Share

Chapter 7:

last update Petsa ng paglalathala: 2026-03-05 22:19:25

SOLARA'S POV:

Makaraan ang ilang oras na byahe ay tuluyan na kaming nakarating sa Pilipinas. Sa bayang sinilangan ko. Sa lugar kung saan ako unang natutong mangarap at unang nasaktan.

Pagbaba ko ng eroplano ay marahang tinanggal ko ang aking shades at sinalubong ng mainit na hangin ang aking mukha. Iba ang amoy ng sariling bayan. Pamilyar, mabigat sa dibdib, ngunit may parte sa puso ko na nakakagaan.

“Finally… I’m back,” mahina kong bulong sa sarili.

Sa tabi ko ay naroon si Draexis, suot ang maliit niyang backpack. Tila ba isang munting hari na bumalik sa sariling kaharian.

“Wow! Mom, everything looks so different!” manghang saad niya habang iniikot ang paningin dito.

Napangiti ako. “Let’s go, anak?” malambing kong baling sa kanya habang hawak ang kamay niya.

“Yes, Mom. I’m excited,” sagot niya, may ningning ang mga mata nito.

Agad na kinuha ng mga tauhan ni Daddy ang aking maleta. Nakahilera silang lahat, nakaitim na coat, puting dress shirt sa loob, itim na slacks, at makikintab na leather shoes. Tila ba presidente ng Pilipinas ang kanilang sinasalubong.

“Welcome back to the Philippines, Señorita Solara and Señorito Draexis,” sabay-sabay nilang bati.

Tumango ako. “Bring me to my dad,” utos ko ng diretso at walang paligoy-ligoy.

“Masusunod po, Señorita. Hinihintay na niya ang inyong pagbabalik,” tugon ng kanilang pinaka leader.

“Good,” maikli kong sagot.

Lumuhod ako sa harap ni Draexis at hinaplos ang kanyang pisngi. Napakagwapo at maamo ang mukha nito.

“You know what to do, Draexis. I told you about your grandpa, remember?” saad ko rito.

“Yes, Mom. I remember. Babatiin ko po siya at igagalang.” sagot niya nang seryoso.

Napangiti ako at hinalikan siya sa noo. “Good boy.”

“Sakay na po kayo, señorita,” saad ng isa habang binubuksan ang pinto ng sasakyan.

“Thank you,” tugon ko.

Habang nasa byahe ay pareho kaming nakatanaw sa labas ng bintana. Ang siyudad ay mas maingay, mas maraming mga establisyemento at mas moderno.

Marami na ring naging pagbabago sa buhay ko. Pero mananatili ang tapang at lakas ng loob na mayro'n ako sa puso ko.

Pitong taon ang lumipas. Pitong taon akong naging ina sa dayuhang bansa. Pitong taon akong hinubog ng panahon. Hindi bilang anak ng isang makapangyarihang tao, kundi bilang isang ina na handang isugal ang lahat para sa anak ko.

Iba na ang laban ko ngayon. Hindi na para patunayan ang sarili ko sa ama ko. Kundi para protektahan ang anak ko lalo na sa ama nito.

Kung sakali mang kunin niya ito sa akin ay hindi ako papayag na agawin niya si Draexis.

Makaraan ang ilang minuto ay huminto ang aming sinasakyan sa harap ng isang napakalaking ospital. Isa sa mga pagmamay-ari ng aming pamilya.

Ang Hilario Crest Holdings.

“Nandito na po tayo, señorita, señorito,” anunsyo ng tauhan namin.

Pagbukas ng pinto ay agad napatingala si Draexis sa malaking building.

“Mom… this hospital is really big. Is this ours?” puno ng paghanga ang tinig niya.

“Yes, Draexis. This is part of our responsibility,” sagot ko, habang nakatingin din dito.

Responsibilidad. Hindi lamang yaman ang minana ko. Dala ko rin ang bigat ng pangalan na ito.

“Let’s go, puntahan na natin ang lolo mo.” saad ko rito.

“Yes, Mom.” sagot nito, bakas ang excitement sa mga mata.

Magkahawak kamay kaming pumasok dito. Sinalubong kami ng mga doktor, nurses at staff.

“Welcome back, señorita.” masayang saad nila.

“It’s good to be back,” ngiti ko, bagaman may kaba sa dibdib ko.

Habang tinatahak namin ang hallway ay may tauhang nagsalita, may kausap ito sa headset.

“Nagtatanong na po ang señor kung nasaan na kayo.” baling nito sa akin.

“Okay, let’s go,” saad ko, mas pinatatag ang loob.

Huminto kami sa Room 707. Parang biglang huminto ang oras. Huminga ako nang malalim para kumalma ang puso ko.

“Is there a problem, Mom?” tanong ni Draexis, bahagyang nag-aalala sa akin.

“Nothing, baby. I’m okay,” sagot ko, kahit hindi ako sigurado sa sarili ko.

Pinihit ko ang seradura saka binuksan ang pinto.

Maaliwalas ang kwarto. Malamig ang hangin dulot ng aircon. Ngunit ang bumungad sa akin ang tunay na nagpatigil ng hininga ko.

Naroon si Daddy.

Nakaupo sa hospital bed, may suwero, payat at tila nanghihina na. Wala na ang dating tindig ng isang Leandro Hilario na kinatatakutan ng lahat. Napalitan ito ng isang tao na puno ng pagsisisi at lungkot sa mga mata nito.

Dumako ang tingin niya sa aking kinatatayuan. Pagkatapos ay sa anak ko.

“Kumusta ka, anak?” paos ngunit malinaw ang boses niya.

Anak.

Isang salitang matagal kong inasam. Unti-unti akong humakbang papalapit sa kanya.

“D-Dad…” bulong ko.

“Anak… patawad.” yumugyog ang balikat niya saka biglang umiiyak.

Parang may pader sa dibdib ko na biglang gumuho. Lahat ng galit, lahat ng sakit ay sumabay sa pag-agos ng luha ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

“Kalimutan na natin ang nakaraan, Dad. Ang mahalaga ay ngayon,” umiiyak kong saad.

Saka kami sabay na umiyak dulot ng sakit at puot mula sa nakaraan.

Makaraan ng ilang minuto ay humugot siya ng malalim na hininga.

“I need to tell you something important,” seryoso niyang wika.

Napakunot ang noo ko. “What is it, Dad?”

“May rason kung bakit naging ganoon ang trato ko sa’yo noon. Pero hindi iyon sapat para saktan kita.” napayuko ito.

Bigla akong kinutuban sa hindi ko mawaring dahilan.

“Lumaki akong may galit sayo,” mahinahon kong saad. “Ni minsan ay hindi ko man lang naranasan na mahalin ng isang Leandro Hilario. Hindi mo ako itinuring na anak.” puno ng hinanakit na saad ko habang inaalala ang nakaraan.

“Patawad kung dinamay kita sa galit ko sa ina mo,” nanginginig niyang sagot. “Niloko niya ako, Solara… at ikaw ang naging bunga ng kanyang kasalanan.” tila bomba na isiniwalat nito.

Parang may sumabog sa tenga ko.

“A-ano?” napaatras ako mula sa kinatatayuan ko.

“Anak ka ng mommy mo sa ibang lalaki. Kasal na kami noon nang mangyayari ang panloloko niya. Pero kinupkop pa rin kita dahil ayokong mawalan ka ng isang pamilya.” malungkot na saad nito.

Unti-unting nag-sink in sa akin ang katotohanan.

Hindi niya pala talaga ako kadugo. It make sense.

Buong buhay ko ay naghabol ako sa pagmamahal ng isang lalaking hindi pala ang tunay kong ama.

Napatakip ako sa bibig ko habang umiiyak.

“Oh my God… why?” nanginginig kong tanong.

“Mommy? Why are you crying again? Did this old man hurt you?” galit na tanong ni Draexis.

Napahalakhak si Daddy kahit may luha sa mga mata.

“Silly boy,” napapailing na saad nito.

Lumapit si Draexis at niyakap ako nang mahigpit.

“Please stop crying, Mom. I don’t like seeing you like this. It hurts me,” malungkot niyang sabi.

Mas lalong nadurog ang puso ko. Hindi dahil sa rebelasyong narinig ko, kundi sa pagmamahal na nararamdaman ko mula sa anak ko.

“N-No, baby. I just learned something. I will explain it to you later, okay?” paliwanag ko.

“Okay, mommy. I promise that I will protect you.” sagot niya, seryoso at matatag.

Pinunasan ko ang luha ko at hinalikan ang noo niya.

“Oh, Draexis… kaya mahal na mahal kita. Palagi kang nandiyan para i-comfort ang mommy mo.” tila may mainit na kamay na humaplos sa puso ko.

“I’m so proud of you, Solara,” sabi ni Daddy. “Napalaki mo siya nang maayos.”

Tumingin ako sa kanya.

“Yes, Dad. I’m very grateful he came into my life. He’s my treasure. My greatest blessing.” nakangiting saad ko habang nakatingin sa anak ko.

Sa sandaling iyon ay may nagbago sa puso ko. Oo, masakit malaman ang katotohanan. Oo, parang nabura ang identidad na pinanghawakan ko.

Pero isang bagay ang malinaw. Hindi nasusukat sa dugo ang pagiging pamilya.

At bilang isang ina ay alam ko kung ano ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal.

Hindi ito perpekto. Hindi ito palaging masaya.

Pero ito ang uri ng pagmamahal na handang masaktan, handang magsakripisyo at handang lumaban.

Habang yakap ko ang anak ko at nakatingin sa amin ang lalaking minsang naging dahilan ng pagluha ko ay naunawaan ko ang isang bagay…

Maaaring hindi niya ako kadugo. Pero pinili niya akong maging anak.

At ako? Pinili kong maging ina.

At sa mundong puno ng kasinungalingan at sakit, minsan ang pagpili ang pinakamahalagang katotohanan.

Sa pagkakataong ito ay hindi na ako ang batang babaeng naghihintay mahalin at magkaro'n ng kalayaan.

Isa na akong ina. At handa akong ipaglaban ang karapatan ko bilang ina ni Draexis. Habang hawak ko ang kanyang kamay.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Mistaken Night with the Billionaire (SPG)   SPECIAL CHAPTER 1:

    SOLARA'S POV:Nagising ako isang gabi dahil bigla akong nakaramdam ng matinding gutom. Hindi iyon ordinaryong gutom. Iyong tipong parang may hinihila ang sikmura ko at may isang kakaibang pagkain na paulit-ulit na pumapasok sa isip ko.Napanguso ako habang marahang hinimas ang malaki ko nang tiyan.Mukhang nagke-crave na naman si baby...Dahan-dahan kong niyugyog ang balikat ng katabi ko."Hubby..." mahina kong tawag."Hmmm..." paos niyang tugon habang pikit-matang dumilat.Kahit halatang antok na antok pa siya ay agad din siyang bumangon nang bahagya."What do my beautiful wife and our baby want this time?" malambing niyang tanong habang marahang hinihimas ang aking pisngi.Hindi ko napigilang mapangiti.Alam na alam na talaga ni Draven ang dahilan kapag ginising ko siya sa kalagitnaan ng gabi. Hindi iyon emergency.Cravings lang.At kahit gaano pa iyon ka-weird, ni minsan ay hindi niya ako pinagbabawalan at hinahayaan niya lang ako. Naiintindihan niya ang pagbubuntis ko.Nag-isip mu

  • Mistaken Night with the Billionaire (SPG)   EPILOGUE:

    DRAVEN'S POV:(THE BACK STORY OF DRAVEN IMPERIALE)“Mommy, why are you crying?" malungkot na tanong ko sa aking ina habang narito kami sa loob ng kwarto nila ni Daddy. Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ang isang basang panyo, at pilit na itinatago ang mga luhang walang tigil sa pag-agos."W-Wala ito, anak. Pagod lang si mommy,” basag ang boses na sagot niya sabay luhod sa mismong paanan ko.Tiningnan niya ako nang diretso sa mga mata, at doon ko nakita ang isang uri ng lungkot na hindi ko pa kayang lubos na maunawaan noon."Palagi mong tatandaan na dapat, kahit anong problema ang dumarating sa buhay mo, ay magpapakatatag ka. Para kung sakaling mawala man sa mundo si mommy... kaya mo na mag-isa." Hinaplos niya ang mamula-mula kong pisngi, tila ba nagpapaalam na.Dahilan para mapakunot-noo ako sa matinding pagtataka.“Why are you saying this to me, mommy?" inosenteng tanong ko sa edad na walong taong gulang.Kumapit ako sa magkabilang balikat niya, nanginginig ang maliit kong puso s

  • Mistaken Night with the Billionaire (SPG)   Chapter 117:

    SOLARA'S POV: Yumuko siya nang tuluyan at walang babalang ipinasok ang kanyang dila sa aking namamasang perlas. Sinipsip niya ang aking sentro at walang sawang dinilaan ang pinakasensitibong bahagi ko. Napakapit ako nang mahigpit sa sapin ng kama, halos magusot ko na ang tela dahil sa matinding sarap nang matamaan niya ang rurok ng aking kaligayahan.“Ahhh… Draven! Ohhh…Faster, please… Ahhh…” bulalas ko habang tumitirik ang aking mga mata sa tindi ng ligaya.Mas binilisan pa niya ang pagbayo ng kanyang dila sa loob at labas ng aking perlas. Nanginginig na ang aking mga binti at ramdam ko na ang unti-unting pagbuhos ng enerhiya sa aking puson. Ilang sandali na lang ay tuluyan na akong bibigay.“I-I…” hirap na saad ko, habang pilit na humahabol ng hininga. “I’m cumming, baby! Oh my gosh!”“Go ahead and cum for me, Solara. I want to taste everything. I wanna lick all your sweet juices, baby," paos at mapang-akit ang boses na sagot niya, habang nakatingin nang diretso sa aking mga mata.

  • Mistaken Night with the Billionaire (SPG)   Chapter 116:

    SOLARA'S POV:"Tonight is our special night as a married couple, and I want to make the most of every moment I get to spend with you,” saad ni Draven.Pagpasok na pagpasok pa lang namin sa marangyang master's cabin ng yate ay sinunggaban niya agad ako ng mapupusok at nag-aalab na halik. Hindi man lang niya hinintay na maisara nang maayos ang pinto. Ramdam ko ang tindi ng pagnanasa sa bawat paglapat ng kanyang mga labi sa akin. Isang uri ng halik na tila ba matagal na nangulila, kahit na buong araw naman kaming magkasama sa altar.Hindi na namin tinapos ang party sa labas kasama ang mga bisita dahil ramdam ko na rin ang bigat ng aking katawan at ang labis na pagod mula sa mahabang seremonya. Sa totoo lang, sa tindi ng kapaguran ko, paniguradong isang round lang ang magagawa namin ni Draven bago tuluyang bawiin ng antok. Ngunit sapat na iyon, basta't sa kanya ko gugulin ang unang gabi ko bilang asawa niya.“Damn! This is exactly what I’ve been waiting for all night, my wife," paos at ga

  • Mistaken Night with the Billionaire (SPG)   Chapter 115:

    SOLARA'S POV:Kumakain na ang lahat ng mga bisita ng kanilang early dinner dahil mamaya ay magsisimula na ang masayang sayawan at inuman.Habang ako naman ay kumain lang ng sakto para mabusog ang baby sa tiyan ko dahil sa totoo lang, masyado pa akong lunod sa saya ng aming kasal at pakiramdam ko ay busog na busog na ang aking puso."Damn! I don't even want to attend our own party anymore. I just want to lock you up in our room and never let you out," bulong ni Draven sa aking tenga.Ramdam ko ang mainit at nitong hininga na humaplos sa aking leeg. Dahilan para mapasinghap ako dahil nakaramdam ako ng kakaibang kilabot at kuryente sa aking buong katawan.“Konting tiis na lang, my hot husband. Masosolo mo rin ako mamaya," sabay ngiti ko nang napakatamis sa kanya, tinutukso siya nang bahagya.Dahilan para mapapikit si Draven nang mariin at mapahawak sa kanyang noo. Tila ba nahihirapan at pinipigilan ang kanyang sarili sa sitwasyon naming dalawa.Dahilan para mapatawa ako nang mahina sa ka

  • Mistaken Night with the Billionaire (SPG)   Chapter 114:

    SOLARA'S POVLahat ng pamilya, kaibigan, at mga piling bisita namin ngayon ay naging tahimik. May ilan sa kanila ang tahimik na nagpupunas ng luha dahil sa naging makabagbag-damdaming palitan namin ng wedding vows ni Draven. Ang bawat salitang binitawan namin ay tila ba nagdala sa kanila sa mahabang pinagdaanan ng aming mga puso bago narating ang altar na ito.Who would have thought that someone as cold, powerful, and intimidating as Draven Imperiale could be this romantic in front of everyone?Sa aming pitong taon na pagkakalayo, ang makita siyang umiiyak at nagpapahayag ng pagmamahal sa harap ng Diyos at ng mga tao ay isang himalang hinding-hindi ko malilimutan bilang isang ina at asawa.Nabasag ang sagradong katahimikan nang muling magsalita ang Pastor, ang kanyang boses ay puno ng kagalakan."The couple will now exchange rings as a symbol of their eternal love and unending commitment," saad nito habang nakangiti sa aming dalawa.Dahan-dahang kinuha ni Draven ang golden wedding rin

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status