Mag-log inPagpasok ni Damien sa kanyang kwarto, napahinto siya.
Wala na ang babae. Napatingin siya sa kama— magulo pa rin ang bedsheet, pero wala na ang init ng katawan ng babaeng kasama niya kagabi. Napamura siya, napahawak sa sentido. Saan siya nagpunta? Kinuha niya ang cellphone sa bedside table at mabilis na tinawagan ang isa sa kanyang mga tauhan. Pagkarinig pa lang ng sagot sa kabilang linya, agad siyang nag-utos. “Hanapin niyo siya. Ngayon din” May bahagyang pag-aalangan sa sagot ng tauhan niya, pero matigas ang boses niya nang ulitin ang utos. “Alamin niyo kung sino siya at saan siya nakatira. Dapat bago matapos ang araw, may sagot na kayo sa akin.” Pagkababa ng tawag, napaupo si Damien sa gilid ng kama, napapikit habang hinahaplos ang sentido. Malabo pa sa kanya ang mga nangyari kagabi—naalimpungatan siya, lasing, at wala sa tamang pag-iisip. Pero isang bagay ang malinaw sa kanya: Ang babaeng iyon… iba siya. At kung sino man siya, hindi siya makakatakas sa akin nang basta-basta. Wala pang ilang minuto nang tumawag muli ang tauhan niya. “Sir Damien, ang babaeng nakasama niyo kagabi ay ang asawa niyo po.” sambit nito sa kabilang linya. “What?” gulat niyang sambit at napahawak sa kaniyang sentido. “Are you sure?!” “Sure na sure, Sir. Sa kabilang unit dapat siya papasok pero nakita ko sa CCTV na hinila siya ng lalaking nagdala rin sa iyo sa kabilang unit.” “Damn it!” mura ni Damien. “Go find her! Bring her to me now!” “Yes, Sir Damien!” Samantala si Carol ay walang gana pa ring tinitigan ang annulment papers sa kanyang harapan. Para bang sa isang iglap, nawala ang dalawang taon niyang paghihintay, ang bawat pangarap niyang makita at makasama ang lalaking pinakasalan niya kahit hindi niya pa ito nakikita. Pero ngayon, gusto na nitong putulin ang lahat. Napakuyom siya ng kamao. Bakit? Halos mapatalon siya nang marinig ang malakas na katok sa pinto ng kanyang kwarto. Ilang saglit lang, bumukas iyon, at pumasok ang isa sa kanilang mga kasambahay, halatang nagmamadali. “Ma’am, may mga lalaking nasa labas. Gusto kayong makausap.” Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Carol. “Sino sila?” “Hindi po nila sinabi, pero mukhang hindi basta-basta ang dating nila. May dala silang sasakyan at mukhang may sinasabi silang importante raw.” Kinuyom ni Carol ang kumot sa kanyang kandungan. May masamang kutob siyang bumalot sa kanyang dibdib. Bumangon siya, inayos ang sarili kahit nanginginig pa rin ang kanyang katawan, bago dahan-dahang lumabas ng kwarto. Habang pababa siya ng hagdan, tanaw niya mula sa malaking bintana ang dalawang itim na SUV na nakaparada sa tapat ng kanilang mansion. Ilang lalaki ang nakatayo sa labas—mga nakaitim, matitikas ang tindig, at halatang hindi mga ordinaryong bisita. Lalo siyang kinabahan. Sa pagbukas ng kanilang pintuan, isang lalaki ang lumapit sa kanya. Matangkad ito, may matigas na ekspresyon sa mukha, at halatang sanay sa pagsunod ng utos. “Ma’am Carol?” tanong nito, malamig ang boses. Tumango siya, kahit pa may bahagyang pag-aalangan. “Sino kayo? Anong kailangan niyo sa akin?” Nagpalitan ng tingin ang mga tauhan, bago nagsalita muli ang lalaki. “Ipinapatawag po kayo ni Sir Damien.” Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Damien. Ang pangalang iyon ay tumatak sa kanyang ispan —at sa isang iglap, bumalik ang lahat ng alaala ng gabing iyon. Ang takot, ang sakit, at ang katotohanang may isang estrangherong lalaking kumuha ng hindi dapat sa kanya. Napaatras siya. “H-Hindi ko siya kilala. Wala akong alam tungkol sa kanya.” pagsisinungaling niya. Nakagawa siya ng mali, at natatakot siyang harapin ang asawa niya. “Pasensya na po, Ma’am,” matigas na sagot ng lalaki. “Pero nais po niya kayong makita.” At bago pa siya makatakbo, naramdaman niya ang malamig na bakal na posas na pumalupot sa kanyang pulso. Madiing nakapikit si Carol sa likod ng sasakyang pwersahang nagdala sa kanya. Pilit niyang kinakalma ang sarili, pero hindi niya mapigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay. Bakit siya hinahanap ni Damien? Ano’ng gusto niya? Ramdam niya ang malamig na bakal ng posas sa kanyang pulso. Hindi naman siya tinrato nang marahas ng mga tauhan nito, pero halata sa kilos ng mga ito na wala siyang pagpipilian kundi sumama. Napalingon siya sa bintana. Mas lalong lumakas ang kaba niya nang mapansin niyang hindi ito ang daan patungo sa city proper. “San’yo ako dinadala?” matigas ang tanong niya. Walang sumagot. Napakuyom siya ng kamao. Hindi siya papayag na manatiling tahimik lang at maghintay sa kung anong gustong gawin sa kanya. “Sabihin niyo kay Damien na kung may gusto siyang pag-usapan, hindi ito ang tamang paraan.” Napatingin sa kanya ang lalaking nakaupo sa harapan, ang isa sa mga tauhan ni Damien. “Huwag kang mag-alala, Ma’am. Gusto ka lang niyang makausap.” “Kung gusto niya akong makausap, puwede naman akong tawagan. Hindi ‘yung dinukot niyo ako sa mismong bahay ko!” galit niyang sagot. Pero bago pa sila makalabas ng highway, biglang huminto ang sasakyan. Napasandal siya sa upuan sa lakas ng preno. “Tang’na,” narinig niyang mura ng driver. Napasulyap siya sa labas—at nanlaki ang mata niya. Dalawang itim na SUV ang humarang sa kanilang daan. Ilang sandali lang, bumukas ang pinto ng isa sa mga sasakyan, at bumaba mula rito ang isang pamilyar na pigura. Si Damien. Napalunok si Carol habang pinagmamasdan ang lalaking papalapit sa sasakyan niya. Matangkad ito, matikas ang tindig, at ang malamig na ekspresyon sa mukha nito ay nagbigay ng kakaibang takot sa kanya. Bumukas ang pinto ng sasakyan niya, at bago pa siya makapagsalita, narinig niya ang malalim na boses ni Damien. "Wala ka talagang balak magpakita sa akin, hmm… asawa ko?" Halos hindi makahinga si Carol sa sinabi ni Damien. Asawa. Paulit-ulit na umalingawngaw ang salitang iyon sa kanyang isipan habang nakatitig sa lalaking ngayon lang niya nakita nang harapan—ang lalaking lihim niyang pinakasalan dalawang taon na ang nakalilipas. Si Damien. Ang lalaking dapat ay asawa niya… at ang lalaking ninakawan siya ng puri noong gabing iyon ay iisa? Dumagundong ang dibdib niya sa pinaghalong galit, sakit, at pagkabigla. Hindi siya agad nakapagsalita. Gusto niyang isigaw sa kanya kung ano ang ginawa nito sa kanya, gusto niyang malaman kung bakit sa loob ng dalawang taon, ni hindi ito nagpakita, ni hindi siya kinausap—at ngayon, bigla na lang siyang kakaladkarin pabalik sa buhay nito? Ngunit hindi siya maaaring magpakita ng kahinaan. Matapang niyang hinarap si Damien, pilit tinatakpan ang kaba sa kanyang dibdib. “Bakit mo ako dinukot? Anong gusto mong mangyari?” Isang bahagyang ngiti ang lumitaw sa labi ni Damien, ngunit malamig ito, walang bahid ng kasiyahan. “Hindi kita dinukot. Kinuha lang kita para sa isang usapan. Ikaw ang umalis nang hindi nagpapaalam, hindi ba?” Napalunok siya. “Dahil wala akong dahilan para manatili doon.” Nagtaas ito ng kilay, mistulang naaaliw sa sagot niya. “Wala kang dahilan? Hindi mo ba naisip na maaaring may gustong ipaliwanag sa’yo ang lalaking kasama mo kagabi?” Nagsikip ang dibdib ni Carol. Sinadya ba nitong sabihin iyon? Sinadya ba nitong ipamukha sa kanya ang nangyari? Na it was him all night? Nanginginig ang mga kamay niya, pero hindi siya umatras. “Wala akong pakialam kung sino ka, Damien. Kung ano man ang kasunduan natin noon, tapos na iyon. Nakatanggap na ako ng annulment papers. Hindi ba iyon ang gusto mo?” Napuno ng katahimikan ang pagitan nila. Tinitigan siya ni Damien, ang mga mata nito ay may bahagyang anino ng emosyon na hindi niya mabasa. Hanggang sa isang iglap, lumapit ito sa kanya, masyadong malapit para maramdaman niya ang init ng katawan nito. “Bakit ka ba nagmamadaling makawala, hmm?” bulong nito, mababa ang boses. “Dahil ba sa nangyari kagabi?” Muntik nang mawala ang kanyang tapang. Ngunit sa huli, mariin niyang sinagot: “Dahil ayokong magkaroon ng kahit anong koneksyon sa’yo.” Isang mapanganib na ngiti ang lumitaw sa labi ni Damien. “Ayaw mo ng koneksyon sa akin?” inulit niya, parang tinutukso siya. “Sigurado ka ba diyan, asawa ko?” Lalo lang lumakas ang tibok ng puso ni Carol. Gusto niyang umatras, gusto niyang lumayo, pero ayaw niyang ipakita rito na naaapektuhan siya. Pinanindigan niya ang tapang sa kanyang boses. “Oo. Ikaw ang unang lumayo. Ikaw ang unang nagdesisyong tapusin ito. At ngayon, ano? Bigla mo akong ipapatawag na parang utusan? Parang may karapatan ka pang diktahan ang buhay ko?” Bahagyang kumunot ang noo ni Damien. “Wait-What? Ako ang lumayo?” may bahagyang inis sa boses nito. “Ako ang nagdesisyong tapusin ito?” “Huwag mo akong gawing tanga, Damien!” galit niyang sabi. “Dalawang taon akong naghintay na magpakita ka, na makilala ka, kahit man lang sa simpleng usapan! Pero anong ginawa mo? Wala. At ngayong pinadala mo na ang annulment papers, bakit kailangan mo pa akong guluhin?” Tahimik lang si Damien, pero bakas sa mukha nito ang kakaibang tensyon. Parang may gusto itong sabihin, pero pinipigilan. “Sabihin mo nga sa akin,” mariing tanong ni Carol, pilit na pinakakalma ang nanginginig na boses. “Bakit mo ako pinapahanap? Dahil lang ba sa nangyari kagabi?” Hindi sumagot si Damien. Nagtagis ang kanyang bagang, napuno ng matinding sakit at poot ang kanyang dibdib. Kung iniisip nitong may makukuha pa ito sa kanya pagkatapos ng lahat, nagkakamali ito. Tumalikod siya, naglakad palayo. Pero bago pa siya makalayo nang tuluyan, narinig niya ang malalim at seryosong tinig ni Damien. “Hindi ko pinadala ang annulment papers.” Napahinto si Carol. Napalingon siya rito, gulat at naguguluhan. “Ano?” Mabagal na lumapit si Damien, at sa bawat hakbang nito, parang lumalakas ang kaba sa kanyang dibdib. “Sinabi kong hindi ako ang nagpadala ng annulment papers.” Nanlamig siya. “Hindi ikaw?” Umiling si Damien. “At gusto kong malaman kung sino ang may gustong ipawalang-bisa ang kasal natin.” Biglang may bumalik na takot sa puso ni Carol. Kung hindi si Damien ang nagpadala… sino ang gustong maputol ang kasal nila?Tahimik ang buong safe house. Hindi nawala sa isip ni Carol ang tawag ni Margaret. Paulit-ulit na umiikot sa kanyang isipan ang mga salitang sinabi nito. "Someone else is already looking for Dustin." Sino? Ano pa ba ang hindi niya alam? Napatingin siya kay Dustin na masayang naglalaro sa sala. Walang bahid ng takot ang mukha ng bata, para bang wala siyang kaalam-alam sa panganib na unti-unting lumalapit sa kanila. Mahigpit na napapikit si Carol. "Hindi kita hahayaang kunin nila," pabulong niyang sabi. Hindi na niya hahayaang maulit ang nakaraan. Sa kabilang banda, papalapit na si Damien sa safe house. Tahimik siyang nagmamaneho habang paminsan-minsang sumusulyap sa rearview mirror. Nandoon pa rin ang itim na SUV. Hindi ito nagmamadali. Hindi rin ito lumalayo. Parang naghihintay lamang ng tamang pagkakataon. Napakuyom si Damien sa manibela. Hindi siya sigurado kung sila ba talaga ang sinusundan nito o nagkataon lamang. Ngunit ayaw niyang isugal ang kaligtasan nina Caro
Madaling-araw pa lamang ay gising na si Carol.Hindi siya nakatulog nang maayos.Sa bawat pagpikit niya, bumabalik ang alaala ng mga lalaking humahabol sa kanila, ang liham na nagbanta sa kanya, at ang takot sa posibilidad na isang araw ay malaman ni Damien ang lahat.Dahan-dahan siyang bumangon upang hindi magising si Dustin.Tahimik ang buong bahay.Sa sala, nakita niyang wala si Damien sa sofa kung saan ito nagbantay buong gabi.Mula sa kusina ay narinig niya ang mahinang kalansing ng tasa.Naroon si Damien, nagtitimpla ng kape.Napalingon ito nang makita siya."Good morning.""Good morning."Sandaling katahimikan.Parang pareho silang hindi sigurado kung paano kikilos sa isa't isa matapos ang lahat ng nangyari."Maaga ka yata nagising," sabi ni Damien.Bahagyang ngumiti si Carol."Hindi lang talaga makatulog."Tumango si Damien.Naiintindihan niya.Kung tutuusin, siya man ay halos walang tulog.Hindi dahil sa panganib.Kundi dahil sa mga tanong na unti-unting sumisira sa katahimik
Tahimik ang umaga sa safe house.Sa labas ng lumang bahay ay maririnig lamang ang huni ng mga ibon at ang mahinang paggalaw ng mga dahon sa tuwing hahaplos ang hangin. Matapos ang magulong gabi, tila pansamantalang tumigil ang mundo upang bigyan sila ng pagkakataong makahinga.Ngunit hindi lahat ay nakatagpo ng kapayapaan.Nakaupo si Damien sa balkonahe habang hawak ang isang tasa ng kape. Nakatanaw siya sa malawak na damuhan sa harap ng bahay, ngunit hindi talaga iyon ang nakikita niya.Ang nasa isip niya ay si Carol.At si Dustin.Paulit-ulit na bumabalik sa kanya ang mga nangyari kagabi.Ang takot sa mukha ni Carol.Ang desperasyon sa boses nito nang isigaw ang pangalan niya.At ang mahigpit na pagkakayakap nito kay Dustin na para bang handa itong ibigay ang sariling buhay para lamang maprotektahan ang anak.Hindi iyon normal.May mas malalim na dahilan.May mas malaking lihim.At alam niyang may kaugnayan siya roon.Napabuntong-hininga siya."You're thinking too much."Napalingon
Sa kalaliman ng gabi, huminto ang kotse sa isang liblib na lugar. Tahimik ang paligid, tanging ugong ng makina at lagaslas ng ulan ang maririnig. Nasa harap nila ang isang lumang bahay na yari sa kahoy at semento, bahagyang natatabingan ng mga punong kahoy. Wala itong halatang palatandaan na may nakatira, ngunit sa mismong katahimikan at simpleng anyo nito, makikita ang esensya ng pagiging isang safe house.Dahan-dahang bumaba si Damien mula sa kotse at agad na tinakpan ng payong ang gilid kung saan naroon si Carol at Dustin. “Halika na,” maikli at mariing utos niya, walang bakas ng pag-aalinlangan sa boses, ngunit mabigat ang bawat salita.Si Carol, yakap pa rin ang anak na nakasubsob sa leeg niya, ay tumango lamang. Mabigat ang bawat hakbang niya papunta sa pintuan ng bahay, ramdam niya ang lamig ng ulan na bumabagsak sa kanilang balat, parang mga daliring patuloy na nagpapaalala ng takot na kanina lang ay halos lamunin sila.Pagbukas ng pinto, bumungad ang amoy ng lumang kahoy at a
Kinabukasan, maaga pa lamang ay naroon na si Carol sa opisina. Mabigat ang bawat hakbang niya, at sa bawat galaw ay ramdam ang pagod na hindi lang pisikal, kundi mas malalim pa,isang pagod na galing sa isip at sa puso. Namumugto ang kaniyang mga mata, halatang halos walang tulog kagabi. Paulit-ulit kasi na bumabalik sa kaniyang alaala ang sulat na natagpuan niya kagabi sa pinto ng kanilang unit,isang malamig, nakakatakot, at puno ng banta.Habang umuupo siya sa mesa, parang ang bigat ng mundo ay nakapatong sa kaniyang balikat. Dahan-dahan niyang binuksan ang kaniyang laptop, pinilit na kumalma, at nagsimulang mag-type ng email.FILLING FOR LEAVE> Good morning, Ma’am.Nais ko pong mag-file ng indefinite leave simula ngayong linggo dahil sa personal na kadahilanang nangangailangan ng aking buong atensyon. Sisikapin kong maayos ang lahat bago ako bumalik sa trabaho.Maraming salamat po sa pag-unawa.– CarolPagkatapos pindutin ang send, napalunok siya nang malalim. Para bang may isang m
Tahimik pa ring nakaupo si Damien, naghihintay ng kasagutan habang tila binibilang ang bawat tibok ng kanyang puso. Ngunit sa halip na kumpirmasyon, isang malamig at matatag na tinig ang bumasag sa tensyon.“Hindi mo siya anak, Damien.”Napakunot ang noo ni Damien. “Anong—”“Hindi mo siya anak,” ulit ni Carol, this time, mas mariin. “Anak ko siya… sa ibang lalaki.”Napatigil si Damien. Hindi agad siya nakapagsalita. Para siyang tinanggalan ng hininga, pero pilit pa ring sinikap na intindihin ang narinig.“Carol…” mahinang sabi niya, “Kung gano’n, bakit hindi mo agad sinabi noon pa? Bakit mo ako pinaiikot? Seriously? Are you fvcking kidding me? Pinaglalaruan mo ba ako?” tila galit na sambit ni Damien.Lumunok si Carol. Pilit niyang itinatagong nangingilid na luha. “Akala ko kaya ko. Akala ko madali lang ang magsinungaling para protektahan siya… para protektahan ka. Pero ngayong nandito ka na, hindi ko alam kung alin ang mas makakasakit—ang totoo, o ‘tong kasinungalingang pinilit kong p
Sa isang mataas na gusali sa Makati, sa loob ng isang moderno ngunit simpleng opisina, nakaupo si Damien sa harap ng kanyang desk. Ang monitor ay nakabukas, naglalaman ng spreadsheet na matagal na niyang tinitigan pero hindi man lang niya nai-scroll. Ilang ulit na siyang nag-type ng mga numero at b
Pagdating ni Damien sa café, agad siyang luminga-linga, umaasang makikita roon si Carol. Suot niya ang dark blue blazer na bahagyang nabasa ng ulan, at dala-dala ang kaba’t pananabik na buong gabi niyang pinasan. Pero ang inabutan niya lamang ay isang bakanteng mesa, isang tasa ng kape na kalahati
Nag-angat si Carol ng kilay. Ang sakit na matagal na niyang itinago ay nagsimula muling magbalik."Damien, I’m busy," mahinang sagot ni Carol. Ngunit kahit ganun, ang mga salitang iyon ay may kabuntot na isang hindi malirip na sakit."I know, but this is important," wika ni Damien. "It’s about the
FIVE YEAR LATERSa isang eleganteng fashion studio sa Paris, France, nakatayo si Carol sa harap ng isang malaking salamin habang inaayos ang isang haute couture gown na gawa niya mismo. Suot niya ang isang sleek na itim na dress, na nagpapakita ng kanyang pagiging isang ganap na fashion designer.“







