LOGINPagpasok ni Amara sa ballroom, agad siyang sinalubong ng liwanag ng mga chandelier at ng samu’t saring bulungan ng mga bisita.
Pakiramdam niya ay biglang bumigat ang hangin. Hindi dahil sa dami ng tao. Kundi dahil sa isang pares ng mata— na agad siyang hinanap. Si Ethan Reyes. Nakatayo ito sa gitna ng silid, kausap ang ilang bisita, ngunit tila naputol ang usapan nang makita siya. Ang mga mata nitong malamig at matalim ay agad tumuon sa kanya. At sa sandaling iyon parang siya lang ang nakikita nito. Napalunok si Amara. Calm down… Kaya mo ‘to. Inayos niya ang kanyang postura, tinaas nang bahagya ang baba, at pinilit ang isang confident na ngiti—eksaktong ginagawa ng kanyang kambal na si Althea. Isa. Dalawa. Tatlong hakbang. Unti-unti siyang lumapit kay Ethan. Habang papalapit, mas lalo niyang nararamdaman ang kakaibang pressure na nagmumula sa presensya nito. Hindi ito kailangang magsalita para maramdaman ang authority nito. Tahimik… pero dominante. Nang tuluyan siyang makalapit, huminto siya sa harap nito. Saglit silang nagkatitigan. At sa isang iglap may kung anong nagbago sa ekspresyon ng lalaki. Bahagyang kumunot ang noo nito. Parang may hindi tugma. “Althea.” Malalim ang boses nito. Direkta. Walang emosyon. Ngunit may kakaibang bigat. “Hi,” sagot ni Amara, pilit pinapantay ang tono. Lumapit si Ethan ng bahagya. Sapat lang para maramdaman niya ang init ng katawan nito. At sa hindi niya maintindihan— biglang bumilis ang tibok ng puso niya. “Late ka,” sabi nito. Hindi galit. Pero hindi rin malambing. Parang isang simpleng obserbasyon… na may halong panunuri. “Sorry,” sagot ni Amara, bahagyang ngumiti. “Traffic.” Isang dahilan na alam niyang hindi papalag si Althea. Tahimik si Ethan. Hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya. Mas matagal. Mas matalim. Parang sinusuri siya. At iyon ang lalo pang nagpakaba sa kanya. “Something’s off.” Parang tumigil ang puso ni Amara. “A-ano?” pilit niyang tanong. Bahagyang nag-angat ng kilay si Ethan. “You’re quieter.” Napahinto siya. “Since when did you become this… calm?” Napakagat-labi si Amara. Think. Think like Althea. Bahagya siyang tumawa. “Is that a bad thing?” Hindi agad sumagot si Ethan. Sa halip, bahagya nitong ikiniling ang ulo, tila iniisip ang sagot. “I’m not sure yet,” sabi nito. At sa simpleng sagot na iyon lalo lang lumalim ang kaba ni Amara. Nagsimula ang program, at napilitan si Amara na manatili sa tabi ni Ethan habang isa-isang nagsasalita ang mga host at bisita. Ngunit kahit nakatingin siya sa harap ramdam na ramdam niya ang presensya ng lalaki sa tabi niya. Tahimik ito. Ngunit parang bawat galaw niya ay napapansin nito. “Smile.” Napakurap si Amara. Bahagya siyang napalingon kay Ethan. Hindi ito nakatingin sa kanya—nakatitig pa rin sa harap—ngunit malinaw ang sinabi nito. “People are watching.” Mabilis niyang inayos ang ekspresyon niya at ngumiti. “Relax your shoulders,” dagdag pa nito. Parang may konting inis. “Hindi ka ganyan dati.” Napayuko si Amara nang bahagya. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o lalo pang kakabahan. Dahil bawat salita nito— patunay na kilalang-kilala nito si Althea. At bawat pagkakamali niya— posibleng magbunyag ng katotohanan. Matapos ang formal program, nagsimula ang mingling. Isa-isang lumapit ang mga bisita para batiin sila. “Althea! You look gorgeous!” “Perfect match talaga kayo ni Ethan!” “Finally, you’re settling down!” Ngumiti si Amara. Tumango. Nakipagkamay. Ngunit sa loob-loob niya— unti-unti na siyang napapagod. Hindi siya sanay sa ganitong eksena. Hindi siya si Althea. At kahit anong pilit niya— may mga bagay na hindi niya kayang gayahin. “Excuse me.” Napalingon siya. Si Ethan. Hindi niya napansin na nakalapit na pala ito. “Come with me.” Wala itong paliwanag. Wala ring tanong. Parang utos. At sa hindi niya maintindihan— sumunod siya. Tahimik ang hallway na dinaanan nila. Malayo sa ingay ng ballroom. Mas malamig. Mas pribado. Hanggang sa makarating sila sa balcony. Humaplos ang malamig na hangin sa balat ni Amara. Sa wakas— nakahinga siya. Lumapit siya sa railing at tumingin sa city lights. “Hindi ka comfortable.” Napalingon siya kay Ethan. Nakatayo ito sa likod niya. Malapit. Masyadong malapit. “I’m fine,” sagot niya. Ngunit umiling si Ethan. “No, you’re not.” Lumapit pa ito. Ngayon ay katabi na niya. At sa distansyang iyon— ramdam na ramdam niya ang presensya nito. “You’ve been avoiding eye contact,” sabi nito. “Your answers are shorter.” “Your reactions… delayed.” Isa-isa nitong binilang. Parang report. Parang observation. Parang— hinuhuli siya. Napakagat-labi si Amara. “I told you,” mahina niyang sagot, “I’m just tired.” Tahimik si Ethan. Ngunit hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. Parang may hinahanap. Parang may gustong kumpirmahin. “At may isa pa.” Napalingon siya. Bahagyang kumunot ang noo nito. “You don’t smell the same.” Nanlaki ang mga mata ni Amara. “Ano?” Hindi niya alam kung matatawa ba siya o kakabahan. “You used to wear something sweeter,” dagdag nito. “Now… it’s lighter.” Napahawak siya sa sarili niyang braso. Hindi niya alam kung paano sasagot. Dahil— totoo. Hindi siya si Althea. At kahit pabango— hindi niya kayang kopyahin. “People change,” mahina niyang sabi. Matagal siyang tinitigan ni Ethan. Mas matagal kaysa kanina. Mas malalim. At sa sandaling iyon— pakiramdam ni Amara ay unti-unti nitong binabasag ang lahat ng harang niya. Hanggang sa— bahagyang tumango si Ethan. “Yeah,” sabi nito. “People do.” Ngunit hindi kumbinsido ang tono nito. Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanila. Tanging hangin at malayong ingay ng siyudad ang maririnig. Hanggang sa— “Why now?” Napatingin si Amara. “What do you mean?” “Why change now?” tanong ni Ethan. “After everything.” Napahinto siya. Hindi niya alam ang sagot. Hindi niya alam ang history ng dalawa. Hindi niya alam kung anong “everything” ang tinutukoy nito. At doon— lalo niyang naramdaman ang kahinaan niya sa sitwasyon. “Maybe…” mahina niyang sabi, “I just realized things.” Nanatiling nakatingin si Ethan. “Like what?” Napahinga siya nang malalim. “At some point… you get tired of pretending.” Parang may kung anong nagbago sa ekspresyon ni Ethan. Hindi malinaw. Ngunit parang may tumama. “Pretending?” ulit nito. Muntik nang mapapikit si Amara. Careful… “I mean…” agad niyang bawi, “pretending to be perfect.” Tahimik si Ethan. Pagkatapos ay— bahagya itong ngumiti. “You know what’s strange?” mahina nitong sabi. Hindi siya sumagot. Naghintay lang. “I don’t recognize this version of you.” Tumigil ito sa harap niya. Napasinghap si Amara. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makasagot. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Kaba. Takot. O— ibang bagay. Isang bagay na hindi niya dapat maramdaman. Para sa lalaking— hindi naman talaga para sa kanya. Unti-unting tinaas ni Ethan ang kamay nito. Bahagyang inayos ang hibla ng buhok na nalaglag sa mukha niya. Isang simpleng galaw. Ngunit— parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ni Amara. “Careful,” bulong nito. “With that look… people might think you’re someone else.” Parang may tumigil sa puso niya. Ngunit hindi niya alam kung bakit— parang may ibang ibig sabihin ang sinabi nito. Bago pa siya makasagot— may kumatok sa pinto. “Sir, they’re looking for you.” Agad umatras si Ethan. Parang walang nangyari. Parang bumalik sa dati. “Let’s go back,” sabi nito. Muli itong naging malamig. Kontrolado. Hindi na muli lumingon habang naglalakad pabalik. Ngunit si Amara— naiwan sandali sa balcony. Hawak ang dibdib.Althea Hindi ako agad nakatulog. Kahit maayos ang kuwarto, kahit malamig ang aircon, kahit tahimik ang buong bahay—gising pa rin ang isip ko. Tahimik lang akong nakaupo sa gilid ng kama habang pinapanood si Ramil na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Ang payapa niya. Parang wala siyang alam sa lahat ng gulo sa mundo. Napahawak ako sa dibdib ko. James. Nasa kabilang kwarto siya. At kahit hindi ko siya nakikita ngayon, ramdam ko pa rin siya. Parang kahit ilang buwan o taon pa ang lumipas, hindi pa rin humuhupa yung epekto niya sa’kin. Biglang bumukas ang pinto. Napalingon ako agad. Si James. Naka-simpleng t-shirt lang, magulo pa ang buhok, parang kagagaling lang din sa pagtingin kay Ramil kanina. “Hindi ka pa natutulog?” mahina niyang tanong. Umiling ako. “Hindi pa.” Lumapit siya nang dahan-dahan. Hindi siya agad umupo, parang nag-aalinlangan pa kung pwede ba. Itinuro niya yung gilid ng kama. “Can I sit?” Tumango ako. Umupo siya sa tabi ko. Tahimik
AltheaTahimik lang ako habang nakaupo sa backseat ng sasakyan.Si Ramil, nakasandal sa bintana, inaantok na pero pilit pa ring gising. Si James naman, nasa unahan, parehong kamay sa manibela, diretso lang ang tingin sa kalsada.Pilipinas.Nandito na ulit kami.Pero hindi na ito yung Pilipinas na iniwan ko noon.At hindi na rin ako yung parehong Althea.Napahigpit ang hawak ko kay Ramil habang pinagmamasdan ko yung mga ilaw sa labas. Familiar ang mga kalsada, ang mga gusali, ang mga signage. Pero parang hindi na ako belong dito.Parang visitor na lang ako sa sariling bansa.Hanggang sa napansin ko.Ibang ruta.Napakunot noo ako.“James…” mahinang tawag ko.Hindi siya agad sumagot. Pero nakita ko sa rearview mirror na sumulyap siya sa’kin, parang alam niyang may tanong na ako.“Bakit parang iba ‘to?” ulit ko, mas malinaw na ngayon.Tahimik siya sandali.Then, bahagyang ngumiti.“Hindi tayo dadaan sa condo.”Natigilan ako.“Ha?”Dahan-dahan akong umayos ng upo.“James, condo mo tayo tut
AltheaMaaga pa lang, gising na ako. Tahimik na umaga na alam mong may magbabago na naman sa susunod na oras.Nakatayo ako sa harap ng bintana habang pinagmamasdan si Ramil na naglalaro sa sala kasama si James. Tumatawa siya, malakas at natural. Napahigpit yung hawak ko sa mug ko.Pilipinas. Uuwi na kami.James, ako, at si Ramil. After everything, babalik kami sa simula.Hindi ko alam kung tama ba. Hindi ko alam kung handa na ba ako. Pero nandito na kami. Wala nang atrasan.“Althea.”Napalingon ako. Si James, nakatayo sa may pinto ng kitchen. Nakatitig lang siya sa’kin, parang binabasa kung anong tumatakbo sa isip ko.“Ready ka na?” tanong niya.Napahinga ako nang malalim. “Oo.”Tahimik siya sandali. Then marahan siyang tumango rin. “Okay.”Sa sala, biglang tumili si Ramil.“Mommy! Daddy! Look!”Tumakbo siya papunta sa’min na may hawak na maliit na backpack na halos mas malaki pa sa kanya. “Ready na ako!”Ngumiti ako nang mahina. “Ang bilis mo naman.”“Para airplane!” sagot niya hab
AltheaTahimik.Iyon yung unang napansin ko pagkagising ko kinaumagahan.Hindi yung tahimik na nakakarelax, kundi yung klase ng katahimikan na parang may mga bagay kang kailangang harapin pero hindi mo pa kayang simulan.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama habang hinahaplos yung ulo ko. Pagod pa rin ako—hindi lang sa katawan, kundi pati sa isip at damdamin.May mga araw na kahit wala kang ginagawa, pakiramdam mo pagod ka pa rin.Ito yung ganoong araw.Bigla kong narinig yung maliliit na tawa mula sa baba.Natigilan ako.At kahit hindi ko pa nakikita, alam ko na agad kung sino.Ramil.At si James.Napahigpit agad yung hawak ko sa kumot.Tatlong araw na din kami dito sa Canada. Tatlong araw na simula nang ipakilala ko si James sa anak namin. Tatlong araw na parang pilit kong inaayos yung mundo na matagal kong tinakbuhan.At hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay.Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan.Habang papalapit ako sa sala, mas lumalakas yung boses nila.Hanggang sa tuluyan k
James Tahimik lang yung buong sala.Pero kahit walang nagsasalita, pakiramdam ko sobrang ingay ng tibok ng puso ko.Nasa harap ko si Ramil habang mahigpit pa rin siyang nakakapit sa leeg ko. Maliit lang yung katawan niya pero parang sapat na iyon para tuluyang durugin lahat ng natitirang pader sa loob ko.My son.Fuck.Hanggang ngayon hirap pa rin akong paniwalaan.Dahan-dahan kong hinaplos yung likod niya habang pilit kinokontrol yung emosyon ko.Pero imposible.Hindi ko yata kayang kontrolin kahit ano ngayong nandito siya sa mga braso ko.“Daddy.”Mahina lang.Pero parang direktang tumama sa puso ko.Napapikit ako sandali.“Yeah, buddy?”Umangat nang bahagya yung ulo niya para tingnan ako.“You big.”Bigla akong natawa habang pinupunasan yung gilid ng mata ko.“Talaga?”Mabilis siyang tumango.“Very big.”Napatawa rin si Althea mula sa couch habang pinupunasan yung luha niya.“At least honest siya.”Napalingon ako agad sa kanya.At doon ako sandaling natulala.God.Ilang buwan ko s
AltheaTahimik lang yung buong sala.Pero kahit walang nagsasalita—parang ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.Nakatayo lang si James ilang hakbang mula sa’min habang nakatitig kay Ramil.At si Ramil naman—nakatitig din sa kanya.Curious.Tahimik.Parang iniintindi kung sino yung lalaking nasa harap niya.“Daddy?”Mahina pero malinaw.At sa isang salitang iyon—parang tuluyang nabasag si James.Kitang-kita ko kung paano agad namula yung mata niya habang pilit pinipigilan yung emosyon.“Yeah, buddy…” basag niyang sagot. “I’m your Daddy.”Biglang nagtago si Ramil sa leeg ko.Hindi sa takot.Parang nahihiya lang.Napangiti ako nang mahina habang hinahaplos yung likod niya.“It’s okay, baby,” bulong ko. “Remember what Mommy told you?”Mabagal siyang umangat mula sa balikat ko bago muling tumingin kay James.Tahimik ulit.Then maya-maya—“Coffee?”Napakurap si James.“What?”Napatawa ako agad.Oh my God.Napatingin agad si James sa’kin habang halatang confused.Hindi ko tuloy napigilang
Simula nang bumalik ang alaala ni Amara, madami ng nangyari sa buhay nila ni Ethan—ang pagkidnap kay Amanda, ang pagkamatay ni Manang Teresa, ang pagbubuntis, ang kasal na muling pinaplano, at ang bagong simula nilang pamilya—hindi niya agad nagawang balikan ang iba pang bahagi ng kanyang nakaraan.
Tatlong buwan na ang lumipas.Tatlong buwan mula nang magsimulang mabuo ang bagong buhay sa loob ni Amara—isang buhay na hindi lamang basta pagdating ng isang sanggol, kundi simbolo ng panibagong pag-asa sa pagitan nila ni Ethan.Hindi pa gaanong halata ang kanyang tiyan. Bahagya pa lamang ang pag-
Lumipas ang mga araw, at kasabay ng unti-unting paglaki ng tiyan ni Amara ay ang pagdami rin ng kanyang mga cravings—mga kakaibang kombinasyon, biglaang kagustuhan, at minsan ay mga pagkain na kahit siya mismo ay hindi maipaliwanag kung bakit niya hinahanap. Parang may sariling isip ang katawan ni
Lumipas ang isang linggo.Isang linggong puno ng katahimikan, pag-aalaga, at maliliit na sandali na unti-unting nagbabalik ng dating sigla sa buhay nina Amara at Ethan. Hindi man perpekto, ngunit sapat para maramdaman nila na unti-unti silang bumabangon mula sa mga sugat ng nakaraan.Sa bawat umaga







