Home / Romance / Mommy Nanny / Chapter 3

Share

Chapter 3

Author: pariahrei
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-02 06:05:34

CHAPTER 3

            UMAWANG ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon.

            Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa likod ng magarang hagdan ang batang lalaking humagikhik sa kapilyuhan. Mapagpasensyang inalis niya ang pintura sa kanyang mga mata, pilit na pinapaala sa sarili na wala siya sa bahay nila at bawal niyang paluin ang bata na magiging trabaho niya sa unang araw niya sa Almeradez residence.

            “Shaun!” dumagundong sa apat na sulok ng living room ang strikto at baritonong boses na iyon.

            Natigil ang batang maliit sa paghagikhik.

            Napatingin siya sa lalaking humakbang pababa sa magarang hagdan ng mansion. Sinalo ng kulay asul nitong mga mata ang kanyang titig at hindi niya alam kung bakit binundol na naman siya ng kaba.

            “Shaun, get out and apologize to your teacher!” Ang baritonong boses ni Vioxx ay nagpapakita ng pagiging ma-otoridad nito at talagang susunod ang kung sino mang inuutusan nito.

            “But Daddy, I said I don’t want a teacher.”

            “Apologize now or you’re grounded!”

            Ngumiwi ang bata at tuluyan humarap sa kanya. Nahigit niya na naman ang ang kanyang hininga nang magtama ang mga mata nila.

            “Sorry,” mahinang sabi ng bata matapos umawang ang mga labi.

            Hindi na siya nakasagot pa dahil may lumabas na katulong mula sa isang banda ng bahay. Napatapik na lang ito ng noo at nilapitan siya para igiya papunta sa likod ng mansion kung saan pwede niyang hugasan ang sarili.

            “Naku, Ganda!  Napaka-pilyo talaga ng batang iyon,” talak ni Sabel habang hinahanapan siya ng damit na pwede niyang hiramin. “Heto na lang. No’ng kabataan ko pa ‘yan. Suot kaya pagpasensyahan mo na.”

            “Salamat po, Manang Sabel.”

            “Oh, siya! Maiiwan na muna kita rito. May aasikasuhin pa ako sa kusina. Bumaba ka na lang tapos hanapin si Sir.”

            “Opo.”

            Nang makalabas ito ay agad siyang nagbihis at pinatuyo ang buhok gamit ang blower na naroroon para matali niya agad.

            Isinuot niya ang eyeglasses bago siya lumabas ng kwarto. Pasimple niyang pinagmasdan ang paligid pati na rin kung nasaan ang mga CCTV.

            Alam niya naman na may ‘patibong’  si Shaun. Kinuha na lang niya iyong pagkakataon para makaakyat sa bahay.

            Nasa first floor kasi ang study room ng bata kaya malamang ay hanggang doon lang din siya.

            “Bossing!” tawag niya nang makasabayan si Vioxx pababa ng hagdan.

            Natulala ito sa kanya. Bago unti-unting nagsalubong ang kilay. “Who gave you that clothes?!”

            “Si Manang Sabel po. Presentable naman.” Inayus-ayos niya pa ang suot na bulaklakin na bistida.

            “You look like you’re going to a christening.”

            “Kaka-offend naman iyon.”

            Umigting ang panga nito. Pumikit at napasintido. “My first rule. I don’t like noisy people.”

            Ni-zipper niya ang bibig.

            “I don’t want people talking back. Especially you!”

            “Pano naman po kung nasa katwiran?”

            “I don’t care. Leave if you can’t obey.”

            “Susunod na po,” nakalabi niyang sabi.

            “I don’t want anyone prying into my personal life. Just do your job here. Only your job, and we will not have a problem.”

            Dalawang kamay ang ni-thumbs up niya.

            “Hintayin mo ako sa living room. Dadalhin ko ang kontrata.”

Hindi siya isasama sa office nito?! Kulang na lang ay mapasuntok siya sa hangin dala ng panghihinayang.

“Simangot! Ugly Lady.”

            Napatingin siya sa likod ng sofa.

            “Simangot. Ugly little boy,” ganti niya.

            Nagsasalubong ang kilay nito kaya mas lalo tuloy naging kamukha ni Vioxx. Mabibigat ang hakbang na lumapit sa kanya.

            “Just give up, Lady. I will answer all my workbook wrong, so Daddy will fire you.”

            Kibit-balikat siya. “Pusta ko nga makaka-zero kahit hindi mo sadyain.”

            “No, I will not!”

            “Ows?”

            “I can answer division perfectly,” yabang pa nito sa tonong pinipilit siyang maniwala.

            “Kwento mo sa pagong,” pambabarda niya. “Kaya nga ako nandito kasi hindi ka marunong.”

            “Give me divisions to answer.” Galit itong nagpapadyak.

            “Huwag na, mapahiya ka pa.”

            Alam niyang hindi uubra na amu-amuhin niya ito sa mahinahon na paraan kaya sinagi niya na lang ang ego.

            “Shaun, stop that.”

            Aktong ‘anghel’  naman agad siya. Sinilip pa si Vioxx sa ilalim ng mahahaba niyang pilik-mata.

            “Pwede po bang pag-isipan ko muna, Boss? Mukha kasing mahihirapan akong turuan si Bossing Shaun kasi baka hindi niya pa alam ang division… Di ba magsi-six pa lang naman siya…”

            Kumunot ang noo ni Vioxx.

            “I know that already. I’ll show you in my study room!”

            Saka pa lamang naintindihan ng amo niya. Hindi na ito umimik bagkus ay pinapirma na agad siya sa kontrata.

            Ilang sandali lang ay nasa loob na siya ng study room ng bata. Active na active sa mga pinapasagutan niya, Kapag tinatanong niya ay agad sumasagot.

            Tuwang-tuwa tuloy siya. Gusto niya na lang pagh ahalikan sa pisngi dahil purong saya ang nakikita niya nakikita niya sa mga mata nito ngayon.

            Parang may kung ano sa kanya na gustong gawin ang lahat para makita itong ganon palagi.

            SA KAHABAAN ng Bonifacio High Street siya nagpahatid kay The Rock. Dumating na sahod-kinsenas niya mula sa pagiging clerk sa Almeradez Hotel. Matapos makapagpadala ng kaunti sa probinsya at makapag-grocery ay naglakad na lang siya pauwi.

            Puno ng sosyaling restaurant, boutique, spa at kung anu-ano pa ang street na iyon. Wala siyang nagawa kundi mangarap na lang na kahit minsan ay maiparanas na madala roon ang Tatay niya at saka si Tiya Rudilyn.

            Bumagal ang kanyang mga hakbang nang mahagip ng kanyang paningin ang pamilyar na babae.  The woman was elegant with a stylish hairstyle, branded clothes, bags… Pero hindi niya makakalimutan ang itsura nito dahil kamukha niya. Dahil ito ang Mommy niya.

            Mabilis siyang tumalikod nang maramdaman ang pag-iinit ng kanyang mata. Parang may hinahabol ang kanyang mga hakbang para lang makalayo sa restaurant na iyon. Taas-baba ang kanyang dibd ib nang makapasok sa unit. Tuluyan siyang naluha kaya marahas niya iyong pinunasan.

            “Hindi mo dapat siya iniiyakan. Wala siyang pakialam sa ‘yo!” pagalit niya sa sarili.

            Subalit makulit talaga ang mga luha niya. Bumaba ulit siya sa first floor. Naghulog ilang coins sa vending machine. Nasa elevator pa lang ay nilalaklak na niya ang isang red horse in can.

            “Dashi?”          

            Napalingon siya sa unit na katapat niya. Bumaba ang tingin ni Asher sa dala-dala niya.

            “Bossing. Good evening po.”

            “You’re drinking?”

            “Pampatulog lang p-po,” trinaydor siya ng garalgal na boses. “Ano pong ginagawa niyo rito?”

            “I live here.”

            “Po?”

            “Yeah. Katabi mo ang unit ni Vioxx. Hindi niya sinabi sa ‘yo?”

            Umiling siya. Kapagkuwan ay awkward na ngumiti at saka nagpaalam na papasok na.

            Binuksan niya ang isa pang lata. Panay pa rin ang palis ng mga luha hanggang sa mapahikbi na siya. Kahit noong na-comatose siya ay hindi man lang nagpakita ang nanay niya. O kahit tulong sa pinansyal na usapin.  Imposible na hindi nito alam dahil pumupunta si Dannie sa Hacienda Constancia. Kaibigan ng pamilyang Almeradez ang mga mayamang pamilya ng Nanay niya.

            Wala talagang pakialam sa kanya. Nagagalit siya dahil hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin kung bakit ganon ito?

            Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Lasing na nag-angat siya ng tingin para lang makasalubong ang kulay asul na mga mata ni Vioxx.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Mommy Nanny   Chapter 63

    CHAPTER 63 Idiniretso siya sa presinto. Sunud-sunuran lamang si Dashi nang kunan siya ng fingerprint at mugshot. Ipinapaliwanag sa kanya ng police pati abogado ng mga Almeradez ang kaso niya pero ni isa ay walang tumatak sa utak niya niya. Sa halip, ay walang ganang nakatulala lamang siya sa kawalan. Tanggap niya na kahit anong parusang ibibigay sa kanya. Mag-isa si Tiya Rudy nang dinalaw siya nito sa kulungan kinagabihan. “Nakahanap na kami ng abogado. Lumapit kami sa PAO. Tutulungan niya raw tayo.” “Tiya, huwag na po.” “Ano ba iyang sinasabi mong bata ka? Hindi pwedeng susuko ka na lang basta-basta. Makakagawa tayo ng paraan!” “Malaking tao po ang mga Almeradez,” sabi niya para mawalan na rin ito ng pag-asa. “Ano ngayon? Tao lang din naman sila. Kahit ang pinakamatigas na bato ay nadudurog. Hindi ka pwedeng makulong habambuhay, Dashi. Bata ka pa. Ang dami-dami mo pang pwedeng gawin. Ang dami-dami mo pang pangara

  • Mommy Nanny   Chapter 62

    CHAPTER 62 SINAMANTALA ni Dashi na tulog na tulog sa pagod si Tiya Rudy na siyang kasalukuyang nagbabantay sa kanya para lumabas ng hospital. Hila-hila niya ang dextrose habang mabagal na naglalakad papuntang ICU. Sisilip lang siya! Gusto niya lang makibalita. Paliko pa lang siya sa hallway nang marinig niya ang sigawan. Lumagabog ang puso ni Danica Shane nang masilip si Vioxx na sinugod si Asher. Tumembuwang ang huli sa sahig. Hindi pa nakuntento si Vioxx, talagang inupuan pa nito si Asher tiyan at sunod-sunod na sinuntok. “Vioxx, stop that!” tili ni Madam Stephanie. “You f ucking bastard! Pinagsabihan na kita. Putangina ka!” galit na galit si Vioxx. Halos hindi makasabay si Asher sa pagsalag ng mga suntok nito. Sinubukang hilahin ni Madam Steph si Vioxx ngunit, hindi man lang natinag ito. Kaya tumakbo ang Ginang para magtawag ng security. Nang wala na si Madam Stephanie ay saka lumaban si Asher. Naalis sa ibabaw nito si Vi

  • Mommy Nanny   Chapter 61

    CHAPTER 61 “Iho, hindi ko papayagan na tawagin mo ng ganyan ang anak ko!” sita ng tatay niya. Sumara naman ang bibig ni Asher, naiintindihan na kahit sinong ama ay hindi makakapayag na harap-harapang iniinsulto ang anak. “Hindi naman ako nandito para manggulo. Gusto ko lang makita si Shaun,” mahina niyang sabi. Tumalikod sa kanya si Asher. Nag-iigtingan ang panga nito, halatang pigil na pigil ang sarili na bulyawan siya. Maging si Sir Nexus na nakaupo pa rin ay malamig lang ang tingin sa pader. Ayaw siyang tingnan man lang. “Hindi ko naman alam na,” tuloy niya pa at napaluha na. “..I’m sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi ko ginusto na mangyari ito kay Shaun—” “Shut the fuck up!” putol ang pisi ng pasensya na bulyaw sa kanya ni Asher. “Hindi mo sinasadya? Hindi mo ginusto? P utangina!, tingnan mo ang kalagayan ni Shaun ngayon at sabihin mo sa akin na hindi mo sinasadya!” Bago pa siya nito mapigilan ay hini

  • Mommy Nanny   Chapter 60

    CHAPTER 60 Dahil nasa gitna sila ay hindi ganon kalakas ang impact ng pagkakabangga. Paglingon niya kay Gaston ay sapo nito ang ulo, at mahilu-hilo pa. Nabuksan ang pinto sa tabi nito. Dahil wala pang lakas ay nagawa niyang sipain ang ulo ni Gaston gamit ang dalawang paa kaya naumpog ito. Tumalon sila palabas ni Shaun. Tinulungan siya nitong maalis ang tali sa kanyang paa. “Takbo!” sigaw niya rito habang pilit inaalis ang tali sa kamay habang tumatakbo na rin. Bahagyang nauuna sa kanya si Shaun. Napatili siya nang biglang may bumaril sa direksyon niya. Muntik na siyang tamaan kung hindi lang siya nakadapa. “Tigil!” sigaw ni Gaston kahit duguan na ito. Paglingon niya kay Shaun ay natigilan din ito sa gitna ng highway. Namimilog ang mga mata ni Danica Shane nang itinutok ni Gaston ang baril sa kanya. Tumakbo pabalik sa kanya si Shaun. Sumabay ang sigaw niya sa putok ng baril nang mula sa kung saan ay bigla na lang lumitaw ang h

  • Mommy Nanny   Chapter 59

    CHAPTER 59 Naunahan siya ng pagkataranta. Sa halip na puntahan si Shaun sa kwarto nito ay dumiretso siya sa kabilang dulo ng hallway para patagong sumilip sa labas ng gate. Tanging paminsan-minsa na dumadaang kotse lamang ang nakikita niya. Pero hindi siya kampante dahil ang ibang parte ng harap ng bahay ay may kadiliman. ‘Clock is ticking🕰️’ text ulit ni Gaston. May kasama ulit na picture ng mismong gilid ng bahay. Pakiramdam niya ay lalabas sa kanyang lalamunan ang puso niya nang muli siyang sumilip sa bintana at may nakitang may mga gumagalaw sa dilim. Tanging dalawang security guard lang ang kasama nila sa bahay dahil sinundo ng ni Kuya Koya sina Madam Stephanie sa airport. Walang ingay na bumalik siya sa ibaba at lumabas ng front door. Nagtago siya sa likod ng matataas at malalagong halaman na malapit sa gate.Ilang sandali lang ay pumunta na ang secuirty guard sa house quarter para makipagpalitan. Maingat na binuksan niya ang maliit na gate. Nanginginig

  • Mommy Nanny   Chapter 58

    CHAPTER 58 “Iyon ang nakarating sa amin. Nakapagpyansa ng three hundred thousand pero gugulong pa rin ang imbestigasyon. Nag-aalala ako, Anak dahil ikaw pala ang tinuturo niya. Palagay ko, pasasaluhin niya sa iyo ang lahat. Naniniwala ako na wala kang kahit anong kinalaman sa mga illegal na ginagawa ni Gaston. Alam kong malinis ang konsensya mo.” Paanong malinis ang konsensya niya kung una pa lang ay nakipagkuntyabahan na siya kay Gaston? Wala nga siyang kinalaman sa laboratoryo pero hindi ba’t illegal din ang pagpasok niya sa bahay ni Vioxx na may masamang motibo? “Huwag niyo na pong masyadong isipin.” “Ang sabi ng abogado, mas mabuting huwag na muna tayong bumalik sa Camarines Norte dahil baka kung anong mangyari. Mas makakabuting dito muna tayo sa siyudad habang gumugulong ang imbestigasyon.” “Opo. Hahanapan ko po kayo ni Tiya Rudy ng apartment. Nakakahiya po kay Vioxx kung—” “Ikaw ang bahala, Anak. O, siya. Si

  • Mommy Nanny   Chapter 46

    CHAPTER 46 KUNG NASA SINDIKATO nga si Asher, malaking katangahan kung babanggain niya ito. Pero malaking katangahan din kung babanggain niya si Gaston lalo pa’t teritoryo ng pamilya nito ang probinsya nila. “Ayaw mo ba ng pagkain?” “Huh?” Napakurap-kurap si Danica Shane nang hawakan ni Vioxx a

  • Mommy Nanny   Chapter 35

    CHAPTER 35 “B-Baka nagkakamali lang po kayo,” kabadong wika pa ni Dashi. “Ilang taon na akong nasa propesyon na ito, Miss Coralde. Bakit ako magkakamali? Nabuntis ka na, iyon ang totoo. Kung anuman ang dahilan mo kung bakit itinatanggi mo, wala na akong pakialam do’n. Ako an

  • Mommy Nanny   Chapter 27

    CHAPTER 27 “Bakit mo tinatanong ang bayarin namin?” “Vioxx told me to settle the bill. Fortunately, the Governor already paid it all,” puno ng sarkasmo ang boses nito nang binanggit ang salitang ‘governor’. “My brother is so much willing to throw money and extend his hands

  • Mommy Nanny   Chapter 17

    CHAPTER 17 Tinuyo niya ang mga luha nang marinig ang papalayong yabag. Tanging likod na lang nang amo niya ang nakita niya. Mabilis siyang tumayo para sumunod dito. “Boss, puntahan ko na si Shaun?” sabi niya nang maabutan ito. “No need. Stay here and don’t leave.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status