LOGIN"Gusto mo rin Sir chief?" alok ko habang nakangisi ng nakakaumay.
Marahan siyang umiling at ramdam ko ang takot at panginginig ng katawan niya. Binalingan ko ulit ng tingin ang pervert at halos maglumpasay na siya sa sakit ng alaga niya. Buti ngaaaa! "Ayaaaannn! Dapat lang 'yan sa'yo. Hindi ka na magkaka-anak niyan dahil basag na 'yang betlog mong h*******k ka!" sigaw ko sa kaniya. "Y-You'll pay for this! I-I swear! I will kill you!" sigaw niya sa akin. Inirapan ko lang siya bago ako tuluyang lumabas ng presinto. Nag-make face ako habang naglalakad palabas. As if naman mapapatay niya ako 'di ba? Sino ba siya sa akala niya? Akala niya ba mabibili niya ang lahat? Kahit siya pa ang pinaka mayaman dito sa mundo ay hindi ako magpapatalo sa h*******k na hipokritong 'yon! I will kill you, kill you pa siyang nalalaman! Suntukin ko kaya ang betlog niya, para matauhan siya. Hindi sayang ang oras niya kundi sinayang niya ang oras ko. WALANG HIYANG pervert na 'yon! Inisahan niya pa ako, buti na lang ay may talent ako sa pagtuhod ng betlog. Kaya nang makauwi ako rito sa bahay namin ay pagod na pagod ako. Buti na lang ay may na sakyan pa akong bus pauwi. Sino ba namang hindi mapapagod? Eh, daig ko pang sumabak sa g'yera, kagagaling ko lang sa trabaho no'n tapos mamanyakin pa ako ng hipokritong 'yon? "'Ma, nandito na po ako," malamyang sabi ko. "Oh, anak nand'yan ka na pala. Kumusta naman ang b'yahe? Mukhang pagod ka ah, kumain ka na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Mama. "Mamaya na po muna ako kakain, 'Ma. Magpapahinga po muna ko," 'tsaka ako umupo sa hindi gaanong kalambot na sofa at isinandal ang batok sa sandalan nito at pumikit. Hindi gano'n kalaki ang bahay namin at hindi rin maliit pero tama lang ito para sa aming pamilya. Mahirap lang kami kaya naman todo kayod ako para may mailaang pang gastos para sa pamilya ko at para na rin sa pag-aaral ng tatlo kong kapatid. Kauuwi ko lang galing trabaho, umuuwi ako kada isang buwan dito sa bahay para ma-i-abot kina Mama't Papa ang sweldo ko. Ayokong ipadala sa mga padalahan kasi mas gusto ko ako mismo ang nag-aabot sa kanila ng pera. Lahat ng mga paper bags na hawak ko kanina. Sa boss ko talaga 'yon, isinama ko lang sa pag-uwi para walang gumalaw sa pinag-uupahan ko ro'n sa Manila. Marami kasing pakialamera ro'n kaya iniingatan ko ang gamit ko lalo na kung hindi sa akin kaya dapat kong pahalagahan ang mga iyon dahil mamahalin pa naman 'yong mga laman ng paper bags na hawak ko. Sa totoo nga n'yan ay apat na buwan na rin akong nagtra-trabaho sa ICT bilang isang utusan ng mga empleyado. Grabe 'di ba? Pero keri lang naman at hindi kaliitan ang sahod, hindi tulad sa pagsasaka kahit nakakatulong sa amin ang pagmimina ni Papa sa sakahan ay hindi pa rin 'yon sapat sa pang araw-araw dahil nag-aaral pa ang mga kapatid ko. Kahit mahirap, kinakaya ko pa rin para sa pamilya ko. Para mabigyan sila ng magandang buhay. Hindi pa rin ako tumitigil na mangarap para sa pamilya ko dahil alam ko sa sarili ko na kahit ganito ako ay may opportunity pa ring darating sa buhay ko at hihintayin ko ang araw na 'yon. Pero sa ngayon, kailangan ko munang magsumikap para sa pangarap. Dahil sa panahon ngayon kailangang munang maging praktikal sa buhay. Mahirap man o madali ay dapat natin kayanin para sa pang araw-araw, kailangan din nating maging malakas sa bawat yugto ng buhay at maging matatag para sa bawat araw na dumaraan. Ang pinaka goal ko sa buhay ay 'yong mapatapos ko sa pag-aaral ang tatlo kong kapatid. Gusto kong matupad nilang lahat ang mga pangarap nila sa buhay bago ko matupad ang pangarap ko dahil sila ang una kong pangarap. Ang makita silang matagumpay sa buhay ay natupad ko na rin ang isa sa mga pinapangarap ko. Ako nga pala ang Ate sa tatlo kong mga kapatid, hindi ko na naitapos ang pag-aaral ko no'ng 3rd year college ako, maaga akong nagtrabaho para may pangtustos sa pang araw-araw. Pero nag-iipon ako ngayon para maipagpatuloy ko ang naudlot kong pag-aaral. Pangalawa si Kate Orteza, pangatlo si Kiko Orteza at pang-apat si Kathy Orteza. Puro kami letter K 'no? Gano'n talaga. Si Papa kasi ang nagbigay ng mga pangalan namin. Kahit mahirap ang maging panganay ay nagpapasalamat pa rin ako dahil ako ang naging panganay sa kanila. Ayokong nakikita silang nahihirapan. Ayokong nakikita ang pamilya ko na nahihirapan at nasasaktan dahil triple ang balik no'n sa akin sa tuwing nasasaktan sila. Mahal na mahal ko sila higit pa sa buhay ko. Walang makakapantay sa kanila kahit na ano'ng materyal na bagay pa 'yan. Ilang minuto pa ay idinilat ko na ang mga mata ko at bigla kong naalala ang ginawa sa akin ng hipokritong 'yon! Bigla na namang uminit ang ulo ko dahil sa ginawa niya kanina at parang nararamdaman ko pa rin ang mukha n'yang nakasubsob sa dibdib ko. Walang'ya!"Papa!" Humahangos ang batang babae sa kaniyang ama habang humahagulgol ng iyak.Niyakap agad siya ng kanyang ama at nag-aalalang tumingin sa anak."Ano'ng nangyari?" tanong ng Ama."'Yong bata po . . . hinawakan niya po 'yong p'wet ko!" Umiiyak niyang sabi.Napatingin ang Ama sa paparating na batang lalaki. May pag-aalala ang mukha nito para sa batang babae. Sinasadya niya ang paghawak sa p'wet nito pero hindi naman niya alam na iiyak ito ng gano'n."Papaaa! Siya po ang humawak sa p'wet ko!" Sumbong ng batang babae sabay turo sa kaniya."Ian, anak. Bakit mo naman hinawakan ang p'wet ni Kath?" tanong ng Ama nito sa kaniya.Nang makalapit si Xian sa mag-ama ay todo yakap naman si Kath sa Papa niya at todo siksik ito sa katawan ng sarili Ama dahil sa takot na baka hawakan ulit ang p'wet nito ng batang lalaki."Tay Arthur, sorry po . . . kasi naman po, ano . . . " tumikhim muna si Xian bago siya umamin. "Naakit po ako," napakamot na lang siya sa sariling batok."Ang bata-bata mo pa pero
"Ano'ng ginagawa mo? Bakit hindi mo itimpla 'yang orange juice?" kunot ang noo kong tanong kay Wayne.Umiling lang si Wayne na abala sa pagpapak ng orange juice."Kusang magtitimpla na 'to sa tiyan ko," nakangiting aniya sabay haplos sa tiyan.Napailing na lang ako sa pagiging weirdo ni Wayne.Lumabas na ako ng kusina at nakita ko ang dalawang magkapatid na nag-uusap sa sala."Nasaan si Wayne?" tanong sa akin ni Xian."Nando'n sa kusina.""Anong ginagawa?" tanong naman ni Xia."Tinitimpla 'yong juice sa sariling tiyan."Kumunot naman ang noo ng dalawa kaya napailing na lang ako at sinalubong ko si Kathy na kararating lang kasama nina Mama...."Ano ba 'yang niluluto mo?" tanong ni Xia kay Wayne.Naka-apron siya ng sofia the first dahil apron 'yon ni Kathy na hiniram niya lang."Pancit canton."Kumunot ang noo namin ni Xia matapos isalin ni Wayne sa plato ang canton at nilagyan ng seasonings 'tsaka hinalo-halo 'yon. Akala ko ay tapos na pero nilagyan niya pa 'yon ng ketchup."Bakit mo
Every wave in life teaches you a lesson."Kumusta na ang asawa ko Doc?" tanong ko."Okay na siya. P'wede na siyang makauwi next week," ani ng doktor.Ilang buwan na rin ang nakalipas magmula noong nangyari sa amin ang trahedyang 'yon. Sobra-sobra ang pag-aalala ko kay Xian no'ng magising ako dito sa hospital at nabalitaan kong nag-aagaw buhay siya dahil binaril siya ni Sean. Akala ko mawawala na siya sa akin mabuti't lumaban ang asawa ko.Lumabas na ang Doktor at pumasok naman si Wayne at may kasama siyang isang babae. Bumaling ako kay Xian na mahimbing na natutulog 'tsaka ulit ako bumaling sa dalawang kararating lang.Handa na sana akong magtanong kung sino ang babae nang biglang lumuluhang lumapit siya kay Xian at hinawakan ang asawa ko sa kamay. Biglang kumunot ang noo ko at handa na siyang singhalan dahil may namumuong selos sa dibdib ko pero natigilan ako nang magsalita siya."K-kuya... n-nandito na po ako... sorry Kuya. Miss na miss ko na kayo," nag-uunahan ang mga luha niya hab
Tumingin ng masama si Xian sa dalawang dahil sa pambabaliwala nila sa kaniya. Natawa ako ng palihim."Mga Gag* talaga kayo! Kanina pinag-aagawan niyo ko ngayon naman pinagtatabuyan niyo ako! 'Wag kayong kakain sa reception!" Inis na sigaw ni Xian sa dalawa at lumapit sa akin para sa Family picture.Bumulong ako kay Xian."Tignan mo 'yong dalawa parang nalugi." Ani ko, bumaling naman si Xian sa dalawa at umirap lang."Hayaan mo silang magutom." Inis niyang sabi."Sayang may Shanghai pa naman." Nakangusong bulong ni Lux sa sarili."Sayang 'yong Hotdog na may marshmallow." Bulong naman ni Wayne sa sarili.Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Wayne. Bumulong ako kay Xian."Hotdog na may marshmallow?" Tanong ko sa kaniya."Weird talaga 'yang si Wayne." Sambit naman ni Xian. "Niluto niya para sa sarili niya sa reception, ginawang Birthday party." Iritang wika ni Xian.Natawa naman ako sa sinabi niya."Sabagay, nung isang araw nasa kusina siya pinapapak 'yong orange Juice na dapat tinitimpl
Binuksan naman agad ni Xian Ang box at nandoon ang dalawang singsing na magkasama. Iyong singsing na ipinamana sa akin ni Lola. Ang akala ko ay isusuot niya sa akin pero isinarado niya ulit iyon.Napabaling kami nang may kumatok sa bintana ng kotse at si Xia 'yon na may ngiti rin sa labi. Bumaba na si Kathy na naka white dress kagaya ng anak naming bunso na si Ian na nakawhite polo naman. Kinuha naman agad sa akin ni Xia si Ian pati na rin ang singsing na hawak ng kapatid.Takang tumingin ako kay Xian."Anong meron?" Takang tanong ko."Ikakasal na tayo... ngayon," chill niyang sabi.Nanlaki naman ang mga mata ko. Bumaling ako sa nakahandang kasalan bago tumingin ulit kay Xian na hindi makapaniwala. Sinuntok ko siya sa dibdib at lumuluhang nagsalita."B-bakit ba lagi mo akong ginugulat?! Nakakainis ka! Ngayon ka nagpropose tapos NGAYON din ang kasal?! Kaya ba tanong ka ng tanong no'ng nakaraang araw sa gusto kong theme sa kasal?"Tumangong nangingiti si Xian at niyakap ako ng mahigpit.
Every pain has a reason, and every reason can change a person.Ang daming nangyari. Ang daming nagbago pero 'yong sakit ay mananatili pa rin sa puso ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Gusto kong hindi maniwala pero nasa harapan ko na mismo ang pangalan niya.Habang nakatingin sa puntod niya, tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang aking mga luha. Ang mga memorya naming ay mananatili sa akin. Alam kong ginawa niya lang 'yon para sa babaeng mahal niya.Pero 'di pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Ang makita siya noon sa morgue ay sobrang sakit na. Alam kong marami siyang naging kasalanan pero naiintindihan ko na ang lahat.Maraming salamat sa alaala.Ang mga ngiti niya ay talagang mami-miss ko. Alam kong may mga naging kasalanan din ako sa kaniya. Minahal ko siya kung sino siya pero may mga bagay na hindi nararapat."Mommy!" Napangiti ako nang makita kong kumakaway si Kathy at patakbong lumapit sa akin.Ilang taon na rin mula noong mangyari ang trahedyang 'yon sa aming pamilya. Napan
Ramdam ko ang pagkakatulos ni Xian sa kinatatayuan dahil sa narinig niya tungkol sa kapatid niya."At ang mga sekretong itinago niya at ang ginawa niya sa'yo? Dahil din sa kaniya kung bakit ako nakapagplano ng maayos. Kaya laking pasasalamat ko sa bestfriend mo." Ngumisi na si Javier. "Gusto mo ban
"Noooo!" Dumagundong ang pag-aalala ko nang makita ko si Kath na nakagapos ng kadena at may bombang nakakabit sa may bandang tiyan niya."Bro!""Xian!" Hindi ko pinapansin ang tumatawag sa akin na si Marcus dahil nag-aalala ako sa asawa ko na nasa panganib ngayon. "Xian!" Sa pangalawang pagkakataon
MATAPOS maipadala ni Marcus ang hinihinging blood type para kay Kathy ay mabilis na kumilos ang mga doctor para asikasuhin ang pagtransfer sa dugo niya.Habang kami ay naghihintay matapos ang pagta-transfer sa dugo ni Kath. Nabaling ang atensyon ko sa cell phone nang mag ring 'yon at si Marcus ang
"Kahit anong mangyari 'wag na 'wag mong iiwan ang anak ko, Xian." Ani Tay Arthur."Opo naman Tay. Hinding-hindi ko po iiwan si Kath kahit ano pa pong mangyari." Nakangiting wika ko."Alam kong maswerte ka sa anak ko pero maswerte rin ang anak ko sa'yo kaya maswerte lang kayo sa isa't-isa. Hindi ko







