Home / Romance / Mommy Nanny / Chapter 2

Share

Chapter 2

Author: pariahrei
last update publish date: 2026-06-02 05:58:57

CHAPTER 2

            Sa halip na reply-an ay in-off ni Dashi ang cellphone at tumulala sa labas. Nalubog ang pamilya niya sa utang kay Gaston nang ma-ospital ang tatay niya. Dahil walang pambayad at kailangan niya ng pera para sa dialysis ay pumayag siya sa inuutos nito. May ipinapahanap sa kanya sa bahay ni Vioxx Almeradez. Dokumento o kahit anong impormasyon tungkol sa Chimera.

            Espesyal na droga raw iyon na nagkakahalaga ng milyones ang isang gramo.

            Gulat pa si Dashi dahil kilalang kagalang-galang ang pamilyang Almeradez. Ngunit, naisip niya rin na baka si Vioxx lang ang may kinalaman sa illegal na mga gawain. Hindi nakakagulat kung ganon nga dahil ‘rebelde’ raw ito ng pamilyang Almeradez.

             “Nandito na tayo, Miss Coralde.”

            “Dashi na lang, Kuya. Salamat—wow!” Nganga siya nang makita ang high-end condominium sa harapan. “Baka ikaltas ito ni Boss V sa sahod ko. Wala ng matitira sa akin.”

            “Hindi nangangaltas si Sir. Kapag may ginawang mali, tanggal agad.”

            “Kakatakot talaga siya,” komento niya.

            “Ganon talaga si Sir. Pero mabait naman ‘yon.”

            “Si Shaun po, nasaan ang nanay niya?” pakiki-tsismis niya habang nasa loob ng elevator.

            “Walang nakakaalam sa bahay kung sino. Basta no’ng inilipat ako nina Sir Nexus kay Sir Vioxx ay may anak na siya. Bakit mo pala naitanong?”

            “Nagtataka lang ako sa ugali niya, Manong. Kasi kung may nanay iyon na magdidisiplina, malamang hindi ganon ugali no’n.”

“Sa totoo lang, kahit abot-langit ang pilyo ng batang iyon, ay nakakaawa rin. Masyado kasing abala si Sir Vioxx sa trabaho. Sa tingin ko nga, hindi alam ni Sir Vioxx kung pano ang tamang pag-disiplina. Syempre, hindi naman namin maturuan kasi empleyado lang naman kami.”

Tama nga na may halong lungkot ang mata ni Shaun nang palabasin ito ni Vioxx kanina.

            Alam niya dahil may subject siya tungkol sa Children’s Behavior no’ng college siya. Pati na rin noong internship niya sa elementary school.

            “Ipinapaabot pala ni Sir. Iyan daw muna ang allowance mo.”

            “Nagbibiro lang naman ako,” nangingiwi niyang sabi sabay kuha ng atm card sa kamay ni The Rock.

            “Basta. Pumunta ka na lang sa mansyon sa sinabing eskedyul ni Sir. Huwag kang ma-late. Ayaw na ayaw ni Sir ng ganon.”

            “Areglado!” Nag-salute pa siya kaya natatawa nang lumabas ng pinto.

            Nang sumarado ang pinto ay takbo siya sa sofa at parang batang nagtatalon doon. “Ang lambot! Ang sosyal!”

            Walang-wala ang condo unit niya ngayon sa bahay nila sa probinsya. Kalawangin na ang bubong kaya kapag umuulan ay parang may waterfalls din sa loob.

            Nawala ang ngiti niya. Biglang nakonsensya…ang ganda ng bahay niya ngayon pero ang Tatay niya ay ang pangit ng tirahan. Mas lalo siyang nakonsensya nang mapagmasdan ang hawak na atm card.

            Ibinibigay sa kanya ng amo ang mga bagay na kailanman ay hindi pa niya naranasan. Tapos ang ipapalit niya ay ang traydurin ito.

            Itinago na lang ni Dashi ang atm card. Hindi na niya dadagdagan ang kasalan niya.

            Kaya kinabukasan, pagkatapos dalawang oras na pagre-review ay naglakad-lakad siya sa labas para maghanap ng part-time jobs. Nasa BGC ang condominuim building kaya apapalibutan ng mga naglalakihang kompanya, malls at kung anu-ano pa.

            Una niyang pinuntahan ang pinakamalapit na hotel. Nabasa niya kanina sa internet na hiring doon ng dishwasher.  Dire-diretso siya sa reception area para magtanong kung saan magsusubmit ng resume.  Nagtatakang pinagmasdan siya ng receptionist bago namimilog ang mata.

            “Hello po, Miss Dannie. I’ll immediately send someone to double-clean your usual room. Apologies for not recognizing you.” Parang mababali ang likod nito nang nag-bow.

            “Hindi ako si Dannie, Miss.”

            “Hala! Sorry po. Kamukha niyo kasi siya. Akala ko hindi lang siya nakapag-ayos.” Tinitigan ulit siya nito ng halos isang minuto bago binawi ang sinabi. “May pagkakaiba naman po pala kapag tinitigan ng matagal.”

            Lihim siyang napangiwi.

Kilala niya si Dannie o Daniela dahil kapatid niya sa ina. Nanay niya na hindi na siya binalikan! Madalas din si Dannie sa Hacienda Constancia kaya kahit hindi sila magkasamang lumaki ay kilala niya. Maldita!

            Mayaman kasi ang pamilya ng Mommy niya no’n. Dahil ang kanyang ama ay walang maipagmamalaki, ay hindi siya tanggap ng pamilya.

            “Saan pwedeng magpasa ng resume? Apply sana ako ng trabaho.” 

            “Sa HR, Miss. Akyat ka lang sa third floor. Paiwan na lang ng ID.”

Ibinigay niya naman at pumirma ng ilang papel. Ang higpit talaga ng seguridad! Bigla siyang napatakip sa mukha gamit ang folder na hawak nang bumukas ang elevator. Lumabas roon si ‘Vioxx’ kaya mas lalo siyang nagtago.

            Dahil nakatakip sa mukha ay hindi niya namalayan na nagsara na pala ulit ang elevator.  Akala niya ay nakaalis na ang lalaki kaya bigla na lang siyang napasigaw nang mukha nito ang nabungaran niya nang sumilip siya.

            “Boss hehe!” Lagot na talaga!

            “Why are you hiding?” amuse na tanong nito.

            “Hindi po. May binabasa lang ako.” Teka, bakit may emosyon ito ngayon? Saka amusement ba ang nakikita niya sa mga mata nito.  Saka parang badboy ang dating. Hindi straight, righteous, and domineering in a black suit CEO. Isa pa, parang hawig lang si Vioxx at—

            “I’m Asher,” tawa nito at inilahad ang palad sa kanya. “You are?”

            “Hala! Ikaw po iyong kambal ni Boss V?” Naririnig niya na ang pangalan nito noon pa ngunit iyon ang unang beses na nakita niya ng personal.

            “Walang iba.”

            “Dashi po.” Malaki ang ngiting tinanggap niya ang kamay nito.

            “Ash,” tawag ng baritonong boses sa likuran niya.

            Wala na siyang takas kaya kita ang gilagid na nginitian niya na lang si Vioxx. Tiningnan lang siya ng walang emosyon nitong mga mata.  Nang tumabi ito kay Sir Asher ay bumalik ang pagkamangha niya.

            Palipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. Medyo magkahawig talaga pero hindi magkamukha katulad ng mga identical twins. Mas tumatagal ang mata niya kay Asher dahil hindi ‘patay’ ang kulay nito. Parang mas nag-eenjoy sa buhay. Hindi katulad ni Boss V na parang palaging galit sa mundo.

            “What are you still doing here?!” Salubong ang kilay ni Vioxx.

            “I think she’s applying.”

            Itinago niya sa likuran ang mga requirements na tiningnan ni Asher. “Hindi po. Naligaw lang.”

            “Hindi ba’t binigyan kita ng allowance? Sobra pa iyon,” sita ni Vioxx.

            “Nagbibiro lang naman po kasi ako.” Wala siyang nagawa kundi umamin. “Hindi naman sa akin iyon kaya kailangan ko ng trabaho.”

            “Find a job somewhere else. Not here!”

            “We have vacant,” si Asher.

            “Wala tayong bakante!.”

            Ngumisi si Asher. “Ako ang humahawak ngayon ng hotel na ito. I know there’s a vacant at restaurants. No, at Admin—”

            “Hindi siya magtatrabaho rito! All her attention should be on my son!”

            “MWF lang naman po ako as tutor niya,” singit niya kaya sinamaan siya ng tingin ni Vioxx.

            “See? You can go back to tower now, Brother. Ako na ang bahala kay Dashi.” Hinawakan siya ni Asher sa braso para igiya subalit agad iyon nawala nang marahas na inalis ni Vioxx.

            “You want something, Brother?” parang nang-aasar pa.

            “Stay the f uck out!” gigil naman si Vioxx. Tumaas ang sulok ng labi ni Asher at muling hinawakan siya. Literal na itinulak ito ni Sir Vioxx ang kakambal nito. Akmang gaganti si Asher nang may striktong boses ang nagpatigil sa dalawa.

            “Boys!”

            Hindi man lang gumalaw si Vioxx—nanatiling masama ang tingin sa kapatid.

            “You two are adults for brawling, for Pete’s sake!” striktong wika ng ama ng mga ito na si Nexus Almeradez.

            “I’m cool, Dad. Don’t know the problem of my twin.”

            “Shut it, Asher!” Kapagkuwan ay tumingin sa kanya si Nexus.  Para siyang nanliliit dahil hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa na para bang kinikilala kung sino siya.

            “H-Hello po, Sir Nix.” Yumuko siya. Ang laki ng pasasalamat niya sa ‘Foundation’  nito dahil iyon ang sumagot sa lahat ng gastusin nang ma-comatose siya.

            “You’re Danica Shane Coralde.”

            “O-Opo. Ako po iyong pasyente na na-comatose three years ago.”

            “Naalala kita.”

            “Maraming salamat po, Sir. Sobra-sobra pong tulong iyon.”

            “Galing iyon sa Almeradez’ Foundation, hindi sa akin.”

            Gusto niya sanang sabihin na pera pa rin nito kaya lang ay binalingan nito ng tingin si Vioxx.

            “Vioxx,” Sir Nix’s voice was low and stricter. “Hindi ba’t sinabi kong lumayo ka? Na huwag kang lalampas sa linya?”

            “Hindi ko nakakalimutan,” malamig na sagot ni Vioxx. Sinulyapan siya at saka umalis.

Wala sa loob na nasapo niya ang dibd ib. Bakit parang nasaktan siya sa sakit na dumaan sa mata nito?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mommy Nanny   Chapter 65

    CHAPTER 65 Kinabukasan, pagkaayos niya ng lahat ng kanyang mga dadalhing gamit ay nagdisisyon siyang puntahan sana si Shaun sa GICC. Sisilipin niya lang ang bata kahit sa huling pagkakataon. Alam niya kasi na kahit makalipas ang ilang taon ay wala na siyang babalikan sa buhay ng mag-amang Almeradez. Subalit, habang nasa taxi siya papuntang GICC hospital ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Attorney Zaldivar. “Hello, Miss Coralde? Kasama mo ba si Tita Rudilyn?” “Nasa bahay po siya, Attorney. Bakit po?” “Where are you right now?” “Pupunta po sana ako ng GICC Hospital.” Napakagat-labi siya dahil ang totoo ay hindi naman siya nagpaalam sa tiyahin. “No! No! Bumalik ka sa bahay niyo. Hindi ka pwedeng makita ng mga press.” “Mag-iingat naman po ako. Sa likod ako dadaan. At saka ano pong kailangan niyo kay Tiya?” “Kailangan ko siyang makausap. Ikaw naman bumalik sa apartment. Mas umiing

  • Mommy Nanny   Chapter 64

    CHAPTER 64 “Hindi ito pwede. Ako naman talaga ang nakipagkuntsaba kay Gaston. Bakit niya ginawa iyon? Attorney, di ba, makakalaya naman si Tatay?” Tigmak sa luha ang mga mata ni Dashi habang pabalik-balik sa harapan nina Tiya Rudy at Attorney Zaldivar habang nasa maliit silang sala ng apartment. “Gagawin ko ang lahat para mapababa ang sentensya niya. Nilinaw sa akin ng abogado ng mga Almeradez na pursigido silang ituloy ang kaso. Mas makakabuting dumistansya ka muna, Miss Coralde.” “Wala nga siyang kasalanan!” “Alam namin. Pero nakapagdisisyon na ang Tatay mo.” “Abogado ka di ba? Bakit ka pumapanig sa mali?” Bumuntong-hininga ito at umiling. “Pormal na nakiusap sa akin ang tatay mo, Miss Coralde. Hindi ko siya pwedeng tanggihan dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya. Espesepiko niyang ibinilin na kailangan kong gawin ang lahat upang hindi ka manatili dito sa Pilipinas.” Pabagsak na napaupo siya sa

  • Mommy Nanny   Chapter 63

    CHAPTER 63 Idiniretso siya sa presinto. Sunud-sunuran lamang si Dashi nang kunan siya ng fingerprint at mugshot. Ipinapaliwanag sa kanya ng police pati abogado ng mga Almeradez ang kaso niya pero ni isa ay walang tumatak sa utak niya niya. Sa halip, ay walang ganang nakatulala lamang siya sa kawalan. Tanggap niya na kahit anong parusang ibibigay sa kanya. Mag-isa si Tiya Rudy nang dinalaw siya nito sa kulungan kinagabihan. “Nakahanap na kami ng abogado. Lumapit kami sa PAO. Tutulungan niya raw tayo.” “Tiya, huwag na po.” “Ano ba iyang sinasabi mong bata ka? Hindi pwedeng susuko ka na lang basta-basta. Makakagawa tayo ng paraan!” “Malaking tao po ang mga Almeradez,” sabi niya para mawalan na rin ito ng pag-asa. “Ano ngayon? Tao lang din naman sila. Kahit ang pinakamatigas na bato ay nadudurog. Hindi ka pwedeng makulong habambuhay, Dashi. Bata ka pa. Ang dami-dami mo pang pwedeng gawin. Ang dami-dami mo pang pangara

  • Mommy Nanny   Chapter 62

    CHAPTER 62 SINAMANTALA ni Dashi na tulog na tulog sa pagod si Tiya Rudy na siyang kasalukuyang nagbabantay sa kanya para lumabas ng hospital. Hila-hila niya ang dextrose habang mabagal na naglalakad papuntang ICU. Sisilip lang siya! Gusto niya lang makibalita. Paliko pa lang siya sa hallway nang marinig niya ang sigawan. Lumagabog ang puso ni Danica Shane nang masilip si Vioxx na sinugod si Asher. Tumembuwang ang huli sa sahig. Hindi pa nakuntento si Vioxx, talagang inupuan pa nito si Asher tiyan at sunod-sunod na sinuntok. “Vioxx, stop that!” tili ni Madam Stephanie. “You f ucking bastard! Pinagsabihan na kita. Putangina ka!” galit na galit si Vioxx. Halos hindi makasabay si Asher sa pagsalag ng mga suntok nito. Sinubukang hilahin ni Madam Steph si Vioxx ngunit, hindi man lang natinag ito. Kaya tumakbo ang Ginang para magtawag ng security. Nang wala na si Madam Stephanie ay saka lumaban si Asher. Naalis sa ibabaw nito si Vi

  • Mommy Nanny   Chapter 61

    CHAPTER 61 “Iho, hindi ko papayagan na tawagin mo ng ganyan ang anak ko!” sita ng tatay niya. Sumara naman ang bibig ni Asher, naiintindihan na kahit sinong ama ay hindi makakapayag na harap-harapang iniinsulto ang anak. “Hindi naman ako nandito para manggulo. Gusto ko lang makita si Shaun,” mahina niyang sabi. Tumalikod sa kanya si Asher. Nag-iigtingan ang panga nito, halatang pigil na pigil ang sarili na bulyawan siya. Maging si Sir Nexus na nakaupo pa rin ay malamig lang ang tingin sa pader. Ayaw siyang tingnan man lang. “Hindi ko naman alam na,” tuloy niya pa at napaluha na. “..I’m sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi ko ginusto na mangyari ito kay Shaun—” “Shut the fuck up!” putol ang pisi ng pasensya na bulyaw sa kanya ni Asher. “Hindi mo sinasadya? Hindi mo ginusto? P utangina!, tingnan mo ang kalagayan ni Shaun ngayon at sabihin mo sa akin na hindi mo sinasadya!” Bago pa siya nito mapigilan ay hini

  • Mommy Nanny   Chapter 60

    CHAPTER 60 Dahil nasa gitna sila ay hindi ganon kalakas ang impact ng pagkakabangga. Paglingon niya kay Gaston ay sapo nito ang ulo, at mahilu-hilo pa. Nabuksan ang pinto sa tabi nito. Dahil wala pang lakas ay nagawa niyang sipain ang ulo ni Gaston gamit ang dalawang paa kaya naumpog ito. Tumalon sila palabas ni Shaun. Tinulungan siya nitong maalis ang tali sa kanyang paa. “Takbo!” sigaw niya rito habang pilit inaalis ang tali sa kamay habang tumatakbo na rin. Bahagyang nauuna sa kanya si Shaun. Napatili siya nang biglang may bumaril sa direksyon niya. Muntik na siyang tamaan kung hindi lang siya nakadapa. “Tigil!” sigaw ni Gaston kahit duguan na ito. Paglingon niya kay Shaun ay natigilan din ito sa gitna ng highway. Namimilog ang mga mata ni Danica Shane nang itinutok ni Gaston ang baril sa kanya. Tumakbo pabalik sa kanya si Shaun. Sumabay ang sigaw niya sa putok ng baril nang mula sa kung saan ay bigla na lang lumitaw ang h

  • Mommy Nanny   Chapter 48

    CHAPTER 48 "SINO PO?" takang tanong niya. "Si Adriana. Kilala mo ba siya?" Tumango naman siya at nangingiwing sumagot. "Nanay ko po." "May isa pa siyang anak na babae?" tanong nito sabay bahaw na tumawa na para bang hindi ito makapaniwala. Hindi na nagulat si Dashi na si Dannie lang ang a

  • Mommy Nanny   Chapter 47

    CHAPTER 47 "Ah, f uck!" Vioxx growled and threw his head back when he spilled his juice inside her. Bumagsak ito sa kanyang ibabaw. Katulad niya ay habol din nito ang hininga. Pinakawalan niya ang mga kamay nito at yumakap. Ilang sandali lang ay bumangon ito at binuhat siya sa baywang. Impit s

  • Mommy Nanny   Chapter 46

    CHAPTER 46 KUNG NASA SINDIKATO nga si Asher, malaking katangahan kung babanggain niya ito. Pero malaking katangahan din kung babanggain niya si Gaston lalo pa’t teritoryo ng pamilya nito ang probinsya nila. “Ayaw mo ba ng pagkain?” “Huh?” Napakurap-kurap si Danica Shane nang hawakan ni Vioxx a

  • Mommy Nanny   Chapter 35

    CHAPTER 35 “B-Baka nagkakamali lang po kayo,” kabadong wika pa ni Dashi. “Ilang taon na akong nasa propesyon na ito, Miss Coralde. Bakit ako magkakamali? Nabuntis ka na, iyon ang totoo. Kung anuman ang dahilan mo kung bakit itinatanggi mo, wala na akong pakialam do’n. Ako an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status