LOGINFIVE YEAR LATER
Sa isang eleganteng fashion studio sa Paris, France, nakatayo si Carol sa harap ng isang malaking salamin habang inaayos ang isang haute couture gown na gawa niya mismo. Suot niya ang isang sleek na itim na dress, na nagpapakita ng kanyang pagiging isang ganap na fashion designer. “Madame Carol, the client is here,” wika ng kanyang assistant na si Sophie. Ngumiti si Carol at tumango. “Merci, Sophie. I’ll be right there.” Lumipas ang limang taon mula nang lisanin niya ang buhay niya sa Pilipinas—mula nang piliin niyang umalis at magsimula ng panibagong buhay. Matapos ang lahat ng sakit, panlilinlang, at pagsubok na pinagdaanan niya, itinayo niya ang sarili niyang fashion brand sa France. Ngayon, isa na siyang kilalang pangalan sa industriya, at ang kanyang mga disenyo ay suot ng mga pinakamalalaking pangalan sa mundo. Sa kabila ng lahat ng tagumpay, may mga gabing tahimik niyang iniisip ang nakaraan—si Damien, ang lahat ng nangyari sa kanila, at ang pagkawala nito sa buhay niya. Ngunit itinulak niya ang lahat ng iyon sa likod ng kanyang isip. Tapos na iyon. Wala na siyang balak bumalik. Pagkauwi ni Carol sa kanyang eleganteng apartment sa Paris, isang maliit ngunit malakas na tinig ang agad niyang narinig. “Mommy!” Napangiti siya bago pa man niya makita ang munting katawan na sumalubong sa kanya. Mabilis siyang yumuko upang saluhin ang yakap ng kanyang anak—si Dustin, isang apat na taong gulang na batang lalaki na may itim na buhok at mga matang tila pamilyar sa kanya. Mga matang matagal na niyang hindi nakikita, pero hinding-hindi niya nalilimutan. “Bonjour, mon bébé,” malambing niyang sabi habang hinahaplos ang buhok ng anak. “Did you have fun today?” Tumango ang bata, nangingislap ang mga mata sa tuwa. “Oui, Mommy! I drew something for you!” Tiningnan ni Carol ang hawak nitong papel—isang masayang pamilya, may isang babae, isang maliit na bata, at isang lalaking may matipunong katawan, pero ang mukha ay mukhang hindi nito nalagyan ng detalye. Napahigpit ang hawak ni Carol sa papel, ngunit pinilit niyang ngumiti. Alam niya kung sino ang lalaki sa drawing, ngunit hindi siya nagpaepekto. “It’s beautiful, sweetheart,” aniya, hinahalikan ang noo ng anak. “Mommy, where is my Daddy?” biglang tanong ni Dustin, inosenteng nakatingin sa kanya. Nanigas si Carol. Alam niyang darating ang araw na tatanungin siya nito tungkol sa ama, pero hindi niya inakalang ngayon na iyon. Mabilis niyang tinapunan ng tingin ang nanny ni Dustin, na tahimik lang na nakatingin sa kanila mula sa kusina. Huminga siya nang malalim at lumuhod sa harap ng anak, marahang hinahaplos ang pisngi nito. “Sweetheart, Daddy is… busy right now,” sagot niya, pilit pinapakalma ang sarili. “But Mommy is always here, okay?” Dustin frowned. “Will he ever come to see me?” Hindi agad nakasagot si Carol. Hindi niya alam. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kapag dumating ang araw na matuklasan ni Damien ang tungkol sa kanilang anak. At hindi niya alam kung kaya pa niyang harapin ang lalaking minsan niyang minahal… pero ngayon ay wala na siyang balita pa. Habang tinutulungan ni Carol si Dustin sa kanyang mga laruan, biglang tumunog ang doorbell. Napatingin siya sa relo—hindi siya nag-aasahan ng bisita ngayong gabi. “Stay here, sweetheart,” malambing niyang sabi kay Dustin bago tumayo at naglakad patungo sa pinto. Pagbukas niya, bumungad sa kanya ang isang matangkad na lalaki na may hawak na isang sobre. “Madame Caroline Dela Vega?” tanong nito. “Yes?” maingat niyang sagot. Iniabot ng lalaki ang sobre. “This is for you. It’s urgent.” Kumunot ang noo ni Carol habang kinuha iyon. Bago pa man siya makapagtanong, tumango lang ang lalaki at agad na umalis. Dahan-dahan niyang binuksan ang sobre, at nang makita niya ang laman nito, napahigpit ang hawak niya. Isang imbitasyon. GALA NIGHT AT BUSINESS COLLABORATION EVENT At may isang sulat mula sa dati niyang Filipino professor noong college sa Italy ang natanggap niya. Sa kanyang pagtataka, agad niya itong binuksan. “Dear Carol, It's been a long time! I have been following your success in the fashion industry, and I must say, I am truly proud of you. I would like to personally invite you to an exclusive fashion symposium here in Milan. It will be a gathering of top designers, and I believe this will be a great opportunity for you to showcase your talent on a larger stage. I hope to see you here soon. Let me know if you’re interested!” —Prof. Ricardo Moretti Hindi napigilan ni Carol ang mapangiti. It has been years since she last spoke to her professor, but she never forgot how much he supported her dreams back in college. Tumingin siya kay Dustin, na abala sa paglalaro ng kanyang mga laruan. Kung pupunta siya sa Italy, kakailanganin niyang ayusin ang schedule niya. Mabilis na lumipas ang araw at dumating ang araw ng GALA NIGHT. Ang engrandeng ballroom ay puno ng magagarang ilaw, eleganteng dekorasyon, at mga kilalang personalidad mula sa mundo ng negosyo at fashion. Ang gala na ito ay hindi lang isang simpleng pagtitipon—ito ay isang prestihiyosong event kung saan ang pinakamayayaman at pinakamakapangyarihan ay nagtitipon upang ipakita ang kanilang impluwensya. Sa entrance ng venue, bumaba si Carol mula sa kanyang sasakyan. Suot niya ang isang eleganteng itim na gown na may malalim na likod at perpektong akma sa kanyang katawan. Ang kanyang buhok ay nakaayos sa isang sleek bun, at ang kanyang makeup ay simple pero sophisticated. Walang duda, isa siya sa pinakakaakit-akit na babae sa gabing iyon. Habang naglalakad siya papasok, dama niya ang mga matang nakatingin sa kanya. Marami ang nakakakilala sa kanya bilang matagumpay na fashion designer mula sa France. Ngunit ang iba, lalo na ang mga hindi niya kilala, ay tila nagtataka kung sino siya. Pagpasok niya sa main hall, sinalubong siya ng kanyang dating professor na si Ricardo Moretti. “Carol! Bellissima!” masayang bati nito habang niyayakap siya nang mahigpit. “Napakaganda mo, gaya ng dati.” Ngumiti si Carol. “Grazie, Professor. Salamat sa imbitasyon.” “Ikaw pa? Hindi kita papalampasin! Alam mo ba kung gaano karaming investors at designers ang gustong makilala ka ngayon?” Napangiti si Carol, pero bago pa siya makasagot, biglang natigilan siya. Sa kabilang dulo ng hall, isang pamilyar na pigura ang nakita niya—Damien. Suot nito ang isang itim na tuxedo, at sa tabi niya ay ang isang babae… Maganda, sophisticated, at tila modelo ang datingan. Nakatayo ang dalawa, at tila may kausap na mga business partners, pero kahit hindi siya tinitingnan ni Damien, hindi niya maiwasang maramdaman ang bigat ng presensya nito. Huminga nang malalim si Carol at pinilit ang sarili na huwag magpaapekto. Matagal na niyang iniwan ang nakaraan. Dumating siya rito para sa kanyang career, hindi para sa emosyon. Pero ang isang bagay na hindi niya inaasahan ay ang pagtagpo ng kanilang mga mata. Nang lumingon si Damien sa direksyon niya, nagtama ang kanilang mga paningin. At sa sandaling iyon… parang huminto ang mundo niya. Nanigas naman si Carol nang magtama ang mga mata nila ni Damien. Sa loob ng limang taon, akala niya'y tuluyan na niyang naiwan ang lahat ng sakit at alaala. Pero sa isang saglit lang—sa isang tingin—parang bumalik lahat. Si Damien naman ay tila nagulat. Kitang-kita niya ang bahagyang pagkalito sa mga mata nito. Halatang hindi nito inaasahan na makita siya rito. “Do I know her?” mahina pero puno ng pagtataka na bulong ni Damien. Mula sa tabi nito, napansin ni Jeannie ang direksyon ng tingin ng asawa. Mabilis siyang sumingit at hinawakan ang braso ni Damien, na parang ipinapakitang siya ang may-ari ng lalaking ito ngayon. “Something wrong, darling?” malambing pero may bahagyang tensyon sa boses ni Jeannie. Nagising si Carol sa reyalidad. Ngumiti siya, pero hindi niya mapigilang may bahagyang sakit sa loob. Tumango siya bilang pagbati kay Damien, pagkatapos ay ibinalik ang atensyon kay Ricardo. “Carol, halika. May ipapakilala ako sa’yo,” sabi ni Ricardo, hinihila siya palayo. Bago siya tuluyang lumayo, muli niyang narinig ang tinig ni Damien— mahina, pero sapat para marinig niya. “Why does it feel like… I know her?” Pero hindi na siya lumingon. Hindi na siya ang dating Carol na mahina at madaling masaktan. Siya na ngayon si Caroline na may sarili nang pangalan, sariling buhay. At wala nang puwang si Damien doon. Matikas na nakatayo si Professor Ricardo habang tila may hinahanap na tao. At sa isang saglit lang ay kumaway ito sa direksyong ayaw niyang tingnan pa. “Sh*t, No.” sambit ni Carol sa isipan niya. Pero wala na siyang nagawa pa nang hilahin siya ni Ricardo patungo sa mga ito. “Caroline, I’d like you to meet Mr. Damien Alcaraz. Isa siya sa pinakamahalagang business partners ng fashion industry ngayon.” Napalunok si Carol. Of all people… Dahan-dahan siyang humarap kay Damien, ngunit sa halip na pagkagulat o emosyon sa mukha nito, nakita niya ang isang malamig na ekspresyon. Walang bahid ng pagkilala. “Pleasure to meet you, Miss Caroline,” sabi ni Damien, walang emosyon at pormal na iniabot ang kamay. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Carol. Hindi niya ako… kilala? Pinilit niyang kontrolin ang kanyang sarili at maingat na iniabot ang kamay dito. “It’s nice to meet you too, Mr. Alcaraz,” sagot niya, kahit pa ramdam niyang nanginginig ang boses niya. Nang magtama ang kanilang mga kamay, para bang may kuryenteng dumaloy sa katawan ni Carol. Pero si Damien? Diretso lang ang ekspresyon nito, parang walang kahit anong nararamdaman. “Ahem.” Sumingit si Jeannie, bahagyang hinawakan ang braso ni Damien. “Ako naman si Jeannie, ang asawa ni Damien. Nice to meet you, Caroline.” Parang binuhusan ng malamig na tubig si Carol. Asawa? Nag-asawa ulit si Damien? Para siyang naguguluhan sa nangyayari. “Nice to meet you too.” wala sa sariling tugon ni Carol. “Magkakilala ba kayo ng asawa ko?” bigla ay tanong ni Jeannie. Napakunot naman ng noo si Damien. “Kilala mo ba ako?” Nanigas ang katawan ni Carol. Walang kahit anong bahid ng pagkilala sa mukha nito. Pero mabuti na rin ‘yon kung hindi na talaga siya nito naaalala. “N–No.” “Ah, hindi naman pala!” mabilis na sabi ni Jeannie, pilit na tinatago ang sakit. “Nagkataon lang siguro.” Tumango si Damien, tila wala talagang ideya kung sino siya. “I see. Well then, I hope we have a productive collaboration, Miss Carol.” Ngumiti si Carol, pilit na itinatago ang bumibigat na dibdib. “Of course, Mr. Alcaraz.” At sa sandaling iyon, naisip niya… Bakit siya ang nasasaktan, gayong siya naman ang nang iwan? Ngunit hindi pa rin siya makapaniwala sa pangyayari. Kasama niya ngayon si Damien sa isang private lounge ng gala, habang si Jeannie ay nakikipag-usap sa ibang guests. “I heard you’re one of the best designers in Europe now,” malamig na sabi ni Damien habang nakaupo ito sa tapat niya, hawak ang isang baso ng alak. Hindi agad nakasagot si Carol. Hindi niya pa rin matanggap na wala talagang kahit anong pagkilala sa mata nito. “It’s an honor na kilala mo ako,” sagot niya, pilit na tinatago ang sakit sa likod ng isang professional smile. Diretsong tumingin si Damien sa kanya, tila sinusuri siya. “I want to make a special request.” Nagkibit-balikat si Carol. “And what would that be, Mr. Alcaraz?” Nagtagpo ang kanilang mga mata. Sa isang iglap, may kung anong bumalik na emosyon sa mukha ni Damien, pero agad ding nawala. “Gusto kong ikaw ang mag-design ng wedding outfits namin ni Jeannie. Ikakasal kami for the 2nd time.” Parang nawala ang lahat ng tunog sa paligid ni Carol. Tama ba ang narinig ko? “I—what?” “Gusto kong ikaw ang gumawa ng gown ni Jeannie at ng suit ko para sa kasal namin,” ulit ni Damien, walang bahid ng pag-aalinlangan sa boses. Hindi agad nakapagsalita si Carol. Ang lalaking minsan niyang minahal—na ama ng kanyang anak—ngayon ay kaharap niya, humihiling na siya ang maghanda ng isusuot nito sa ikalawang kasal nito sa ibang babae. Napahinga siya nang malalim, pinipigil ang pagnginig ng kamay niya. This is too much. “Wow…” mahina niyang sabi, bahagyang tumawa pero walang saya. “Out of all designers in the world, ako talaga ang naisip mo?” sambit ni Carol sa isipan niya. “You’re the best,” sagot ni Damien, na tila narinig ang nasa isip niya. “At gusto kong perpekto ang kasal namin ni Jeannie.” May kung anong bumigat sa puso ni Carol. Gusto niyang tumanggi. Gusto niyang sabihin na hindi niya kaya. Pero… kaya ba niyang ipakita na apektado pa rin siya? Kaya ba niyang aminin sa harap ni Damien na kahit wala itong maalala, siya pa rin ang talo? Napangiti siya, isang mapait na ngiti. “If that’s what you want, Mr. Alcaraz… then, I accept.”Tahimik ang buong safe house. Hindi nawala sa isip ni Carol ang tawag ni Margaret. Paulit-ulit na umiikot sa kanyang isipan ang mga salitang sinabi nito. "Someone else is already looking for Dustin." Sino? Ano pa ba ang hindi niya alam? Napatingin siya kay Dustin na masayang naglalaro sa sala. Walang bahid ng takot ang mukha ng bata, para bang wala siyang kaalam-alam sa panganib na unti-unting lumalapit sa kanila. Mahigpit na napapikit si Carol. "Hindi kita hahayaang kunin nila," pabulong niyang sabi. Hindi na niya hahayaang maulit ang nakaraan. Sa kabilang banda, papalapit na si Damien sa safe house. Tahimik siyang nagmamaneho habang paminsan-minsang sumusulyap sa rearview mirror. Nandoon pa rin ang itim na SUV. Hindi ito nagmamadali. Hindi rin ito lumalayo. Parang naghihintay lamang ng tamang pagkakataon. Napakuyom si Damien sa manibela. Hindi siya sigurado kung sila ba talaga ang sinusundan nito o nagkataon lamang. Ngunit ayaw niyang isugal ang kaligtasan nina Caro
Madaling-araw pa lamang ay gising na si Carol.Hindi siya nakatulog nang maayos.Sa bawat pagpikit niya, bumabalik ang alaala ng mga lalaking humahabol sa kanila, ang liham na nagbanta sa kanya, at ang takot sa posibilidad na isang araw ay malaman ni Damien ang lahat.Dahan-dahan siyang bumangon upang hindi magising si Dustin.Tahimik ang buong bahay.Sa sala, nakita niyang wala si Damien sa sofa kung saan ito nagbantay buong gabi.Mula sa kusina ay narinig niya ang mahinang kalansing ng tasa.Naroon si Damien, nagtitimpla ng kape.Napalingon ito nang makita siya."Good morning.""Good morning."Sandaling katahimikan.Parang pareho silang hindi sigurado kung paano kikilos sa isa't isa matapos ang lahat ng nangyari."Maaga ka yata nagising," sabi ni Damien.Bahagyang ngumiti si Carol."Hindi lang talaga makatulog."Tumango si Damien.Naiintindihan niya.Kung tutuusin, siya man ay halos walang tulog.Hindi dahil sa panganib.Kundi dahil sa mga tanong na unti-unting sumisira sa katahimik
Tahimik ang umaga sa safe house.Sa labas ng lumang bahay ay maririnig lamang ang huni ng mga ibon at ang mahinang paggalaw ng mga dahon sa tuwing hahaplos ang hangin. Matapos ang magulong gabi, tila pansamantalang tumigil ang mundo upang bigyan sila ng pagkakataong makahinga.Ngunit hindi lahat ay nakatagpo ng kapayapaan.Nakaupo si Damien sa balkonahe habang hawak ang isang tasa ng kape. Nakatanaw siya sa malawak na damuhan sa harap ng bahay, ngunit hindi talaga iyon ang nakikita niya.Ang nasa isip niya ay si Carol.At si Dustin.Paulit-ulit na bumabalik sa kanya ang mga nangyari kagabi.Ang takot sa mukha ni Carol.Ang desperasyon sa boses nito nang isigaw ang pangalan niya.At ang mahigpit na pagkakayakap nito kay Dustin na para bang handa itong ibigay ang sariling buhay para lamang maprotektahan ang anak.Hindi iyon normal.May mas malalim na dahilan.May mas malaking lihim.At alam niyang may kaugnayan siya roon.Napabuntong-hininga siya."You're thinking too much."Napalingon
Sa kalaliman ng gabi, huminto ang kotse sa isang liblib na lugar. Tahimik ang paligid, tanging ugong ng makina at lagaslas ng ulan ang maririnig. Nasa harap nila ang isang lumang bahay na yari sa kahoy at semento, bahagyang natatabingan ng mga punong kahoy. Wala itong halatang palatandaan na may nakatira, ngunit sa mismong katahimikan at simpleng anyo nito, makikita ang esensya ng pagiging isang safe house.Dahan-dahang bumaba si Damien mula sa kotse at agad na tinakpan ng payong ang gilid kung saan naroon si Carol at Dustin. “Halika na,” maikli at mariing utos niya, walang bakas ng pag-aalinlangan sa boses, ngunit mabigat ang bawat salita.Si Carol, yakap pa rin ang anak na nakasubsob sa leeg niya, ay tumango lamang. Mabigat ang bawat hakbang niya papunta sa pintuan ng bahay, ramdam niya ang lamig ng ulan na bumabagsak sa kanilang balat, parang mga daliring patuloy na nagpapaalala ng takot na kanina lang ay halos lamunin sila.Pagbukas ng pinto, bumungad ang amoy ng lumang kahoy at a
Kinabukasan, maaga pa lamang ay naroon na si Carol sa opisina. Mabigat ang bawat hakbang niya, at sa bawat galaw ay ramdam ang pagod na hindi lang pisikal, kundi mas malalim pa,isang pagod na galing sa isip at sa puso. Namumugto ang kaniyang mga mata, halatang halos walang tulog kagabi. Paulit-ulit kasi na bumabalik sa kaniyang alaala ang sulat na natagpuan niya kagabi sa pinto ng kanilang unit,isang malamig, nakakatakot, at puno ng banta.Habang umuupo siya sa mesa, parang ang bigat ng mundo ay nakapatong sa kaniyang balikat. Dahan-dahan niyang binuksan ang kaniyang laptop, pinilit na kumalma, at nagsimulang mag-type ng email.FILLING FOR LEAVE> Good morning, Ma’am.Nais ko pong mag-file ng indefinite leave simula ngayong linggo dahil sa personal na kadahilanang nangangailangan ng aking buong atensyon. Sisikapin kong maayos ang lahat bago ako bumalik sa trabaho.Maraming salamat po sa pag-unawa.– CarolPagkatapos pindutin ang send, napalunok siya nang malalim. Para bang may isang m
Tahimik pa ring nakaupo si Damien, naghihintay ng kasagutan habang tila binibilang ang bawat tibok ng kanyang puso. Ngunit sa halip na kumpirmasyon, isang malamig at matatag na tinig ang bumasag sa tensyon.“Hindi mo siya anak, Damien.”Napakunot ang noo ni Damien. “Anong—”“Hindi mo siya anak,” ulit ni Carol, this time, mas mariin. “Anak ko siya… sa ibang lalaki.”Napatigil si Damien. Hindi agad siya nakapagsalita. Para siyang tinanggalan ng hininga, pero pilit pa ring sinikap na intindihin ang narinig.“Carol…” mahinang sabi niya, “Kung gano’n, bakit hindi mo agad sinabi noon pa? Bakit mo ako pinaiikot? Seriously? Are you fvcking kidding me? Pinaglalaruan mo ba ako?” tila galit na sambit ni Damien.Lumunok si Carol. Pilit niyang itinatagong nangingilid na luha. “Akala ko kaya ko. Akala ko madali lang ang magsinungaling para protektahan siya… para protektahan ka. Pero ngayong nandito ka na, hindi ko alam kung alin ang mas makakasakit—ang totoo, o ‘tong kasinungalingang pinilit kong p
Nanatiling tahimik si Carol, ramdam ang bigat ng bawat salita ni Tita Margaret. Parang unti-unting bumagsak ang mundo niya sa mga narinig. Hindi siya makapaniwala—hindi niya alam kung alin ang totoo at alin ang kasinungalingan. Pero isang bagay ang sigurado niya— hindi niya kayang ipagsapalaran ang
Nanigas si Carol sa sinabi ni Vincent. Si Tita Margaret? Ang ina ni Damien?Agad siyang napatingin kay Damien, at sa unang pagkakataon, nakita niyang nawala ang maskara ng pagiging kalmado nito. Matalim ang tingin ng lalaki, ngunit sa ilalim ng galit ay may bahid ng pagtataka.“Siguraduhin mong ala
Napakurap si Carol. Ang pamilya ko? Hindi siya makapaniwala. Bakit sila? “Wala silang dahilan para gawin ‘to,” mariin niyang sagot. “Kung gusto nilang mapawalang-bisa ang kasal natin, bakit hindi nila sinabi sa’kin?” Tumawa nang mapakla si Damien. “At sa tingin mo, sasabihin nila? Alam mo bang i
Nanlamig ang katawan ni Carol sa rebelasyong iyon. Kung hindi si Damien ang nagpadala ng annulment papers… sino? Napatingin siya rito, pilit hinahanap sa mukha ng lalaki ang kahit anong senyales ng pagsisinungaling. Pero seryoso ang ekspresyon ni Damien—matigas, walang bahid ng biro. “Ano’ng ibig
![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






