Share

Mr. Velazquez Unknown heir
Mr. Velazquez Unknown heir
Author: Lady

Chapter 1

Author: Lady
last update Petsa ng paglalathala: 2026-01-11 13:44:37

ZAICA ZIN ACOSTA POV

Tahimik akong umiiyak habang nakayuko sa office table ko. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang panlolokong ginawa sa akin ng lalaking minahal ko nang buong-buo. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap na nagawa niya iyon sa akin—kasama pa ang mismong kaibigan kong pinagkatiwalaan ko.

Napahinto ako sa pag-iyak nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng opisina. Agad kong itinaas ang ulo ko at doon ko nakita ang boss ko—si Sir Velasquez—na kakapasok lang. Magkasama kami sa iisang opisina kaya imposible ko siyang hindi mapansin.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa aking mga mata at pilit na iginuhit ang isang ngiti sa aking mga labi.

“Good morning, Sir Velasquez,” maayos kong bati sa kaniya.

Ngunit ni isang sulyap ay hindi niya ako binigyan. Tahimik lang siyang naglakad papunta sa kaniyang mesa. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang maupo. Nang makita kong abala na siya, umupo na rin ako sa sarili kong mesa at pilit na ibinaling ang atensyon sa trabaho.

“Is there a problem?”

Napapitlag ako sa hindi inaasahang tanong niya. Agad kong inangat ang aking paningin at doon ko nakita ang seryoso niyang mukha.

“Umiiyak ka ba?” malamig niyang dagdag.

Mabilis akong umiling.

“Ah—wala po, Sir. Napuwing lang po ako,” naiilang kong sagot.

Sandali niya lang akong tinitigan bago tumango nang bahagya.

“Okay,” maikli niyang tugon.

Napakalamig talaga ng boss ko.

Mabilis na lumipas ang oras at natapos ko rin ang lahat ng gawain ko. Nagpaalam ako kay Sir Velasquez na uuwi na ako dahil may kailangan pa raw akong asikasuhin—kahit ang totoo, sa isang bar ang diretso ko.

Gusto kong uminom. Gusto kong malimutan ang lahat.

Ilang sandali pa, lunod na ako sa alak. Akala ko gagaan ang pakiramdam ko kapag nilunod ko ang sarili ko sa inom, pero nagkamali ako. Mas lalo lang bumigat ang dibdib ko. Mas lalo pang malinaw sa isip ko ang kawalanghiyaang ginawa ng pesteng iyon—ng boyfriend ko at ng kaibigan kong ahas.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Ibinigay ko sa kaniya ang lahat—oras, pagmamahal, tiwala—pero nagawa pa rin niya akong ipagpalit.

“Isa pang bote ng alak, please,” nanginginig kong sabi sa bartender.

Pagkabigay sa akin ng bote, agad ko iyong nilaklak. Kasabay ng bawat lagok ang walang tigil na pag-agos ng luha mula sa aking mga mata. Hindi ba nauubos ang sakit na ito?

Ilang sandali pa, tumayo ako mula sa aking upuan. Balak ko sanang sumayaw, kahit saglit lang, para makalimot. Ngunit bigla na lang may humarang sa aking harapan.

Isang lalaking matangkad, medyo may edad, at halatang lasing na rin.

Bigla niya akong hinapit sa bewang at idinikit ang katawan niya sa akin. Nanlamig ang buong pagkatao ko.

Agad ko siyang tinulak palayo at sinampal nang buong lakas.

Ngunit imbes na umatras, ngumisi pa siya—isang ngiting nakakatakot. Mabilis niyang hinawakan ang aking braso nang napakahigpit.

Napangiwi ako sa sakit.

“Bitawan mo ako!” nanginginig kong sigaw habang pilit kong hinahatak palayo ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

Ngunit mas lalo niya pang hinigpitan ang kapit. Ramdam ko ang hapdi sa aking braso, kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko. Nagsimulang lumabo ang paningin ko—hindi ko alam kung dahil sa alak o sa takot.

“Arte mo naman, sumasayaw ka tapos ayaw mo?” lasing niyang sabi sabay tawa.

Nanlaki ang mga mata ko. Gusto kong sumigaw, humingi ng tulong, pero parang natuyo ang lalamunan ko. Napapalibutan kami ng ingay ng musika at tawanan ng mga tao—ngunit wala man lang ni isa ang nakapansin.

Hanggang sa—

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Mr. Velazquez Unknown heir    Chapter 68

    ZAICA ( AUTHOR POV) ___Lumipas ang tatlong taon.Sa loob ng mahabang panahong iyon, tila isang makapal na kurtina ang bumalot sa nakaraan ni Zaica. Ang dating tahanang puno ng pangungulila, pagdududa, at panloloko ay naging isang malayong alaala na lamang-isang bangungot na matagal na niyang nais na tuluyang makalimutan.Sa tulong ng kaniyang tunay na pamilya, nakapagpatayo siya ng panibagong buhay sa isang payapa at liblib na probinsya, malayo sa ingay ng siyudad at lalo na sa anino ni Zeus. Dito, sa gitna ng luntiang kapaligiran at preskong hangin, ibinigay niya ang buong pagmamahal at atensyon sa kaniyang munting anghel-si Zio.Tatlong taong gulang na si Zio. Minana nito ang matang maitim, matangos na ilong, at matipunong pangangatawan ng kaniyang ama, ngunit ang kaniyang matamis na ngiti, malambot na puso, at magalang na pag-uugali ay salin mismo kay Zaica. Sa bawat araw na lumilipas, ang bata ang naging liwanag at lakas na nagtulak sa kaniya upang magpatuloy. Kahit hindi niya ma

  • Mr. Velazquez Unknown heir    Chapter 67

    ZAICA POVMatapos ang mahabang byahe, sa wakas ay nakarating din ako sa bayang kinalakihan. Ang bawat hakbang ko ay mabigat, dala ang bigat ng katotohanang nakita ko sa Boracay. Wala na akong ibang matatakbuhan kundi ang tahanang laging nagbigay sa akin ng kapanatagan—ang tahanan nina Nanay Marta at Tatay Roberto. Sila ang nagpalaki sa akin, ang nag-aruga, at ang tinuring kong tunay na magulang sa loob ng mahabang panahon. Akala ko, sa pagbabalik ko rito ay makakahanap ako ng pahinga at yakap na magpapagaan sa aking dinadala.Nang huminto ang tricycle sa tapat ng aming bahay, ibinaba ko ang aking maleta at dahan-dahang tumingala. Ngunit bago pa man ako makalapit sa pinto, may kakaibang bagay na tumawag sa aking atensyon. Nakaparada sa tapat ng bakuran ang dalawang mamahaling sasakyan. Ang isa ay pamilyar na pamilyar—ang itim na SUV na madalas kong makitang kasama ni Zeus, ang sasakyan ng matalik niyang kaibigang si Xander.Napakurap ako at napailing. Baka nagkakamali lang ako, bulong

  • Mr. Velazquez Unknown heir    chapter 66

    ZAICA POVIlang araw ang lumipas, at tila unti-unting bumalik sa dating tahimik ngunit mabigat na takbo ang aking araw-araw. Ang imahe nina Zeus at Kera sa labas ng restawran ay pilit kong itinataboy sa isipan, ngunit sa tuwing mag-isa ako, bumabalik ito-parang sugat na ayaw maghilom.Isang gabi, dumating si Zeus. Mas maaga ito kaysa sa nakagawian, ngunit kitang-kita sa kaniyang mga mata na may bumabagabag. Huminto siya sa harap ko, at sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, tinignan niya ako nang diretso."Zaica," panimula niya, mabigat ang bawat salita. "Mayroon akong mahalagang lakad. Kailangan kong pumunta sa Boracay para sa isang business trip. Ilang araw din akong mawawala dahil sa mahahabang pagpupulong at pakikipagkita sa mga kasosyo ng kumpanya."Tumibok nang mabilis ang aking puso. Sa mahabang panahon na halos kaming dalawa lang ang nakatira sa bahay na ito, simula nang bumalik kami sa bahay nabito ay ngayon konalang ulit nakinig ang buses ni zeus. "Sasama ako,"

  • Mr. Velazquez Unknown heir    Chapter 65

    ZAICA POVMatagal nang nakakulong ang mundo ko sa loob ng malawak ngunit napakalungkot na bahay na ito. Araw-araw ay pare-pareho lang ang nangyayari: ako, ang mga kasambahay na sina Aling Basha, Osang, Cecile, at Manang Rosa, at ang walang katapusang paghihintay kay Zeus na parang bisita na lang kung umuwi-gabi na, pagod, tahimik, at laging umiiwas.Akala ko ay mananatili na lang akong ganito habangbuhay, lunurin ng lungkot at pangungulila, hanggang sa isang hapon, habang nakaupo ako sa veranda at nakatitig lang sa kawalan, biglang dumating ang mga taong matagal ko nang hindi nakikita ngunit laging nasa puso ko."Zaica!"Pamilyar at masiglang boses iyon. Paglingon ko, nandoon sila-sina Kealith, kasama sina Guinevere, Zemira, at Elaine. Mabilis silang lumapit at niyakap ako nang mahigpit, tila ba hindi kami nagkita sa loob ng mahabang panahon. Nasa likuran naman nila si Aling Basha na nakangiti nang malungkot, senyales na siya ang nagkwento sa kanila ng kalagayan ko."Nabalitaan namin

  • Mr. Velazquez Unknown heir    Chapter 64

    ZAICA POVParang naging bahagi na ng bawat araw ko ang katahimikan at ang matagal na paghihintay. Sa mahabang panahon na lumipas, tila ba tuluyan nang naglaho ang presensya ni Zeus sa loob ng bahay na ito - ang bahay na dapat sana ay puno ng tawanan, ng kwentuhan, at ng pagmamahalan naming mag-asawa.Ganoon pa rin ang nakasanayang takbo ng aming mga araw. Bago pa man sumilip ang unang sinag ng araw, naririnig ko na ang ugong ng kaniyang sasakyan na paalis na. Hindi ko man siya nakikita, alam kong suot na naman niya ang kaniyang paboritong puting polo, maayos man o gusot na, dahil galing o papunta na naman siya sa kumpanya. At sa gabi, kapag tulog na ang halos lahat, kapag tahimik na tahimik na ang paligid at tanging mga ilaw na lamang sa daanan ang nagbibigay liwanag, saka lamang siya babalik. Pumapasok siya nang palihim, parang ayaw niyang may makapansin, parang ayaw niyang may makakita sa kaniya. Dumadaan lang siya nang mabilis, nakayuko, iwas ang tingin, at dire-diretso na paakyat

  • Mr. Velazquez Unknown heir    Chapter 63

    ZAICA POVHalos nakakalimutan ko na kung kailan ang huling pagkakataon na nagtagpo ang aming mga mata o nakapagpalitan kami ng kahit ilang salita. Sa loob ng mahabang panahon, naging ganito na lang ang aming buhay - ako ay nandito, sa loob ng bahay na puno ng alaala ng dating kami, habang siya naman ay parang anino na lamang na dumadaan lamang kapag tulog na ang lahat at nawawala naman bago pa man sumikat ang araw.Kung dati ay naririnig ko pa ang kaniyang boses, ang kaniyang pagtawa, o ang kaniyang pagkausap sa mga kasambahay, ngayon ay tahimik na tahimik na ang lahat kapag nandiyan siya. Pumapasok siya nang palihim, parang isang magnanakaw sa sarili niyang tahanan. Suot pa rin niya ang kaniyang paboritong puting polo, minsan ay gusot na, minsan ay medyo marumi na ang laylayan, senyales na matagal siyang nakalabas at pagod na pagod na bago makauwi. Hindi na siya nagbabago ng damit sa ibaba, hindi na siya kumukuha ng tubig sa kusina, hindi na siya dumadaan sa sala. Dire-diretso na lam

  • Mr. Velazquez Unknown heir    chapter 41

    zeus pov"Get ready yourself later, kakain tayo sa labas."" okay po Sir."Pag sang-ayon niya sakin kaya hinalikan kona siya ng mariin sa kaniyang nuo at ilong niya bago muling bumalik sa aking pwestoPASSED__Nandito na kami sa kotse ko ni zai, upang

  • Mr. Velazquez Unknown heir    chapter 40

    𝐙𝐄𝐔𝐒 𝐏𝐎𝐕___nang maayos kona ang pagkain ay agad niya itong inagaw mula sa aking kamay at mabilis na sumobo ng pagkain"Dahan-dahan lang naman Baby, baka mabulunan ka pa sa ginagawa mo e"Saway ko dito peru tinaliman niya lang ako ng tingin kaya ako'y natigilan,

  • Mr. Velazquez Unknown heir    Chapter 37

    𝐙𝐄𝐔𝐒 𝐏𝐎𝐕__Muli kong pini𝐤it ang aking mata at sinimulang ibaba ang aking mga halik sa kaniyang leegGigil na gigil kong pinipisil ang kaniyang legs habang patuloy paren ako sa pag halik sa kaniyang leeg, at unti unti akong nababaliw sa kaniyang amoy kaya agad kong pinil

  • Mr. Velazquez Unknown heir    Chapter 36

    𝚉𝙰𝙸𝙲𝙰 𝙿𝙾𝚅__"Tignan mo 'to, hindi makasagot sa mga itinatanong ko!!Siguro niloloko lang talaga ako nito!!"naiinis kong bulong sa aking sareli saka siya tinaliman ng tingin ng siya ay nag lalakad na palayu sakin𝚉𝚎𝚞𝚜 𝚙𝚘𝚟__Natawa ako at napailing

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status