LOGINXian's P.O.V
MULA SA AKING opisina pinatawag ko ang sekretarya. "Charlott, nasaan na ang pinatabi ko sa'yong mga paper bags. I need those paper bags, tomorrow. Asap," sabi ko sa secretary ko. "Mr. Leem, pinatabi ko muna sa isang alalay ng mga empleyado niyo. Kasi po ay marami na rin po akong dalahin no'ng araw na 'yon pero babalik naman po siya sa lunes at—" hindi niya natapos ang sinasabi niya nang biglang akong magsalita. "I don't need your explanations. You're fired," mariin kong sabi. Hindi ako nakatingin sa kaniya dahil busy ako sa pagpiklat ng mga papeles na pinipirmahan ko. "Po? W-wag po, sir . . . sorry po . . . tatawagan ko na po siya. 'Wag niyo po ako tanggalin sa trabaho, sir. Kailangan po ako ng pamilya ko," utal niyang sabi. Ramdam ko ang panginginig ng boses niya at pagkataranta. "Okay, next time be professional as my secretary because one wrong move you'll be fired. You understand? Now. You may leave," istrikto kong sabi habang nakatingin sa malayo. Mabilis namang lumabas ang secretary sa office ko, bumuntong hininga ulit ako at sumandal sa swivel chair habang nagmumuni-muni. Biglang sumagi sa isip ko 'yong babae kanina. Ang lakas naman ng loob niya para kalabanin ako, hindi niya alam kung sino ang binangga niya. One wrong move baby girl. I'll kill you. Nagtiim ang bagang ko nang maramdaman ko ang alaga ko na unti-unting tumatayo. F*ck! Bakit ko ba ginawa 'yon?! Napasabunot ako sa sariling buhok dahil sa sobrang inis. Grabe talaga! Hindi ko maiwasang hindi matukso sa babaeng 'yon lalo na no'ng yumuko siya at ang matambok niyang puwit ang tumambad sa akin. Pero, hindi ko talaga makakalimutan 'yong mapasubsob ako sa dibdib niya. 'Like heaven' Sa totoo lang. Hindi ko naman talaga sinasadyang mapasubsob sa hinaharap niya pero ang pagpisil sa puwit niya, sinasadya ko talaga 'yon lalo na no'ng sinamantala ko ang pagkakasusob sa malulusog niyang hinaharap. Napakalambot ng puwit niya pagpinisil at hindi talaga pagsasawaan ng kahit na sino mang lalaki. Pero s'yempre akin lang ang babaeng 'yon bawal may humawak sa kaniya dahil may kasalanan pa siya sa akin na dapat niyang pagbayaran. Siya 'yong tipo kong babae dahil naaalala ko sa kaniya si— Napailing agad ako ng ulo nang maalala ko na naman ang babaeng matagal ko na dapat kinalimutan. Hindi p'wedeng palagi na lang akong ganito sa tuwing maaalala ko siya. Parang nakakulong pa rin ako sa isang selda na matagal ng huma-hunting sa pagkatao ko at hindi ako makawala sa ala-alang 'yon. Bumuntong hininga ulit ako at huminto na sa pag-iisip sa babae at nagsimula nang pumirma ng mga papeles. Bukas na bukas kailangan ko na talaga lahat ng laman ng paper bags na 'yon. Dahil kung hindi paniguradong malaki ang mababawas sa share ng kompanya. Lahat ng importanteng papeles at gamit ko ay nando'n para sa i-re-report ko bukas sa meeting. Dapat kompleto ang mga 'yon at kung may mawala man ni isa sa mga 'yon. Ang secretary ko lang ang sisisihin ko at wala ng iba pa. Siya ang secretary at dapat panindigan niya ang consequence na mangyayari. Dahil bakit niya ipapahawak sa iba ang ipinapatabi ko sa kaniya? Kapag nawala 'yon, kahit mahirap lang sila at kahit kailangan pa siya ng pamilya niya, tatanggalin ko talaga siya rito sa kompanya ko. Hindi ko kailangan ang isang 'tulad niyang pabaya. Whatever she says, mark my words. "Sir!" tawag ng secretary ko. "What?" tanong ko na hindi tumitingin sa kaniya dahil abala ako sa pagpirma. "Bukas na bukas po ay pupunta na po siya rito," hinihingal niyang sabi at ang tinutukoy niya ay 'yong may hawak sa mga paper bags ko. Natigilan ako. Parang may mali. Bakit ganito kung mag-react itong puso ko? Bakit pumipintig ng mabilis? Tumikhim ako. "Good, pero siguraduhin mo lang na hawak pa niya lahat ng 'yon at dapat kompleto pa rin. Dahil kapag may nawala kahit isa roon, p'wede ka ng umalis sa kompanya ko," mariin kong sabi habang pumipirma. Ramdam ko ang kaba at takot sa katawan niya pero wala akong pakialam. "Now, you may leave," sabi ko sa mariin na salita. Natataranta naman siyang lumabas sa opisina ko. Katharine's P.O.V NAPAHINTO AKO sa ginawa ko nang biglang mag ring ang cellphone ko at ang secretary na si Charlott ang tumatawag. Ano kayang kailangan niya at napatawag siya? May problema siguro sa opisina. "Hello, Kath. Bukas na bukas ay bumalik ka na rito sa opisina dahil kailangan na ni sir 'yang lahat ng paper bags at kapag may nawala kahit ni isa d'yan ay pareho tayong malilintikan at paniguradong matatanggal tayo sa trabaho. Kaya bukas na bukas ay bumalik ka na rito," natatarantang sabi niya sa kabilang linya. "H-ha? Gano'n ba? Sige, bukas na bukas ay nand'yan na ako." Sabi ko at pinatay na ang tawag. "'Ma, 'Pa. Mukhang hindi na po ako magtatagal ng isang linggo rito sa bahay, kailangan ko na pong maibigay sa boss namin ang mga paper bags at kapag hindi ko agad naibigay 'yan paniguradong sisante na ako," nag-aalalang paliwanag ko. "Gano'n ba? Os'ya sige, mag-iingat ka bukas sa b'yahe mo. Marami pa namang salisi Gang ngayon," sabi ni Papa. 'Opo, 'Pa! Marami ngang salisi Gang ngayon at iba't ibang technique 'yong mga bagong Gang ngayon. May salising subsob sa dibdib Gang at hawak sa pang-upo Gang!' Bigla na naman nag-init ang ulo ko. "Oh, anak ayos ka lang ba? Bakit namumula ang buo mong mukha pati na rin 'yang tainga mo?" tanong ni Mama. "Ayos lang po ako, 'Ma. Siguro sa pagod lang po 'to. Pahinga na po ako, kailangan ko na ring umalis bukas e." Pumunta na ako sa k'warto kung saan nando'n ang papag na tinutulugan ko. Kahit mag a-alasingko pa lang ng hapon ang dilim na agad sa labas. Mukhang uulan pa ata bukas ah. Wala pa rito ang mga kapatid ko kasi mamayang ala singko pa ng hapon ang uwian nila. Mamaya na lang ako makikipag-k'wentuhan kapag na bawi ko na ang lakas ko. Ilang minuto pa akong nakatingala sa bubong ng bahay at hindi rin nagtagal ay nakatulog na ako. NAGISING na lang ako sa may sumisigaw na boses. "Mama! Mama! nandito na po ba si Ate?" excited na tanong ni Kathy. Kaya naman bumangon na ako sa pagkakahiga ko. "'Wag mo munang istorbohin ang Ate ninyo dahil pagod 'yan sa trabaho kaya kailangan niyang magpahinga," wika ni Mama. "Ay, gano'n po ba?" malungkot niyang tanong. "Sayang naman po, ipapakita ko pa naman sa kaniya ang mga stars na nakuha ko. 'Ma. 'Pa. Tingnan niyo po oh, ang dami kong stars." Masayang sabi niya at pinakita pa niya kina Mama at Papa ang dalawa niya braso na puno ng stars. Napangiti ako. Dahil kahit pa-paano ay masaya ako na nakakapag-aral ng maayos ang mga kapatid ko. Lumabas ako sa pinto dahil kanina pa ako nakasilip sa kanila. "Wow! ang dami namang stars ng baby ko," masayang sabi ko kay Kathy. "Ate!" sigaw niya at mabilis siyang yumakap sa akin. "Hmm . . . na miss ko ang baby girl ko," sabi ko habang yakap siya. Umupo ako sa harap niya para mas lalo ko siyang mayakap. "Na miss din po kita Ate," masayang sabi niya. Ngumiti ako at humiwalay sa pagkakayakap mula sa kaniya at ginulo ang buhok niya. "Galingan mo pa lalo sa school ah? Para maging isa kang magaling na doktor," masayang sabi ko sa kaniya at tumango-tango naman siya. "Opo naman Ate," nakangiting sabi niya. Ginulo ko ang buhok niya 'tsaka ako tumayo at humarap sa dalawa kong kapatid. "Oh, kayo kumusta?" masayang tanong ko. Yumakap silang dalawa sa akin. "Ayos naman po kami Ate. Na miss ka po namin," sabi ni Kiko. Bumitaw na sila sa pagkakayakap sa akin. "Ikaw Kiko 'wag ka munang manligaw dahil bata ka pa at dapat priority niyo ang pag-aaral at ikaw naman Kate. 'Wag ka munang magpapaligaw, magpayaman muna tayo bago mag-love life. Okay?" pagpapaalala ko. "Ate naman eh! Lagi mo na lang 'yan sinasabi pag-umuuwi ka rito sa bahay alam na po namin 'yan," sabi ni Kate na kumakamot pa sa sentido. "Aba! S'yempre, kailangan kong ipaalala sa inyo palagi 'yan baka mamaya eh may mga jowa na pala kayo at sinisekreto niyo lang sa akin. Dinaig niyo pa ako, mga bata pa kayo kaya mag-aral muna kayo. Basta 'wag munang manligaw at magpaligaw hangga't—" hindi ko pa na tatapos ang sasabihin ko nang magsalita silang tatlo. "Hangga't hindi pa tayo yumayaman!" sabay-sabay nilang sabi. Masaya ko silang niyakap gano'n din sila. Masaya ako dahil kahit na mahirap kami ay hindi pa rin nagbabago ang mga ugali ng mga kapatid ko. Magagalang pa rin at may pananaw sa buhay."Papa!" Humahangos ang batang babae sa kaniyang ama habang humahagulgol ng iyak.Niyakap agad siya ng kanyang ama at nag-aalalang tumingin sa anak."Ano'ng nangyari?" tanong ng Ama."'Yong bata po . . . hinawakan niya po 'yong p'wet ko!" Umiiyak niyang sabi.Napatingin ang Ama sa paparating na batang lalaki. May pag-aalala ang mukha nito para sa batang babae. Sinasadya niya ang paghawak sa p'wet nito pero hindi naman niya alam na iiyak ito ng gano'n."Papaaa! Siya po ang humawak sa p'wet ko!" Sumbong ng batang babae sabay turo sa kaniya."Ian, anak. Bakit mo naman hinawakan ang p'wet ni Kath?" tanong ng Ama nito sa kaniya.Nang makalapit si Xian sa mag-ama ay todo yakap naman si Kath sa Papa niya at todo siksik ito sa katawan ng sarili Ama dahil sa takot na baka hawakan ulit ang p'wet nito ng batang lalaki."Tay Arthur, sorry po . . . kasi naman po, ano . . . " tumikhim muna si Xian bago siya umamin. "Naakit po ako," napakamot na lang siya sa sariling batok."Ang bata-bata mo pa pero
"Ano'ng ginagawa mo? Bakit hindi mo itimpla 'yang orange juice?" kunot ang noo kong tanong kay Wayne.Umiling lang si Wayne na abala sa pagpapak ng orange juice."Kusang magtitimpla na 'to sa tiyan ko," nakangiting aniya sabay haplos sa tiyan.Napailing na lang ako sa pagiging weirdo ni Wayne.Lumabas na ako ng kusina at nakita ko ang dalawang magkapatid na nag-uusap sa sala."Nasaan si Wayne?" tanong sa akin ni Xian."Nando'n sa kusina.""Anong ginagawa?" tanong naman ni Xia."Tinitimpla 'yong juice sa sariling tiyan."Kumunot naman ang noo ng dalawa kaya napailing na lang ako at sinalubong ko si Kathy na kararating lang kasama nina Mama...."Ano ba 'yang niluluto mo?" tanong ni Xia kay Wayne.Naka-apron siya ng sofia the first dahil apron 'yon ni Kathy na hiniram niya lang."Pancit canton."Kumunot ang noo namin ni Xia matapos isalin ni Wayne sa plato ang canton at nilagyan ng seasonings 'tsaka hinalo-halo 'yon. Akala ko ay tapos na pero nilagyan niya pa 'yon ng ketchup."Bakit mo
Every wave in life teaches you a lesson."Kumusta na ang asawa ko Doc?" tanong ko."Okay na siya. P'wede na siyang makauwi next week," ani ng doktor.Ilang buwan na rin ang nakalipas magmula noong nangyari sa amin ang trahedyang 'yon. Sobra-sobra ang pag-aalala ko kay Xian no'ng magising ako dito sa hospital at nabalitaan kong nag-aagaw buhay siya dahil binaril siya ni Sean. Akala ko mawawala na siya sa akin mabuti't lumaban ang asawa ko.Lumabas na ang Doktor at pumasok naman si Wayne at may kasama siyang isang babae. Bumaling ako kay Xian na mahimbing na natutulog 'tsaka ulit ako bumaling sa dalawang kararating lang.Handa na sana akong magtanong kung sino ang babae nang biglang lumuluhang lumapit siya kay Xian at hinawakan ang asawa ko sa kamay. Biglang kumunot ang noo ko at handa na siyang singhalan dahil may namumuong selos sa dibdib ko pero natigilan ako nang magsalita siya."K-kuya... n-nandito na po ako... sorry Kuya. Miss na miss ko na kayo," nag-uunahan ang mga luha niya hab
Tumingin ng masama si Xian sa dalawang dahil sa pambabaliwala nila sa kaniya. Natawa ako ng palihim."Mga Gag* talaga kayo! Kanina pinag-aagawan niyo ko ngayon naman pinagtatabuyan niyo ako! 'Wag kayong kakain sa reception!" Inis na sigaw ni Xian sa dalawa at lumapit sa akin para sa Family picture.Bumulong ako kay Xian."Tignan mo 'yong dalawa parang nalugi." Ani ko, bumaling naman si Xian sa dalawa at umirap lang."Hayaan mo silang magutom." Inis niyang sabi."Sayang may Shanghai pa naman." Nakangusong bulong ni Lux sa sarili."Sayang 'yong Hotdog na may marshmallow." Bulong naman ni Wayne sa sarili.Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Wayne. Bumulong ako kay Xian."Hotdog na may marshmallow?" Tanong ko sa kaniya."Weird talaga 'yang si Wayne." Sambit naman ni Xian. "Niluto niya para sa sarili niya sa reception, ginawang Birthday party." Iritang wika ni Xian.Natawa naman ako sa sinabi niya."Sabagay, nung isang araw nasa kusina siya pinapapak 'yong orange Juice na dapat tinitimpl
Binuksan naman agad ni Xian Ang box at nandoon ang dalawang singsing na magkasama. Iyong singsing na ipinamana sa akin ni Lola. Ang akala ko ay isusuot niya sa akin pero isinarado niya ulit iyon.Napabaling kami nang may kumatok sa bintana ng kotse at si Xia 'yon na may ngiti rin sa labi. Bumaba na si Kathy na naka white dress kagaya ng anak naming bunso na si Ian na nakawhite polo naman. Kinuha naman agad sa akin ni Xia si Ian pati na rin ang singsing na hawak ng kapatid.Takang tumingin ako kay Xian."Anong meron?" Takang tanong ko."Ikakasal na tayo... ngayon," chill niyang sabi.Nanlaki naman ang mga mata ko. Bumaling ako sa nakahandang kasalan bago tumingin ulit kay Xian na hindi makapaniwala. Sinuntok ko siya sa dibdib at lumuluhang nagsalita."B-bakit ba lagi mo akong ginugulat?! Nakakainis ka! Ngayon ka nagpropose tapos NGAYON din ang kasal?! Kaya ba tanong ka ng tanong no'ng nakaraang araw sa gusto kong theme sa kasal?"Tumangong nangingiti si Xian at niyakap ako ng mahigpit.
Every pain has a reason, and every reason can change a person.Ang daming nangyari. Ang daming nagbago pero 'yong sakit ay mananatili pa rin sa puso ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Gusto kong hindi maniwala pero nasa harapan ko na mismo ang pangalan niya.Habang nakatingin sa puntod niya, tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang aking mga luha. Ang mga memorya naming ay mananatili sa akin. Alam kong ginawa niya lang 'yon para sa babaeng mahal niya.Pero 'di pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Ang makita siya noon sa morgue ay sobrang sakit na. Alam kong marami siyang naging kasalanan pero naiintindihan ko na ang lahat.Maraming salamat sa alaala.Ang mga ngiti niya ay talagang mami-miss ko. Alam kong may mga naging kasalanan din ako sa kaniya. Minahal ko siya kung sino siya pero may mga bagay na hindi nararapat."Mommy!" Napangiti ako nang makita kong kumakaway si Kathy at patakbong lumapit sa akin.Ilang taon na rin mula noong mangyari ang trahedyang 'yon sa aming pamilya. Napan
HABANG NALILIGO ako sa apartment ko hindi ko pa rin matanggap 'yong mga nakita at narinig ko. Its been two days nang masaksihan ko ang lahat. Maraming katanungan sa utak ko pero hindi 'yon masagot-sagot. Hindi na nga ako nakalapit pa kay Xian dahil mag damag niyang kasama 'yong babaeng 'yon at para
Dumating na rin sila mama dito sa bahay at hindi nila nadatnan si Xian.Hinahanap agad ng mga mata nila si Xian at nang hindi nila makita ay nagtanong na sa akin si Papa."Kath, nasan si Xian?" Seryosong tanong niya. "Wala sa labas 'yong kotse niya."Sasagot na sana ako nang biglang nagsisigaw si K
"Kath?""Hmm?""Gusto mo bang ituloy ang pag-aaral mo?" mahinahong tanong ni Xian.Natigilan ako sa paghihiwa ng sangkap para sa lulutuin naming ulam. Nandito na kami sa bahay, kakauwi lang din namin. Masyado kase kaming nag-enjoy kahapon kaya siguro tinanghali kami ng gising.Umalis sila mama at p
"Ali," tawag sa akin ni Xian."Hmm?" Tugon ko."May tanong ako.""Ano 'yon?" Tanong ko sa kaniya."Anong tagalog ng love?" Tanong naman niya sa akin."Mahal." Sagot ko."Eh 'yong income?" Tanong niya muli."Kita." Sagot ko ulit.Tumango-tango siya habang pinipigilang ngumiti."That's why I love inc







