Share

Chapter 4

Author: Cutie_sell08
last update publish date: 2025-10-30 15:57:35

“ATE, aalis ka na po kaagad?” tanong ni Kiko. Ginulo ko ang buhok niya ‘tsaka ako ngumiti.

“Oo eh, kailangan ko nang dalhin ito sa boss ko. Baka matanggal sa trabaho si Ate kapag hindi ko agad na ibigay ito,” sabay taas sa mga paper bags.

“Ate, mamimiss kita," Sabi ni Kathy at yumakap sa akin.

“Ako rin Ate," sabay sabi ni Kate at Kiko at yumakap din sa akin.

Niyakap ko rin sila ng mahigpit bago ako kumalas sa pagkakayakap.

“Oh, s'ya! Tama na ‘yan, kailangan na ni ate umalis." Sabi ko sa mga kapatid ko.

“Uuwi ka po ba sa next month Ate?” malungkot na tanong ni Kathy.

“Oo naman!” nakangiting sabi ko.

“Yey! Ate panoorin mo po akong sumayaw sa stage. Kase po lalaban po kami kada section,” excited niyang sabi.

“Talaga? Wow naman.. Sige, sige! manonood si ate ng sayaw mo,” ‘tsaka ko siya hinalikan sa pisnge.

Masayang-masaya si Kathy dahil mapapanood ko raw siyang sumayaw sa stage. Kailangan kong ma-video-han ang bunso ko para may remembrance.

“‘Ma,” tawag ko kay mama.

“Oh anak, akala ko ba ay nagmamadali ka na?” takang tanong ni mama.

Niyakap ko muna siya bago ako nagsalita. “‘Ma, heto po ‘yong s’weldo ko. Kayo na po ang bahala sa mga gastusin dito sa bahay," masayang abot ko kay mama

“Ano ka ba naman anak. ‘Wag na, mayroon pa naman kaming pera dito pang gastos.” Tanggi ni mama at binalik sa akin. “Sa’yo na ‘yan para makadagdag iyan sa ipon mo," nakangiting sabi ni mama.

“Naku, naman Mama! Kaya nga po ako nag tra-trabaho para sa inyo eh. Kaya, ito po sainyo ‘yan mayroon pa naman akong perang nakatabi dito ‘tsaka kailangan ‘yan ng mga kapatid ko sa pag-aaral nila,” nakangiting abot ko ulit ng pera.

“Hayy! Ikaw talagang bata ka. Salamat Kath. Napakabuti mong ate at anak sa amin,” naiiyak na sabi ni mama at niyakap ako ng mahigpit. Gano’n din ang ginawa ko, niyakap ko rin siya bago ako kumalas sa pagkakayakap.

“Sa susunod ay hindi lang s’weldo ko ang ibibigay ko sainyo. Pati na rin ang bahay at lupa, idagdag mo na rin ang kotse,” pabiro kong sabi at sabay kaming natawa.

“Ikaw talagang bata ka! Sige na baka malate ka pa sa pagpasok mo. Mag-iingat ka sa mga salisi sa daan ah," pagpapaalala ni mama.

Tumango lang ako ‘tsaka ako sumakay sa tricycle papunta sa bus station.

“Ba-bye!” kumaway pa ako sa kanila at nag flying kiss na rin.

Hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Wala si papa dahil maaga siyang dumiretso sa bukid para magsaka buti na lang nakapagpaalam na ‘ko kagabi sa kaniya.

NANG MAKARATING ako sa kompanya. Mabilis akong sumakay sa elevator at pinindot ang 37 floor kung nasaan ang opisina.

Pero bago pa magsara ang elevator ay may humarang na paa sa pinto. Kaya bumukas ulit ang elevator. Pumasok ang isang lalaki na abala sa kaniyang cell phone.

Siguro ay isa siya sa mga matataas ang ranggo dito sa kompanya. Umiling-iling na lang ako at pinindot ko na lang ‘yong buton ‘tsaka lang sumara ang pinto ng elevator.

 Pagkatapos kong pindutin ‘yon ay bumaling ulit ako sa lalaki at laking gulat ko nang makilala ko ang lalaking ito. Nagtama ang mga mata namin at siya rin naman ay nagulat dahil nakita niya ako pero mabilis din siyang nakabawi.

“Ikaw!” sigaw ko sa lalaki pero ngumisi lang siya.

 “Gago kang man’yak ka! Anong ginagawa mo dito?!” sigaw ko sa kaniya.

Tinago niya ang cell phone niya sa suot niyang tuxedo at dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kaba. Kaya naman atras ako ng atras. Wala na akong maatrasan pa kaya nahinto ako at napasandal sa gilid ng elevator.

“H-hoy... A-anong gagawin mo? Lumayo ka nga!” tinatapangan ko lang ang sarili ko dahil ibang klase ang presens’ya na dala ng lalaking ‘to.

G’wapo sana siya kaso pervert naman.

Grabe naman, bakit ang kinis ng mukha niya? Hindi mo makikita ang mga pores niya sa mukha.

Inggit ako.

Napailing-iling ako nang palihim hindi ako p’wedeng maakit sa hipokritong ‘to dahil may atraso pa siya sa akin. Hindi ako magpapatalo sa kaniya dahil lang sa isa siyang mayaman.

Ngumisi ang lalaki kaya kitang-kita ko ang napaka lalim niyang dimple sa kanang bahagi ng pisnge, napalunok ako dahil do’n.

“‘Di ba dapat ako ang magtanong niyan sa’yo?” tanong niya sa britonong boses.

“D-dito ako nagtatrabaho!” sigaw ko sa kaniya at hindi nagpatalo sa lalaki.

Ngumisi ulit siya.

Napatango-tango siya. “So, dito ka pala nagta-trabaho,” mahinahon niyang sabi habang nakangisi.

“A-ano bang pakialam mo?!” kinakabahang sigaw ko.

Titig na titig ang mga mata niya sa akin. Bumaba sa mga labi ko at bumaba sa dibdib ko hanggang sa umabot sa pagkababae ko.

Napalunok ako at lahat ng balahibo ko ay nagsitaasan. Pinagpapawisan din ako ng malamig at ang mga palad ko ay nanlalamig dahil sa kaba.

Ang lakas na rin ng pintig ng puso ko dahil sa kaba.

“Sa tingin mo,” patuloy ng lalaki at nagtaas siya ng tingin sa mga mata ko. “Kanino at sino ang boss mo?” tanong niya at huminto ang mga tingin niya sa labi ko.

Kinabahan ako sa tanong niya lalo na ngayong nakatingin na siya sa labi ko.

“H-hindi ko alam,” pabulong kong sabi.

Ramdam ko ang panginginig at panlalambot ng tuhod ko kaya wala sa sariling napahawak ako sa balikat ng hipokritong ‘to para doon kumuha ng lakas upang makatayo.

Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa balikat niya bago niya ulit ako tinignan sa mga mata. Napalunok ako dahil sa uri ng tingin niya.

Bakit ba ang tagal bumukas ng elevator?!

Bakit ang init dito sa loob?

Nag-iwas ako ng tingin saka ako bumitaw sa pagkakahawak sa balikat niya.

Pero nagulat ako nang hablutin niya ang dalawa kong kamay at pinahawak ulit sa balikat niya pero ang mas ikina-gulat ko.

Bigla niya akong hinalikan!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Pervert husband is a boss (Filipino) | COMPLETED   Special Chapter

    "Papa!" Humahangos ang batang babae sa kaniyang ama habang humahagulgol ng iyak.Niyakap agad siya ng kanyang ama at nag-aalalang tumingin sa anak."Ano'ng nangyari?" tanong ng Ama."'Yong bata po . . . hinawakan niya po 'yong p'wet ko!" Umiiyak niyang sabi.Napatingin ang Ama sa paparating na batang lalaki. May pag-aalala ang mukha nito para sa batang babae. Sinasadya niya ang paghawak sa p'wet nito pero hindi naman niya alam na iiyak ito ng gano'n."Papaaa! Siya po ang humawak sa p'wet ko!" Sumbong ng batang babae sabay turo sa kaniya."Ian, anak. Bakit mo naman hinawakan ang p'wet ni Kath?" tanong ng Ama nito sa kaniya.Nang makalapit si Xian sa mag-ama ay todo yakap naman si Kath sa Papa niya at todo siksik ito sa katawan ng sarili Ama dahil sa takot na baka hawakan ulit ang p'wet nito ng batang lalaki."Tay Arthur, sorry po . . . kasi naman po, ano . . . " tumikhim muna si Xian bago siya umamin. "Naakit po ako," napakamot na lang siya sa sariling batok."Ang bata-bata mo pa pero

  • My Pervert husband is a boss (Filipino) | COMPLETED   Epilogue

    "Ano'ng ginagawa mo? Bakit hindi mo itimpla 'yang orange juice?" kunot ang noo kong tanong kay Wayne.Umiling lang si Wayne na abala sa pagpapak ng orange juice."Kusang magtitimpla na 'to sa tiyan ko," nakangiting aniya sabay haplos sa tiyan.Napailing na lang ako sa pagiging weirdo ni Wayne.Lumabas na ako ng kusina at nakita ko ang dalawang magkapatid na nag-uusap sa sala."Nasaan si Wayne?" tanong sa akin ni Xian."Nando'n sa kusina.""Anong ginagawa?" tanong naman ni Xia."Tinitimpla 'yong juice sa sariling tiyan."Kumunot naman ang noo ng dalawa kaya napailing na lang ako at sinalubong ko si Kathy na kararating lang kasama nina Mama...."Ano ba 'yang niluluto mo?" tanong ni Xia kay Wayne.Naka-apron siya ng sofia the first dahil apron 'yon ni Kathy na hiniram niya lang."Pancit canton."Kumunot ang noo namin ni Xia matapos isalin ni Wayne sa plato ang canton at nilagyan ng seasonings 'tsaka hinalo-halo 'yon. Akala ko ay tapos na pero nilagyan niya pa 'yon ng ketchup."Bakit mo

  • My Pervert husband is a boss (Filipino) | COMPLETED   Chapter 92

    Every wave in life teaches you a lesson."Kumusta na ang asawa ko Doc?" tanong ko."Okay na siya. P'wede na siyang makauwi next week," ani ng doktor.Ilang buwan na rin ang nakalipas magmula noong nangyari sa amin ang trahedyang 'yon. Sobra-sobra ang pag-aalala ko kay Xian no'ng magising ako dito sa hospital at nabalitaan kong nag-aagaw buhay siya dahil binaril siya ni Sean. Akala ko mawawala na siya sa akin mabuti't lumaban ang asawa ko.Lumabas na ang Doktor at pumasok naman si Wayne at may kasama siyang isang babae. Bumaling ako kay Xian na mahimbing na natutulog 'tsaka ulit ako bumaling sa dalawang kararating lang.Handa na sana akong magtanong kung sino ang babae nang biglang lumuluhang lumapit siya kay Xian at hinawakan ang asawa ko sa kamay. Biglang kumunot ang noo ko at handa na siyang singhalan dahil may namumuong selos sa dibdib ko pero natigilan ako nang magsalita siya."K-kuya... n-nandito na po ako... sorry Kuya. Miss na miss ko na kayo," nag-uunahan ang mga luha niya hab

  • My Pervert husband is a boss (Filipino) | COMPLETED   Chapter 91

    Tumingin ng masama si Xian sa dalawang dahil sa pambabaliwala nila sa kaniya. Natawa ako ng palihim."Mga Gag* talaga kayo! Kanina pinag-aagawan niyo ko ngayon naman pinagtatabuyan niyo ako! 'Wag kayong kakain sa reception!" Inis na sigaw ni Xian sa dalawa at lumapit sa akin para sa Family picture.Bumulong ako kay Xian."Tignan mo 'yong dalawa parang nalugi." Ani ko, bumaling naman si Xian sa dalawa at umirap lang."Hayaan mo silang magutom." Inis niyang sabi."Sayang may Shanghai pa naman." Nakangusong bulong ni Lux sa sarili."Sayang 'yong Hotdog na may marshmallow." Bulong naman ni Wayne sa sarili.Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Wayne. Bumulong ako kay Xian."Hotdog na may marshmallow?" Tanong ko sa kaniya."Weird talaga 'yang si Wayne." Sambit naman ni Xian. "Niluto niya para sa sarili niya sa reception, ginawang Birthday party." Iritang wika ni Xian.Natawa naman ako sa sinabi niya."Sabagay, nung isang araw nasa kusina siya pinapapak 'yong orange Juice na dapat tinitimpl

  • My Pervert husband is a boss (Filipino) | COMPLETED   Chapter 90

    Binuksan naman agad ni Xian Ang box at nandoon ang dalawang singsing na magkasama. Iyong singsing na ipinamana sa akin ni Lola. Ang akala ko ay isusuot niya sa akin pero isinarado niya ulit iyon.Napabaling kami nang may kumatok sa bintana ng kotse at si Xia 'yon na may ngiti rin sa labi. Bumaba na si Kathy na naka white dress kagaya ng anak naming bunso na si Ian na nakawhite polo naman. Kinuha naman agad sa akin ni Xia si Ian pati na rin ang singsing na hawak ng kapatid.Takang tumingin ako kay Xian."Anong meron?" Takang tanong ko."Ikakasal na tayo... ngayon," chill niyang sabi.Nanlaki naman ang mga mata ko. Bumaling ako sa nakahandang kasalan bago tumingin ulit kay Xian na hindi makapaniwala. Sinuntok ko siya sa dibdib at lumuluhang nagsalita."B-bakit ba lagi mo akong ginugulat?! Nakakainis ka! Ngayon ka nagpropose tapos NGAYON din ang kasal?! Kaya ba tanong ka ng tanong no'ng nakaraang araw sa gusto kong theme sa kasal?"Tumangong nangingiti si Xian at niyakap ako ng mahigpit.

  • My Pervert husband is a boss (Filipino) | COMPLETED   Chapter 89

    Every pain has a reason, and every reason can change a person.Ang daming nangyari. Ang daming nagbago pero 'yong sakit ay mananatili pa rin sa puso ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Gusto kong hindi maniwala pero nasa harapan ko na mismo ang pangalan niya.Habang nakatingin sa puntod niya, tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang aking mga luha. Ang mga memorya naming ay mananatili sa akin. Alam kong ginawa niya lang 'yon para sa babaeng mahal niya.Pero 'di pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Ang makita siya noon sa morgue ay sobrang sakit na. Alam kong marami siyang naging kasalanan pero naiintindihan ko na ang lahat.Maraming salamat sa alaala.Ang mga ngiti niya ay talagang mami-miss ko. Alam kong may mga naging kasalanan din ako sa kaniya. Minahal ko siya kung sino siya pero may mga bagay na hindi nararapat."Mommy!" Napangiti ako nang makita kong kumakaway si Kathy at patakbong lumapit sa akin.Ilang taon na rin mula noong mangyari ang trahedyang 'yon sa aming pamilya. Napan

  • My Pervert husband is a boss (Filipino) | COMPLETED   Chapter 16

    NANG matapos kaming kumain sa restaurant, dumiretso na kami papuntang airport pauwi sa Pilipinas. Sana talaga makaabot pa ako sa program ni Kathy. Marahas akong napabuntong hininga sa loob ng sasakyan hindi ako mapakali, ramdam kong nakatingin sa akin si Xian pero 'di ko siya tinatapunan

  • My Pervert husband is a boss (Filipino) | COMPLETED   Chapter 15

    “WALANGHIYA kang lalaki ka! Pinapahirapan mo ba talaga ako ha?! Bakit hindi na lang ‘yong Secretary mo ang magbigay sa'yo nito!” sigaw ko. Dahil sa sobrang inis ko hinagis ko sa dibdib niya ang mga papeles na nalaglag sa sahig. B’wisit! Nangingilid na ang mga luha ko sa pinag hal

  • My Pervert husband is a boss (Filipino) | COMPLETED   Chapter 14

    “‘NAK? Kailan ka uuwi?” “‘Di ko rin po alam ‘ma e, pero magpapaalam ako sa boss ko.” “‘Nak ‘di ba nag promise ka sa kapatid mong bunso na pupunta ka sa school niya at papanoorin mo siya? Bukas na ‘yon ‘nak... Umiiyak nga siya ngayon kase akala niya ‘di ka na uuwi kase dalawang linggo

  • My Pervert husband is a boss (Filipino) | COMPLETED   Chapter 13

    “Why did you do that?” tanong niya sa akin habang nagtatagis ang kaniyang bagang. “Ahmm... A-ahh... Ano... Kase... S-sorry...” ‘Yon na lang ang lumabas sa bibig ko at napayuko na lang habang nilalaro ko ang mga daliri ko dahil sa kaba. “Manang! ‘Di ba mahigpit kong pinagbabawal na ‘w

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status