin,” sabi ko sa isipan. Napailing na lang akonat tinuon ang tingin sa ibang direksyon. Ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay muli na naman akong napasulyap. Hindi ko alam kung ilang beses ko siyang palihim na tiningnan habang nagseserve kami. Paminsan-minsan ay napapaisip pa ako kung totoo bang tao siya o baka mannequin lang na binigyan ng buhay dahil halos wala talaga itong emosyon. "Siguro kapag ngumiti ito, hihinto ang mundo," natatawa kong sabi sa isip. Sa pagkakataong iyon ay biglang nagsalita si Madam Gina. "Haven." "Yes, Grandma?" "Bukas ay samahan mo ako sa shareholders meeting." "I already cleared my schedule." "Good." Muli na namang natahimik ang buong hapag. Ipinagpatuloy ko ang pagse-serve ngunit hindi ko napansin na habang inilalagay ko ang isang mangkok ng soup ay muli na naman akong napatitig kay Haven. Sa pagkakataong ito… bigla siyang nag-angat ng ulo. Halos mapatalon ako sa gulat nang muntik nang magtagpo ang aming mga mata. Mabilis akong yumuko at kunwari ay inaayos ang kutsara sa mesa. "Diyos ko... muntik na,” sigaw ko sa isipan. Ramdam kong umiinit ang magkabila kong pisngi. Hindi ko alam kung bakit parang lutang ako ngayon. Ang alam ko lang, ngayon lang ako nakakita ng lalaking ganoon kaguwapo. At sa bawat minutong lumilipas, mas lalo akong nahihiyang isipin na baka nahahalata na ng lahat ang panay kong pagsulyap sa kanya. Hindi ko alam na ang gabing iyon ay simula pa lamang ng isang bagay na hindi ko inaasahang mangyayari sa buhay ko.AMBER MABILIS akong tumayo dahil naiilang na ako sa t1te ni Haven na sumusundot sa puson ko. Ngunit dahil nagkalat pa rin doon ang juice at hindi ko pa rin nalalampaso, muntik na naman akong masubsob at napahawak na naman ako sa pagitan ng kanyang hita. “Ay jusmiyo ang laki!” bulalas ko sabay layo kay Haven. Nakangiwi siya habang hawak-hawak ang kanyang pagkalalak1. At ako naman ay nanlalaki ang mga mata mabilis na tumayo at nakatingin sa kanya. “Nakakaloka ka naman, sir! Bakit ang lumaki bigla? Parang noong una ko iyang hinawakan, hindi naman ganiyan kalaki! Pero ngayon…bakit parang biglang naging sawa! Ganyan ba talaga iyan? Lumalaki na lang bigla?” Mabagal siyang tumango at tila ba nasasaktan pa rin. Siguro masyado ko na namang napisat ang alaga niya kaya masakit para sa kanya iyon. “Nababaliw ka na ba talaga? Bakit ganyan ang mga tanong mo? Bakit, ngayon ka lang ba nakahawak ng ganito? At hindi mo alam na talagang lumalaki ito?” Tila nag-init ang pisngi ko at saka mabagal
AMBER SUMUNOD NA ARAW, abala ako sa paglalampaso nang biglang may bumuhos na juice sa harapan ko. Pagtingin ko, nakangising nakatingin sa akin si Haven. Kung saan ang isang basong juice na hawak niya ay tinapon niya sa kalalampaso ko lang na sahig. “Sir? Ano naman po ang nakain niyo at parang nawala kayo sa sariling pag-iisip?” Biglang sumama ang mukha niya at saka matalim ako ang tiningnan. “Ang lakas din ng loob mong magsalita ng ganiyan sa akin? Sino ka ba sa inaakala mo?” galit ang boses niyang sabi. “Sir, sa pagkakatanda ko po nasa edad trenta na po kayo. At iyong ginawa niyo po ngayon ay hindi gawain ng isang trenta anyos na lalaki. Matatanggap ko pa kung isang bata ang gumawa niyan. Pero bakit naisipan mong ibuhos ang juice na iyan? Sa katatapos ko pang lampasuhin na sahig? Ano po iyan, sir? Trip niyo lang o tamang baliw-baliwan lang po kayo?” mahinahon kong sabi habang nakakunot ang noo ko. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga na para bang galit na galit na siya sa
AMBER Dalawang araw ang lumipas matapos sabihin sa akin sir Haven na kapag tinitigan ko pa siya ulit, kakaladkarin na niya ako palabas ng mansyon. Ano bang problema niya? Parang sobra naman siyang makapagsalita eh wala naman akong ginagawang masama. Parang tinitingnan ko lang siya dahil humahanga ako sa kagwapuhan niya pero grabe ang ugali! Abala ako ng araw na iyon sa pagdidilig ng halaman. Ni hindi ko nga napansin na may tao na pala sa likuran ko dahil seryoso ako sa ginagawa ko. “Huwag mong masyadong lunurin iyang mga halaman.” Sa labis nagulat ko ay napasigaw at napatalon. Sa hindi inaasahang sandali ay na-out of balance ako. Kung kaya naman para hindi tuluyang lumagapak ang mukha ko lupa, napahawak ako sa lalaking nasa harapan ko. Ngunit hindi ko inaasahang ibang bahagi ng katawan niya ang mahahawakan ko. “Putang1na!” Hindi nga nasubsob ang mukha ko sa lupa dahil naitukod ko agad ang siko ko. At mabilis akong tumayo. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya na
AMBER DALAWANG araw ang lumipas ganoon pa rin ang nangyayari. Kapag kumakain sila, bawal kaning tumingin. Pero minsan, nahihirapan akong gawin iyon."Lisa, bakit ba bawal silang tingnan? Ano ba ang mangyayari sa kanila kapag tiningnan sila habang kumakain?" hindi ko napigilang tanong."Hindi ko rin alam eh. Siguro maiilang sila? Hindi ko talaga alam pero sinusunod ko na lang. Alam mo naman ang mayayaman, may kanya-kanya silang rules. Minsan ang weird pa nga. Pero mas mainam na sumunod ka na lang.""Oo tama ka. Medyo weird nga sila pero grabe sobrang yaman ng pamilya nila. Tapos para silang mga robot. Parang ayaw ngumiti ng isa sa kanila.""Hayaan mo na sila. Basta ang mga tanong mo, sa sarili mo lang itanong. Basta ang payo ko sa iyo, sundin mo lang ang lahat ng rules dito," wika niya bago ako kinindatan.Bumuga na lang ako ng hangin bago tumango. Katulad na lang ngayong araw. Matapos ang hapunan ay isa-isang tumayo ang mga miyembro ng pamilya mula sa kanilang mga upuan. Walang imi
AMBERHindi pa man tuluyang lumulubog ang araw ay naging mas abala na ang buong mansyon. Kung kanina ay may kanya-kanyang gawain lamang ang mga kasambahay, ngayon ay tila sabay-sabay silang kumikilos. Ang iba ay naghahanda ng mga plato at kubyertos sa napakahabang dining table. Habang ang ilan naman ay abala sa pagluluto at paglalagay ng iba't ibang putahe sa malalaking serving plates.Hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid habang maingat na ginagawa ang ipinagagawa sa akin ni ate Joan. Kanina lamang ako dumating sa mansyong ito ngunit pakiramdam ko ay napakarami ko nang nakita sa loob ng isang araw. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nakapasok ako sa bahay ng isang napakayamang pamilya."Amber."Napapitlag ako nang marinig ang boses ni ate Joan."Yes, po?""Ilagay mo na itong mga baso sa dining room. Mag-iingat ka dahil imported ang mga iyan. Kapag may nabasag ka, isang buwan mong sahod ang katapat."Nanlaki ang mga mata ko."Ha? Isang buwan po? Grabe naman!”Mabili
AMBER "Ano? Tara na?" wika ni Lisa habang naghihintay sa akin sa labas ng bahay. Napatingin muna ako kina mama at Noah bago tuluyang lumabas ng bahay. Kagabi pa kami nag-iyakan tatlo at nagyayakapan. Tuloy-tuloy na akong naglakad at hindi na sila nilingon pa. Baka kasi kapag ginawa ko iyon, hindi na ako makaalis. "Nga pala...papayuhan na kita. Kapag pinagalitan ka, huwag kang iiyak at susuko. Pagkapasok sa tainga mo, ilabas mo agad sa kabila. Kagaya nga ng sinabi ko, medyo masama ang ugali ng mga iyon. Pero nagtitiis na lang kami dahil malaki ang sahod," wika ni Lisa habang nasa traysikel kami. "Oo sige. Ako pa ba? Kailangan ko talagang tibayan ang loob ko para sa kanila. Gusto kong gumaling si mama at mabili ang mga pangangailangan nila." ILANG oras din ang inabot ng byahe namin bago kami nakarating sa Maynila. Halos lumuwa ang mata ko sa laki ng bahay na nasa harapan ko. Parang hindi nga ito bahay. Para itong mansyon. Nakakalula sa laki at ganda. "Hoy, ano ka na? Kanina







