LOGINLeo’s POVNakakalat sa ibabaw ng malaking mesa sa silid-aklatan ang mga lumang dokumento, kopya ng mga transaksyon sa bangko, at mga kupas na ulat na pinagsama-sama namin ni Giovanni buong maghapon. Nakakunot ang noo ko habang pinag-uugnay ang bawat detalye na matagal nang nakatago sa dilim.“Tingnan mo ito, Leo,” seryosong sabi ni Giovanni habang itinuturo ang pangalang nakasulat sa mga talaan ng bangko—Julian Montenegro. “Inalis siya sa kumpanya ng tatay mo ilang dekada na ang nakalilipas dahil sa pagnanakaw at pagsasabwatan. Nangako siya noon na babalik at wawasakin ang lahat ng Villafuerte. At ngayon… nakikita natin na siya pala ang nagpondo sa tinatawag na Project Lazarus—ang lihim na samahang nasa likod ng lahat ng panghihimasok, paninira, at banta sa pamilya niyo.”Napahawak ako sa gilid ng mesa, parang biglang bumigat ang buong mundo sa balikat ko. “Damn it,” bulong ko sa sarili ko. “Akala ko tapos na ang lahat ng gulo mula sa nakaraan. Akala ko nakaalis na ang lahat ng kalaba
Chloe's POV"Alam kong delikado, Leo," mahinahon pero matatag kong sabi habang pinapanood siyang ihanda ang mga gamit niya bago umalis kasama si Marco para sa imbestigasyon. "Pero hindi puwedeng magtago lang ako sa bahay habang sinisira nila ang pangalan ko at pinagbabantaan ang pamilya natin."Napabuntong-hininga siya at humarap sa akin. Kita sa mga mata niya ang matinding pag-aalala."Natatakot lang ako para sa'yo... at kay Leonel," mahina niyang sabi. "Kung may mangyari sa inyo habang wala ako, hindi ko mapapatawad ang sarili ko."Lumapit ako at hinawakan ang magkabilang kamay niya."Ikaw ang nagturo sa akin na maging matapang," sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya. "Kaya hayaan mo akong lumaban kasama mo—hindi sa likuran mo. Kailangan nilang makita na hindi ako madaling matinag, at lalong hindi ang pamilya natin."Ilang sandali siyang natahimik bago siya ngumiti. Dahan-dahan niya akong hinila sa isang mahigpit na yakap."Tama ka," bulong niya. "Hindi kita dapat ikulong dahil
Leo's POV"Wala tayong naging pagkukulang dito," mariin kong sabi habang nakatayo sa harap ni Marco, ang pinuno ng security team na lubos kong pinagkakatiwalaan. "May taong sadyang nakapasok sa sistema natin."Tumango siya, hinihintay ang susunod kong utos."Dagdagan ang mga bantay sa lahat ng labasan. Magpakabit ng bagong CCTV sa loob at labas ng penthouse, pati sa bawat pasilyo ng gusali. Gusto ko ring ma-trace kung saan nanggaling ang signal ng video na ipinadala sa atin. Kailangan nasa mesa ko ang lahat ng detalye bago matapos ang araw.""Opo, Sir Leo," seryoso niyang tugon. "Sisiguraduhin kong walang makakalusot sa bagong security protocol."Tahimik akong tumango bago siya tuluyang lumabas ng opisina.Pagkasara ng pinto, naramdaman ko ang malambot na kamay ni Chloe na marahang humawak sa braso ko.Paglingon ko, sinalubong ako ng mga matang puno ng pag-aalala, ngunit nananatiling matatag."Huwag mong akuin ang lahat nang mag-isa, Leo," mahina niyang sabi. "Kasama mo ako sa laban n
Chloe's POV"Nabasa mo na ba ang mga isinulat nila?" nanginginig ang boses ko habang marahan kong ibinaba ang cellphone sa mesa. "Leo... ang sakit. Ganito pala kadaling sirain ang pangalan ng isang tao."Hindi na siya nagsalita. Agad niya akong hinila palapit at mahigpit na niyakap. Marahan niyang hinaplos ang likod ko, tila gusto niyang akuin ang lahat ng sakit na nararamdaman ko."Alam nating hindi totoo ang mga 'yan, Chloe," mahina ngunit matatag niyang sabi. "At alam din ng mga taong tunay na nakakakilala sa'yo kung sino ka. Hindi ka kailanman naging gahaman o mapagkunwari. Ikaw ang babaeng naglaan ng oras at puso para sa ibang tao. Huwag mong hayaang sirain ng kasinungalingan ang paniniwala mo sa sarili."Napayuko ako."Pero ang mga pekeng resibo... ang mga inedit na larawan..." halos pabulong kong sabi habang tumutulo ang mga luha ko. "Kung ako ang makakakita ng ganoon at wala akong alam sa katotohanan, baka maniwala rin ako. Ang sakit lang isipin na baka ganoon na rin ang tingi
Leo's POVTahimik kong pinagmasdan ang blueprint na nakalatag sa conference table. Nakadisenyo roon ang bagong sangay ng Villafuerte Foundation—isang programang magbibigay ng scholarship at suporta sa mga batang kapos sa buhay ngunit determinado pa ring makapag-aral.Lumingon ako kay Chloe na nakaupo sa tabi ko."Gusto kong ikaw ang mamuno rito," sabi ko habang marahan kong hinawakan ang kamay niya. "Wala nang mas karapat-dapat pa kaysa sa'yo."Nagulat siyang napatingin sa akin."Ako?" mahinang tanong niya. "Leo... baka isipin ng mga tao na binigyan mo lang ako ng posisyon dahil asawa mo ako."Ngumiti ako at marahang hinaplos ang pisngi niya."Hindi dahil asawa kita," sagot ko. "Kundi dahil alam mo mismo ang pakiramdam ng mangarap habang kapos sa pagkakataon. Naiintindihan mo ang mga batang tutulungan ng foundation. Hindi ko kayang ituro ang ganoong klase ng puso."Sandali siyang natahimik bago ngumiti."Kung ganoon..." bahagya siyang napatawa. "Gagawin ko ang lahat para hindi ka mags
Chloe's POVRamdam ko pa rin ang banayad na init ng katawan ni Leonel habang mahimbing siyang natutulog sa pagitan naming mag-asawa. Hindi na siya kasing-init gaya ng mga nakaraang araw, at unti-unti nang bumabalik ang dating kulay sa kanyang mga pisngi.Tatlong araw na ang nakalipas mula nang tuluyan siyang mawalan ng lagnat, ngunit hanggang ngayon ay ayaw pa rin siyang layuan ni Leo. Kinansela niya ang lahat ng meeting, business trip, at maging ang mahahalagang transaksyon ng Villafuerte Group. Para sa kanya, walang kontrata o negosyo ang mas mahalaga kaysa sa kaligtasan ng kanyang pamilya."Tingnan mo," mahina kong bulong habang hinahaplos ang malambot na buhok ng anak namin. "Ngumiti siya habang natutulog."Lumapit si Leo at marahang hinalikan ang munting kamao ni Leonel."Siguro maganda ang panaginip niya," nakangiti niyang sabi. "Sana ganito na lang palagi. Tahimik... ligtas... at magkakasama tayo."Napatingin ako sa kanya.May ngiti siya, pero hindi nito maitago ang pagod at ta
Chloe’s POVAng ingay sa loob ng Villafuerte Gala Ballroom ay nakakabingi, pero sa pandinig ko, parang naging muffled background noise na lang ang lahat. All the lights and the judgmental eyes of the elite were fixed on us, trying to peel off my skin and see the "fraud" underneath.Pero mas nararam
Chloe’s POV Sabado na. Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin, mabilis ang paghinga habang tinititigan ang mukhang bago sa paningin ko. Sakto na sakto sa katawan ko ang puting bestida, parang hinubog lang para sa kurba ko. Naka-low bun ang buhok ko gaya ng bilin ni Alexa, at sa unang pagkakataon
Chloe’s POV Ang Bright Beginnings Kindergarten ay hindi lang basta pre-school — it’s a chaotic masterpiece. Isipin mo ang silid na puno ng amoy ng krayola, tugtog ng mga nursery rhymes na minsan ay wala sa tono, at mga batang tila walang katapusan ang lakas. Honestly, sanay na sanay na ako rito. S
Leo’s POV The morning light coming through the floor-to-ceiling windows of my penthouse felt too bright, too intrusive. Parang kabaligtaran nito ang dilim na nakasanayan ko sa loob ng maraming taon—isang dilim na kahit paano ay nagawa ni Chloe Dimaano na basagin sa loob lang ng isang gabi. Nanatil







