INICIAR SESIÓNDahil sa isang business scandal na sinimulan ng pamilya ni Thalia Salvador, naapektuhan nang malaki ang kumpanya ni Rio Velasco. Nawalan siya ng milyon-milyong pera at nasira ang reputasyon ng kanyang kumpanya. Kasabay nito, iniwan siya ng babaeng dapat sana niyang pakasalan. Sa halip na ma-merge ang kumpanya ni Rio sa pamamagitan ng kasal, pinili ng babae na magpakasal sa ibang lalaki—at doon nag-merge ang kanilang mga kumpanya. Dahil sa galit at paghihiganti, nagdesisyon si Rio na ipakulong ang pamilya ni Thalia upang pagbayarin sila sa ginawa nila. Wala silang ibang choice kundi magmakaawa sa kanya. Pumayag si Rio na tulungan sila, pero may isang kondisyon. Si Thalia ang magiging personal maid niya. Kailangan niyang sumunod sa lahat ng utos ni Rio—kahit pa sa mga personal na bagay. Para kay Thalia, ito lang ang paraan para mailigtas ang kanyang pamilya, kahit ang kapalit ay ang sarili niyang kalayaan.
Ver másThalia Salvador
Napaigtad ako nang hampasin ni Dad ang lamesa sa harap namin. Umalingawngaw sa buong kwarto ang ingay noon. Nasa opisina niya kami dito sa bahay. Nasa tabi niya si Tita Lumi, nakahawak sa balikat niya. Si Dad ay nakaupo sa swivel chair niya. Kinurot-kurot ko ang kamay ko para pigilan ang sarili kong umiyak. But with what’s happening in my life right now, ang tanging magagawa ko na lang ay umiyak. “’Yon ang gusto niya kaya ’yon ang mangyayari!” sigaw ni Dad. Matalim ang titig niya sa akin. I don’t see fatherly love in the way he looked at me. He’s just all rage. “Thalia, ipapakulong niya tayo kung hindi mo gagawin. Wala ka bang awa sa Dad mo?” pangungumbinsi ni Tita Lumi, my stepmother. Dad has a weak heart. Kung makukulong siya, puwedeng lumala ang sakit niya. Pero paano naman ako? I’ll be the collateral damage? Wala naman akong kasalanan pero ako ang magbabayad? “What about me? Rio’s very mad. Kung papapuntahin ninyo ako sa kanya, he will do anything to hurt me.” I tried to convince them. I want them to see the situation, to at least make them realize that this is not a good idea. “And what do you want, ha? Ang makulong kami? Kung hindi mo gagawin, lahat tayo ay mananagot! Huwag mong isipin na hindi ka kasama. Lahat tayo dito, Thalia!” sigaw ni Tita Lumi. “But this is just so unfair!” Dad scoffed at me. “That’s enough, Lumi,” marahan niyang baling kay Tita. Nag-init ang mata ko nang matapos tumingin ni Dad kay Tita sa marahang titig. Nang sa akin siya tumingin, it changed into dismay, anger, and irritation. “Ipinatawag kita dito para ipaalam sa iyo na maninilbihan ka kay Rio Velasco! Do whatever he wants you to do. Please him. Huwag kong malalaman na itutuloy niya ang demanda sa atin…hindi mo magugustuhan ang parusa ko!” he said with spite. Nanlumo ako. “Dad, how about my studies?” naluluha kong tanong. “At anong alam ko sa paninilbihan? I grew up having a maid.” Kumuyom ang kamay ni Dad sa sagot ko. “Enough! You will do as I say! Huwag mo nang problemahin ang pag-aaral mo! Aanhin mo ’yan kung makukulong ka?” I couldn’t help it. I laughed sarcastically. Tumungo ako para hindi makita ang panunubig ng mga mata ko. Kung takot pala silang makulong, bakit nila binangga si Rio Velasco? He’s known for being ruthless. And now they want me to pay for what they did? Nawala ang atensyon sa akin nina Dad at Tita Lumi nang bumukas ang pinto. Narinig kong pumasok si Ashley, ang anak ni Tita Lumi, my dad’s stepdaughter. “Mom, what’s happening?” tanong niya sa concerned na tono. “Nothing, darling. Your sister is being hardheaded again. Ang hirap pagsabihan,” ani Tita Lumi. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Ashley. “Thalia, be considerate. Alam mong mahina ang puso ni Dad, ginagalit mo pa. When are you going to be a good daughter for once?” she said, disappointed. Umangat ang mata ko sa kanya. I looked at her pissed off. “Good daughter? Anong alam mo?” “Thalia!” banta ni Dad. Pero masyado na akong naiinis kay Ashley na hindi ko na pinansin ang banta. “Sige nga! If you’re being a good daughter, bakit hindi ikaw ang pumunta kay Rio at manilbihan sa kanya! You’re a good daughter, right? Gawin mo!” Hindi ko napaghandaan ang paglapit ni Tita Lumi. Bigla na lang siyang lumapit at bago pa ako makaiwas, naramdaman ko ang palad niya sa pisngi ko. Pagkatapos ng sampal, sandaling nawalan ako ng pandinig. Napatitig lang ako kay Ashley na umiiyak na ngayon. Yakap-yakap siya ni Tita Lumi. Tumayo si Dad at lumapit sa kanila. He hugged both of them, comforting them. I smiled bitterly as I watched them. I am the real daughter of my dad, but his love was for his stepdaughter. Imbes na ako ang yakapin dahil nasampal ako, sila pa ang niyayakap niya. I was the outsider in my own home. “Anong masama sa sinabi ko? I was just concerned, Dad. Bakit ako ang nagiging masama?” humahagulgol na sabi ni Ashley. “Masama na bang magsabi ngayon?” Matalim na titig ang ipinukol sa akin ni Dad. “Lumabas ka na at mag-ayos! Ihahatid ka ng driver sa bahay ni Rio. Make sure you please the man, Thalia, nang may pakinabang ka man lang dito!” Lumabas ako ng opisina dahil masakit silang pagmasdan. Dad loves his second wife and his stepdaughter more than his own daughter. More than me. Mabibigat ang hakbang ko papunta sa kwarto ko, pero hindi ko inasahan ang nadatnan ko. Nakahanda na ang mga gamit ko sa mga maleta. Mabilis kong tinungo ang cabinet ko at binuksan iyon. Umawang ang labi ko ng makitang wala ni isang laman non. It was empty. Nanlumo ako. Determinado talaga silang manilbihan ako sa lalaking iyon? Ni isang damit, wala silang itinira? Unti-unti akong umatras hanggang sa matisod ako sa kama at napaupo roon. Hindi na sila natatakot dahil ako ang ipapain nila kay Rio. Pero ako, unti-unti nang natatakot para sa sarili ko. The scandal they did affected Rio Velasco in the worst possible way. Dad and Tita made a statement that ruined the reputation of his company. Maraming nag-boycott ng kumpanya niya. That alone made him furious. Pero dahil din sa iskandalo, nagpakasal ang fiancée niya sa ibang lalaki at nag-merge ang kumpanyang iyon sa dapat sana ay ka-merge ng kumpanya ni Rio through their marriage. I just know that the moment I enter his territory, I am as good as dead. Ako ang aako ng galit at karahasan niya. Nanginginig ang mga kamay ko habang unti-unting nagsi-sink in ang realidad. I have dreams I badly want to achieve. Mukhang hindi ko na iyon makakamit dahil sa ginawa nina Dad. Nanlalamig ang katawan ko nang marahas na bumukas ang pinto. Iritadong pumasok si Dad. “Ano pang inuupo-upo mo diyan? Pinapasundo ka na ni Rio!” mariin niyang sabi. “Huwag mong hahayaan na ituloy niya ang kaso. Malilintikan ka sa akin!” I suddenly find it hard to breathe. Wala akong nagawa nang may pumasok na mga tauhan at sinimulan nilang hakutin ang mga gamit ko. “Umalis ka na. Ashley wants to extend her room. This will be her room,” ani Dad habang tinitignan kung paano tatanggalin ang pader para mas lumuwag ang kwarto ng stepdaughter niya. …Ngumingiti ako habang nakaupo sa tukador sa kwarto ko. Hindi ko maalis-alis ang mata ko sa necklace na suot ko.I gently touched the pendant, careful not to pull it too much. Simple lang ang design ng necklace pero alam kong mamahalin. It was a delicate diamond necklace from Cartier, custom-made with a pear-shaped diamond hanging in the middle. The diamonds around it were small and subtle, but they sparkled beautifully whenever the light hit them.Ito iyong itinatawag ng babae kay Zio. Sabi na eh…para sa akin talaga ‘to! How dare she claim it?I smirked at the mirror. I tied my hair in a high ponytail para ma-highlight ang necklace.Nasa ganoon akong sitwasyon nang biglang may kumatok sa pintuan ko. Sa sobrang tutok ko sa sarili ko sa salamin, napaigtad ako sa gulat. Automatic na lumipad ang kamay ko sa dibdib ko para kumalma.“Ella,” tawag ng isang kasambahay.“Po?”“May bisita ka. Lumabas ka raw, sabi ni Ma’am Samantha.”Agad na kumunot ang noo ko. I didn't expect a visitor. Si Zio
“Ella.”Naalimpungatan ako sa bulong na iyon. Kasabay noon ay naramdaman ko ang mainit na hininga na tumama sa tenga ko. It tickled a bit, kaya nilayo ko ang tenga ko sa kanya.Zio chuckled. “Wake up…” he whispered again.Minulat ko ang mga mata ko at saka nakitang umaga na. Hindi lang umaga, it's super late. Kita ko ang araw na tumatama sa medyo nakabukas na kurtina ng kwarto at pumapasok ang sinag ng araw.“How are you?”Napabaling ako kay Zio. Nakahiga siyang tagilid, nakatukod ang isang kamay sa ulo niya habang nakatingin sa akin. There was a ghost of a smile on his face.“I'm tired even after sleeping late,” I said in a hoarse voice from waking up.Tumaas ang sulok ng labi niya.“It's my fault. I tired you out last night. Alas tres na kita pinatulog,” aniya.I giggled. “Masarap naman.”Humalakhak siya. Lumapit siya sa akin at saka siniksik ang ulo sa leeg ko habang ipinapalupot ang kamay sa akin.“Take a bath now. I'll prepare our breakfast,” bulong niya. “Or do I need to bathe y
Hindi ko namalayan kung kailan ako nakatulog kagabi. I just did in the middle of talking to Zio.Ngayon na nagising ako, may kamay na nakadagan sa tiyan ko. His legs were tangled with mine again, and the hair on his legs tickled mine slightly.Minulat ko ang mata ko. Tumambad sa akin ang kisame. Hindi pa ako gumagalaw nang maalala ko ang usapan namin kagabi. And it somehow made me fall even more for him. Hindi ako nagkamali na siya ang nagustuhan ko.“Good morning,” biglang bulong ni Zio sa paos na boses. Niyakap niya ako sa kanya at saka siniksik ang ulo sa leeg ko.Bahagya akong tumawa. “Good morning,” I replied.“Did you have a good sleep?” tanong niya.“Oo dahil katabi kita,” I teased while stifling a yawn.Mababa siyang tumawa. “Let's stay like this for a few minutes.”“Okay.”Pumikit ako ulit habang yakap niya ako. Though after a few minutes, bumangon din kami dahil late na. It's already 9 in the morning.Naunang pumasok si Zio sa bathroom habang nakahiga pa ako. Tinatamad pa ak
Matapos naming kumain ay pinigilan na ako ni Zio na maghugas ng pinagkainan namin dahil may housekeeper na gagawa raw noon.“Let them do their job, Ella. Binabayaran sila para doon.”Kaya pumasok ako sa kwarto at saka naligo na. I made sure to clean myself carefully. Kasi siyempre, may gagawin kami ni Zio.I smirked at myself when I remembered it. Matapos kong maligo ay saka ako pumasok sa walk-in closet para magbihis. I was in the middle of changing when I saw Zio went to the bathroom. Kaya binilisan ko ang pagbibihis. Nang matapos ako ay lumabas ako at dumiretso na sa kama para doon hintayin si Zio. I was wearing a short white satin nightdress. It had spaghetti straps and a lace-trimmed V-neckline. The dress was just above my thighs.Nakaupo ako sa kama nang lumabas si Zio galing sa bathroom. He lazily walked to the bed, may ngisi na sa labi niya.I watched him walk towards me. Hindi siya nagmamadali. Pagdating niya sa kama ay sumandal siya sa headboard. Nagkatitigan kami.Pinanlii
Nang dumating kami sa kotse at nang patunugin niya iyon, mabilis akong sumakay sa loob.Kalmado lang siyang umikot at saka sumakay sa kotse. Matapos niyang maisabit ang seatbelt niya ay mabilis din kaming umalis sa mall.I don't understand myself. I'm getting annoyed again. Kaya kunwari akong busy
I felt like I had been sleeping for a long time now. Kusa na lang bumukas ang mata ko dahil pagod na akong matulog. Nakabalot sa akin ang kumot ko. Kita ko sa kurtina ng kwarto na mataas na ang sikat ng araw.Umikot ako para tingnan kung nasa tabi ko pa si Rio pero wala na siya. Mag-isa na lang ako
Thalia SalvadorI was constantly bothered by what I read on Rio’s phone. Palaging sumasagi sa isip ko ang pagtatalo nila ng secretary niya tungkol kay Erica. And then I'll remember the text again.Kapag nag-sorry si Rio sa kanya, ano ba ang gusto niyang mangyari? Sabi sa text, do what she wanted. A
“Is that so? Kaya ka umiiyak ngayon?” Marahan niyang inilagay ang hibla ng buhok ko sa tenga ko. “You want it us?” he whispered.Itinulak ko siya. “Hindi! Naiinis lang ako kasi baka magkaroon ako ng STD dahil sa’yo!” I said with so much frustration.He chuckled despite my cries.“It’s just a blow j












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Calificaciones
reseñasMás