Share

Chapter 2:

Author: Hiraya_23
last update publish date: 2026-03-05 11:03:08

Angel Mendoza’s Point Of View

Mabilis na kinuha ng matandang babae ang pera at ang mamahaling relo. Kuminang ang mga mata nito sa sobrang sakim bago ako binigyan ng isang nakakalokong ngiti.

“Sandali lang, ganda. Hintayin mo ako dito,” malanding saad nito bago tumalikod.

Ilang saglit pa ay bumalik na rin ito, mas lalong malapad ang ngiti nito ngayon. Para bang nanalo ito sa lotto, “Come this way, ganda.”

Wala sa sarili akong sumunod.

Habang umaakyat kami papunta sa VIP floor ng club, tila unti-unting nanlalamig ang katawan ko. Ang tapang na naramdaman ko kanina ay parang bula na mabilis naglaho.

Nahihimasmasan na yata ako. Unti-unting rumehistro sa utak ko ang kabaliwang pinapasok ko.

Ano ba itong ginagawa ko? Magbabayad ako ng lalaki para turuan akong makipagsex?

Pagbukas ng elevator, itinuro sa akin ng matanda ang isang pinto sa dulo ng madilim at tahimik na hallway. “Pasok ka na riyan, ganda. Huwag kang mag-alala, sulit ang ibinayad mo.” Pagkasabi niyon ay mabilis na itong tumalikod at bumalik sa elevator.

Nanginginig ang mga kamay ko nang abutin ko ang doorknob ng VIP suite. Pagkabukas ko, sumalubong sa akin ang isang malawak at madilim na kwarto. Tanging ang mga ilaw mula sa siyudad sa labas ng malaking salamin na bintana ang nagbibigay ng liwanag.

Humakbang ako papasok. Ngunit bago pa ako makapag-isip nang maayos, narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto sa likuran ko.

CLICK.

Nanlaki ang mga mata ko. Pinihit ko nang mabilis ang doorknob pero ayaw nitong bumukas. Naka-lock ito mula sa labas!

Kaba. Takot at pagsisisi mula sa kaninang sakit na nararamdaman ko ay naging halo halo.

Gusto ko na sanang umatras at magmakaawang palabasin ako, pero bago pa man ako makasigaw, isang malamig ngunit malalim na boses ang bumasag sa loob ng tahimik na silid.

“You want to learn how to be burning wild?”

Napasinghap ako. Dahan-dahan akong lumingon at doon, sa gitna ng silid, nakita ko siya.

Kahit madilim, kitang-kita ko ang pigura niya. Matangkad, malapad ang balikat, at may awra na tila kayang lamunin ang buong pagkatao ko.

Pero ang mas ipinagtaka ko—bakit napakapormal ng suot niya? Nakasuot siya ng isang mamahaling executive suit. Hindi siya mukhang gigolo o bayarang lalaki o baka ganito ang trip nila ngayon?

Bukas ang suit jacket niya, at ang kaniyang necktie ay maluwag na nakasabit sa kaniyang leeg. Ang mga pang-itaas na butones ng kaniyang inner dress shirt ay bukas, kaya naman sa bawat paghakbang niya papalapit sa akin, kitang-kita ko ang perpekto, matipuno, at nakakaakit na hubog ng kaniyang dibdib.

Iiling sana ako. Gusto kong sabihing nagkamali ako, na kahit kanila nalang ang binayad ko. Tatalikod na sana ako muli patungo sa pinto, pero bago ko pa man magawa iyon, mabilis siyang nakalapit at hinawakan ang pulso ko.

Nang magdampi ang mga balat namin, isang kakaiba at matinding init ang biglang gumapang sa buong sistema ko. Parang kuryente na dumaloy diretso sa puson ko. Sa isang iglap, parang bumalik lahat ng kalasingan ko. Nanghina ang mga tuhod ko, at napatingala ako sa kaniya.

Tinitigan niya ako gamit ang mga matang na para bang sinusuyod ang buong pagkatao ko.

“If you want to learn, I can teach you,” mababa at paos niyang bulong, ang hininga niya ay humahaplos sa mukha ko. “But take note, it means I will be f*cking you.”

Bago pa man ma-proseso ng utak ko ang sinabi niya, mabilis niyang hinugot ang necktie na nakasabit sa leeg niya. Wala siyang pasabi. Sa ilang mabilis na galaw, hinuli niya ang dalawang kamay ko at mahigpit itong tinali sa aking harapan gamit ang necktie niya.

“W-What are you doing?!” nanginginig kong tanong. Pilit kong binabawi ang mga kamay ko pero masyadong mahigpit ang pagkakatali niya at masyado siyang malakas.

Hindi niya ako sinagot. Binitawan niya ang dulo ng tali at dahan-dahang umatras. Tumayo siya nang tuwid at sinimulan akong paikutan.

Ang tunog ng mga sapatos niya sa sahig ay nagpapabilis sa tibok ng puso ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Tumigil siya sa mismong harapan ko, inilapit ang mukha niya sa akin, at nagtanong, “Tell me... bakit mo gustong matuto?”

Napalunok ako. Unti-unting bumalik sa isip ko ang sinabi ng asawa ko. I was boring. Innocent!

“P-Para sa asawa ko,” nangangatog ang boses na sagot ko. Napayuko.

Isang madilim at mapang-uyam na tawa ang pinakawalan niya. Umiling siya, tila hindi makapaniwala sa narinig.

“For your husband, huh?” sarkastiko niyang tanong. Hinawakan niya ang baba ko at bahagyang iniangat para pilitin akong salubungin ang mga mata niya. “Why not leave him than desperately doing this crazy thing.”

Pinilit kong iniyuko ang mukha ko, gusto kong iwasan ang mga titig niya.

“D-Dahil kasalanan ko!” humihikbing at nanginginig na saad ko, ang buong katawan ay nanginginig sa matinding emosyon.

“Kasalanan ko kung bakit siya n-naghahanap! Ako ang may pagkukulang. I heard him... h-hindi ako magaling. Boring ako. Inosente ako. Wala akong kwenta sa kama kaya siya naghanap ng iba!”

Napapikit ako nang mariin, kinakagat ang ibabang labi ko para pigilan ang malalakas na hikbi pero patuloy pa rin ang pag-iyak ko.

“L-Limang taon... halos limang taon na ang relasyon namin... ayokong itapon na lang iyon ng ganun-ganun lang. Mahal ko siya...”

Pagmulat ng mga mata ko, nakita kong nagbago ang ekspresyon ng lalaki sa harap ko. Nawala ang mapang-asar na ngisi niya. Ang kaniyang mga mata ay dumilim at nag-aapoy.

Hinawakan niya ang baywang ko at marahas akong hinapit papalapit sa matigas niyang katawan.

“Then consider your lessons started,” bulong niya, bago tuluyang inangkin ang mga labi ko.

Ang mga kamay ko na nakatali sa harap ay nakadantay sa kaniyang matigas na dibdib. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng kaniyang puso—o baka puso ko na iyon na nagwawala na sa kaba.

“First…” mahina ngunit malalim nitong saad nang sandaling lumayo sa labi ko, “Ang paghalik ay hindi lang basta pagdampi ng mga labi. It’s an invitation. It’s a demand.”

Bago pa ako makasagot, naramdaman ko ang kaniyang hinlalaki na humahaplos sa ibabang labi ko, pinupwersa itong bumukas nang bahagya.

Napatingin lang ako sa kan’ya. Hindi ko maipaliwanag pero kakaiba ang nararamdaman ko. Nagwawala ang mga paru-paro sa tiyan ko.

“If you kiss him, don’t wait for him to make the first move. Get his atensyon…” bulong niya. Dahan-dahan niyang iniyuko ang kaniyang ulo, naramdaman ko ang kaniyang dila na dumaan sa gilid ng aking labi.

“Ah…” napaungol ako sa hindi inaasahang sensasyon, akmang mapapapikit.

“Don’t close your eyes yet. Look at me,”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   ANNOUNCEMENT!!

    JUNE 11, 2026 - 8:50 PMHola! Long time no see here. Namimiss ko po kayong lahat, I hope andito parin po kayo :)****************************************************************HUNTER AND RYE.Book 3 is currently under revision. Napagdisesyunan kong erevise ang book 3 dahil kailangan kong ibalik ang balance ng genre ng book. I hope you all understand po. I'm doing this for the better po. I still hope to see you po once I'm done revising na po. Thankyou so much, mga ma's

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Hunter 11:

    Ang nangyari sa library ay hindi ako pinatahimik.Paulit-ulit itong nag-play sa isip ko.Kinabukasan, naramdaman ko ang matinding bigat ng aking katawan. Ang trauma mula sa nasaksihang pagpatay at ang matinding pagod ay nauwi sa isang mataas na lagnat. Bawat paghinga ko ay mainit.Ang paningin ko ay umiikot.Ngunit natatakot ako. Natatakot akong magpahinga.Natatakot akong maparusahan kapag nalaman ni Hunter na hindi ko ginagawa ang trabaho ko.Pinilit kong tumayo. Pinilit kong ikalma ang nanginginig kong mga tuhod.Kailangan kong maglinis sa kwarto niya.Dala ang mga gamit sa paglilinis, tahimik akong pumasok sa malawak at malamig na master suite ni Hunter.Wala siya roon. Sinimulan kong punasan ang kaniyang malaking desk. Ngunit sa bawat paggalaw ko, parang tinutusok ng libu-libong karayom ang ulo ko.Umiikot ang kwarto. Naging malabo ang paningin ko. Ang huling naramdaman ko ay ang pagkawala ng lakas sa aking mga binti bago ako tuluyang bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.Mainit

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Hunter 10:

    Lumipas ang mga araw na para akong hangin sa loob ng mansyon. Isang multong naglalakad sa mga pasilyo. Walang pumapansin sa akin.Ang ibang mga katulong ay nagbibigay sa akin ng silent treatment.Umiiwas sila dahil alam nilang mainit ang dugo sa akin ng Boss nila. Takot silang madamay sa galit ni Hunter.Ngayong hapon, inatasan akong maglinis sa pinakaliblib at pinakamadilim na bahagi ng mansion... ang old library.Amoy alikabok at lumang papel ang sumalubong sa akin pagbukas ko ng mabibigat na pinto. Kakaunti lang ang ilaw rito, tanging ang sinag ng araw mula sa maliliit na bintana ang nagsisilbing liwanag.Nagsimula akong magpunas ng mga matataas na estante. Tahimik ang paligid. Masyadong tahimik.Biglang bumukas ang pinto.Lumingon ako at nakita ang isang lalaki. Isa siya sa mga tauhan o guard ng mansyon. Pamilyar ang mukha niya, ngunit hindi ko alam ang pangalan niya.Isinara niya ang pinto sa likuran niya at ni-lock ito.Bumilis ang tibok ng puso ko. Napaatras ako habang hawak ang

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Hunter 9:

    Ang lamig.Iyon ang unang sumalubong sa akin pagdilat ng aking mga mata. Ramdam ko ang matinding hapdi sa bawat kalamnan ng aking katawan habang nakahiga ako sa manipis at matigas na kutson sa lapag.Nagising ako sa maid's quarters. Walang bintana. Walang sapat na liwanag.Pilit kong iginagalaw ang aking mga daliri. Bumigat ang dibdib ko. Sa tuwing pumipikit ako, nakikita ko ang duguang katawan ni Hannah.“Hoy. Tumayo ka na diyan.”Napasinghap ako at napatingin sa pinto. Nakatayo doon ang head maid, matalim ang mga matang nakatingin sa akin. May hawak siyang isang simpleng uniporme. Inihagis niya iyon sa mukha ko.“Wala ka na sa ospital. Katulong ka na rito. Magbihis ka na dahil kailangan mong magsilbi sa dining hall. May mahalagang meeting si Boss Hunter at wala kaming oras para sa kabagalan mo,” malamig niyang utos bago tinalikuran ang pinto.Nanginginig ang mga kamay ko habang isinusuot ang uniporme.Pagpasok ko sa malawak na dining hall, halos tumigil ang pagtibok ng puso ko. Nakau

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Hunter 8:

    “At... p-paano kung... hindi siya magising?” pabulong na tanong ko, takot na takot sa sagot na ibibigay niya.Ang kaniyang mga mata ay lalong dumilim. Isang mapanganib na ngisi ang sumilay sa kaniyang mga labi.“Kung hindi siya magigising... mananatili kang alipin ko hanggang sa mamatay ka. Hanggang sa durugin ko ang buong pagkatao mo, araw-araw, hanggang sa ikaw na mismo ang magmakaawa na patayin kita.”Halos hindi ako makahinga.Ang kalupitan sa kaniyang boses ay totoo… malayong malayo sa Hunter na nakikipag-asaran lang sa akin no’n. Na iinisin ako at pagtatawanan.Tama nga ang kasabihang mas masama magalit ang taong katulad ni Hunter.“P-Paano kung... tumanggi ako?” nanginginig kong tanong, mahigpit ang hawak sa mga papel.Mabilis pa sa alas-kwatro, bumunot siya ng baril mula sa kaniyang likuran at itinutok ito nang direkta sa aking noo.CLICK.Kinasa niya ito.“Then I will put a bullet in your head right here, right now,” malamig na bulong niya, ang dulo ng malamig na bakal ay idin

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Hunter 7:

    Galit… galit na galit siya.“You look pathetic,” mababa at gasgas niyang boses ang bumasag sa nakakabinging katahimikan ng kwarto.Napalunok ako. Pinilit kong itayo ang aking sarili. Nanginginig ang aking mga tuhod, ang aking mga kamay ay mahigpit na nakakapit sa gilid ng aking hospital gown.“H-Hunter...” nanginginig kong tawag sa pangalan niya.BLAG!Isang malakas na hampas sa mesa ang ginawa niya, dahilan upang mapatalon ako at mapaatras.“Don't call me by that fucking name!” dumadagundong na sigaw niya. Ang boses niya ay parang kidlat na yumanig sa buong kwarto.Dahan-dahan siyang tumayo. Ang bawat hakbang niya palapit sa akin ay parang pagbilang ng huling mga segundo ng buhay ko. Matangkad, malapad ang balikat, at may awrang pumapatay.Napaatras ako hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader sa aking likuran.Tumigil siya sa mismong harapan ko. Ang amoy ng alak, usok, at panganib ay pumulupot sa aking paghinga. Itinaas niya ang kaniyang kamay at marahas na hinawakan ang aking

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status