Home / Romance / Marry Me Instead / Chapter 005- It was all fake

Share

Chapter 005- It was all fake

Author: Eliana Asher
last update publish date: 2026-04-20 08:11:50

EMERY

“Kanina ka pa ba d’yan, Emery?”

Tumango ako. “Opo, Lo. Narinig ko ang usapan n’yo. Ayos lang naman sa akin na hindi na i-celebrate ang pagbubuntis ko. Sapat na sa akin na gawin ang obligasyon ko bilang asawa ni Weston.”

Agad na nanlaki ang mga mata ni Benicio Montenegro.

“Anong sinasabi mo, hija?” Halatang hindi siya sang-ayon sa mga katagang nanggaling sa bibig ko. “Hindi mo obligasyon lang iyan. Bata ang dinadala mo—hindi isa, kundi dalawa. At apo ko ang mga iyan.”

Napayuko ako. Sa totoo lang, ayaw ko rin namang magdiwang.

Para saan? Para magkunwari na masaya ako?

Para ngumiti sa harap ng pamilyang ito na para bang walang nangyaring panloloko?

Wala akong lakas para roon.

“Lo, okay lang po talaga,” mahina kong sabi, pilit pinapakalma ang boses ko. “Hindi naman kailangang maghanda. Sapat na po sa akin na maayos ang pagbubuntis ko.”

“Ayan, tama yang desisyon mo Emery. See, Dad? Kaya itigil mo na yang planong selebrasyon,” singit ni Celestine Montenegro, matalim pa rin ang tono.

Napakurap ako, pero hindi na ako nasaktan. Dahil pagod na pagod na akong masaktan.

Sanay na ako sa malamig na tinig ng biyenan ko. Sanay na akong marinig sa kaniya na para bang isa lamang akong dagdag na gamit sa mansyong ito. Kung tutuusin, mas madaling tanggapin ang panglalait niya kaysa ang kabutihang hindi ko alam kung totoo ba o may kapalit.

Ngunit si Benicio ay halatang hindi makapaniwala.

“Celestine,” madiin niyang sabi, “huwag mo akong subukan.”

“Dad, hindi iyon ang punto ko—”

“Kung hindi iyon ang punto mo, bakit ganyan ka magsalita?” putol ni Benicio. “Babae siya. Buntis siya. At imbes na alagaan at iparamdam mong mahalaga siya, bakit parang pinagdadamutan mo ang bagay na para naman sa magiging apo mo rin?!”

Lalo pang tumigas ang mukha ni Celestine. Kitang-kita ko ang pagpipigil niya sa sarili. Ngunit bago pa siya muling makasagot, biglang bumukas ang pinto ng sala.

Napatingin kaming lahat sa pagdating ni Weston.

Suot pa rin niya ang itim na suit na madalas niyang isuot sa opisina. Maayos ang bawat hibla ng buhok, matigas ang panga, at gaya ng nakasanayan, malamig ang mga mata. Pero sa pagkakataong iyon, may kakaiba sa presensiya niya.

Para bang pumasok siya sa silid na iyon na may desisyon nang dala.

“Weston,” agad na sabi ni Celestine, tila naghahanap ng kakampi. “Mabuti at dumating ka. Sabihin mo nga sa lolo mo na hindi kailangang maghanda ng kung ano-anong selebrasyon para rito.”

Hindi agad nagsalita si Weston.

Dumako ang tingin niya sa akin. Isang malamig at mabigat na tingin. Saka niya ibinalik iyon sa lolo niya.

Pagkatapos ay diretso siyang nagsalita. “Ituloy natin ang selebrasyon.”

Parang tumigil ang oras. Napahinto kaming lahat.

Nanlaki ang mga mata ni Celestine. “What?”

Pati si Benicio ay napatingin sa apo niya nang hindi makapaniwala. Marahil sa unang pagkakataon, narinig niya si Weston na pumapanig sa akin sa harap ng pamilya.

Ako man ay natigilan din.

“Ituloy natin ang selebrasyon,” ulit niya, mas kalmado. “Kambal ang dinadala ni Emery. Sapat na iyong dahilan para ipagdiwang.”

“Weston!” protesta ni Celestine. “Hindi mo ba naiintindihan ang sinasabi ko? Hindi ito ang tamang panahon para sa kung anu-anong handaan—”

“Mom,” malamig na putol ni Weston. “I said we’ll celebrate.”

Napasinghap si Celestine, waring hindi matanggap na pinatigil siya ng sarili niyang anak.

Samantala, si Benicio naman ay tila hindi pa rin makapaniwala sa narinig. Unti-unting lumambot ang ekspresyon niya bago niya ako sinulyapan, na para bang gusto niyang sabihin na sa wakas ay may tamang ginawa rin si Weston.

Ngunit sa loob-loob ko, wala ni katiting na tuwang namuo.

Kaya habang unti-unting nagbabago ang timpla ng sala dahil sa sinabi niya, ako naman ay lalong nanlamig.

“Good,” masayang sabi ni Benicio, halatang nabuhayan. “Iyan ang gusto kong marinig. Akala ko tuloy ay hindi mo kikilalanin ang dinadala ni Emery.”

Hindi sumagot si Weston. Ako lamang ang muli niyang tiningnan.

At sa titig na iyon, pakiramdam ko’y may malamig na kamay na unti-unting pumipisil sa lalamunan ko. Dahil alam kong hindi niya ipinagdiriwang ang kambal na nasa sinapupunan ko.

Ipinagdiriwang niya ang paniwala niyang nagtagumpay ang plano nila ni Ravia.

***

Ginawa sa Regalia Crown Hotel ang selebrasyon—isa sa mga pinakasikat at pinaka-eksklusibong five-star hotel sa buong siyudad. Sa Imperial Astoria Ballroom idinaos ang pagtitipon, isang napakalawak na function hall na nababalutan ng kristal na mga chandelier, puting rosas, at gintong ilaw na kumikislap sa bawat sulok.

Pagpasok pa lang namin, sinalubong na ako ng sunod-sunod na pagbati.

Mga senador at asawa ng pulitiko, mga kilalang negosyante, at mga pangalan at apelyidong madalas ko lamang marinig noon sa mga business articles ng daddy ko.

Lahat sila naroon, nakangiti at nakatingin sa akin na para bang ako ang pinakamasuwerteng babae sa gabing iyon.

“Congratulations, Emery!”

“Napakagandang balita nito para sa mga Montenegro!”

“Kambal? What a blessing!”

“Napakaswerte mo kay Weston.”

“At napakaswerte rin ng mga batang dinadala mo.”

Napilitan akong ngumiti nang paulit-ulit. Hanggang sa sumakit ang mga pisngi ko sa pagpipigil.

Sa gilid ng aking paningin, ramdam ko ang kamay ni Weston na nakapatong sa beywang ko. Sapat upang magmukhang maalaga siyang asawa sa harap ng mga bisita.

Pero sa bawat dampi ng mga daliri niya sa akin, para akong nasusuklam.

Gusto kong iwaksi ang kamay niya. Gusto kong isigaw sa lahat ng tao dito na peke ang lahat ng ito.

Pero nanatili akong nakatayo, tuwid ang likod, mahinhin ang ngiti, at mahinahon ang mukha. Gaya ng inaasahan ng lipunan sa isang babaeng nagmula sa pamilyang Armani.

Isa-isang lumapit ang mga bisita upang mag-abot ng regalo.

May isang kilalang negosyanteng mag-asawa na nagbigay ng handcrafted French cradle mobile na ayon sa kanila ay nakuha pa raw sa isang auction sa Geneva. Isang mayamang biyuda mula sa political circle ang nagbigay ng sterling silver infant feeding set na may maliliit na diyamante sa hawakan. Ang isa pang prominenteng pamilya sa shipping industry ay nagpadala ng limited-edition Italian twin stroller, habang ang isang kilalang socialite ay masayang nagkwento na ang dala niya ay antique christening gowns na binili pa raw sa Sotheby’s para sa kambal kahit hindi nila alam ang gender.

May mga regalo rin para sa akin. Isang Hermès maternity travel bag. Isang set ng custom silk robes from Paris. At isang diamond brooch na hugis kambal na bituin.

“Deserve mo iyan, hija,” sabi pa ng isa sa mga kaibigan ng yumaong daddy ko. “Napakasuwerte mo. Nang mamatay si Enrico Armani, sa iyo niya ipinagkatiwala ang lahat. At ngayon, may asawa kang Montenegro at may kambal ka pang dinadala. Talagang favorite ka ng langit.”

Muntik akong matawa.

Kung alam lang nila kung gaano kagulo ang isip ko sa ilalim ng maingat kong ayos, baka hindi nila masambit ang salitang iyon.

May isa pang lumapit, isang matandang board member na dati ring business ally ng daddy ko.

“Your father would be proud of you,” malumanay niyang sabi. “Naingatan mo ang pangalang Armani, and he left everything in your hands. Napakaswerte ni Weston sa’yo.”

Sa pagkakataong iyon, mas lalong humigpit ang kamay ni Weston sa beywang ko.

Napatingin ako sa kaniya. Tanaw kong ngumiti siya sa matanda. Maayos. Maginoo. Kagalang-galang. Pinapakita kung gaano siya kaperpektong asawa.

“Thank you,” kalmadong sagot ni Weston. “We’re very grateful.”

Maya-maya, matapos ang sunod-sunod na pakikipagkamay at pagbati, akala ko’y kahit paano ay humuhupa na ang ingay sa dibdib ko.

Nagkamali ako.

Dahil sa mismong sandaling iyon, bumukas ang pinto ng ballroom at pumasok si Ravia. Parang kusang napunta sa kaniya ang atensyon ng ilan.

Maganda siya—iyon ang unang salitang papasok sa isip ninuman. Nakasuot siya ng fitted crimson gown na mababa ang tabas sa dibdib, at sa bawat galaw niya ay kitang-kita ang kumpiyansa niya.

Kaakit-akit si Ravia. Kapansin-pansin. At malinaw na kabaligtaran ng suot ko.

Ang akin ay isang ivory gown na mahinhin ang tabas, mataas ang neckline, at maayos ang bagsak sa katawan ko. Isang modest attire, disente tingnan.

Samantalang si Ravia ay parang sadyang dumating upang ipaalala kung gaano siya kaganda ngayon kumpara sa akin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Eliana Asher
wow maraming salamat po (⁠≧⁠▽⁠≦⁠)
goodnovel comment avatar
Bella Hart
Maganda talaga story ni Miss A hihi
goodnovel comment avatar
Bella Hart
Thank you pooo
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Marry Me Instead   Chapter 134- The Dead Daughter

    THIRD PERSON POV"His real daughter is already dead."Napasinghap ang lahat sa sinabi ni Emery. Biglang nabalot ng katahimikan ang buong warehouse habang isa-isang napatingin ang lahat sa kanya. Samantala, natigilan si Ezekiel. Unti-unti siyang napalingon kay Emery habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Halatang hindi niya inaasahang mababanggit nito ang bagay na matagal niyang itinago."Ano na naman ang kasinungalingang iyan?" mahinang tanong ni Ezekiel.Nanatiling kalmado si Emery kahit nakagapos pa rin siya sa bakal na upuan."I'm just stating the fact, Ezekiel." Direkta siyang tumingin sa lalaki. "Patay na ang tunay mong anak."Napakunot-noo si Ravia. "Dad..." Napatingin siya kay Ezekiel. "Anong ibig niyang sabihin?"Ngunit hindi ito sumagot.Muli namang nagsalita si Emery sa lalaki."Matagal na kitang ipinapaimbestiga."Nanlaki ang mga mata ni Ezekiel."Nang malaman kong ikaw ang nagpyansa kay Ravia, may kutob na akong hindi iyon simpleng pagtulong. Kaya kinausap ko si Attorney R

  • Marry Me Instead   Chapter 133- The Beginning of the End

    Chapter 133- The Beginning of the End THIRD PERSON POVNabalot ng mabigat na katahimikan ang buong warehouse. Lahat ng mata ay nakatutok kay Ezekiel. Samantala, nanatiling kalmado si Zion habang direkta siyang nakatingin dito. Unti-unti namang bumaling si Ravia sa kanyang ama. Halatang nanginginig ang kanyang buong katawan habang pilit inuunawa ang narinig."D-Dad..." mahina niyang tawag.Lumapit siya rito habang nanlalabo ang kanyang mga mata."Totoo ba ang sinabi ni Zion? Ikaw ba talaga ang nagplano ng sunog?"Nanlaki ang mga mata ni Ezekiel. Agad siyang umiling. "H-Hindi."Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang balikat ni Ravia."Huwag kang maniwala sa kanya. Sinasabi lang niya 'yan para magmukha silang biktima. Tingnan mo sila…"Itinuro niya sina Zion at ang pamilya Del Fierro."Ganyan sila kagaling magmanipula. Alam nilang malapit na silang matalo. Kaya ngayon, sinusubukan nilang sirain ako."Tahimik lamang na nakatingin si Ravia sa kanyang ama. Halata sa kanyang mukha ang pag

  • Marry Me Instead   Chapter 132- The Truth Unravels

    Makalipas ang halos isang oras, tuluyang huminto ang convoy sa harap ng isang lumang abandonadong warehouse sa labas ng siyudad. Madilim ang buong paligid at tanging iilang ilaw lamang ang nagbibigay ng mahinang liwanag sa loob ng gusali. Puro alikabok ang sahig, habang nagkalat sa bawat sulok ang mga sirang bakal, lumang kahon, at mga kagamitan na matagal nang hindi nagagamit.Isa-isang ibinaba ng mga armadong tauhan ni Ezekiel ang buong pamilya Del Fierro. Walang nakaligtas. Sina Don Marshal, Miguel, Victoria, Eris, Morgan, Zion, Emery, at maging ang walong taong gulang na si Daphne ay sapilitang dinala sa loob ng warehouse.Isa-isa silang ginapos sa mga bakal na upuan.Nanginginig ang buong katawan ni Daphne habang patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha."Tita..." mahina niyang tawag kay Emery. "Natatakot po ako..."Halos madurog ang puso ni Emery nang makita ang takot sa mga mata ng bata. Pilit niyang ngumiti kahit siya mismo ay nakagapos at walang magawa."Daphne..." mahina niya

  • Marry Me Instead   Chapter 131- The Accusation

    THIRD PERSON POVNanatiling tahimik ang buong ballroom matapos ang pagpapakilala ni Ezekiel kay Ravia.Walang sinuman ang nagsasalita.Tanging ang sunod-sunod na pag-flash ng mga camera at mahihinang bulungan ng mga bisita ang maririnig sa buong bulwagan.Nakatitig lamang si Don Marshal kay Ezekiel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nakikita."Ezekiel..." nanginginig niyang tawag.Bahagyang ngumiti si Ezekiel. "Matagal-tagal din tayong hindi nagkita, Dad."Unti-unting nanubig ang mga mata ng matanda."Akala namin..." Huminto siya sandali. "Akala naming patay ka na."Napailing si Ezekiel."Iyon din ang gusto ninyong paniwalaan."Nanlaki ang mga mata ni Miguel. "Ano'ng ibig mong sabihin, Kuya?"Dahan-dahang napalingon si Ezekiel sa kanyang nakababatang kapatid. Malamig ang kanyang titig."Miguel, ikaw ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang lahat."Natahimik ang buong ballroom."S-Si Miguel?" gulat ang boses ni Don Marshal.Ngunit hindi na siya pinansin ni E

  • Marry Me Instead   Chapter 130- Don Marshal's Birthday

    THIRD PERSON POVIlang araw ang lumipas, muling nabalot ng kasiyahan ang Del Fierro Mansion sa loob ng ballroom nila.Ngunit kakaiba ang selebrasyong iyon. Hindi lamang dahil ika-pitumpu't limang kaarawan iyon ni Don Marshal Del Fierro. Kundi dahil iyon din ang unang malaking pagtitipon ng pamilya matapos ang sunod-sunod na trahedyang pinagdaanan nila.Mula pa sa labas ng mansion ay makikita na ang engrandeng dekorasyon. Nababalutan ng puti at ginto ang buong hardin. May malaking entablado sa gitna habang ang magkabilang gilid ay puno ng mga mesa para sa mga bisita.Isa-isang dumarating ang mga kilalang negosyante, pulitiko, at business partners ng Del Fierro Group. Naroon din ang iba't ibang media company upang i-cover ang espesyal na okasyon.Mahigpit naman ang seguridad sa buong paligid. Bawat bisitang pumapasok ay dumaraan sa security scanners at identity verification.Hindi iyon nakaligtas sa pansin ng ilang bisita. "Parang mas mahigpit ang security ngayon.""Natural lang siguro.

  • Marry Me Instead   Chapter 129- The Real Motive

    THIRD PERSON POVPagkalabas ni Spencer ng opisina, tuluyan nang nabalot ng katahimikan ang buong silid. Dahan-dahang napahawak si Emery sa braso ni Zion. Halata sa kanyang mukha ang takot habang nakatulala sa folder na naiwan sa ibabaw ng mesa.“Zion...” mahina niyang tawag.Agad siyang nilingon ng binata. Napansin nitong bahagyang nanginginig ang mga kamay ni Emery. “Natatakot ako. Dahil siya ang lalaking nakita ko sa isla.”Lumapit si Zion at marahan siyang hinawakan sa balikat.“Hindi kita hahayaang mapahamak, Emery. I promise.”Napapikit si Emery at napabuntong-hininga.“Akala ko tapos na ang lahat.” Huminga siya nang malalim. “Pero ngayon... pakiramdam ko nagsisimula pa lang.”Tahimik na tumango si Zion bago siya tumingin sa larawan ni Ezekiel na nasa folder.“Kung tama ang hinala natin... matagal na niyang pinaplano ang lahat.”Napakunot-noo si Emery. “Pero bakit?” tanong niya. “Ano ba talaga ang nangyari kay Ezekiel?”Tahimik na naupo si Zion sa sofa at bahagyang napaisip.“Ay

  • Marry Me Instead   Chapter 001- IVF gone wrong

    EMERY “Congratulations, Mrs. Montenegro. Positive ang result. Twins ang dinadala mo.” Parang tumigil ang mundo ko. Napatitig ako sa monitor, sa maliliit na anyong kumikislap sa itim na screen, habang nanginginig ang mga daliri kong nakahawak sa gilid ng examination bed. “Twins? Tama ba ang nar

  • Marry Me Instead   Chapter 118- Don Marshal’s Gift

    EMERYMaya-maya, biglang may nagsalita mula sa pinto. “Ang corny talaga ng lovey-dovey na 'to.”Napalingon ako at agad na nanlaki ang mata ko nang makita ko si Morgan. Nakatayo siya sa may pintuan habang may dalang maleta.Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ring magpahinga ang mga bagong dat

  • Marry Me Instead   Chapter 053- The Vote

    EMERYTahimik ang buong conference room matapos sabihin ng shareholder na gusto nilang tanggalin si Weston bilang acting CEO ng Armani Group. Ramdam ko ang bigat ng tensyon sa paligid habang isa-isang nakatingin ang lahat sa kanya. Ngunit imbes na mataranta si Weston, bigla lang siyang natawa nang

  • Marry Me Instead   Chapter 034- The Birthday Trap

    THIRD PERSON POVMaagang nagising si Ravia sa loob ng presidential suite ng The Royal Grand Hotel, isa sa pinakamahal at pinaka-eksklusibong hotel sa Makati.Mula sa glass windows ng suite niya, rinig niya ang maingay ng mga sasakyan, ngunit mas abala ang isip niya sa nalalapit niyang birthday part

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status