Share

Kabanata 5

Author: Innomexx
last update publish date: 2026-02-05 23:24:26

Nakita ako ng mga kasambahay nang pumasok ako sa loob ng kusina. Nakita nila na may sugat ako sa tuhod. Pero hindi nila ako tinulungan.

“Sige, tulungan mo,” banta ng isang kasambahay sa babaeng lalapit sana sa akin. “Kung si sir ang may gawa niyan, baka madamay ka sa galit niya. Alam mo naman kung paano siya nagwala noong siraan ng pamilya niya ang kumpanya ni Sir.”

Tahimik kong ibinaba ang tray. Wala nang lumapit sa akin. Yong babae na lalapit sana, nag-iwas nalang ng tingin.

“Saan po ba may first aid kit dito?” tanong ko sa kanila.

Nagsi-ilingan lang sila. Walang nangahas na tumingin sa akin. And I badly wanted help from anyone.

Lumapit ako sa sink at saka hinugasan ang sugat ko. Natanggal ko na kanina ang tumusok doon. I just needed something that would make the blood stop.

Nagsimulang mag-usap-usap ang mga kasambahay na parang wala lang ako sa paligid nila.

Sinubukan kong kunin ang pansin noong babae kanina na gustong tumulong, pero hindi na niya ako tinignan. Nahihiya naman akong tawagin siya kasi feel ko, walang sasagot sa akin.

I pursed my lips when I felt so out of place. Parang hindi nila ako nakikita at nararamdaman. Nakatayo ako sa gilid nila pero walang pumapansin.

Hindi ko natagalan iyon. Tahimik akong umalis sa kusina at tinahak ang pasilyo papunta sa kwarto ko.

Nadatnan ko ang mga basa kong gamit. Wala akong alam sa paglalaba. Kahit ganoon sa akin sina Tita Lumi at Dad, I never experienced working in our household.

May mga kasambahay pa rin na gumagawa ng laundry ko. May nagluluto sa akin. Hindi ko kinailangang manilbihan sa amin. Dad gave me money for my financial needs.

Sadyang yong pagmamahal lang ang nawawala sa kanya, pero yong responsibility niya financially, it’s still going on. I never had a problem with money.

Kaya ngayon na nakatitig ako sa mga basa kong gamit, I was lost. Hindi ko alam kung paano ito.

This is just so hopeless.

Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, ang mga basa kong gamit o ang sugat ko. In the end, kinuha ko ang mga basa kong gamit at saka pinagsampay sa mga gilid ng kabinet. Sa headrest ng kama, sa gilid ng kama.

I was desperate. Nasampay ko lahat ng laman ng isang maleta to the expense na hindi na makilala ang kwarto.

Hindi ko alam ilang oras ang lumipas. Pero nang tinignan ko ang oras sa cellphone ko. It was already 7 in the evening. Dumating ako ng lunch. Nanginginig na ang katawan ko.

I looked at my wound. Tumigil ang dugo pero my robe was full of blood. Nagpalit ako ng damit ulit. This time, yong long-sleeve na nightdress ang hinanap ko. I found it at the back of my suitcase.

Saka ako lumabas matapos kong magbihis. Hindi nga lang ako makalakad nang maayos dahil sumasakit ang sugat ko.

Dumiretso ako sa kusina. Wala akong naabutang tao doon. Nagpapahinga na siguro ang ibang mga katulong.

Sa maid quarter kung nasaan ako, wala akong kasama roon. Maliit din ang kwartong iyon kumpara sa ibang maid quarters. Hula ko, sa anim na malalaking kwarto na katabi ng sa akin, doon ang kwarto ng ibang kasambahay. Nang lumabas ako, naririnig kong may nagtatawan sa bawat room. Alam kong marami sila sa bawat kwarto.

Wala na akong naabutan sa kusina kasi nasa kanya-kanyang kwarto na sila.

Tahimik akong umupo sa barstool at saka tinignan ang sugat ko. Nagdugo na naman iyon dahil sa paglalakad ko.

I tried to hold it. Napapikit ako nang maramdaman ko ang hapdi noon. Nasa ganoong sitwasyon ako nang may biglang pumasok sa loob ng kusina. Hindi ko agad naibaba ang laylayan ng damit ko kaya nakita ni Mang Dante ang sugat ko.

“Napaano iyan?” agad niyang tanong.

He looked concerned again na agad nangilid ang luha sa mata ko.

“Aksidente po,” I said on the verge of crying.

Suminghap siya.

“Ilan taon ka na ba? Bakit ikaw ang ipinadala ng magulang mo?” tanong niya.

So alam niya rin kung bakit ako nandito?

“Twenty-two po,” sagot ko.

As for why I was the one they sent, natural lang. Kasi mamamatay muna sila kung si Ashley ang ipapadala nila.

“Ang bata mo pa para manilbihan,” aniya.

Nagtiim-bagang na lang ako. Wala rin naman akong masabi.

May kinuha siya sa isang kabinet sa gilid at saka bumalik sa akin.

“Alam mo ba kung paano gamutin ang sarili mo?” tanong niya.

Tumango ako. Binigay niya sa akin ang isang first aid kit.

“Sige na. Matulog ka matapos mong gamutin ang sarili mo.”

Mabilis din siyang umalis matapos noon. Ginamot ko ang sarili ko. It took me a few minutes bago ako natapos.

Gutom na gutom ako matapos. Wala akong lunch at ngayon super late na rin para sa dinner. Lumabas ako para sana kumain pero wala akong naabutan.

My hands were shaking now, lalo na at pagod na pagod ako sa pagsasampay ng mga basa kong damit.

Nanghihina akong bumaba mula sa barstool at saka lumapit sa rice cooker sa gilid. Nakita kong may kanin doon.

Ngayon lang ako nakaramdam ng tuwa dahil lang may kanin. Nanginginig akong kumuha ng plato at saka sumandok ng kanin. Kaya lang, walang ulam. I checked every pan around. Walang ulam. Sa ref naman, hindi mga luto.

Aside sa hindi ako marunong magluto, hindi ko na kayang magluto pa. Nakahanap ako ng tuyo at saka inilagay sa kanin ko.

I settled for it. Unang dalawang subo ang ginawa ko nang magsimula akong kumain.

Kumakain ako na parang hinahabol. And I was in that state when someone entered the kitchen again.

Punong-puno ang bibig ko nang magtama ang mata namin ni Mr. Velasco. Natigilan ako sa pagnguya. Nanatiling puno ang bibig ko.

His eyes went down to my plate. Agad kumunot ang noo niya.

I shifted uncomfortably on my seat. My heart started to beat nervously.

“What are you eating?” iritado niyang tanong.

I couldn’t speak. Nagsimula akong ngumanga.

Pumasok ulit si Mang Dante kaya naabutan niya ang nangyayari.

I felt like Mr. Velasco wanted to beat me because I was eating his rice. Pero gutom na gutom ako.

Hindi ako sanay na ginugutom.

“Hija, hindi ka pa pala kumakain?” concern na tanong ni Mang Dante.

I saw how it immediately irritated Mr. Velasco. Ayaw niya nga na may concern sa akin dito.

But Mang Dante was different. Mabilis siyang pumunta sa refrigerator at saka naglabas ng itlog.

“Lutuan kita ng ulam mo.”

Sunod-sunod ang tango ko. My tears were at bay again.

Mr. Velasco groaned in annoyance.

Umupo siya sa tapat ng kinauupuan ko at saka ako matalim na tinignan.

“You can’t fucking eat like that. Gusto mong magkasakit? Para hindi ka makapagtrabaho?” He chuckled sarcastically. “That doesn’t work that way. If I had to push food in your mouth, I’d do it myself. Don’t even think about getting sick. I haven’t started yet,” he threatened.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Maid of the Ruthless CEO   Kabanata 7

    Hindi ko alam kung magandang idea ang pagpayag ko sa gusto ni Zio. Ang tanging naiisip ko lang ay ang puwedeng mangyari sa akin. Huli na nang maisip ko na dahil pumayag ako, makakasama ko siya kapag may ipapagawa siya sa akin!Umiling ako at saka malalim na huminga. At least being with him is not bad kumpara kung ipahiya ako nina Veronica. Kumagat ako sa bread na hawak ko at saka uminom ng lumalamig kong chocolate.Alas dos na. Hindi ko alam kung malapit na kami o hindi.Ngumunguya ako nang mapabaling ako kay Zio. Kanina pa siya nagmamaneho at ako lang ang kumakain ng bread na binili niya. Ngayon pa ako nahiya nang makita kong tumingin siya sa akin habang sarap na sarap ako sa bread.“Gusto mo?” turo ko sa natitirang bread.“Give me,” he said.Hindi niya ginalaw ang kamay niya. Nagdadalawang-isip ako kung susubuan ko ba siya.He looked at me. Nang wala akong ginagawa, he started to frown.Umawang ang labi ko. He wanted to be fed? Kinuha ko ang bread at saka inilapit sa kanya habang

  • Maid of the Ruthless CEO   Kabanata 6

    Siguro may rason lang siya kung bakit sa malayong route siya dumaan. Maybe to shake off what he was feeling earlier. Kasi galit siya kanina bago ako nakatulog. I could feel it. It radiated through him.Ngayon na gising ako, mukhang kumalma na siya. Hindi na siya mukhang mambubugbog sa higpit ng hawak niya kanina sa manibela.“Hindi ko pala alam kung saan ka pupunta,” mahina kong sabi na bumasag sa katahimikan sa pagitan namin.Lumingon siya sa akin ng ilang segundo bago ibinalik ang mata sa kalsada.“I also received an invitation to the resort's opening,” he answered lazily.Natigilan ako. I didn't expect that. But then again, high-end resort nga naman iyon. Someone like him is surely expected at the opening.I bit my lower lip. Hindi ko alam kung bakit una kong naisip na magkikita sila ni Savvy sa resort.Nagsisimula akong makaramdam ng bitterness when a sudden thought struck me.Paano kung malaman ni Savvy na kasama ko si Zio? How would I explain to her that I called him, of all peo

  • Maid of the Ruthless CEO   Kabanata 5

    Hindi tumigil ang lalaki sa pagsipa at pagkatok sa pintuan. Mas lalo pa siyang naging aggressive dahil sa inis na hindi niya mabuksan ang pintuan.“Buksan mo 'to! May magbabanyo!” sigaw niya. “Ano ba!”Pumikit ako nang mariin.“Don't even think about it,” rinig kong sabi ni Zio sa linya. “I'll get there in ten minutes.”Tumango ako kahit hindi naman niya ako nakikita.“Faster,” mahina kong sabi bago ko napigilan ang sarili ko.Every passing minute felt like an hour, lalo na't nagiging aggressive pa ang lalaki sa labas. Natatakot ako na baka hindi pa umabot ng ten minutes ay masira na niya ang pintuan.Suminghap ako nang umuga ang pintuan sa lakas ng sipa niya. Umalingawngaw ang malakas na kalabog sa loob ng restroom.“Zio,” nanginginig kong tawag.I heard him groan.Tumayo ako at lumayo sa pintuan. Sunod-sunod na ang malalakas niyang sipa. Tingin ko, ilang sipa na lang niya ay masisira na niya ang lock ng pintuan.Nanlalamig akong pumasok sa pinakahuling cubicle at doon nagkulong. Hin

  • Maid of the Ruthless CEO   Kabanata 4

    Hindi bumaling si Veronica sa akin at nakatingin lang sa monitor ng gas station. Pero nakita ko siyang tumango.I take that as a yes.Dali-dali akong naglakad papunta sa restroom ng gas station. Akala ko naroon sina Savvy dahil wala sila sa kotse, pero walang tao sa restroom.And I couldn't hold it anymore. Pumasok ako sa isang cubicle at mabilis na umihi. I felt so relieved after hours of holding it in.Mabilis kong hinugasan ang kamay ko matapos kong umihi at agad na lumabas.Kaya lang, paglabas ko, wala na roon ang kotse.The silence welcomed me. Kung wala ang gas station, masyadong madilim ang lugar.Kumakalabog ang dibdib ko habang naglalakad sa labas ng gas station. Iniisip ko na baka hinihintay nila ako sa malapit.Hindi naman ako nagtagal. Iyon na siguro ang pinakabilis kong ginawang pag-ihi.Kaya lang, tinanaw ko ang kabuuan ng lugar. It was a secluded area with only a few establishments. Ang bukas lang ay itong gas station. Hindi ko pa makita iyong lalaking kausap ni Veronic

  • Maid of the Ruthless CEO   Kabanata 3

    Para akong baliw kakatitig sa tatlong pirasong bulaklak na binigay sa akin ni Zio. Alam ko namang wala siyang iniisip na malisya rito. Just an appreciation for making him a coffee. Ako lang itong binibigyan ng malisya ang ginawa niya. Pero hindi ko lang mapigilan.“Ella, tapos ka na daw po ba? Pinatatanong ni Ma'am Savvy. Aalis na daw po kayo.”“Malapit na po,” sagot ko at saka tinanggal ang pagkakatitig sa tatlong pirasong bulaklak sa table ko.May lakad si Savvy kasama ang mga kaibigan niya. I hate it every time she's with her friends, but I have no choice. Kahit ayaw kong sumama, assistant niya pa rin ako.Sinuot ko ang blazer ko at saka malalim na huminga. Tumayo ako at saka lumabas na ng kwarto ko.Nasa living area na si Savvy paglabas ko. Ako na lang ang hinihintay niya. May dala siyang isang duffel bag pero nang makita niya ako, agad niya iyong iniabot sa akin.“Let's go. Tayo na lang ang hinihintay.”Tumango ako at mabilis na kinuha sa kanya ang duffel bag niya. Paglabas namin

  • Maid of the Ruthless CEO   Kabanata 2

    Bumuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang savings ko. Gusto ko nang bumukod pero hindi pa sapat ang pera ko. Minsan, nahihiya na ako na nakikitira lang ako kina Tita Samantha kung puwede naman na akong bumukod. I'm not a minor anymore. Tita doesn't have to keep looking after me just because my mother died.“Ella, pinapatawag ka ni Ma'am Samantha,” biglang tawag sa akin ng isang kasambahay.Naputol ang mga iniisip ko at agad na isinara ang bank app ko. Nagmadali akong tumayo. Minsan lang ako pinapatawag ni Tita kaya nakakagulat kapag ganoon.Paglabas ko ng kwarto, dumiretso na ako kung nasaan si Tita. Kabado pa ako kung may nagawa ba ako o ano.Pero nakahinga ako nang makita kong nakangiti naman siya. Kaya lang, biglang bumagal ang lakad ko nang makita ko kung sino ang nasa harap niya. My breath hitched, and I almost stopped walking.“Tita,” tawag ko.Pareho sila ni Zio na nakatingin sa akin.“Pinapatawag n'yo raw po ako?”Tita laughed a bit.“Oo, hija. Pakipuntahan nga si Savvy.

  • Maid of the Ruthless CEO   Kabanata 39

    Thalia SalvadorI was constantly bothered by what I read on Rio’s phone. Palaging sumasagi sa isip ko ang pagtatalo nila ng secretary niya tungkol kay Erica. And then I'll remember the text again.Kapag nag-sorry si Rio sa kanya, ano ba ang gusto niyang mangyari? Sabi sa text, do what she wanted. A

    last updateLast Updated : 2026-03-28
  • Maid of the Ruthless CEO   Kabanata 29

    “Is that so? Kaya ka umiiyak ngayon?” Marahan niyang inilagay ang hibla ng buhok ko sa tenga ko. “You want it us?” he whispered.Itinulak ko siya. “Hindi! Naiinis lang ako kasi baka magkaroon ako ng STD dahil sa’yo!” I said with so much frustration.He chuckled despite my cries.“It’s just a blow j

    last updateLast Updated : 2026-03-24
  • Maid of the Ruthless CEO   Kabanata 54

    Nang dumating kami sa kotse at nang patunugin niya iyon, mabilis akong sumakay sa loob.Kalmado lang siyang umikot at saka sumakay sa kotse. Matapos niyang maisabit ang seatbelt niya ay mabilis din kaming umalis sa mall.I don't understand myself. I'm getting annoyed again. Kaya kunwari akong busy

    last updateLast Updated : 2026-04-05
  • Maid of the Ruthless CEO   Kabanata 55

    I felt like I had been sleeping for a long time now. Kusa na lang bumukas ang mata ko dahil pagod na akong matulog. Nakabalot sa akin ang kumot ko. Kita ko sa kurtina ng kwarto na mataas na ang sikat ng araw.Umikot ako para tingnan kung nasa tabi ko pa si Rio pero wala na siya. Mag-isa na lang ako

    last updateLast Updated : 2026-04-05
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status