Mag-log inCHAPTER 5
“Nabanggit sa akin ni Mommy ang tungkol sa Nanay mo. Nai-kwento sa kanya ni Manang Rudy.”
Gusto niyang mapausal ng pasasalamat. Kompirmd nga na hindi talaga siya pinuntahan kagabi. “Ngayon na po ba ako magsisimula?” pag-iiba niya ng usapan.
“Yes. I’ll be out of the country this week. Take care of Shaun.”
“Areglado, Boss.” Pabirong sumaludo pa siya.
“I’m leaving now.”
“Agad-agad? Hindi ka man lang po magpapaalam kay Shaun?”
“What’s my first rule again, Miss Coralde?” Halos magsalubong ang kilay nito.
“Zipper po ang bibig.”
“Good.” Tinalikuran siya nito at sumakay ng SUV.
Nasundan na lang niya ng tingin ang papalayong sasakyan. Mabigat ang kanyang dibd ib para sa bata.
“Sinadya niya talagang tulog si Shaun kapag umaalis ng bansa,” sabi ni Manang Sabel. “Nakita ko naman kanina na h inalikan niya sa noo ang bata. Okay na siguro iyon.”
A kiss on the forehead wasn’t enough. Tulog si Shaun kaya paano nito malalaman? Ang bata ay kailangan din ng mga salita para mas maramdaman na may nagmamahal rito. “Silipin ko lang po siya. Pwede po ba?”
“Oo naman.”
Sinamahan siya ni Manang Sabel. Itinuro muna kung saan ang kwarto niya bago nila pinuntahan ang bata. Himbing na himbing ito. Parang anghel sa bait ang inosenteng mukha.
“Iiwan muna kita rito. Bantayan mo muna kasi iiyak ‘yan pagkagising at nalaman na wala na naman ang daddy niya.”
Tumango siya at umupo sa gilid ng kama nito. Hindi niya maalis-alis ang tingin rito at inabot ang pisngi . Ilang sandali lang ay umingit ang bata kaya binawi niya ang kamay. Tinapik-tapik niya ito sa pwet na parang beybi.
He opened his eyes. Still disoriented, he moved closer. Niyakap nito ang kanyang baywang at isinubsob ang mukha sa tiyan niya. Napalitan ng init sa dibd ib ang kanyang pagkagulat. Hinaplos niya ang likod ng bata. Puno ng lambing na pinanood ito. Sinusulit niya na dahil mamaya kapag gising ito at nasa huwisyo ay maghahasik na naman ng ‘lagim’ ng kapilyuhan.
Hindi siya nagkamali.
Pagmulat pa lang ulit nito ng mata ay nagsungit na agad. “Why are you in my room, Ugly Lady?”
“Dashi ang pangalan ko. Hindi ‘Ugly Lady’.”
Kumusot lang ang ilong nito at saka bumaba ng kama. “Where’s Dad?”
“Gusto mo bang kumain muna ng meryenda, Little Bossing?” Hahabol-habol siya rito palabas.
“I wanna see, Dad.” Pinihit nito ang pinto ng katapat na kwarto. Nang hindi mabuksan ay tumingin sa bintana. “It’s night already.”
“Nagluluto na ng hapunan sina Manang. May gusto ka ba?”
Sa halip na sagutin ay nagtatakbo ito papunta sa pinakadulo ng pasilyo. Shaun tried to open the door.
“His office is locked too.”
Nabaghan siya sa lungkot ng boses nito.
“Na-late lang siya pag-uwi.”
“Stop lying!” sigaw nito sa kanya. “He left again!”
Nagtatakbo ito pabalik sa kwarto. Dahil ni-lock ng bata ang pinto ay nahusto na lang siya sa paglapat ng tainga sa dahon niyon.
Nabasag ang puso niya nang marinig ang mga impit na iyak ng bata.
TAHIMIK si Shaun.
May ginagawa pa rin kalokohan ngunit hindi humahagikhik katulad ng dati. Kapag pinagsasabihan ay seryoso lang ang mukha nito at sasabihin na isumbong daw nila sa ama.
“He’s not cooperating. Kahit isang worksheet ay wala siyang sinagutan.” Iiling-iling ang guro ni Shaun nang inihatid niya ito sa kotse.
“Wala lang po siguro sa mood.”
“Hindi kasi pwedeng palaging ganito. Na kapag wala ang daddy niya ay hindi siya makikipag-cooperate. Maybe, Mr. Almeradez could consider enrolling him at physical school. Para may makasalamuha siyang ibang bata. New environment.”
Hinawakan ng guro ang kanyang kamay.
“Sana matulungan mo akong kumbinsihin siya, Ms. Coralde. I talked to his other teachers too and we have the same thoughts about this. Binabayaran kami ng malaki pero bilang guro, nakokonsensya kami na nahuhuli si Shaun sa mga kailangan niyang matutunan.”
“Susubukan ko po.”
Hinatid niya ng tanaw ang kotse nitong papalabas ng gate.
“What did you and that lady talk about?”
Tiningnan niya lang si Shaun na nakakunot na naman ang noo. Matamis niya itong nginitian. “Wala naman.”
“Liar talaga you. I heard my name.”
“Pang-adult kasing usapan. Bawal mong marinig. Tsismoso ka rin ‘no.”
“What’s sitsomo?”
Humagikhik siya at hindi napigilan ang sarili na kurutin ito sa pisngi. “Nosy.”
Tinabig naman agad ni Shaun ang kamay niya. “Just like you?!”
“Tama!” Nag-thumbs up siya at saka tinuro ito. “Katulad mo rin.”
Kumusot lang ang ilong nito. Wala talaga sa mood makipagbardagulan sa kanya.
Nakatingin lang si Shaun sa gate na para bang may inaabangan na dumating. Umupo siya sa isa sa tatlong baitang ng front door. Ipinatong niya ang dalawang siko sa mga tuhod bago sinalo ng mga kamay ang sariling pisngi. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagsulyap-sulyap sa kanya ng bata. Patigil-tigil itong humakbang hanggang sa umupo na rin sa kanyang tabi at ginaya ang postura niya.
“Miss ko na si Tatay,” aniya.
“Go home.”
Kumibot-kibot ang labi nito nang lingunin niya. “Hindi pwede.”
“Why not? There are taxis and buses. Daddy gave you money, right?”
“Kasi po, kailangan ko magtrabaho. Kapag hindi ako nagtrabaho, wala siyang pambili ng gamot at saka kakainin.”
“But he’s your dad. Bad ka siguro.”
“Grabe ka naman. Hindi iyon ganon, Little Bossing. Love na love ko ang tatay ko. Pero kailangan kong malayo sa kanya kasi para naman iyon sa ikabubuti niya,” matyaga niyang paliwanag kahit hindi siya sigurado kung naiintindihan ba nito.
Dashi knew Shaun had a higher IQ than other kids his age. Sa tuwid na pananalita pa lang nito ay halata na matalino. Nawalan na ito ng imik. Sinamahan niya na lang hanggang sa tinawag na sila ng kasambahay para sa hapunan. Pagkatapos kumain ay pinaalalahan niya itong mag-half bath. Sumunod naman at nagkusang magbihis ng pantulog.
“Tulog na ako. Alis.”
“Sige. Goodnight, Little Bossing.”
Nagtalukbong ito kaya napanguso siya. Muntik pa siyang madapa nang masagi ang school bag na nasa gilid ng kama.
“Alis sabi!”
“Oo na. Ito na. Goodnight ulit.” Mabilis siyang nakalabas ng pinto dahil parang magta-tantrums na naman ang bata. Naabutan niya sa kusina si Manang Sabel at ang dalawa pang kasambahay.
“Tulog na ba ang alaga mo?”
“Papatulog. Pinaalis agad ako,” himutok niya.
“Dapat sanay ka na, Dashi. Manang-mana sa ama ang kasungitan,” iiling-iling na komento ni Manang Sabel.
“Ano palang plano sa birthday ni Shaun, Manang?” tanong ng isang kasambahay na kasama nila.
“Magbi-birthday na siya?” gulat niyang gagad.
“Oo. Sa susunod na araw. Kaya triple ang kasungitan kasi wala ang daddy niya sa birthday niya. Palagi naman ganon ang nangyayari pero hindi masanay-sanay ang bata.”
“Ano ba kayo. Bata pa si Shaun. Natural lang na—ay dyosko po!”
Sabay-sabay silang napatili nang mawalan ng kuryente.
“Bakit wala pang ilaw? May automatic light naman tayo?”
Ni-on niya ang flashlight ng kanyang cellphone.
“Halika Dashi. Samahan mo akong hanapin si Koya. Baka naibaba na naman ang switch ng generator.”
Inalalayan niya si Manang Sabel. Nasa living room na sila nang parang may gumagalaw sa dilim.
“Manang, sira ang switch.”
Nabaling na ang atensyon niya kay Kuya Koya.
“Itawag niyo na ‘yan sa mag-aayos bago dumating si Vioxx. Naku, malalagot talaga tayo. Siya, pagtiisan na muna natin ang solar light.
“Ay hala, si Shaun pala!” bulalas niya.
“Hindi iyon takot sa dilim. Pero sige, puntahan mo—” Hindi na natapos ni Manang Sabel ang sinasabi nang bumalik ang kuryente.
Diretso naman siya panhik sa taas.
“Little Bossing, natakot ka ba? Nasaan na ‘yon?”
Bakante ang higaan ni Shaun kaya sinilip niya sa closet. Baka natakot at nagtago pero wala!
Sa ilalim ng kama ay wala rin. Kulang na lang ay halungkatin niya ang buong kwarto. Umahon ang hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang dibd ib nang maalala ang school bag nito na hindi niya na rin makita.
“M-Manang!” malakas niyang tawag. Takbo siya pababa. “Nawawala po si Shaun! Wala sa kwarto niya!”
CHAPTER 63 Idiniretso siya sa presinto. Sunud-sunuran lamang si Dashi nang kunan siya ng fingerprint at mugshot. Ipinapaliwanag sa kanya ng police pati abogado ng mga Almeradez ang kaso niya pero ni isa ay walang tumatak sa utak niya niya. Sa halip, ay walang ganang nakatulala lamang siya sa kawalan. Tanggap niya na kahit anong parusang ibibigay sa kanya. Mag-isa si Tiya Rudy nang dinalaw siya nito sa kulungan kinagabihan. “Nakahanap na kami ng abogado. Lumapit kami sa PAO. Tutulungan niya raw tayo.” “Tiya, huwag na po.” “Ano ba iyang sinasabi mong bata ka? Hindi pwedeng susuko ka na lang basta-basta. Makakagawa tayo ng paraan!” “Malaking tao po ang mga Almeradez,” sabi niya para mawalan na rin ito ng pag-asa. “Ano ngayon? Tao lang din naman sila. Kahit ang pinakamatigas na bato ay nadudurog. Hindi ka pwedeng makulong habambuhay, Dashi. Bata ka pa. Ang dami-dami mo pang pwedeng gawin. Ang dami-dami mo pang pangara
CHAPTER 62 SINAMANTALA ni Dashi na tulog na tulog sa pagod si Tiya Rudy na siyang kasalukuyang nagbabantay sa kanya para lumabas ng hospital. Hila-hila niya ang dextrose habang mabagal na naglalakad papuntang ICU. Sisilip lang siya! Gusto niya lang makibalita. Paliko pa lang siya sa hallway nang marinig niya ang sigawan. Lumagabog ang puso ni Danica Shane nang masilip si Vioxx na sinugod si Asher. Tumembuwang ang huli sa sahig. Hindi pa nakuntento si Vioxx, talagang inupuan pa nito si Asher tiyan at sunod-sunod na sinuntok. “Vioxx, stop that!” tili ni Madam Stephanie. “You f ucking bastard! Pinagsabihan na kita. Putangina ka!” galit na galit si Vioxx. Halos hindi makasabay si Asher sa pagsalag ng mga suntok nito. Sinubukang hilahin ni Madam Steph si Vioxx ngunit, hindi man lang natinag ito. Kaya tumakbo ang Ginang para magtawag ng security. Nang wala na si Madam Stephanie ay saka lumaban si Asher. Naalis sa ibabaw nito si Vi
CHAPTER 61 “Iho, hindi ko papayagan na tawagin mo ng ganyan ang anak ko!” sita ng tatay niya. Sumara naman ang bibig ni Asher, naiintindihan na kahit sinong ama ay hindi makakapayag na harap-harapang iniinsulto ang anak. “Hindi naman ako nandito para manggulo. Gusto ko lang makita si Shaun,” mahina niyang sabi. Tumalikod sa kanya si Asher. Nag-iigtingan ang panga nito, halatang pigil na pigil ang sarili na bulyawan siya. Maging si Sir Nexus na nakaupo pa rin ay malamig lang ang tingin sa pader. Ayaw siyang tingnan man lang. “Hindi ko naman alam na,” tuloy niya pa at napaluha na. “..I’m sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi ko ginusto na mangyari ito kay Shaun—” “Shut the fuck up!” putol ang pisi ng pasensya na bulyaw sa kanya ni Asher. “Hindi mo sinasadya? Hindi mo ginusto? P utangina!, tingnan mo ang kalagayan ni Shaun ngayon at sabihin mo sa akin na hindi mo sinasadya!” Bago pa siya nito mapigilan ay hini
CHAPTER 60 Dahil nasa gitna sila ay hindi ganon kalakas ang impact ng pagkakabangga. Paglingon niya kay Gaston ay sapo nito ang ulo, at mahilu-hilo pa. Nabuksan ang pinto sa tabi nito. Dahil wala pang lakas ay nagawa niyang sipain ang ulo ni Gaston gamit ang dalawang paa kaya naumpog ito. Tumalon sila palabas ni Shaun. Tinulungan siya nitong maalis ang tali sa kanyang paa. “Takbo!” sigaw niya rito habang pilit inaalis ang tali sa kamay habang tumatakbo na rin. Bahagyang nauuna sa kanya si Shaun. Napatili siya nang biglang may bumaril sa direksyon niya. Muntik na siyang tamaan kung hindi lang siya nakadapa. “Tigil!” sigaw ni Gaston kahit duguan na ito. Paglingon niya kay Shaun ay natigilan din ito sa gitna ng highway. Namimilog ang mga mata ni Danica Shane nang itinutok ni Gaston ang baril sa kanya. Tumakbo pabalik sa kanya si Shaun. Sumabay ang sigaw niya sa putok ng baril nang mula sa kung saan ay bigla na lang lumitaw ang h
CHAPTER 59 Naunahan siya ng pagkataranta. Sa halip na puntahan si Shaun sa kwarto nito ay dumiretso siya sa kabilang dulo ng hallway para patagong sumilip sa labas ng gate. Tanging paminsan-minsa na dumadaang kotse lamang ang nakikita niya. Pero hindi siya kampante dahil ang ibang parte ng harap ng bahay ay may kadiliman. ‘Clock is ticking🕰️’ text ulit ni Gaston. May kasama ulit na picture ng mismong gilid ng bahay. Pakiramdam niya ay lalabas sa kanyang lalamunan ang puso niya nang muli siyang sumilip sa bintana at may nakitang may mga gumagalaw sa dilim. Tanging dalawang security guard lang ang kasama nila sa bahay dahil sinundo ng ni Kuya Koya sina Madam Stephanie sa airport. Walang ingay na bumalik siya sa ibaba at lumabas ng front door. Nagtago siya sa likod ng matataas at malalagong halaman na malapit sa gate.Ilang sandali lang ay pumunta na ang secuirty guard sa house quarter para makipagpalitan. Maingat na binuksan niya ang maliit na gate. Nanginginig
CHAPTER 58 “Iyon ang nakarating sa amin. Nakapagpyansa ng three hundred thousand pero gugulong pa rin ang imbestigasyon. Nag-aalala ako, Anak dahil ikaw pala ang tinuturo niya. Palagay ko, pasasaluhin niya sa iyo ang lahat. Naniniwala ako na wala kang kahit anong kinalaman sa mga illegal na ginagawa ni Gaston. Alam kong malinis ang konsensya mo.” Paanong malinis ang konsensya niya kung una pa lang ay nakipagkuntyabahan na siya kay Gaston? Wala nga siyang kinalaman sa laboratoryo pero hindi ba’t illegal din ang pagpasok niya sa bahay ni Vioxx na may masamang motibo? “Huwag niyo na pong masyadong isipin.” “Ang sabi ng abogado, mas mabuting huwag na muna tayong bumalik sa Camarines Norte dahil baka kung anong mangyari. Mas makakabuting dito muna tayo sa siyudad habang gumugulong ang imbestigasyon.” “Opo. Hahanapan ko po kayo ni Tiya Rudy ng apartment. Nakakahiya po kay Vioxx kung—” “Ikaw ang bahala, Anak. O, siya. Si
CHAPTER 48 "SINO PO?" takang tanong niya. "Si Adriana. Kilala mo ba siya?" Tumango naman siya at nangingiwing sumagot. "Nanay ko po." "May isa pa siyang anak na babae?" tanong nito sabay bahaw na tumawa na para bang hindi ito makapaniwala. Hindi na nagulat si Dashi na si Dannie lang ang a
CHAPTER 3 UMAWANG ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon. Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa liko
CHAPTER 2 Sa halip na reply-an ay in-off ni Dashi ang cellphone at tumulala sa labas. Nalubog ang pamilya niya sa utang kay Gaston nang ma-ospital ang tatay niya. Dahil walang pambayad at kailangan niya ng pera para sa dialysis ay pumayag siya sa inuutos nito. May ipinapahanap sa kanya
CHAPTER 1 “Susko! Mababaliw yata ako sa batang iyon!” mangiyak-ngiyak na bulalas ni Danica Shane o Dashi nang makapasok sa loob ng sariling Cabin. Isinama siya ng kanyang boss—si Vioxx Almeradez—sa kasal ng pinsan nito. Kasalukuyan silang nasa 5-day cruise ship na maglilibot







