LOGINNakangiti si Jiha."Tingin ko," aniya habang inaayos ang tablet sa ibabaw ng mesa, "mas madalas kang ngumiti." Napasulyap si Gabby sa repleksiyon ng sarili sa salaming dingding ng opisina. "Talaga ba?" tanong niya. Tumango si Jiha. "Hindi naman masama. Mas bagay sa'yo kaysa sa seryosong mukha." Napangisi si Gabby."Baka kulang lang ako sa tulog nitong mga nakaraang araw."Kulang sa tulog pero good mood? Ani Jiha sa isipan. Hindi man ito kumbinsido si Jiha, ngunit hindi na ito nag-usisa paIpinagpatuloy niya ang pagtalakay sa Singapore project. "Ito ang final budget projection. Naayos na rin ang meeting schedule para sa investors."Isa-isang sinuri ni Gabby ang mga dokumento. "Good. Ipa-confirm mo na rin ang hotel reservations." "Already done."Tumango si Gabby bilang pagsang-ayon.Bago pa man makaalis si Jiha, may marahang katok na narinig mula sa pintuan. "Come in." Pumasok ang executive secretary na si Mae. May hawak itong isang kulay-itim na envelope na may pulang wax seal. "Sir,"
Napakunot-noo si Antonette. Antonette: "Ano 'yon?" Ilang segundo ang lumipas bago muling nagliwanag ang screen ng cellphone niya. Gabby: "Huwag mong tanggihan." Napailing siya habang natatawa. Antonette: "Hindi ko pa nga alam kung ano ang hihilingin mo." Mabilis ding dumating ang kasunod na mensahe. Gabby: "Kapag sinabi ko, huwag kang kabahan." Napahawak siya sa noo. "Grabe naman..." mahina niyang usal. Lalong lumawak ang ngiti ni Althea, na hindi pala tuluyang nakatulog. "Naku, gising pa pala ako. Mukhang interesting ang usapan n'yo." Napasinghap si Antonette. "Akala ko tulog ka na." "Pikit lang ako." Ani Althea. Napailing si Antonette. "Huwag mo nga akong pakialaman." "Fine." Natatawang humiga muli si Althea. "Hindi na ako makikialam." Ibinalik ni Antonette ang atensyon sa cellphone. Maya-maya ay dumating din ang hinihintay niyang mensahe. Gabby: "Pwede bang... kapag may free time ka ulit, samahan mo akong magkape?" Simpleng imbitasyon lamang. Ngunit hindi niya maipa
Naiwan si Gabby sa tabi ng sasakyan ilang segundo matapos maisara ni Antonette ang pintuan ng apartment.Napatingala siya sa bintanang may ilaw sa ikalawang palapag.Hindi niya namalayang may ngiti na pala siyang nakaguhit sa mga labi.Hindi niya matandaan kung kailan huling naging ganoon kagaan ang pakiramdam niya matapos ang isang mahabang araw.Marami na siyang nakasamang tao sa iba't ibang pagtitipon.Marami na rin siyang nakasabay sa mamahaling restaurant.Ngunit kakaiba ang gabing ito.Hindi dahil sa lugar.Hindi dahil sa pagkain.Kundi dahil sa babaeng kasama niya.Huminga siya ng malalim bago sumakay muli sa sasakyan.Hindi muna niya pinaandar ang makina.Napatingin siya sa bakanteng passenger seat.Para bang naroon pa rin ang mga ngiti ni Antonette.Ang paraan ng pag-sulyap nito sa basket ng mga bulaklak.At ang simpleng ngiting halos hindi nawawala sa mukha nito.Napailing siya."Gabby..."Mahinang bulong niya sa sarili."Hindi na normal yan..." Napatawa siya sa sariling si
Naglakad sina Gabby at Antonette patungo sa parking lot. Paminsan-minsan ay napapangiti si Antonette habang sinusulyapan ang mga bulaklak sa basket na binili ni Gabby at ibinigay sa kanya. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Gabby. "Mukhang nagustuhan mo ang mga bulaklak" Napatingin siya rito. "Oo naman. Matagal na rin akong huling nakatanggap ng bulaklak." Wika nya. "Noong graduation ko pa yata sa college." Patuloy ni Antonette. Napakunot ang noo ni Gabby. "Ibig sabihin..." "Wala pang nagbibigay sa'yo pagkatapos noon." Napailing si Antonette. "Wala." Sandaling natahimik ang binata. Hindi niya inaasahang ganoon ang maririnig niya. Para sa kanya, isang babaeng tulad ni Antonette ang siguradong maraming nanliligaw "Paano nangyari iyon?" Napatawa si Antonette. "Busy sa buhay." "At saka..." bahagya siyang napangiti. "Hindi naman lahat ng babae pangarap na makatanggap ng bulaklak." "Ano ang pangarap mo?" Napaisip siya. "Simple lang." "Tahimik na buhay." "Pamilyang n
Ang nakaraan.... Nagdinner sina Antonette at Gabby. Biglang dumating si Jiha at si Marco na close friend nito. Nakaramdam ng selos si Jiha nang makita ang dalawa kahit na alam nito na kasali sa premyo ang dinner date ng dalawa. Sumali sa dinner ng dalawa sina jiha at Marco, hanggang sa nagpaalam ang mga ito na manonood ng city view. ----Hindi alam ni Antonnete kung bakit tila mabilis ang tibok ng kanyang puso sa salitang namumutawi sa labi ni Gabby."Pwede ba kitang tanungin?" sabi ni Gabby."Sige.""Bakit Ong Hotels ang pinasukan mo?"Napangiti si Antonette."Marami akong inaplayan noon.""Tapos?""Kayo ang unang tumanggap sa akin.""Ano pa?"Humugot siya ng maikling buntong-hininga."Noong nabasa ko ang mission ng kumpanya, sinabi kong gusto kong maging bahagi nito."Napangiti si Gabby."Naalala mo pa?""Oo.""'Creating memories that feel like home.'"Saglit na natigilan si Gabby.Ilang empleyado na ang natanong niya tungkol sa mission ng kumpanya.Karamihan ay hindi na ito ka
Bumaba si Antonette mula sa entablado habang hawak ang bouquet ng puting rosas at ang symbolic cheque na ibinigay sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. Kanina lamang ay balak niyang maupo sa isang sulok at panoorin ang programa. Ngayon, siya na ang Queen of the Night. Pagdating niya sa ibaba ay sinalubong agad siya ni Roselle. Mahigpit siyang niyakap nito. "Congratulations!" "Tingnan mo, sinabi ko sa'yo. Ang swerte mo talaga." Napailing si Antonette habang natatawa. Naalala niya sinabi sa kanya ni Roselle naghulog pala itp ng rafffle ticket na nakapabgalan sa kanya, na hindi nya alam. "Ikaw talaga ang may kasalanan nito." "Kung hindi mo ako isinama sa raffle, wala ako rito." Napangiwi si Roselle. "E, buti na lang ginawa ko." "Kung hindi, ibang tao ang may korona ngayon." "Saka bagay naman sa'yo." Napangiti si Antonette. "Salamat." Ilang kasamahan nila ang lumapit upang magpakuha ng litrato. Sunod-sunod ang pagbati. "Congrat
Pagpasok nila sa loob ng opisina, agad itong naupo sa upuan nito, na bumalik sa dati nitong cold, distant, unreadable aura. Habang si Sheena ay nakatayo pa rin, tahimik at hawak ang tablet. Pero hindi niya maayos ang sarili niya dahil sa kalabog ng dibdib na nararamdaman... Ang kabang hindi n
Lumapit pa si Carlo. “At ngayon?” mababa ang boses. “Who do you see?” patuloy nito. Hindi siya makagalaw. Hindi makasagot. - Bigla siyang nagising. Hinihingal. Pawis. Kumakabog ang dibdib. “Ano ba yon?…” tanong niya sa sarili at napahawak siya sa dibdib. Parang hindi pa rin nawala an
Friday morning. Maaga siyang nagising, halo-halo ang kaba at excitement. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot. Lalo na at personal assistant siya ni Carlo Sanchez—ang lalaking parang walang emosyon at sagad kung makatingin. Feeling niya pati kaluluwa niya nakikita nito. Nagbih
Ito ang unang kwento. Kwentong pag ibig nina Sheena at Carlo. Halina't basahin kung paano mapapaamo ni Sheena del Fuente ang puso ng kanyang boss na Super suplado, perfectionist at super kung makatingin na animo'y pati kaluluwa mo ay kaya nitong basahin.. ----- Hindi normal ang hiling na gusto mo







