تسجيل الدخولHi, Readers! 💖Let’s wrap things up!Maraming-maraming salamat po sa lahat ng sumuporta at sumubaybay sa kuwentong “Marry Me Instead.” Naiiyak ako, huhu. 🥹 Grabe, ilang buwan ko rin itong isinulat. Maraming puyat, pagod, at stress ang pinagdaanan ko—hanggang sa nagkasakit pa ako. Haha!This is my first book on GN, at sobrang saya ko dahil hindi ninyo ako iniwan hanggang sa dulo. Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta, pagbabasa, at paghihintay sa bawat update. 🥰Sana samahan ninyo rin ako sa susunod kong kuwento na “Billionaire Daddy, Please Marry My Mommy,” ang entry ko para sa contest. Alam kong medyo delayed na tayo, pero lalaban pa rin! Haha. 💪 Sisimulan ko na po ang updates next week. May cameo pa rin sina Emery at Zion doon, kaya abangan niyo. 💖Gusto ko rin pong malaman ang inyong thoughts tungkol sa “Marry Me Instead.” Ano ang masasabi ninyo sa buong kuwento? Sino ang paborito ninyong character? Ano ang pinaka-hindi ninyo makakalimutang eksena?Please leave your
Iniabot ni Emery ang tseke sa babae.“Tanggapin mo ito. Tulong na rin para sa mga gamot at pagpapagamot ni Ashley.”Hindi agad gumalaw si Senna. Tulala lamang itong nakatingin sa tseke bago mabilis na umiling.“Naku, Ma’am, ang laki po nito! Hindi ko po puwedeng tanggapin. Hindi naman po ganoon kamahal ang damit ni Ashley. Malalabhan ko pa naman po ito.”“Hindi iyan bayad sa damit,” mahinahong sabi ni Emery. “Para kay Ashley iyan.”“Pero, Ma’am…”“Please, tanggapin mo na. Alam kong hindi nito masasagot ang lahat ng kailangan ninyo, pero sana makatulong kahit paano.”Napatingin si Senna sa anak. Nakita niyang pilit na nakangiti si Ashley kahit halatang pagod na ito. Unti-unting napuno ng luha ang mga mata ng babae.“Hindi ko po alam kung paano ko kayo mababayaran.”“Hindi mo ako kailangang bayaran,” sagot ni Emery. “Ang mahalaga, maipagpatuloy ninyo ang treatment niya.”Nanginginig ang kamay ni Senna nang tanggapin niya ang tseke. Agad siyang napayuko habang tahimik na tumutulo ang kan
Limang taon na ang lumipas mula nang ikasal sina Emery at Zion. Sa loob ng mga taong iyon, marami ang nagbago sa kanilang buhay. Mas lumawak ang Del Fierro-Armani Group, dumami ang kanilang mga proyekto, at mas naging matatag ang pagsasama ng dalawang kompanya.Ngunit ang pinakamalaking pagbabagong dumating sa buhay nilang mag-asawa ay ang pagsilang ng kanilang kambal.Isang lalaki at isang babae ang isinilang ni Emery isang taon matapos ang kanilang kasal. Pinangalanan nilang Zayne Del Fierro ang kanilang anak na lalaki, habang Elara Del Fierro naman ang kanilang anak na babae.Parehong apat na taong gulang na ang kambal. Si Zayne ay masayahin, malikot, at mahilig magtanong tungkol sa lahat ng bagay. Si Elara naman ay matapang at madaldal, ngunit madalas nitong ipinagtatanggol ang kapatid kapag napapagalitan. Kahit magkaiba ang kanilang ugali, halos hindi sila mapaghiwalay.Nang araw na iyon, puno ng bulaklak at maliliit na ilaw ang malawak na garden ng kanilang villa sa Forbes Park.
THIRD PERSON POVKinagabihan, sinundo ni Zion si Emery mula sa Armani building. Hindi nito sinabi kung saan sila pupunta. Kahit ilang beses magtanong si Emery, ngiti lamang ang sagot nito.Nang mapansin ni Emery ang pamilyar na mga kalsada, agad siyang napatingin sa labas ng bintana.“Papunta tayo sa Forbes Park?”“Secret.”“Zion, huwag mo akong lokohin.”Napatawa ang lalaki. “Malapit na tayo.”Ilang minuto pa ang lumipas bago huminto ang kanilang sasakyan sa harapan ng isang malaking villa. Nanlaki ang mga mata ni Emery nang makita itong tapos na.“Akala ko under construction pa ito?”“Pinabilisan ko ang kaunting renovation,” sagot ni Zion.Napailing si Emery. “Hindi naman kailangang madaliin iyon, Zion.”“Kailangan dahil mag-asawa na tayo. At dito na tayo titira simula bukas.”Napatingin si Zion sa kanyang relo bago bumaba ng sasakyan. Umikot ito sa kabilang bahagi at pinagbuksan siya ng pinto.Pagkababa ni Emery, agad siyang sinalubong ni Zion na may hawak na malambot na piring.Na
THIRD PERSON POVLumipas ang ilang linggo matapos ang kasal nina Emery at Zion. Unti-unti nang bumalik sa normal ang kanilang buhay, ngunit hindi pa rin natatapos ang mga pagbabagong pinaplano nila para sa kanilang mga kompanya.Isang malaking event ang ginanap sa Regalia Crown Hotel para sa pormal na pagsasanib ng Del Fierro Holdings at Armani Group. Dumalo roon ang mga board member, investors, business partners, at ilang kilalang personalidad sa industriya. Maraming media ang nag-abang sa labas dahil itinuturing itong isa sa pinakamalaking business merger ng taon.Sa harapan ng malawak na conference hall, magkatabing nakaupo sina Emery at Zion. Pareho silang nakasuot ng pormal na business attire. Tahimik na nakamasid ang lahat habang isa-isa nilang pinirmahan ang mga dokumento.Sa pagsasanib ng dalawang kompanya, mas lumawak ang kanilang negosyo at mas lumakas ang kanilang kapangyarihan sa industriya. Ang Armani Group ay kilala sa real estate, fashion, at luxury developments, habang
THIRD PERSON POV “Z-Zion! Ibaba mo ako! May reception pa!” sabi ni Emery habang mahigpit na nakakapit sa leeg ng lalaki.Sandaling natigilan si Zion. Sa sobrang saya niya, muntik na niyang makalimutang may reception pa silang kailangang puntahan. May inihandang intermission number si Spencer, may mga speech pa mula sa kanilang pamilya at mga kaibigan, at siyempre, hindi maaaring mawala ang kanilang first dance.Napatawa si Emery nang makita ang biglang pagbabago ng ekspresyon nito. “Mukhang nakalimutan mo.”Napabuntong-hininga si Zion bago siya maingat na ibinaba. “Pwede bang paikliin na lang ang reception?”“Hindi,” mabilis na sagot ni Emery. “Pinaghandaan iyon ng lahat.”“Fine,” sagot ni Zion, ngunit nanatili ang pilyong ngiti sa mukha niya. “Pero pagkatapos nito, wala ka nang dahilan para tumakas.”Umiling si Emery habang namumula ang kanyang mga pisngi.Makalipas ang ilang sandali, nagtungo ang lahat sa reception area. Masayang sinalubong ng mga bisita ang bagong kasal habang sab
EMERY“Kanina ka pa ba d’yan, Emery?”Tumango ako. “Opo, Lo. Narinig ko ang usapan n’yo. Ayos lang naman sa akin na hindi na i-celebrate ang pagbubuntis ko. Sapat na sa akin na gawin ang obligasyon ko bilang asawa ni Weston.”Agad na nanlaki ang mga mata ni Benicio Montenegro.“Anong sinasabi mo, h
EMERY“Anong nangyari sa sperm ng asawa ko?”“Hindi po naging viable ang sample ni Mr. Montenegro dahil sa mababang sperm count at poor quality nito. Wala pong embryo na nabuo mula roon na maaaring i-transfer sa inyo. Noong kinuha ang egg cell ninyo sa cryopreservation room, nadampot ni Nurse Joy a
EMERY“Lo…” pinilit kong ngumiti.Dahan-dahan niyang ibinaba ang binabasang magazine. “Lumapit ka rito.”Nag-atubili ako ngunit sinunod ko pa rin siya. Tulad ng nakasanayan, umupo ako sa tabi ng niya at maingat na hinawakan ang kamay niyang may manipis nang mga ugat.Mas lalong lumalim ang guhit sa
EMERY“Weston…” mahinang sabi ni Ravia, parang natutuwa. “You’re cruel.”Napabuga ng hangin si Weston, ngumiti siya. “And you like that about me, right?”“Ang importante,” dugtong ni Weston, “kapag nanganak na siya, tayo rin ang makikinabang. Lolo wants an heir. Ibibigay ni Emery iyon. After that, m







