Share

My Hot Obsession EX
My Hot Obsession EX
Author: alyn14

SIMULA

Author: alyn14
last update publish date: 2026-06-25 00:13:20

Binibilisan kong maglakad at halos tumakbo na dahil sa kita kong malalate na ako papuntang airport. Huminto ako sa sakayan ng bus pero punuan lahat kaya. Wala din akong mahanap na taxi kaya naglakad ulit ako at baka makakita ng taxing walang laman sa daan. Napapahilamos ako ng mukha ng makita kong walang mga taxing dumadaan dito, hindi nagtagal nakatanggap ako ng tawag mula sa aking kaibigan.

"Jenny, where are you? Are you already at the airport? " Glorina said.

"I'm on my way," saad ko at exactly namang may dumating na taxi kaya pinara ko agad ito.

"Sigurado ka ha, naku girl sinasabi ko sayo sasabunin ka ng babaeng yun kapag. Ayaw na ayaw nun ng nalalate kaya umayos ka," banta pa ng gaga. Anong magagawa ko at nalate nga akong gumising sabi ko sa aking isip at di na sinabi sa kanya dahil hahaba na naman ang usapang ito. Ayoko ng makarinig ng sermon na naman at baka ma stress lang ako.

"Oo na...kaya stop ka na diyan will you?" I said at nagpaalam na agad bago pinatay.

"Bakit ba ang sungit ng malditang yun, umagang umaga haiiissssttt," anas ko at biglang sinabunutan ang aking ulo sa inis.

"Hija may problema ka ba?" Tanong ng taxi driver dahil nakita niya ang aking hitsurang ganito. Napaayos tuloy ako ng upo at biglang ayos ng aking buhok bago sumagot.

"Naku, wala po Kuya...Masakit lang talaga ang ulo ko," nakangiwi kong sagot.

"Akala ko kung napapano ka na," nakangiting sabi niya. Ngumiti na lang ako at hindi na sumagot para hindi na humaba pa ang aming usapan. Inaantok pa ako at ilang oras lang ang aking itinulog. "Kung hindi lang importante ang babaeng yun naku, nungka kang manunundo ako," bulong ko.

"Kuya pwede po bang gisingin niyo na lang po ako mamaya pagka dating natin doon at idlip ko lang po saglit," malawak ang ngiting pahayag ko.

"Sige ineng total medyo traffic naman," sagot naman ni Kuyang driver. Nag message ako sa impakta kong kaibigan na malapit na ako doon kaya huwag na siyang message pa ng message.

Pinikit ko ang aking mga mata at wala pang ilang minuto nakatulog na ako. Hindi ko talaga kaya, kahit saglit lang makatulog ako at talagang masusungitan ko lahat ng mga mararaanan ko kapag. Ginising ako ni Kuyang driver pagdating namin ng airport hinatid niya mismo ako sa malapit sa arrival area.

"Ineng dito ka na, ihahatid sana kita sa mismong harapan pero mukhang may importanteng tao na darating sa daming mga tao na nakaabang. Sa tingin ko bawal na ring mag hatid doon at maraming mga security. Ingat ka neng at maraming tao kaylangan mo pang ingatan ang dala mong mga bag." Mahabang paliwanag ni Kuya.

Dinagdagan ko na lang ang aking pamasahe dahil mabait naman siya at mapagkakatiwalaang driver. Medyo bangag pa ako ng ako'y palabas ng taxi, hindi ko nga naintindihan ang ibang mga sinabi ni kuya basta nagpasalamat na lang ako bago bumaba.

Pagbaba ko ng taxi nakita kong tumatawag na naman si Glorina, sinagot ko naman at nagsimula ng lumakad. Naiirita nga ako sa mga taong nagsisiksikan. Ano bang meron at akala mo naman darating ang presidente dito? Naka busangot kong sabi sa aking sarili.

"Yes, friendship...nandito na ako kaya huwag ka ng mag alala diyan," inunahan ko na at baka kung ano na naman ang sasabihin.

"Ok kung ganon. Puntahan mo na sa arrival area sa terminal 3, alam mo naman na diba at pakibilisan mo dahil mag three oclock na ng hapon. Baka lumapag na ang sasakyan nila kasi kung minsan naman mas maaga sa time na talagang uwian niya," sunod sunod na sabi ng gaga.

"Oo na Nay sige na at puntahan ko na...dami mo pang sinasabi diyan," ani ko na nakabusangot na.

"Naku Jenny, umayos ka diyan sinasabi ko sayo..." Glorina said.

"Oo na oo na sige na bye," sagot ko at pinatay na ang tawag. Nawala tuloy ang antok ko sa babaeng yun. Naglalakad ako at ng makita kong hindi ako makadaan ng maayos, kaya nakipagsiksikan ako sa mga taong nandito.

Kaylangan ko nang makarating doon at baka nandiyan na nga siya sabi ko sa aking isipan at nag excuse na ako sa mga tao pero ng nasa kalagitnaan na ako bigla silang nagsitayuan at nagsigawan. Napamura ako ng halos itulak na ako magkabilaan dahil sa kamamadali nilang tumakbo.

Nagsisiksikan sila at hiyawan, samo't sari ang mga naririnig ko na kesyo gwapo daw, hot at nasa kanya na raw ang lahat. Nilagay ko ang aking cellphone sa loob ng aking shoulder bag at hinawakan to ng mahigpit bago buwelo.

Nagsimula na akong lumakad, wlaa na akong pakialam kung may maitulak man ako or what hanggang sa ng malapit na ako sa harapan lalo akong nakarinig ng mga sigawan at siksikan hanggang sa maitulak ako paharap.

Tumilapon ako sa harapan, nabuwag ang pagkakapit ng mga bantay dahil sa lakas ng pagkatulak sa akin, napapikit ako at ini expect kong mag lalanding na ang aking mukha sa may sahig. Good bye magandang kutis. Kayo na ang bahala sa akin Lord sabi ko sa aking isipan at naghintay ng pagkatumba pero imbes na sa matigas na bagay ako masusubsob.

Naramdaman kong lumanding ang aking bibig sa isang malambot na bagay pero hindi ako natinag bagkos pumikit pa ako lalo at sumiksik sa isang bagay na nakadagan sa akin. Hanggang sa makarinig ako ng tinig kaya napamulat ako.

"Sir sir are you ok," rinig kong boses kaya napamulat ako at nanlaki ang aking mata ng makitang ang malambot na dumikit sa akin pala'y isang labi.

Napalunok ako at napaawang ng mapatingin ako sa kanyang mukha'y makita ko si Nimer na nakatunghay sa akin na nakakunot ang noo.

"Are you done staring? Baka gusto mong tumira na lang sa itlog ko dahil kanina mo pa hinahawakan," sarcastic niyang sabi kaya napatingin ako sa aking kamay at napabitaw ng di oras dahil nakahawak nga ang kamay ko sa kanyang ari.

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Hot Obsession EX   C-7

    JENNY:"Hey, Glorina, huy...nangyari sayo...wake up," ani Jeyjey at kinurot sa pisngi tong si Glorina kaya napasigaw ito."Leche kang babae ka," aniya. Impit akong natawa dahil sa hindi maipinta ang kanyang mukha. Paano ba naman kasi kanina pa siya kinakausap pero hindi ito sumasagot mukhang nasa ibang dimension ang kanyang isip."Hoy, kanina pa kita kinakausap hindi ka umiimik anong gusto mong gawin ko. Bruhang to," ani naman ng isa at walang pakialam na sumubo."Wait nga Jeyjey, sabhin mo nga sa amin dahil kanina pa ako nakakahalata sayo ha!!!" sabi ni Glorina kaya napatingin si Jeyjey dito."Na ano?" sabat naman ng isa."Na ganyan, what I mean is you're acting wierd?""Weird like what? Teka nga Glorina deretsahin mo na nga ako, madami ka pang paligoy diyan...hindi bagay sayo promise," naka pamaywang na sagot ng isa.Naka tingin lang ako sa kanilang dalawa dahil wala ng nangyari sa aking sinasabi, paano ko pa to ipapaayos sa kanila. Nakakagigil silang dalawa talaga malapit lapit ko

  • My Hot Obsession EX   C-6

    Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila ni James noon, nagsimula yan noong dinala siya ni James sa ibang bansa upang ipakilala sa kanyang mga magulang pero ang nangyari, iba ang pinakilala ni James. Ang malala pa nito nag pa press pa siya at pinakilala sa buong mundo na si Ivy ang kanyang girlfriend at may balak na daw silang magpakasal.Doon na windang ang mundo ng aming kaibigan. Iniyakan niya to ng matagal, hinabol pa nga niya si James sa Italy noon pero pinag taboy lang siya ng lalaking yon. Umuwi siyang luhaan at simula noon nag iba na ang kanyang ugali.Naging tahimik na siya kaya nang pumasa siya bilang isang designer, sinabihan siya ng kanyang mga kapatid na pumunta na lang sa america at doon mag aral. Umiiyak siyang umalis noon, ayaw niya sana at gusto pa daw hintayin si James pero sinabihan namin na wala na siyang hihintayin pa. Pinagsabihan namin siyang kaylangan niya nang mag move on, "mag aral ka at ipakita mong mas deserving ka kaysa sa babaeng yun diba sabi mo kaya

  • My Hot Obsession EX   C-5

    "Mukhang masaya kayo ah," ani ko na ikinagulat nila."Oh Jenny akala ko ba aalis ka na", parang balewalang sagot ng dalawa. Namaywang ako at tiningnan sila ng masama. "Kaibigan ko ba talaga kayo ha...pinagkakaisahan ninyo ako," kunyari drama ko na ikinataas naman ng kilay ni Glorina."Weeeeee...drama ka ngayon...hmmmpppp, hindi bagay sayo." Glorina said na ikinatawa ni Jeyjey."Che!!! Jeyjey, paano ba yan may video kami ni Nimer? Ayokong pag piyestahan ako ng mga kababaihan at baka mamaya niyan batuhin ako or sabunutan sa kung saan saan," sabi ko bago bumaling kay Jeyjey."Patingin...yung sa airport kanina...akala ko ba inayos ni Nimer yun," aniya. Kinuha ko ang aking cellphone at hinanap ang video na kinuha ko kanina."Heto oh!!!" ani ko, kinuha naman ng dalawa at pinanood. Nakakunot ang kanilang noong dalawa habang nanonood na patingin tingin sa akin. Hindi ako mapakali na nakatayo sa kanilang harapan habang palakad lakad."Can you sit down...nahihilo ako lalo sa pinaggagawa mo diy

  • My Hot Obsession EX   C-4

    Bigla akong tinapik ng dalawa ng makita nilang nakatulala ako. Nabalik sa hinaharap ang aking diwa lalo na ng paluin ni Glorina ang aking tagiliran. Sinimangutan ko siya ng mapatingin ako sa kanya."Stop spacing out pwede ba, alam mo ba girl simula ng wala ka nag umpisa na siyang mag ganyan. Hindi ko alam kung namimiss lang ba niya ang kanyang ex or ano pa man," naka ngiwing pag kwekwento ang gaga."Aba at nakapagsalita ang magaling," ani ko naman."Siyempre magaling nga diba!!!pambabara niya. "Naku, kung hindi lang kita kaibigan matagal na kitang iniwanan...nakakaloka kang impakta ka," naka busangot kong pahayag."Ano ba kasing iniisip mo at kanina ka pa namin kinakausap pero lutang ka?"..sagot naman ni Jayjey. Napangiwi ako sa kanyang sinabi, alangan naman na sabihin kong si Nimer ang nasa utak ko di lalo akong dakdakan ng dalawa."May naalala lang ako, grabe naman kayong dalawa kung maka judge," drama ko naman."Ang sabihin mo naalala mo na naman ang nangyari kanina sa airport," b

  • My Hot Obsession EX   C-3

    "I don't know, alam ko namang gagawin niya yun dahil atat na siyang pakasalan si IVY dati," ani ko."Pero wala kang balita, walang nagsabi sayo...ganon," aniya naman."Yeah!!!Simula ng maghiwalay kami, tinanggal ko na sila sa aking buhay. Ayoko ng may connection pa sa kanila at lalo lang akong masasaktan. Remember umiyak pa nga si Aling Tonia ng umalis ako. Gusto niyang may connection kami at napamahal na rin sila sa akin, ako din sa kanila pero pinili kong magpakalayo para makalimot. Mahirap pero kinaya naman awa ng Diyos at salamat sa inyong nagmahal at sumuporta sa akin," mahaba kong paliwanag."Aba!!!!Nagdadrama ang gaga, may kaylangan ka ano?" anya na ikinatawa ko."Parang ganon na nga pero totoo lahat ng sinabi ko girl. I miss you big time, mabuti na lang at bumalik ka na. Ikaw kumusta naman, kumusta kayo ng fiance mo," sabi ko."Wala naman akong boyfriend, fiance pa kaya" sagot naman niya na natatawa.Nangunot ang aking noo at napatingin sa kanya , I look at her from head to fo

  • My Hot Obsession EX   C-2

    "Hindi pa tayo tapos gago ka. Makita pa kitang hinaharass ang aking kaibigan makita mo," masamang tingin ang pinukol niya kay Nimer pagharap niya dito. Binaba ko ang aking sumbrero para hindi magtagpo ang aming paningin."Ma'am ang kaibigan naman po ninyo ang may kasalanan dahil po-" hindi niya naituloy ang kanyang sinasabi dahil sinabihan siya ni Nimer na huwag ng magsalita. Tumaas lang ang kilay ng aking kaibigan sa narinig at walang pakealam na kinuha ang aking kamay at nag martsang umalis na."Tumabi kayo at dadaan kami," sabi niya na nakataas ang kilay. Akala mo naman reyna ang gaga sabi ko sa aking isipan pero mas ok na ang ganyan kesa naman sa maiwan ako dito na kasama ang lalaking to. Nagsi pagilid sila at binigyan kami ng space para makaraan.Humawak ako sa kanya at deretso kaming umalis na. Hindi siya umiimik habang naglalakad pero alam ko may gusto yang sabihin pero nagtitimpi lang. Alam ko na ang ugali ng gagang to hindi nagtagal narinig kong tumatawag si Glorina kaya si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status