تسجيل الدخولBAHAGYANG natigilan si Professor Kent Morales nang mag-angat ito ng tingin at makita ang babaeng nakatayo sa pintuan. Halos hindi niya agad nakilala si Marikit. Hanggang sa ito na mismo ang nagsalita.
“Professor.” Doon lamang tuluyang natauhan si Kent bago bahagyang ngumiti. “Marikit.” Mabilis nitong isinara ang hawak na documents at tumayo mula sa swivel chair. “It’s been a while.” Tahimik na tinanggal ni Marikit ang suot na face mask bago pumasok sa opisina. “It’s been a long time, Professor.” Masuyong ngumiti si Kent habang pinagmamasdan ang dating estudyante. Halatang nagulat pa rin ito sa malaking pagbabago ng babae. “I almost didn’t recognize you.” Bahagyang natawa si Marikit ngunit puno iyon ng pait. “To be honest, nahihiya nga akong humarap sa inyo sa ganitong itsura ko.” Mabagal na umiling si Kent. “Pregnancy changes a woman’s body. Normal lang ’yan.” Lumapit ito sa maliit na coffee table at nagsalin ng maligamgam na tubig sa baso. “Sit down first.” Tahimik na naupo si Marikit sa sofa habang maingat na hawak ang tiyan. Iniabot ni Kent ang baso sa kaniya. “Warm water.” “Thank you.” Bahagyang bumaba ang tingin ng lalaki sa nakaumbok niyang tiyan. “How many months?” “Twenty-five weeks.” Tumango si Kent. “Then next semester… halos kasabay na ng due date mo.” Bahagyang natigilan si Marikit bago marahang nagsalita. “Professor… possible po bang ma-delay muna nang kaunti ang enrollment ko?” Natahimik si Kent. Alam nitong hindi basta-basta bibitaw si Marikit sa pagkakataong iyon kung hindi talaga mahalaga. “Why?” direkta nitong tanong. Tahimik na ibinaba ni Marikit ang tingin sa basong hawak. “After kong manganak… makikipaghiwalay na si Mikael sa akin.” Direkta ngunit kalmado ang boses niya. “Ayaw ko nang ipagpatuloy pa ’yung relasyong wala namang patutunguhan. I want to start over.” Tahimik na napabuntong-hininga si Kent. Kitang-kita nito kung gaano nagbago si Marikit. Dati, napakaliwanag ng mga mata nito, masayahin, ambitious, and confident. Subalit ngayon, para bang napagod na ito sa buhay. “I’m glad natauhan ka rin finally,” mahinahon nitong sabi. “You and Mikael were never a good match.” Tahimik lamang na nakinig si Marikit. Masakit sa dibdib na marinig niya ang bagay na iyon, kahit alam niyang totoo naman. “You deserve someone who will genuinely love you.” Bahagyang kumurap si Marikit bago marahang tumango. Noon pa man, tutol na si Kent nang piliin niyang maging assistant ni Mikael pagkatapos ng graduation. Pero sobrang mahal niya ang lalaki kaya hindi siya nakinig. At heto siya ngayon, wasak. Ilang sandali pa’y muli siyang nagsalita. “Professor…” “Hmm?” “Anong klaseng tao ba si Mikael… sa tingin ninyo?” Bahagyang natahimik si Kent bago sumandal sa sofa. “Mikael Altaverde is the type of man who will do anything to achieve what he wants.” Malamig at diretso ang boses nito. “He prioritizes power, control, and results. A person like that…” saglit itong huminto, “rarely understands love.” Tahimik na napangiti si Marikit. “Gan’on ba…” Ngunit hindi iyon ang nakita niya kahapon. Malamig si Mikael sa kaniya pero napakabait nito sa ibang babae, sweet, at gentle. Kapag pala totoong mahal mo ang isang tao, kusa kang lumalambot. At malinaw na hindi siya ang babaeng iyon para kay Mikael. Hindi na nagtanong pa si Marikit matapos marinig iyon. “Don’t worry,” sabi ni Kent. “I’ll help you process the deferred enrollment.” Agad siyang napatingin dito. “Thank you, Professor.” Maya-maya ay pinasagutan siya nito ng ilang documents at application forms. Tahimik lamang na nagsusulat si Marikit. Pagkatapos ng ilang minuto, muling nagsalita si Kent. “What about the baby?” Bahagyang natigilan si Marikit at nag-angat ng tingin. “Anong mangyayari kapag ipinanganak na siya?” Mabagal siyang napangiti ngunit halatang pilit iyon. “Kukunin siya ng pamilya Altaverde.” Wala siyang choice. Imposibleng hayaan ng mga Altaverde na mailayo sa kanila ang unang babaeng apo ng pamilya. At kahit gustuhin man niyang isama ang anak… wala siyang laban sa kapangyarihan ng mga iyon. Bahagyang tumango si Kent, at hindi na ito nagtanong pa. Pero maya-maya ay muling nagsalita ang lalaki. “I actually need an assistant for a month habang may inaasikaso akong project.” Bahagyang nag-angat ng tingin si Marikit. “Would you like to work for me?” Halos hindi na siya nagdalawang-isip pa ng sumagot. “Yes.” Kailangan niya ng bagong distraction. Kailangan niyang mahanap ulit ang dating sarili. Mula nang mabuntis siya, unti-unti siyang inalis ni Mikael sa importanteng trabaho sa Altaverde Corporation hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng silbi roon. From executive assistant… to nobody. Kaya ngayon, gusto niyang bumangon ulit. Makalipas ang ilang oras, nanatili si Marikit sa opisina ni Kent bilang temporary assistant nito. At surprisingly, mabilis siyang nakapag-adjust. Sanay siya sa pressure. Sanay siya sa trabaho. Habang abala sa pag-aayos ng financial reports at schedules, unti-unti niyang naramdaman ang bagay na matagal nang nawala sa kaniya— ang sarili niya. Tama si Kent. Hindi dapat umiikot lang sa pag-ibig ang mundo niya. May pangarap siya bago dumating si Mikael. At gusto niyang balikan iyon. Kinagabihan, hindi umuwi si Mikael. Katulad ng madalas nitong gawin. Ngunit ngayon ay wala na siyang pakialam... --- KINABUKASAN, maaga siyang nagtungo sa Altaverde Corporation dala ang printed resignation letter. Ang Altaverde Corporation ang may hawak sa banking, investment, at finance industries ng pamilya. At si Mikael Altaverde mismo ang namamahala sa lahat ng iyon. Sa murang edad, nagawa nitong palawakin pa ang kapangyarihan ng kompanya. Kaya naman halos lahat at kinatatakutan ito at hinahangaan. Pagdating ni Marikit sa building, eksakto namang kabababa lang ni Mikael mula sa itim nitong Bentley. Naka-charcoal suit ito habang walang emosyon na naglalakad papasok sa building. Gwapo, matalino, makapangyarihan. Parang lalaking hindi kayang abutin ninuman. “Good morning, President Altaverde.” Sunod-sunod na yumuko ang mga empleyado. Mabilis namang umiwas ng tingin si Marikit at bahagyang umurong. Ngunit dumaan lamang si Mikael sa harapan niya na para bang hindi siya nakita. Parang estranghero. Matapos niyon ay diretsong nagtungo si Marikit sa secretary department at inilapag ang resignation letter sa mesa ni Samantha Ruiz. Dating assistant lamang niya si Samantha, pero ngayon, ito na ang executive secretary ni Mikael. Minsan talaga, mabilis magbago ang panahon. Tahimik na binasa ni Samantha ang resignation letter bago dahan-dahang umangat ang tingin kay Marikit. Bahagyang bumaba ang tingin nito sa tiyan niya bago ngumisi. “At least marunong ka ring tumingin sa salamin,” saad nitong puno ng pang-uuyam. “Huwag mong isipin na dahil nabuntis ka, magiging bahagi ka na ng pamilya Altaverde.” Tahimik lamang si Marikit habang nakikinig. “Alam mo ba kung anong klase ng pamilya meron sila?” patuloy pa ni Samantha. “Hindi sapat na magkaanak ka para makapasok sa mundo nila.” Mariing hinigpitan ni Marikit ang hawak sa bag ngunit nanatiling kalmado ang mukha niya. Dahil walang nakakaalam sa kompanya na siya ay legal na asawa na ni Mikael Altaverde... Sa panigin ng iba, isa lang siyang babae na ginamit ang katawan at nagpabuntis kay Mikael Altaverde. Subalit walang nakakaalam na darating ang araw na babaliktan ang sitwasyon... Na si Mikael naman ang maghahabol at magmamakaawa na balikan niya...NANG GABING iyon... Tahimik na nakatayo si Kent sa malawak na balcony ng kanyang condominium unit. Sa isang kamay ay hawak niya ang isang mababang crystal glass na may kaunting whiskey. Sa kabilang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng slacks niya. Mula roon ay tanaw ang kumikislap na ilaw ng Bonifaci
MAKALIPAS ang halos dalawang linggo... Unti-unting bumalik sa dating ritmo ang buhay sa Arcadia Prime. Sunod-sunod ang board meetings, project presentations, at site inspections. Halos araw-araw ay punô ang schedule ni Marikit bilang Chief Operating Officer. Ngunit sa kabila ng pagod, may isang ba
KINABUKASAN... Bahagyang sumilip pa lamang ang sikat ng araw sa pagitan ng mga matataas na gusali ng Bonifacio Global City nang unti-unting magising si Marikit. Tahimik ang buong unit. Nakatitig lang siya sa puting kisame habang nakahiga. Hindi niya namalayang napahawak siya sa noo. Hindi pa rin m
TAHIMIK na isinara ni Marikit ang p***o matapos umalis ni Mikael. Hindi niya namalayang nanatili siyang nakatayo roon nang ilang segundo, nakatitig lang sa doorknob na para bang may hinihintay pa. Hanggang sa tuluyan siyang napabuntong-hininga. Dahan-dahan siyang bumalik sa sala. Malinis na ang bu
PAYAPA ang buong unit. Tanging mahihinang yabag lamang ni Mikael ang maririnig habang maingat niyang bitbit si Mithi papunta sa kuwarto nito. Mahigpit pa ring nakakapit ang bata sa leeg niya, yakap ang paborito nitong stuffed rabbit. Halos nakapikit na ito sa antok. "Daddy..." mahinang tawag nito.
TAHIMIK na naupo ang tatlo sa maliit na dining table. Hindi ito katulad ng mga mamahaling hapunang madalas na dinadaluhan ni Mikael noon. Simpleng dinner lang iyon na nakasama ang dalawang babae na pinakamahalaga sa buhay niya. Ngunit sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pakiramdam niya ay ito a
KINABUKASAN, maagang nagising si Marikit dahil sa amoy ng nilulutong almusal mula sa kusina. Paglabas niya ng kuwarto ay nadatnan niyang abala si Stella sa paghahanda ng pagkain. May nilulutong arroz caldo para sa kaniya, may hiwalay pang steamed vegetables at grilled fish na maingat nitong inilal
ISANG sunod-sunod at mahihinang katok ang nagpabalik sa naglalakbay na isip ni Marikit. “Marikit, anak, nandito na sila Daddy mo,” mahinang tawag ni Stella mula sa labas ng pinto. Agad namang natauhan si Marikit mula sa pagkatulala sa lumang litrato. Mabilis niyang isinara ang photo album bago m
BIGLANG nagbago ang ekspresyon ni Samantha matapos marinig ang sinabi ni Marikit. Mariin nitong hinampas ang mesa bago biglang tumayo. “Marikit Valejo!” Ngunit wala nang pakialam si Marikit. Tahimik lamang siyang tumalikod at bumalik sa sariling workstation. Pagkaupo niya, dahan-dahan niyang ini
MATAPOS iwan ni Marikit ang resignation letter kay Samantha Ruiz, tahimik siyang bumalik sa workstation niya. Ngunit tulad ng dati, hindi doon natapos ang pagpapahirap sa kaniya. “Pakitapos nitong financial analysis ng Xandric before lunch,” malamig na utos ni Samantha habang walang pakialam na ib







