MasukSOLARA’S POV:
Wala akong choice kundi mamalagi muna sa mansion. Pinayuhan ako ng Doktor na alagaan ang sarili ko. So it means, hindi na muna pwedeng mag-bar at pumunta sa beach. Bawal kasing magbyahe ng malalayo dahil maselan ang pinagbubuntis ko, lalo na at first trimester ko pa lang. Nandito ako ngayon sa kusina at kumakain ng mangga dahil nag-crave ako ng maasim. Walang nanghahas magtanong, kahit halata naman ang pagtataka sa mga mata ng kasambahay namin kung bakit ako nagpakuha ng maraming mangga. “Hmmm… Ang sarap!” mahinang saad ko habang nilalantakan ang mangga at sinasawsaw sa bagoong. May narinig akong yabag na palapit kaya napaangat ang tingin ko sa bukana ng kusina. At doon ay bumungad sa akin ang mukha ng ama ko. Bakas ang pagkagulat at pagtataka sa kanya. "Himala at nasa bahay ka lang ngayon? Dati rati’y hindi ka napipirmi dito," malamig na saad nito. "Is there something wrong with that, Dad? Ayaw mo ba noon? Nagbabagong buhay na ako?” pekeng ngiti ko, tila ba napakabait kong tao. Pero sa loob ko ay kulang na lang ay umikot ang mga mata ko. Kung hindi lang ako buntis ay mas gugustuhin ko pang maglibot sa labas kesa makita ang mukha niya dito sa mansyon. “Wala naman, ipagpatuloy mo lang ‘yan para makapaghanda ka sa nalalapit na pag-merge ng kumpanya natin sa Valverde Global Alliance,” natutuwang saad niya. “Okay." maikling saad ko saka muling nilantakan ang mga mangga. “Anyway, I’ll gotta go,” paalam niya at agad na umalis. “Akyat muna ako," saad ko sa kanila pagkatapos kumain ng mangga. Pakiramdam ko ay sumama ang pakiramdam ko kaya umidlip muna ako. — — — Dumaan ang mga araw na puro kain, tulog at pagsusuka ako. Isang hating gabi, nagising ako at biglang nag-crave ng chewy donut. Pinindot ko ang intercom at sumagot si Manang. “Hello, señorita. Anong gusto niyo po?” tanong nito, tila nasanay na sa araw-araw kong weird cravings. “I want chewy donut. Pwedeng pabili ako kay Kuya?” tanong ko sa family driver namin. "Masusunod, señorita," sagot niya bago ko pinatay ang linya. Pagkaraan ng ilang minuto ay para bang tumutulo na ang laway ko sa excitement. Maisip pa lang na makakain ko na ang cravings ko ay kinikilig na ako. Biglang may kumatok sa pintuan at dali-dali akong tumayo at binuksan ito. “Ito na po ang pinapabili niyo, señorita," saad ni Kuya. “Salamat, Kuya," napangiting saad ko saka sinarado ang pintuan. Parang kinilig ako nang mabuksan ang lagayan at tumambad sa akin ang chewy donut. "Baby, here’s your cravings. Titikman na ni Mommy, huh?” saad ko sa bata sa loob ng tiyan ko habang hinahaplos ito. Pagkatapos ay kumagat ako at napapikit sa sarap. "Oh my gosh! Ang sarappp!" masayang saad ko, biglang naluha. Bwisit na hormones na ‘to, biglang naging iyakin ako. Saka ko na ito inubos lahat at sobrang na-satisfied talaga ako. Pagkatapos ay natulog ako ulit ng mahimbing. — — — Sa wakas ay dumating ang pinakahihintay kong araw. Ang pasabog na isisiwalat ko sa kanila. Pag-uwi ni Dad ay agad niya akong hinanap nang hapon na iyon. Nadatnan niya ako sa kusina at kumakain ng avocado na may marshmallow at powdered milk. Isa sa weird cravings ko. “Maghanda ka, dahil may family dinner tayo mamaya kasama ang pamilya Valverde,” saad ni Dad. “Noted, Dad," sagot ko, sabay ngiti ng napakatamis. Hindi niya alam na pagkatapos ng gabing ito ay maisasakatuparan ko na ang plano ko. Ito ang paraan para makuha ko ang kalayaang matagal ko nang ipinaglalaban. Kinagabihan ay naligo ako at nakahanda na ang mga gamit at piling damit para sa pag-alis ko ng bansa. Isinuot ko ang silk sleeveless maroon dress na may slit sa hita. Strappy flats ang sapin ng paa ko dahil bawal pa rin ng high heels. ‘Yon ang paalala ng OB ko, para iwas aksidente. — — — Masayang-masaya ang pamilya Valverde nang makarating sa aming mansyon. Dahil sa wakas ay magme-merge na ang dalawang naglalakihang kumpanya. Ang Hilario Crest Holdings at Valverde Global Alliance. “Goodevening sir Leandro Hilario," pormal na bati ni Enzo Valverde, unico hijo ni Alexander Valverde. "Good evening, Enzo. Stop the formality dahil malapit na kitang maging manugang,” saka humalakhak si Dad at kinamayan ang binata. Tinanggap naman ni Enzo ang pakikipagkamay ni Dad. Saka ito nakitawa habang ang mga mata niya ay nakatutok sa akin. Malagkit at mapang-akit ang tingin niya, dahilan para mapairap ako dito. Halatang playboy, kabisado ko na ang ganitong klase ng lalake. Sa dami ba naman ng naging flavor of the month ko noon at kaibigan na lalaki. “Kumusta ang kumpanya?” tanong ni Alexander Valverde kay Dad, habang ang asawa niya ay nakakapit sa siko nito. Ang mga mata nito ay lumilibot sa loob ng mansyon, tila kinikilatis ito. "Maayos naman," sagot ni Dad. “Hi! Your dad told me about you. It was nice meeting you, mi lady,” hinalikan ni Enzo ang likod ng palad ko, nakangiti habang nakatutok sa akin ang mga mata niya. “Oh! Really?” tipid kong sagot. "Yeah! I can't wait to marry you," nakangiti siyang saad. "Hmmm…” sagot ko, tahimik, habang nagtatago ng emosyon. “Anyway, let's have a seat. The dinner is ready," pag-aya ni Dad Kaya nagsiupo na kami. Habang pasimpleng tumabi sa akin si Enzo. Napuno ng ngiti at papuri ang umiikot sa hapag-kainan. Tungkol sa mga na-achieve nila sa buhay, negosyo at pamilya. Ngunit hindi nila alam ang bombang pasasabugin ko ay nalalapit na sa ilang sandali. Tahimik kong inilabas ang pregnancy test result at inilapag sa mesa. Sa isang iglap ay naglaho ang mga ngiti nila. Lalo na ang ama ko. Napalitan ng galit, gulat at pagkasuklam mukha nito. "What the hell, Solara! What's the meaning of this!" galit na saad ng ama ko. Umalingawngaw sa buong mansion ang boses niya. Ang pamilya Valverde ay gulat. Hindi nila inaasahan na buntis ako. Dahil dito ay napangisi ako. Hindi ko na inintindi ang mga sigaw at masasakit na salita ng aking ama. Sanay na ako. Tumayo ako na para bang walang nangyari at iniwan ang lahat sa dining table. Agad akong umakyat sa taas at mabilis kong pinadala sa family driver namin ang maleta ko at nagpahatid sa airport. Matagal ko nang pinaghandaan ang pag-alis ko. Dalawang buwan pa lang bago ang pag-alis ko ay naka-reserve na ang ticket ko. “At last, I’m free," bulong ko sa sarili na may ngiting wagi. Saka iniwan ang mansyon at lumipad patungong New York. Handa na akong magsimulang muli, malayo sa kanila. — — — 3 MONTHS LATER… DRAVEN’S POV: “Sir, nahanap na namin siya,” saad ng isa sa mga tauhan ko. “Good,” malamig kong tugon. “What’s her name? Give me some details about her background.” “Ang pangalan niya ay Solara Hilario, sir. Tagapagmana ng Hilario Crest Holdings.” sagot nito. May kumislot sa isip ko. Parang pamilyar sa akin ang apelyidong nila. “Do you have other information aside from that?” malamig na saad ko. “Yes, sir,” sagot niya. “Tatlong buwan na siyang buntis. Pero wala na siya dito sa bansa dahil tumakas siya papuntang New Year. Sa kadahilanang ayaw niyang ipakasal sa tagapagmana ng Valverde Global Alliance.” paliwanag nito. Sa tindi ng galit ko ay nahampas ko ang mesa. Dahilan para mahulog ang mga papeles dito. Biglang tumahimik ang paligid. Ngunit sa loob ko ay nagsisimula pa lamang ang bagyo.SOLARA'S POV:Nagising ako isang gabi dahil bigla akong nakaramdam ng matinding gutom. Hindi iyon ordinaryong gutom. Iyong tipong parang may hinihila ang sikmura ko at may isang kakaibang pagkain na paulit-ulit na pumapasok sa isip ko.Napanguso ako habang marahang hinimas ang malaki ko nang tiyan.Mukhang nagke-crave na naman si baby...Dahan-dahan kong niyugyog ang balikat ng katabi ko."Hubby..." mahina kong tawag."Hmmm..." paos niyang tugon habang pikit-matang dumilat.Kahit halatang antok na antok pa siya ay agad din siyang bumangon nang bahagya."What do my beautiful wife and our baby want this time?" malambing niyang tanong habang marahang hinihimas ang aking pisngi.Hindi ko napigilang mapangiti.Alam na alam na talaga ni Draven ang dahilan kapag ginising ko siya sa kalagitnaan ng gabi. Hindi iyon emergency.Cravings lang.At kahit gaano pa iyon ka-weird, ni minsan ay hindi niya ako pinagbabawalan at hinahayaan niya lang ako. Naiintindihan niya ang pagbubuntis ko.Nag-isip mu
DRAVEN'S POV:(THE BACK STORY OF DRAVEN IMPERIALE)“Mommy, why are you crying?" malungkot na tanong ko sa aking ina habang narito kami sa loob ng kwarto nila ni Daddy. Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ang isang basang panyo, at pilit na itinatago ang mga luhang walang tigil sa pag-agos."W-Wala ito, anak. Pagod lang si mommy,” basag ang boses na sagot niya sabay luhod sa mismong paanan ko.Tiningnan niya ako nang diretso sa mga mata, at doon ko nakita ang isang uri ng lungkot na hindi ko pa kayang lubos na maunawaan noon."Palagi mong tatandaan na dapat, kahit anong problema ang dumarating sa buhay mo, ay magpapakatatag ka. Para kung sakaling mawala man sa mundo si mommy... kaya mo na mag-isa." Hinaplos niya ang mamula-mula kong pisngi, tila ba nagpapaalam na.Dahilan para mapakunot-noo ako sa matinding pagtataka.“Why are you saying this to me, mommy?" inosenteng tanong ko sa edad na walong taong gulang.Kumapit ako sa magkabilang balikat niya, nanginginig ang maliit kong puso s
SOLARA'S POV: Yumuko siya nang tuluyan at walang babalang ipinasok ang kanyang dila sa aking namamasang perlas. Sinipsip niya ang aking sentro at walang sawang dinilaan ang pinakasensitibong bahagi ko. Napakapit ako nang mahigpit sa sapin ng kama, halos magusot ko na ang tela dahil sa matinding sarap nang matamaan niya ang rurok ng aking kaligayahan.“Ahhh… Draven! Ohhh…Faster, please… Ahhh…” bulalas ko habang tumitirik ang aking mga mata sa tindi ng ligaya.Mas binilisan pa niya ang pagbayo ng kanyang dila sa loob at labas ng aking perlas. Nanginginig na ang aking mga binti at ramdam ko na ang unti-unting pagbuhos ng enerhiya sa aking puson. Ilang sandali na lang ay tuluyan na akong bibigay.“I-I…” hirap na saad ko, habang pilit na humahabol ng hininga. “I’m cumming, baby! Oh my gosh!”“Go ahead and cum for me, Solara. I want to taste everything. I wanna lick all your sweet juices, baby," paos at mapang-akit ang boses na sagot niya, habang nakatingin nang diretso sa aking mga mata.
SOLARA'S POV:"Tonight is our special night as a married couple, and I want to make the most of every moment I get to spend with you,” saad ni Draven.Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa marangyang master's cabin ng yate ay sinunggaban niya agad ako ng mapupusok at nag-aalab na halik. Hindi man lang niya hinintay na maisara nang maayos ang pinto. Ramdam ko ang tindi ng pagnanasa sa bawat paglapat ng kanyang mga labi sa akin. Isang uri ng halik na tila ba matagal na nangulila, kahit na buong araw naman kaming magkasama sa altar.Hindi na namin tinapos ang party sa labas kasama ang mga bisita dahil ramdam ko na rin ang bigat ng aking katawan at ang labis na pagod mula sa mahabang seremonya. Sa totoo lang, sa tindi ng kapaguran ko, paniguradong isang round lang ang magagawa namin ni Draven bago tuluyang bawiin ng antok. Ngunit sapat na iyon, basta't sa kanya ko gugulin ang unang gabi ko bilang asawa niya.“Damn! This is exactly what I’ve been waiting for all night, my wife," paos at ga
SOLARA'S POV:Kumakain na ang lahat ng mga bisita ng kanilang early dinner dahil mamaya ay magsisimula na ang masayang sayawan at inuman.Habang ako naman ay kumain lang ng sakto para mabusog ang baby sa tiyan ko dahil sa totoo lang, masyado pa akong lunod sa saya ng aming kasal at pakiramdam ko ay busog na busog na ang aking puso."Damn! I don't even want to attend our own party anymore. I just want to lock you up in our room and never let you out," bulong ni Draven sa aking tenga.Ramdam ko ang mainit at nitong hininga na humaplos sa aking leeg. Dahilan para mapasinghap ako dahil nakaramdam ako ng kakaibang kilabot at kuryente sa aking buong katawan.“Konting tiis na lang, my hot husband. Masosolo mo rin ako mamaya," sabay ngiti ko nang napakatamis sa kanya, tinutukso siya nang bahagya.Dahilan para mapapikit si Draven nang mariin at mapahawak sa kanyang noo. Tila ba nahihirapan at pinipigilan ang kanyang sarili sa sitwasyon naming dalawa.Dahilan para mapatawa ako nang mahina sa ka
SOLARA'S POVLahat ng pamilya, kaibigan, at mga piling bisita namin ngayon ay naging tahimik. May ilan sa kanila ang tahimik na nagpupunas ng luha dahil sa naging makabagbag-damdaming palitan namin ng wedding vows ni Draven. Ang bawat salitang binitawan namin ay tila ba nagdala sa kanila sa mahabang pinagdaanan ng aming mga puso bago narating ang altar na ito.Who would have thought that someone as cold, powerful, and intimidating as Draven Imperiale could be this romantic in front of everyone?Sa aming pitong taon na pagkakalayo, ang makita siyang umiiyak at nagpapahayag ng pagmamahal sa harap ng Diyos at ng mga tao ay isang himalang hinding-hindi ko malilimutan bilang isang ina at asawa.Nabasag ang sagradong katahimikan nang muling magsalita ang Pastor, ang kanyang boses ay puno ng kagalakan."The couple will now exchange rings as a symbol of their eternal love and unending commitment," saad nito habang nakangiti sa aming dalawa.Dahan-dahang kinuha ni Draven ang golden wedding rin







