LOGIN
CHAPTER 1
Eksaktong alas dose ng hatinggabi. Habang ang buong siyudad ay natutulog, nasa loob ako ng aking opisina at naghihintay ng tawag mula sa emergency room. Suot ang aking puting coat, habang ang stethoscope ay nakasabit sa aking leeg. Mahigpit kong hawak ang isang pirasong papel—ang pitong taong kasunduan, tatlong buwan mula ngayon ay matatapos na.
"Mommy, bakit hindi ko po nakikita si Daddy? Patay na po ba siya?" ibinalik ko ang tingin sa cellphone. Ang inosenteng tinig ng aking lihim na anak sa voice email na ipinadala ng kanyang tagapag-alaga ay tila kutsilyong humihiwa sa aking puso.
Naglakad ako papunta sa maliit na lababo para magtimpla ng kape. Kailangan kong manatiling gising; night shift ang duty ko. Huminto ako sa harap ng salamin. Hindi na ako ang Scarlet Ferguson na sunod-sunuran sa pamilyang Morris.
"Buhay siya, anak," bulong ko sa hangin habang dahan-dahang ibinababa ang tasa sa lamesa. Isinilid ko ang cellphone sa bulsa ng aking coat. "Pero para sa atin, hindi na siya mag-e-exist.
Napabuntong-hinga ako. Alam kong darating ang panahon na hindi ko na maitatago kay Beatrice ang tungkol sa kanyang ama. Ang maliit na pag-iisip nito ay unti-unti nang lumalawak, at ang mga tanong niya ay tila mga balang hindi ko na kayang iwasan.
Pinag-iisipan ko kung dapat ko na bang sabihin kay Draven, pero agad ding binabawi ng takot at pangamba ang aking puso. Limang taon kong itinago ang aking pagbubuntis at panganganak habang pilit kong itinataguyod ang aking sarili sa pamamagitan ng pag-aaral ng medisina. Naiisip ko noong mga sandaling kailangan ko ng karamay sa pag-aalaga sa aming anak . Sa tuwing nagkakasakit ito, nasaan nga ba si Draven Morris? Kung sasabihin ko ba sa kanya, ano nga kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya ang tungkol kay Beatrice?
Kinuha ko muli ang cellphone ko. Hinanap ko sa Wechat ang chat namin ni Draven. Makikitang iilan lang ang nagiging mensahe namin dalawa. Nagsimula ako mag-type;
'Kung magkakaroon ba tayo ng anak, ano ang gagawin mo?'
Nakatitig lang ako sa send button. Nag-aalinlangan akong i-send. Ngunit bago ko pa man mapagdesisyunan, biglang bumukas ang pinto ng opisina ko. Pumasok si Becky na humahangos, isa sa mga nurse na makakasama ko ngayong gabi. Halata sa mukha nito ang pag-aalala.
"Doc, may pasyente po tayo! Mukhang pumutok ang corpus luteum cyst niya. Galing ata siya sa 'intense sex', eh nasa unang trimester pa lang ata ang kanyang pinagbubuntis!"
Mabilis akong tumayo. Isinilid ko ang hawak na cellphone sa bulsa ng coat. Nakalimutan kong ipadala ang mensahe ko sana kay Draven. Kunot-noo akong naglakad patungo sa private emergency room.
"Hindi ba niya alam na sa unang trimester ng pagbubuntis, delikado ang ganoong klaseng aktibidad?" asik ko. Nakakainis talaga ang ibang pasyente; matitigas ang ulo. "Sino ang pasyente?"
"Isang VIP, Doc. Pinadala po rito ng pamilyang Morris."
Natigilan ako sa paglalakad. Pamilyang Morris?
Saglit akong natigilan nang mabanggit ng nurse ang pangalan ng pamilyang Morris. Nang makarating ako sa vip room, binuksan ko ang pinto at nakita ang pamilyar na babaeng nakahiga sa hospital bed. Nakaramdam ako ng saglit na pag-aatubili. Kilala ko ang babae sa pagiging maldita.
"Ms. Jana Thorne, andito na po so Doctora Ferguson." Pagbibigay ni Becky ng abiso sa pasyente na kasunod ko lang pumasok.
Ito pala ang fiancée ng pangalawang kapatid ni Draven. Saglit din akong tiningnan si Jana. Hindi ito sumagot sa sinabi ng nurse. Mahahalata sa mukha ng babae ang gulat at hindi pagkakagusto sa malaman na ako ang magiging doktor na susuri sa kanya. Mabilis itong umupo at hindi inalintana kung ano ang masakit sa bandang puson.
Lihim kong pinagmasdan ang hitsura ng babae. Si Jana Thorne ang fiancée ni Marcus Morris, ang pangalawang kapatid ni Draven. Sa pagkakaalam ko, ang kapatid ng aking asawa ay kasalukuyang nakakulong at maglilimang buwan na ito ay nasa loob ng bilangguan matapos itong ipakulong ng sariling ama dahil sa pagkakasangkot sa pagnanakaw sa kumpanya ng mga Morris. Ang sistensiya nito ay isang taon at kalahating buwan.
Napadako ang tingin ko sa hindi pa halatang tiyan nito. Kung bibilangin ko ang buwan o linggo ng pinagbubuntis nito, malabong sa pangalawang kapatid ito ni Draven. Eh, sino ang ama?
Pero ganoon pa man, hindi ako ang tipo ng tao na mag-uusisa sa buhay ng iba.
Lumapit ako sa katabing table ng hospital bed. Kumuha ako ng medical gloves para suotin.
"Ms.Thorne, humiga ka muna at susuriin na kita." Direkta kong sabi.
Saglit kaming nagkatinginan, bakas na bakas sa mukha ng babae ang hindi niya pagkakadisgusto sa akin.
"I didn't know you were practicing medicine, Scarlet. Akala ko busy ka sa paglilinis sa bahay nila Tita Eleanor." Mapait at sarkastikong biro ni Jana; hindi ito natinag sa sinabi kong humiga.
Hindi ko pinansin ang sarkastikong pagbibiro nito. Tunay ang sinabi nito na isa akong sunod-sunurang tagalinis sa bahay ng mga Morris, pero hindi na ngayon. Ang Scarlet na nakilala ng mga ito, na minamaliit noon, ngayon ay isa nang professional na doktor.
"Maraming bagay na hindi niyo alam tungkol sa akin, Ms. Thorne. Gaya ng kung paano mo ipapaliwanag kay Marcus ang edad sa possible mong pagbubuntis."
Nakita ko ang paninigas ng katawan ni Jana. Tumalim ang kanyang mga mata at bago ko pa man siya mahawakan para suriin, malakas niyang hinampas ang aking kamay.
"Ouch!" mahina kong bulong. Ramdam ko ang hapdi at siguradong mamumula ang likod ng aking kamay sa lakas niyon.
"Hindi mo na ako kailangang suriin pa! Gusto kong lumipat sa ibang ospital!" Singhal niya sa akin.
Napatingin sa akin si Becky. Mababakas sa mukha ng nurse ang pag-aalala.
"Hindi maaari, kailangan kitang masuri agad para maiwasan ang anumang komplikasyon," giit ko, pinapanatili ang aking propesyonalismo sa kabila ng ginawa nito.
Nais pa sana nitong kumontra, kaso biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang makisig na lalaki—ang kanyang tindig at awra ay sapat na para mapuno ang buong silid. Nakasuot siya ng itim na tuxedo; tila ito pa ay galing sa isang mahalagang pagtitipon.
Direktang lumapit ang lalaki sa kama kung nasaan ang kaninang malditang awra ni Jana. Sa isang iglap, naglaho na parang bula. Mula sa pagiging leon, naging mamo itong tupa.
"Draven," malambing niyang tawag sa aking asawa.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Ang asawa kong hindi man lang ako magawang tapunan ng tingin sa aming tahanan ay naririto ngayon—bakas ang pag-aalala para sa babaeng binalak akong saktan kanina lang.
"How are you, Ana?" tanong ni Draven. Ang boses ng aking asawa ay malalim, malinaw at may bahid ng pag-aalala na kailanman ay hindi ko pa narinig o naramdaman sa akin.
Nagpapantig sa aking tenga ang tawag niya sa babae. Sa loob ng pitong taon, pinanood ko kung paano maging yelo si Draven. Iniisip ko pa noon na baka sadyang ganoon lang ang kanyang pagkatao. Pero ngayon, malinaw na sa akin ang lahat. Hindi siya malamig; hindi lang talaga ako ang babaeng nais niyang bigyan ng atensiyon.
Umikot ang paningin ni Draven at nagulat ito nang magtama ang aming mga amta. Ngunit isang iglap, ang gulat na iyon ay napalitan ng pamilyar na lamig. Tila ba hindi ako ang asawa niya, kundi isang istorbo lang sa silid na iyon.
"Draven, ayoko sa ospital na ito. Ilipat mo ako sa mapagkakatiwalaang ospital." Pagmamaktol ni Jana.
"Sige," Mabilis na tugon ni Draven.
Doon ko naramdaman ang tunay na hapdi. Higit pa sa sakit ng kamay kong hinampas ni Jana. Ang hapdi ng selos at katotohanan na sumasampal sa akin. Unti-unti kong naiintindihan na ang relasyon ng dalawa sa aking harap ay higit pa sa kapatid o sa isang pagkakaibigan.
SCARLET’S POVMabilis kong pinuntahan ang madilim na pasilyo ng The Highlands Mountain Resort kung saan nanggagaling ang mabigat na paghinga. Pagliko ko sa may hardin, bumandera sa akin ang isang matandang lalaki na nakasandal sa may flower bed.Namumutla ang kanyang mukha, nanginginig ang buong katawan, at tila ba nasusuka habang hawak-hawak ang kanyang dibdib.Hindi ako nag-aksaya ng panahon bilang isang doktor. Lumuhod ako sa tapat niya at mabilis na hinawakan ang kanyang pulso.Mabilis, magulo, at matigas.Nalaman kong inaatake siya ng acute gastrointestinal spasms na pinalala pa ng biglaang pag-angat ng kanyang altapresyon. Sa ganitong katandang edad, isang maling galaw o hakbang na lang ay puwedeng magdulot ng stroke o pagbara ng ugat sa utak!"Iha… ang sakit…" huling daing ng matanda bago tila ba mawalan ng tuluyang malay.Agad kong binuksan ang aking dalang bag at inilabas ang aking personal na acupuncture kit. Sa ilalim ng malamig na hangin, mabilis at tumpak kong itinusok an
SCARLET’S POV"Dapat kasi magkusa kang magbigay ng divorce paper na may pirma mo, Scarlet. Para hindi ka na magmukhang kaawa-awa rito at baka ikaw pa ang maging harang sa 'tunay na pag-ibig' nina Mr. Morris at Miss Thorne," paghahabol pang asar ni Lucas Finch habang naglalakad kami ni Lindsay palabas ng bulwagan ng The Highlands Mountain Resort.Hindi ko na siya nilingon, ngunit si Lindsay ay umuusok na ang ilong sa galit habang nagda-drive pauwi."Bessy, swear, kailangan ko na yata ng nitroglycerin pills sa sobrang high blood ko sa dalawang 'yan!" Nanginginig ang boses ni Lindsay habang mahigpit ang hawak sa manibela. "Kung legal lang ang pumatay ng mga adulterers, niresbakan at pinasibad ko na ang kotse ko sa mukha nila! Sana talaga nag-lawmaker na lang ako noon. Kung ako lang ang may kapangyarihan o maging mayor ng Maynila, babaguhin ko ang batas at ipapakulong ko lahat ng nang-aagaw ng may karelasyon!"Natawa ako nang mahina sa kabila ng bigat sa aking dibdib. "Kung maging mayor
SCARLET’S POV"Bessy, kung gustong-gusto niyang magpasikat, bakit hindi na lang siya magdala ng kama sa stage at doon mag-show? Mas epektibo pa 'yon kaysa sa pa-VIP na pag-upo niya!" Walang humpay at gigil na bulong sa akin ni Lindsay habang nakatingin kay Jana Thorne sa unahan.Para mapigilan ang aking BFF sa tuluyang pagwawala at pagmura, agad kong isinubsob ang baso ng mango juice sa kanyang bibig. "Inumin mo na lang 'yan, Lindsay. Baka marinig ka ng mga reporter."Habang nagpapatuloy ang auction dito sa ballroom ng The Highlands Mountain Resort, hindi ko maiwasang marinig ang bulungan ng mga elitista sa paligid. Ang usap-usapan ng lahat ay kung paano naging isang bigating exception si Jana Thorne sa buhay ng kilalang malamig na si Draven Morris.Ngunit ang mas nagpadala sa akin ay nang makita ko ang mga cellphone na nakalapag sa kanilang lamesa. Magkapareho ang kanilang phone case—isang bagay na hinding-hindi gagawin ni Draven Morris noon. Kilalang-kilala ko ang mga habit niya; di
SCARLET’S POV"Draven? Anong ginagawa mo rito?"Ang malamig na tinig ni Draven Morris ang bumasag sa katahimikan ng suite. Nakatayo siya sa pintuan; ang kanyang mga mata ay pabalik-balik sa aking anyo—mula sa aking basang buhok, sa aking mga balikat, hanggang sa tuwalyang nakatapis sa aking dibdib. Wala man lang bakas ng pagkagulat o paghanga sa kanyang mukha; ang tanging nakita ko ay ang pagtataka na tila ba ako ay isang estrangherong pumasok sa kanyang teritoryo."Tinanong kita, Scarlet. Kailan ka pa dumating? May kasama ka ba?" tanong niya, na may halong hinala na baka sinusundan ko siya o ini-stalk. "Pribadong suite ko ito."Napakunot ang noo ko. Hindi niya alam na si Donya Aurora ang nag-upgrade sa akin? Bago pa man ako makasagot, narinig ko ang pamilyar na boses ng babaeng kinamumuhian ko mula sa labas ng pinto."Draven, nandiyan ka ba? Sabi nila ay nasa loob ka na."Si Jana Thorne.Imbes na ipagtanggol ang kanyang legal na asawa, agad na bumaling sa akin si Draven. "Pumunta ka
SCARLET’S POV Dahan-dahan kong ini-log out ang aking WeChat account. Ang mga pang-aasar at pambu-bully ng mga tropa ni Draven sa Moments ay hindi na nagdulot ng sakit sa akin ngayon—sa halip, naging paalala ito kung gaano ako katanga noong pitong taon akong naghahabol sa isang taong kailanman ay hindi ako minahal."Bessy, tulala ka na naman diyan," pukaw sa akin ng aking matalik na kaibigan na si Atty. Lindsay Montenegro habang tinutulungan ko siyang mag-ayos ng mga sangkap sa kusina ng aming bahay.Napabuntong-hininga ako at hinarap siya. "Iniisip ko lang ang kaligtasan ni Beatrice. Hangga't narito tayo sa bansa, malaking banta ang pamilyang Morris. Kung malalaman ni Draven ang tungkol sa bata...""Huwag kang mag-alala," seryosong sagot ni Lindsay, sabay tapik sa aking balikat. "Para makasiguro, napagkasunduan na natin na mas mabuting itago muna natin ang bata sa ilalim ng pangangalaga at proteksyon ng iyong mentor na si Dr. Alberto Sterling. Walang makakalapit sa kanya roon. At hig
SCARLET’S POVNatatawa na lamang ako sa tindi ng lakas ng loob ng mga ito na harangin ako sa tapat ng aking bago at marangyang Land Rover Range Rover. Ang kintab ng metal nito sa ilalim ng ilaw ng parking lot ay tila ba lalong nagpainit sa mga mata ni Jana na sumasabog na sa inggit."Scarlet," sarcastic na ngumisi si Jana habang pinupunasan ang gilid ng kanyang mamahaling Hermes bag. "Sigurado ka bang sa'yo ang kotse na 'yan? Baka naman hiniram mo lang 'yan kay Alejandro Valdemar para may maipagmalaki ka rito sa seremonya?"Tinitigan ko siya nang blangko bago ko binitawan ang isang malamig na ngiti. "Hindi ko hiniram, Jana. Ninakaw ko lang."Bago pa man makasagot si Jana, biglang humakbang palapit si Lucas Finch na tila ba may natuklasang malaking krimen. Itinuro niya ang plaka ng aking bagong sasakyan. "Huwag ka nang magpanggap, Scarlet! Tingnan mo nga ang plaka ng kotse mo, 'couple number' sa brand-new Rolls-Royce ni Mr. Morris! Ang plaka mo ay nagtatapos sa 7 habang kay Mr. Morris
SCARLET POVBlag!!!Nang bumagsak sa sahig at nagkawasak-wasak ang aking cellphone, kasabay niyon ang marahas na pagkaubos ng pinipigilan kong paghinga. Nakaramdam ako ng matinding kahihiyan, pagkasuklam, galit, at ang gumapang na takot sa buo kong katawan na para bang hinihigop ang buo kong lakas
ASSISTANT QIN’S POV Bumukas ang elevator at iniluwa nito si Scarlet. Tuwid ang kanyang tindig at may kakaibang lamig ang kanyang mga mata. Mapanuri ko siyang tinitigan bago ko binuksan ang double-door na opisina ng Presidente. "Hindi pa tapos ang board meeting ni Mr. Morris. Maaari ka munang m
SCARLET POVPagkapasok ko sa silid ni Grandma, hinintay ko munang matapos ang personal na doktor ng pamilya Morris sa pagsusuri niya. Nang lumapit ang doktor para magligpit ng kagamitan, dahan-dahang umupo ako sa tabi ng kama at kinuha ang kulubot na kamay ng Lola upang kapain ang kanyang pulso.Bi
SCARLET POVPumunta si Jana sa tabi ni Draven Morris. Kalmado ito sa bawat kilos na ipinapakita sa akin na siya ang tunay na reyna sa buhay ni Draven. Nagsalita siya nang puno ng lambing kay Draven. "Gutom na ako. Maghanap muna tayo ng makakainan."Binawi na ni Draven ang tingin sa akin. Hindi na n







