MasukIn this story, Zeus has long had feelings for Zaica but couldn't get the chance to court her because she already had a boyfriend. When Zaica and her boyfriend broke up, Zeus didn't waste any more time and kidnapped Zaica to get her attention. Before taking Zaica, he asked for her parents' permission so they wouldn't worry. Just as they were getting close, Zeus' ex-girllfriend, Kera, showed up and caused trouble. When Zaica saw Zeus and Kera together in bed, she left him, taking their child. But when she got home, she found out she wasn't actually their child, she was adopted. The same day, her adoptive parents were going to introduce her to her real family. Zaica then hid their child from Zeus.
Lihat lebih banyakZAICA ZIN ACOSTA POV
Tahimik akong umiiyak habang nakayuko sa office table ko. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang panlolokong ginawa sa akin ng lalaking minahal ko nang buong-buo. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na nagawa niya iyon sa akin—kasama pa ang mismong kaibigan kong pinagkatiwalaan ko. Napahinto ako sa pag-iyak nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng opisina. Agad kong itinaas ang ulo ko at doon ko nakita ang boss ko—si Sir Velasquez—na kakapasok lang. Magkasama kami sa iisang opisina kaya imposible ko siyang hindi mapansin. Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa aking mga mata at pilit na iginuhit ang isang ngiti sa aking mga labi. “Good morning, Sir Velasquez,” maayos kong bati sa kaniya. Ngunit ni isang sulyap ay hindi niya ako binigyan. Tahimik lang siyang naglakad papunta sa kaniyang mesa. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang maupo. Nang makita kong abala na siya, umupo na rin ako sa sarili kong mesa at pilit na ibinaling ang atensyon sa trabaho. “Is there a problem?” Napapitlag ako sa hindi inaasahang tanong niya. Agad kong inangat ang aking paningin at doon ko nakita ang seryoso niyang mukha. “Umiiyak ka ba?” malamig niyang dagdag. Mabilis akong umiling. “Ah—wala po, Sir. Napuwing lang po ako,” naiilang kong sagot. Sandali niya lang akong tinitigan bago tumango nang bahagya. “Okay,” maikli niyang tugon. Napakalamig talaga ng boss ko. Mabilis na lumipas ang oras at natapos ko rin ang lahat ng gawain ko. Nagpaalam ako kay Sir Velasquez na uuwi na ako dahil may kailangan pa raw akong asikasuhin—kahit ang totoo, sa isang bar ang diretso ko. Gusto kong uminom. Gusto kong malimutan ang lahat. Ilang sandali pa, lunod na ako sa alak. Akala ko gagaan ang pakiramdam ko kapag nilunod ko ang sarili ko sa inom, pero nagkamali ako. Mas lalo lang bumigat ang dibdib ko. Mas lalo pang malinaw sa isip ko ang kawalanghiyaang ginawa ng pesteng iyon—ng boyfriend ko at ng kaibigan kong ahas. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Ibinigay ko sa kaniya ang lahat—oras, pagmamahal, tiwala—pero nagawa pa rin niya akong ipagpalit. “Isa pang bote ng alak, please,” nanginginig kong sabi sa bartender. Pagkabigay sa akin ng bote, agad ko iyong nilaklak. Kasabay ng bawat lagok ang walang tigil na pag-agos ng luha mula sa aking mga mata. Hindi ba nauubos ang sakit na ito? Ilang sandali pa, tumayo ako mula sa aking upuan. Balak ko sanang sumayaw, kahit saglit lang, para makalimot. Ngunit bigla na lang may humarang sa aking harapan. Isang lalaking matangkad, medyo may edad, at halatang lasing na rin. Bigla niya akong hinapit sa bewang at idinikit ang katawan niya sa akin. Nanlamig ang buong pagkatao ko. Agad ko siyang tinulak palayo at sinampal nang buong lakas. Ngunit imbes na umatras, ngumisi pa siya—isang ngiting nakakatakot. Mabilis niyang hinawakan ang aking braso nang napakahigpit. Napangiwi ako sa sakit. “Bitawan mo ako!” nanginginig kong sigaw habang pilit kong hinahatak palayo ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Ngunit mas lalo niya pang hinigpitan ang kapit. Ramdam ko ang hapdi sa aking braso, kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko. Nagsimulang lumabo ang paningin ko—hindi ko alam kung dahil sa alak o sa takot. “Arte mo naman, sumasayaw ka tapos ayaw mo?” lasing niyang sabi sabay tawa. Nanlaki ang mga mata ko. Gusto kong sumigaw, humingi ng tulong, pero parang natuyo ang lalamunan ko. Napapalibutan kami ng ingay ng musika at tawanan ng mga tao—ngunit wala man lang ni isa ang nakapansin. Hanggang sa—ZAICA ( AUTHOR POV) ___Lumipas ang tatlong taon.Sa loob ng mahabang panahong iyon, tila isang makapal na kurtina ang bumalot sa nakaraan ni Zaica. Ang dating tahanang puno ng pangungulila, pagdududa, at panloloko ay naging isang malayong alaala na lamang-isang bangungot na matagal na niyang nais na tuluyang makalimutan.Sa tulong ng kaniyang tunay na pamilya, nakapagpatayo siya ng panibagong buhay sa isang payapa at liblib na probinsya, malayo sa ingay ng siyudad at lalo na sa anino ni Zeus. Dito, sa gitna ng luntiang kapaligiran at preskong hangin, ibinigay niya ang buong pagmamahal at atensyon sa kaniyang munting anghel-si Zio.Tatlong taong gulang na si Zio. Minana nito ang matang maitim, matangos na ilong, at matipunong pangangatawan ng kaniyang ama, ngunit ang kaniyang matamis na ngiti, malambot na puso, at magalang na pag-uugali ay salin mismo kay Zaica. Sa bawat araw na lumilipas, ang bata ang naging liwanag at lakas na nagtulak sa kaniya upang magpatuloy. Kahit hindi niya ma
ZAICA POVMatapos ang mahabang byahe, sa wakas ay nakarating din ako sa bayang kinalakihan. Ang bawat hakbang ko ay mabigat, dala ang bigat ng katotohanang nakita ko sa Boracay. Wala na akong ibang matatakbuhan kundi ang tahanang laging nagbigay sa akin ng kapanatagan—ang tahanan nina Nanay Marta at Tatay Roberto. Sila ang nagpalaki sa akin, ang nag-aruga, at ang tinuring kong tunay na magulang sa loob ng mahabang panahon. Akala ko, sa pagbabalik ko rito ay makakahanap ako ng pahinga at yakap na magpapagaan sa aking dinadala.Nang huminto ang tricycle sa tapat ng aming bahay, ibinaba ko ang aking maleta at dahan-dahang tumingala. Ngunit bago pa man ako makalapit sa pinto, may kakaibang bagay na tumawag sa aking atensyon. Nakaparada sa tapat ng bakuran ang dalawang mamahaling sasakyan. Ang isa ay pamilyar na pamilyar—ang itim na SUV na madalas kong makitang kasama ni Zeus, ang sasakyan ng matalik niyang kaibigang si Xander.Napakurap ako at napailing. Baka nagkakamali lang ako, bulong
ZAICA POVIlang araw ang lumipas, at tila unti-unting bumalik sa dating tahimik ngunit mabigat na takbo ang aking araw-araw. Ang imahe nina Zeus at Kera sa labas ng restawran ay pilit kong itinataboy sa isipan, ngunit sa tuwing mag-isa ako, bumabalik ito-parang sugat na ayaw maghilom.Isang gabi, dumating si Zeus. Mas maaga ito kaysa sa nakagawian, ngunit kitang-kita sa kaniyang mga mata na may bumabagabag. Huminto siya sa harap ko, at sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, tinignan niya ako nang diretso."Zaica," panimula niya, mabigat ang bawat salita. "Mayroon akong mahalagang lakad. Kailangan kong pumunta sa Boracay para sa isang business trip. Ilang araw din akong mawawala dahil sa mahahabang pagpupulong at pakikipagkita sa mga kasosyo ng kumpanya."Tumibok nang mabilis ang aking puso. Sa mahabang panahon na halos kaming dalawa lang ang nakatira sa bahay na ito, simula nang bumalik kami sa bahay nabito ay ngayon konalang ulit nakinig ang buses ni zeus. "Sasama ako,"
ZAICA POVMatagal nang nakakulong ang mundo ko sa loob ng malawak ngunit napakalungkot na bahay na ito. Araw-araw ay pare-pareho lang ang nangyayari: ako, ang mga kasambahay na sina Aling Basha, Osang, Cecile, at Manang Rosa, at ang walang katapusang paghihintay kay Zeus na parang bisita na lang kung umuwi-gabi na, pagod, tahimik, at laging umiiwas.Akala ko ay mananatili na lang akong ganito habangbuhay, lunurin ng lungkot at pangungulila, hanggang sa isang hapon, habang nakaupo ako sa veranda at nakatitig lang sa kawalan, biglang dumating ang mga taong matagal ko nang hindi nakikita ngunit laging nasa puso ko."Zaica!"Pamilyar at masiglang boses iyon. Paglingon ko, nandoon sila-sina Kealith, kasama sina Guinevere, Zemira, at Elaine. Mabilis silang lumapit at niyakap ako nang mahigpit, tila ba hindi kami nagkita sa loob ng mahabang panahon. Nasa likuran naman nila si Aling Basha na nakangiti nang malungkot, senyales na siya ang nagkwento sa kanila ng kalagayan ko."Nabalitaan namin
ZEUS POV___Kanina pako nakatingin sa kisame kasi hindi ko magawang makatulog dahil sa ng yari kanina—muli ko nanamang naipikit ng mariin ang aking mata at tiningnan muli si zaica na mahimbing ng natutulog'ugh fuck zaica bakit moto ginagawa sakin!'FLASHBACKN
ZAICA POV"Ugh! Ang gulo mo talaga, Zaica!ulong ko sa salamin habang hinahaplos ang namumugtong mata ko."Pwede bang tumigil ka na sa pag-iyak mo?bura na tuloy ‘yung make-up mo!"Huminga ako nang malalim bago naghilamos. Pinilit kong ayusin ang sarili kahit pa
Zeus’ Point of View"Makakapaghintay naman ako, Baby." Aniya ko habag nakatingin sa kaniya. "Pero ayaw ko pa rin na nakikipag-usap ka sa ibang lalaki, mas lalong ayaw ko na makikita kang nakangiti sa ibang lalaki at hinahawakan ang iyong nga 𝒌𝒂𝒎𝒂y Nagseselos ako, Baby. Baka makapatay ako pag i
ZAICA POV___Nangunot ang nuo ko ng may maramdaman akong Paulit-ulit akong hinahalikan sa pisnge pababa sa aking panga, papunta sa aking leeg kaya dahan-dahan kong minulat ang aking mata Pag dilat ng aking mata ay ang magulong buhok ni zeus ang bumongad sakin na mas lalo niya p












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan