Share

Chapter three

Author: AnneVillamin
last update publish date: 2026-04-01 16:16:52

Habang lumalalim ang gabi sa Makati, hindi maalis sa isip ni Amara ang listahan ng mga events na kailangan nilang daluhan bilang engaged couple. Charity gala, business mixers, art exhibitions—sunod-sunod. Para sa kanya, bawat isa ay parang malaking eksamen. Paano ngumiti nang tama? Paano makipag-usap nang natural? Paano hindi mapansin ang kaba sa dibdib habang nakatingin sa kanila ang maraming mata?

Sa totoo lang, si Amara ay hindi sanay sa ganitong mundo. Hindi siya tulad ni Athena na parang isinilang sa spotlight. Kaya bawat hakbang, bawat gestura, bawat salita ay pilit niyang ini-adjust. At habang ginagawa niya iyon, iniisip niya rin ang batang lihim niyang dinadala sa mundo—isang sikreto na nagiging dahilan para mas maging maingat at matino sa bawat kilos.

Ngunit sa kabila ng kaba, pinilit niyang manatiling kalmado. Pinilit niyang maging “Althea” sa panlabas, kahit sa loob, ang puso niya ay nag-aalab ng kaba at pagtataka sa sarili. Kung may nakakaalam ng totoo niyang sarili, baka magulat sila. O baka masira ang imahe niyang kinakailangan nilang ipakita sa publiko. Kaya siya’y nagpakumbaba, ngumiti nang malawak, at nakipagpalitan ng mga formal na bati sa mga bisita.

Si Ethan naman ay tahimik lang, ngunit hindi palampasin ang bawat kilos ni Athea. Hindi niya alam kung bakit, pero may kakaibang tensyon sa paligid niya. Ang babae sa harap niya—parang Althea—iba sa nakilala niyang Althea noon. Mas simple, mas natural, mas… totoo. At mas lalo siyang naaakit sa bawat maliit na bagay na ginagawa nito.

Habang naglalakad sila papasok sa hotel para sa charity gala, napansin ni Ethan kung paano mahigpit na hawak ni Amara ang braso niya. Sa nakagawiang si Althea dati ang nauuna, confident, halos parang may-ari ng lugar, si Althea ngayon ay naglalakad nang tahimik, nakangiti, ngunit may halong kaba sa mga mata. Hindi niya maipaliwanag, pero may gusto siyang protektahan sa babaeng ito.

“Okay ka lang ba?” tanong ni Ethan, yumuko ng kaunti para marinig siya ng maayos.

Mabilis na ngumiti si Amara. “Yes… okay lang.”

Ngunit alam ni Ethan na may kaba sa boses nito. Sa halip na magsalita pa, hinawakan niya nang mas maayos ang kamay nito habang magkasabay silang pumapasok sa loob ng ballroom. May pakiramdam siyang dapat siyang protektahan ang babae—kahit wala siyang paliwanag kung bakit.

Pagpasok nila sa ballroom, sinalubong sila ng mga taong nakasuot ng magagarang damit. Isa-isa silang kinausap, kinabati sa engagement. Napapangiti si Amara sa bawat pagkikita sa kanila, ngunit paminsan-minsan, napapatingin siya kay Ethan na parang humihingi ng tulong sa mga kaswal na usapan. Napansin iyon ni Ethan at hindi niya maiwasang mapangiti.

“Iba ka ngayon,” biglang sabi niya habang sandaling nakalayo sila sa crowd.

Napatingin si Amara sa kanya. “Ha?”

“Mas tahimik ka. Dati, ikaw ang nagdadala ng usapan sa bawat event.”

Sandaling natigilan si Amara, kinabahan sa sinabi ni Ethan. “Nagbabago ang tao,” sagot niya, pilit na ngumiti.

Tahimik na tumango si Ethan, ngunit hindi siya kumbinsido. Habang tumatagal ang gabi, mas lalo niyang napapansin ang mga detalye tungkol kay Althea: mas maingat ito sa pananalita, mas magalang sa staff, at may mga sandaling nakikita niya itong nagte-thank you sa mga waiter o organizer—isang bagay na hindi niya nakita kay Athena noon.

Isang maliit na insidente ang lalong nagpatindi sa kanyang pagtingin. May batang anak ng isang bisita na nahulog ang hawak na laruan. Bago pa man kumilos ang sinuman, agad na yumuko si Amara at pinulot ito, iniabot sa bata nang may ngiti. “Here,” sabi niya. “You dropped this.”

Ang mukha ng bata ay nagliwanag sa tuwa. “Thank you, ate!”

Ngumiti rin si Amara nang mas totoo—hindi iyong pang-social smile lang. Napatingin si Ethan at may hindi niya maipaliwanag na lungkot at init sa dibdib niya. Hindi ito Athena; hindi ito ang babae na kilala niya noon.

Habang nag-uusap ang mga bisita sa paligid nila, hindi maalis ni Ethan ang tingin kay Amara. Ang bawat kilos nito, bawat titig, bawat simpleng smile ay para bang may magnet na hindi niya mapigilan.

Maya-maya, lumapit ang isang matandang babae na kilala ni Ethan sa mundo ng negosyo. “Ethan, congratulations. You chose well.”

Ngumiti si Ethan. “Thank you.”

Tumingin ang babae kay Amara. “You look different tonight.”

Sandaling natigilan si Amara, ngunit ngumiti pa rin. “In a good way, I hope.”

Tumawa ang matanda. “Yes. Much better.”

Pagkatapos umalis, napatingin si Ethan kay Amara. “See? People notice.”

Bahagyang napakunot ang noo ni Amara. “Notice what?”

“Na iba ka ngayon.”

Hindi alam ni Amara kung bakit, pero bumilis ang tibok ng puso niya. Sandaling nagkatitigan sila bago siya umiwas ng tingin. Hindi niya maintindihan, pero may kakaibang tensyon sa pagitan nila.

Sa isip ni Ethan, mas lalo siyang nalilito. Kilala niya si Athea, at sigurado siya doon. Ngunit habang kasama niya si Amara, pakiramdam niya ay may ibang babaeng nakikilala siya—isang babaeng mas natural, mas genuine, mas malapit sa puso niya kaysa dati.

Habang lumalalim ang gabi, nagsimula na ang formal program ng event. Umupo sila sa isang mesa kasama ang ibang guests. Paminsan-minsan ay nag-uusap sila ni Amara—simpleng usapan lang tungkol sa pagkain, venue, at mga tao. Ngunit bawat sagot ni Amara ay may kakaibang warmth, isang pagiging genuine na hindi niya nakita kay Athena noon.

“You're really different,” sabi ni Ethan bigla, sa isang sandaling tahimik.

Napatingin si Amara. “Bad different?”

Umiling si Ethan. “Better.”

Hindi niya alam kung bakit niya sinabi iyon, pero totoo iyon. Sa unang pagkakataon, pakiramdam niya ay mas gusto niya ang babaeng ito kaysa sa dati niyang girlfriend.

Si Amara naman ay pilit na pinapakalma ang sarili. Habang tumatagal ang oras sa tabi ni Ethan, mas nararamdaman niya ang koneksyon sa pagitan nila—isang koneksyon na hindi niya maintindihan. Parang matagal na niyang naramdaman dati, ngunit hindi niya alam kung paano at bakit. At higit sa lahat, hindi niya alam na ang lalaking nakaharap niya ngayon ang parehong lalaki na minsang nagbago ng kanyang mundo sa isang gabi—isang gabi na naalala niya nang bahagya lamang.

Habang patapos na ang event, sabay silang lumabas ng hotel. Tahimik ang gabi, mahina ang hangin. Habang naglalakad papunta sa sasakyan, biglang tumigil si Ethan.

“Althea.”

Napahinto siya. “Yes?”

Tumitig si Ethan sa kanya, may halong kaba at curiosity. Pagkatapos ay bahagya siyang ngumiti. “I'm starting to like this version of you.”

Biglang uminit ang pisngi ni Amara. Hindi niya alam kung ano ang sasagot. Hindi rin niya alam kung bakit may kakaibang saya sa dibdib niya sa narinig. Sa sandaling iyon, may simpleng sparks na nag-umpisang sumiklab sa pagitan nila—isang simula ng komplikadong damdamin na maaaring magpabago sa lahat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Wife's Secret Son   Chapter one hundred eighty seven

    Althea Hindi ako agad nakatulog. Kahit maayos ang kuwarto, kahit malamig ang aircon, kahit tahimik ang buong bahay—gising pa rin ang isip ko. Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama habang pinapanood si Ramil na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Ang payapa niya. Parang wala siyang alam sa lahat ng gulo sa mundo. Napahawak ako sa dibdib ko. James. Nasa kabilang kwarto siya. At kahit hindi ko siya nakikita ngayon, ramdam ko pa rin siya. Parang kahit ilang buwan o taon pa ang lumipas, hindi pa rin humuhupa yung epekto niya sa’kin. Biglang bumukas ang pinto. Napalingon ako agad. Si James. Naka-simpleng t-shirt lang, magulo pa ang buhok, parang kagagaling lang din sa pagtingin kay Ramil kanina. “Hindi ka pa natutulog?” mahina niyang tanong. Umiling ako. “Hindi pa.” Lumapit siya nang dahan-dahan. Hindi siya agad umupo, parang nag-aalinlangan pa kung pwede ba. Itinuro niya yung gilid ng kama. “Can I sit?” Tumango ako. Umupo siya sa tabi ko. Tahimik

  • My Wife's Secret Son   Chapter one hundred eighty six

    AltheaTahimik lang ako habang nakaupo sa backseat ng sasakyan.Si Ramil, nakasandal sa bintana, inaantok na pero pilit pa ring gising. Si James naman, nasa unahan, parehong kamay sa manibela, diretso lang ang tingin sa kalsada.Pilipinas.Nandito na ulit kami.Pero hindi na ito yung Pilipinas na iniwan ko noon.At hindi na rin ako yung parehong Althea.Napahigpit ang hawak ko kay Ramil habang pinagmamasdan ko yung mga ilaw sa labas. Familiar ang mga kalsada, ang mga gusali, ang mga signage. Pero parang hindi na ako belong dito.Parang visitor na lang ako sa sariling bansa.Hanggang sa napansin ko.Ibang ruta.Napakunot noo ako.“James…” mahinang tawag ko.Hindi siya agad sumagot. Pero nakita ko sa rearview mirror na sumulyap siya sa’kin, parang alam niyang may tanong na ako.“Bakit parang iba ‘to?” ulit ko, mas malinaw na ngayon.Tahimik siya sandali.Then, bahagyang ngumiti.“Hindi tayo dadaan sa condo.”Natigilan ako.“Ha?”Dahan-dahan akong umayos ng upo.“James, condo mo tayo tut

  • My Wife's Secret Son   Chapter one hundred eighty five

    AltheaMaaga pa lang, gising na ako. Tahimik na umaga na alam mong may magbabago na naman sa susunod na oras.Nakatayo ako sa harap ng bintana habang pinagmamasdan si Ramil na naglalaro sa sala kasama si James. Tumatawa siya, malakas at natural. Napahigpit yung hawak ko sa mug ko.Pilipinas. Uuwi na kami.James, ako, at si Ramil. After everything, babalik kami sa simula.Hindi ko alam kung tama ba. Hindi ko alam kung handa na ba ako. Pero nandito na kami. Wala nang atrasan.“Althea.”Napalingon ako. Si James, nakatayo sa may pinto ng kitchen. Nakatitig lang siya sa’kin, parang binabasa kung anong tumatakbo sa isip ko.“Ready ka na?” tanong niya.Napahinga ako nang malalim. “Oo.”Tahimik siya sandali. Then marahan siyang tumango rin. “Okay.”Sa sala, biglang tumili si Ramil.“Mommy! Daddy! Look!”Tumakbo siya papunta sa’min na may hawak na maliit na backpack na halos mas malaki pa sa kanya. “Ready na ako!”Ngumiti ako nang mahina. “Ang bilis mo naman.”“Para airplane!” sagot niya hab

  • My Wife's Secret Son   Chapter one hundred eighty four

    AltheaTahimik.Iyon yung unang napansin ko pagkagising ko kinaumagahan.Hindi yung tahimik na nakakarelax, kundi yung klase ng katahimikan na parang may mga bagay kang kailangang harapin pero hindi mo pa kayang simulan.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama habang hinahaplos yung ulo ko. Pagod pa rin ako—hindi lang sa katawan, kundi pati sa isip at damdamin.May mga araw na kahit wala kang ginagawa, pakiramdam mo pagod ka pa rin.Ito yung ganoong araw.Bigla kong narinig yung maliliit na tawa mula sa baba.Natigilan ako.At kahit hindi ko pa nakikita, alam ko na agad kung sino.Ramil.At si James.Napahigpit agad yung hawak ko sa kumot.Tatlong araw na din kami dito sa Canada. Tatlong araw na simula nang ipakilala ko si James sa anak namin. Tatlong araw na parang pilit kong inaayos yung mundo na matagal kong tinakbuhan.At hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay.Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan.Habang papalapit ako sa sala, mas lumalakas yung boses nila.Hanggang sa tuluyan k

  • My Wife's Secret Son   Chapter one hundred eighty three

    James Tahimik lang yung buong sala.Pero kahit walang nagsasalita, pakiramdam ko sobrang ingay ng tibok ng puso ko.Nasa harap ko si Ramil habang mahigpit pa rin siyang nakakapit sa leeg ko. Maliit lang yung katawan niya pero parang sapat na iyon para tuluyang durugin lahat ng natitirang pader sa loob ko.My son.Fuck.Hanggang ngayon hirap pa rin akong paniwalaan.Dahan-dahan kong hinaplos yung likod niya habang pilit kinokontrol yung emosyon ko.Pero imposible.Hindi ko yata kayang kontrolin kahit ano ngayong nandito siya sa mga braso ko.“Daddy.”Mahina lang.Pero parang direktang tumama sa puso ko.Napapikit ako sandali.“Yeah, buddy?”Umangat nang bahagya yung ulo niya para tingnan ako.“You big.”Bigla akong natawa habang pinupunasan yung gilid ng mata ko.“Talaga?”Mabilis siyang tumango.“Very big.”Napatawa rin si Althea mula sa couch habang pinupunasan yung luha niya.“At least honest siya.”Napalingon ako agad sa kanya.At doon ako sandaling natulala.God.Ilang buwan ko s

  • My Wife's Secret Son   Chapter one hundred eighty two

    AltheaTahimik lang yung buong sala.Pero kahit walang nagsasalita—parang ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.Nakatayo lang si James ilang hakbang mula sa’min habang nakatitig kay Ramil.At si Ramil naman—nakatitig din sa kanya.Curious.Tahimik.Parang iniintindi kung sino yung lalaking nasa harap niya.“Daddy?”Mahina pero malinaw.At sa isang salitang iyon—parang tuluyang nabasag si James.Kitang-kita ko kung paano agad namula yung mata niya habang pilit pinipigilan yung emosyon.“Yeah, buddy…” basag niyang sagot. “I’m your Daddy.”Biglang nagtago si Ramil sa leeg ko.Hindi sa takot.Parang nahihiya lang.Napangiti ako nang mahina habang hinahaplos yung likod niya.“It’s okay, baby,” bulong ko. “Remember what Mommy told you?”Mabagal siyang umangat mula sa balikat ko bago muling tumingin kay James.Tahimik ulit.Then maya-maya—“Coffee?”Napakurap si James.“What?”Napatawa ako agad.Oh my God.Napatingin agad si James sa’kin habang halatang confused.Hindi ko tuloy napigilang

  • My Wife's Secret Son   Chapter ninety seven

    Hindi mapakali si Ethan mula pa noong makita niya si Isabel—ang babaeng kamukhang-kamukha ni Amara. Simula kanina, hindi na siya pinatahimik ng isip niya. Parang may humahabol na tanong sa loob ng ulo niya na hindi niya maipaliwanag, paulit-ulit, walang tigil, parang sirang plaka na ayaw tumigil. K

  • My Wife's Secret Son   Chapter ninety four

    Mahigit isang buwan na ang lumipas mula nang dumating sina Amara,Amanda at Mike sa Davao.Sa unang linggo, puro takot ang bumalot kay Amara. Bawat tunog, bawat galaw sa paligid, pinagdududahan niya. Hindi siya mapakali. Hindi siya mapalagay. Unti-unting naging pamilyar ang bahay. Ang amoy ng hangi

  • My Wife's Secret Son   Chapter ninety three

    Sa loob ng kulungan—mabigat, mainit, at puno ng amoy ng kalawang at pawis. Ang tunog ng mga bakal na pinto na nagsasara at bumubukas ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa pasilyo, parang paalala sa bawat bilanggo na wala silang takas.Tahimik na naglakad si Mike sa mahabang corridor, kasunod ang bant

  • My Wife's Secret Son   Chapter ninety two

    “Sir, nakalapit po si Amanda kay Ethan… hindi po namin napigilan. Bigla po kasing tumakbo ang bata.”Parang bumagsak ang mundo sa isang iglap.Nanigas si Mike sa kinatatayuan niya, hawak pa rin ang baso ng alak na kanina pa niya hindi iniinom. Dahan-dahan niyang ibinaba iyon sa mesa, ngunit ang kam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status