Home / Romance / Marry Me Instead / Chapter 009- Are you really that happy?

Share

Chapter 009- Are you really that happy?

Author: Eliana Asher
last update publish date: 2026-05-01 00:09:10

EMERY

“Magpapakamatay ka ba?” dugtong pa nito sa akin.

Natigilan ako sa tanong ni Zion, at biglang bumigat ang dibdib ko.

Napalingon ako sa fountain. Sa mga bulaklak. Kahit saan, huwag lang sa kaniya.

Hindi ko puwedeng sabihin ang totoo.

Hindi ko pa kayang sabihin na gumuho ang mundo ko ilang oras pa lang ang nakalipas. Na nalaman kong peke ang kasal ko. Na ninakaw sa akin ang kompanya ng daddy ko. Na ang kambal na dinadala ko ay—

Mariin akong napalunok.

“Hindi ako magpapakamatay,” mahina kong
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Eliana Asher
Maraming salamat po waa (⁠ㆁ⁠ω⁠ㆁ⁠)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
So interesting story🩷love it
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Marry Me Instead   Chapter 000-Announcement

    Hi, Readers! ❤️Hindi po ako makakapag-update ngayon dahil nilalagnat po ako. Masama na talaga ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw, kaya magpapahinga muna ako. I'll be back tomorrow, hoping I'll be feeling better na.Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagsubaybay sa kuwento nina Zion at Emery. ❤️May nagtanong din po sa akin kung magkakaroon ba ng Book 2. Pag-iisipan ko pa po. Baka bigyan ko ng side story si Ravia para sa redemption arc niya, o baka i-close ko na talaga ang story. Gusto ko rin kasi siyang bigyan ng pagkakataong makahanap ng tunay na pagmamahal at magkaroon ng mas maayos na buhay. Ano sa tingin niyo? Hehe.Please follow me rin po sa Watt.pad. Ang user.name ko po ay @elianaasher.May free story po ako roon, although wala pa po itong update. Hehe. Baka gusto n'yo na rin pong i-add sa library ninyo.Regarding naman po sa story ni Senna, sisimulan ko na po itong i-update ngayong buwan.Happy 700 followers po pala tayo dito sa GN! 🥹❤️ Sa mga hindi pa po naka-fo

  • Marry Me Instead   Chapter 134- The Dead Daughter

    THIRD PERSON POV"His real daughter is already dead."Napasinghap ang lahat sa sinabi ni Emery. Biglang nabalot ng katahimikan ang buong warehouse habang isa-isang napatingin ang lahat sa kanya. Samantala, natigilan si Ezekiel. Unti-unti siyang napalingon kay Emery habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Halatang hindi niya inaasahang mababanggit nito ang bagay na matagal niyang itinago."Ano na naman ang kasinungalingang iyan?" mahinang tanong ni Ezekiel.Nanatiling kalmado si Emery kahit nakagapos pa rin siya sa bakal na upuan."I'm just stating the fact, Ezekiel." Direkta siyang tumingin sa lalaki. "Patay na ang tunay mong anak."Napakunot-noo si Ravia. "Dad..." Napatingin siya kay Ezekiel. "Anong ibig niyang sabihin?"Ngunit hindi ito sumagot.Muli namang nagsalita si Emery sa lalaki."Matagal na kitang ipinapaimbestiga."Nanlaki ang mga mata ni Ezekiel."Nang malaman kong ikaw ang nagpyansa kay Ravia, may kutob na akong hindi iyon simpleng pagtulong. Kaya kinausap ko si Attorney R

  • Marry Me Instead   Chapter 133- The Beginning of the End

    Chapter 133- The Beginning of the End THIRD PERSON POVNabalot ng mabigat na katahimikan ang buong warehouse. Lahat ng mata ay nakatutok kay Ezekiel. Samantala, nanatiling kalmado si Zion habang direkta siyang nakatingin dito. Unti-unti namang bumaling si Ravia sa kanyang ama. Halatang nanginginig ang kanyang buong katawan habang pilit inuunawa ang narinig."D-Dad..." mahina niyang tawag.Lumapit siya rito habang nanlalabo ang kanyang mga mata."Totoo ba ang sinabi ni Zion? Ikaw ba talaga ang nagplano ng sunog?"Nanlaki ang mga mata ni Ezekiel. Agad siyang umiling. "H-Hindi."Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang balikat ni Ravia."Huwag kang maniwala sa kanya. Sinasabi lang niya 'yan para magmukha silang biktima. Tingnan mo sila…"Itinuro niya sina Zion at ang pamilya Del Fierro."Ganyan sila kagaling magmanipula. Alam nilang malapit na silang matalo. Kaya ngayon, sinusubukan nilang sirain ako."Tahimik lamang na nakatingin si Ravia sa kanyang ama. Halata sa kanyang mukha ang pag

  • Marry Me Instead   Chapter 132- The Truth Unravels

    Makalipas ang halos isang oras, tuluyang huminto ang convoy sa harap ng isang lumang abandonadong warehouse sa labas ng siyudad. Madilim ang buong paligid at tanging iilang ilaw lamang ang nagbibigay ng mahinang liwanag sa loob ng gusali. Puro alikabok ang sahig, habang nagkalat sa bawat sulok ang mga sirang bakal, lumang kahon, at mga kagamitan na matagal nang hindi nagagamit.Isa-isang ibinaba ng mga armadong tauhan ni Ezekiel ang buong pamilya Del Fierro. Walang nakaligtas. Sina Don Marshal, Miguel, Victoria, Eris, Morgan, Zion, Emery, at maging ang walong taong gulang na si Daphne ay sapilitang dinala sa loob ng warehouse.Isa-isa silang ginapos sa mga bakal na upuan.Nanginginig ang buong katawan ni Daphne habang patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha."Tita..." mahina niyang tawag kay Emery. "Natatakot po ako..."Halos madurog ang puso ni Emery nang makita ang takot sa mga mata ng bata. Pilit niyang ngumiti kahit siya mismo ay nakagapos at walang magawa."Daphne..." mahina niya

  • Marry Me Instead   Chapter 131- The Accusation

    THIRD PERSON POVNanatiling tahimik ang buong ballroom matapos ang pagpapakilala ni Ezekiel kay Ravia.Walang sinuman ang nagsasalita.Tanging ang sunod-sunod na pag-flash ng mga camera at mahihinang bulungan ng mga bisita ang maririnig sa buong bulwagan.Nakatitig lamang si Don Marshal kay Ezekiel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nakikita."Ezekiel..." nanginginig niyang tawag.Bahagyang ngumiti si Ezekiel. "Matagal-tagal din tayong hindi nagkita, Dad."Unti-unting nanubig ang mga mata ng matanda."Akala namin..." Huminto siya sandali. "Akala naming patay ka na."Napailing si Ezekiel."Iyon din ang gusto ninyong paniwalaan."Nanlaki ang mga mata ni Miguel. "Ano'ng ibig mong sabihin, Kuya?"Dahan-dahang napalingon si Ezekiel sa kanyang nakababatang kapatid. Malamig ang kanyang titig."Miguel, ikaw ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang lahat."Natahimik ang buong ballroom."S-Si Miguel?" gulat ang boses ni Don Marshal.Ngunit hindi na siya pinansin ni E

  • Marry Me Instead   Chapter 130- Don Marshal's Birthday

    THIRD PERSON POVIlang araw ang lumipas, muling nabalot ng kasiyahan ang Del Fierro Mansion sa loob ng ballroom nila.Ngunit kakaiba ang selebrasyong iyon. Hindi lamang dahil ika-pitumpu't limang kaarawan iyon ni Don Marshal Del Fierro. Kundi dahil iyon din ang unang malaking pagtitipon ng pamilya matapos ang sunod-sunod na trahedyang pinagdaanan nila.Mula pa sa labas ng mansion ay makikita na ang engrandeng dekorasyon. Nababalutan ng puti at ginto ang buong hardin. May malaking entablado sa gitna habang ang magkabilang gilid ay puno ng mga mesa para sa mga bisita.Isa-isang dumarating ang mga kilalang negosyante, pulitiko, at business partners ng Del Fierro Group. Naroon din ang iba't ibang media company upang i-cover ang espesyal na okasyon.Mahigpit naman ang seguridad sa buong paligid. Bawat bisitang pumapasok ay dumaraan sa security scanners at identity verification.Hindi iyon nakaligtas sa pansin ng ilang bisita. "Parang mas mahigpit ang security ngayon.""Natural lang siguro.

  • Marry Me Instead   Chapter 053- The Vote

    EMERYTahimik ang buong conference room matapos sabihin ng shareholder na gusto nilang tanggalin si Weston bilang acting CEO ng Armani Group. Ramdam ko ang bigat ng tensyon sa paligid habang isa-isang nakatingin ang lahat sa kanya. Ngunit imbes na mataranta si Weston, bigla lang siyang natawa nang

  • Marry Me Instead   Chapter 034- The Birthday Trap

    THIRD PERSON POVMaagang nagising si Ravia sa loob ng presidential suite ng The Royal Grand Hotel, isa sa pinakamahal at pinaka-eksklusibong hotel sa Makati.Mula sa glass windows ng suite niya, rinig niya ang maingay ng mga sasakyan, ngunit mas abala ang isip niya sa nalalapit niyang birthday part

  • Marry Me Instead   Chapter 033- What Does Your Wife Deserve?

    EMERYPagdating ko sa mansyon, pakiramdam ko ay halos wala nang natitirang lakas sa katawan ko.Mabigat ang bawat hakbang ko habang papasok sa loob ng bahay. Hindi ko na alam kung dahil ba iyon sa pagod buong araw o dahil sa bigat ng mga nalaman ko.Hanggang ngayon, paulit-ulit pa ring umiikot sa i

  • Marry Me Instead   Chapter 015- What They Took From Me

    EMERYPagdating ko sa mansyon, diretso akong umakyat sa kwarto. Dahan-dahan kong isinara ang pinto at sandaling sumandal doon, pinikit ang mga mata ko. Huminga ako nang malalim at dahan-dahang inilabas ang bigat sa dibdib ko. Ngunit kahit anong gawin ko, nariyan pa rin ang kirot.Dahan-dahan akong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status