Mag-log inNanigas si Carol sa sinabi ni Vincent. Si Tita Margaret? Ang ina ni Damien?
Agad siyang napatingin kay Damien, at sa unang pagkakataon, nakita niyang nawala ang maskara ng pagiging kalmado nito. Matalim ang tingin ng lalaki, ngunit sa ilalim ng galit ay may bahid ng pagtataka. “Siguraduhin mong alam mo ang sinasabi mo, Vincent.” malamig na sabi ni Damien. Napailing si Vincent. “Wala akong dahilan para magsinungaling. Sinabi ko na sa inyo, hindi ko ginusto 'to. Pero kung gusto mong malaman ang lahat, makabubuting kausapin mo ang sarili mong ina, Damien.” Muling nagdilim ang ekspresyon ni Damien. Tumayo ito, halatang hindi makapaniwala. “Impossible! Walang dahilan si Mommy para gawin ‘to!” “Tsk. Talaga?” Tumawa si Vincent, pero halatang walang saya. “Dahil sa kaniya kaya ako napilitang dalhin si Carol sa unit mo. Binalaan niya ako. Sinabi niyang may mas delikadong mangyayari kung hindi ko susundin ang gusto niya.” Napalunok si Carol. “Pero… Bakit? Ano ang gusto niyang mangyari?” Tumahimik si Vincent, at sa isang iglap, tila may bumigat sa hangin. Sa huli, mahina niyang sinabi, “Ayaw niyang magkasama kayong dalawa.” Nanlamig ang pakiramdam ni Carol. Samantala, matagal na nakatitig lang si Damien kay Vincent, bago ito biglang tumalikod at mabilis na lumabas. “Damien!” Tawag niya, pero hindi siya nito nilingon. Mabilis na sumunod si Carol palabas, habang patuloy na bumibigat ang kanyang dibdib. Nang abutan niya ito sa labas, nakita niyang mariing nakuyom ang kamao nito. “Damien, sandali lang—” “Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang dahilan ng lahat ng 'to.” Tumingin ito sa kanya, at sa kabila ng galit, nakita niya ang sakit sa mata nito. “Kahit sino pa ang nasa likod nito, Carol… Kahit pa ang sarili kong ina!” Huminga nang malalim si Carol at dahan-dahang hinawakan ang kamay ni Damien. Ramdam niya ang tensyon sa katawan nito, ang panginginig ng kanyang kamao dahil sa pinaghalong galit at pagtataksil. “Damien, sandali—” mahinahong sabi niya, pilit na hinahatak pabalik ang atensyon ng asawa. “Alam kong galit ka, pero hindi ka dapat magpadalos-dalos. She still your mom, baka may hindi lang kayo pagkakaintindihan.” Napatingin si Damien sa kanya, at sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ni Carol ang bahagyang pagkalito sa mga mata nito. Parang isang bahagi ng kanya ay gustong sumabog, ngunit pinipigilan niya ito. “Paano mo gustong kumalma ako, Carol?” mahina pero puno ng emosyon na sagot ni Damien. “Ina ko ang pinag-uusapan natin. Siya ang posibleng may pakana ng lahat ng ‘to.” Hinawakan ni Carol ang magkabilang pisngi niya, pinilit siyang tingnan ito sa mata. “At mas lalo mong kailangang mag-isip nang malinaw. Hindi natin alam ang buong kwento. Hindi natin alam ang dahilan niya.” Huminga nang malalim si Damien. Alam niyang tama si Carol. Kung pupunta siya sa ina niya nang punong-puno ng galit, baka lalo lang itong lumala. “Damien, hindi kita pinipigilan,” patuloy ni Carol. “Pero harapin natin ito nang may mahinahong isip. Huwag mong hayaang madala ka ng emosyon mo.” Tahimik na tinitigan siya ni Damien bago ito tuluyang napabuntong-hininga. Dahan-dahan nitong binitiwan ang pagkakakuyom ng kamao at marahang hinawakan ang kamay ni Carol. “Okay,” bulong niya. “Pero gusto kong malaman ang totoo. At kung totoo ngang nasa likod nito ang Mommy ko... Wala akong pakialam kung sino siya. Mananagot siya.” Kitang-kita ni Carol kung gaano kagalit si Damien ngayon, ngunit unti-unti din naman itong huminahon. Biglang tumunog ang cellphone ni Damien. Agad niya itong sinagot, at sa bawat segundong lumilipas, unti-unting nagdilim ang ekspresyon niya. “Ano?!” mariin niyang tanong, habang mariing nakuyom muli ang kamao. Napansin ni Carol ang biglang pagbabago ng timpla ng asawa. “Anong nangyari?” tanong niya, pero hindi siya agad sinagot ni Damien. “Nandiyan na ba ang security? Lock down the entire floor. I don’t care what it takes— huwag ninyong hayaang makalabas ang sino man!” matigas na utos ni Damien sa kausap bago nito tinapos ang tawag. “Damien, anong nangyari?” nag-aalalang tanong ni Carol. Huminga nang malalim si Damien bago tumingin sa kanya. “May sumugod sa kumpanya. May isang tauhan akong nawawala, at ang opisina ko… sinira nila.” Nanlaki ang mata ni Carol. “Ano? Sino'ng may gawa nito?” Umiling si Damien. “Hindi pa alam. Pero may iniwan silang mensahe sa desk ko.” Napalunok si Carol. “Anong mensahe?” Matalim ang tingin ni Damien nang sabihin niya ang sagot—isang pangalang hindi nila inakalang babalik pa. “A fvcking threat… from Franco. That asshole ngayon pa sumabay!” Nanlamig ang katawan ni Carol. Si Franco— ang dating karibal ni Damien sa negosyo. Ang lalaking matagal nang nawala matapos matalo ni Damien sa isang deal na muntik nang ikalugi ng kumpanya nito. “Bakit siya bumalik ngayon?” mahina niyang tanong. Mariing tumingin si Damien sa kanya. “Hindi ko alam. Pero isa lang ang sigurado ako… I will end it now.” Napalunok si Carol. Hindi niya pa rin talaga makuha ang ugali ng asawa niya. Ang bilis magbago, pero mas nakakatakot. “Hatid mo si Carol sa bahay.” utos ni Damien sa driver habang mabilis itong sumakay sa sasakyan. “Damien, sandali—” pinigilan siya ni Carol, pero mabilis siyang hinalikan nito sa noo, isang bagay na hindi niya inasahang gagawin ni Damien. “Kailangan kong asikasuhin ‘to, Carol. Huwag kang mag-alala, babalikan kita agad.” Alam niyang wala nang makakapigil kay Damien kapag ganito na ito kaseryoso. Kaya kahit nag-aalangan, tumango na lang siya at hinayaan itong umalis. Habang nasa loob ng sasakyan, hindi mapakali si Carol. Ang daming nangyari sa loob ng isang araw—ang tungkol kay Vincent, ang rebelasyong posibleng si Tita Margaret ang nasa likod ng lahat, at ngayon, si Franco. Parang hindi na natatapos ang mga problemang hinaharap nila. Makalipas ang ilang minuto, huminto ang sasakyan sa harap ng bahay nila ni Damien. Bumaba siya, inaayos pa ang kanyang isip, pero agad siyang natigilan nang makita kung sino ang naghihintay sa kanya sa loob. Si Tita Margaret. Nasa sala ito, nakaupo sa isang eleganteng armchair, hawak ang isang tasa ng tsaa. Mukhang kalmado ito—masyadong kalmado para sa isang taong maaaring may kinalaman sa gulong kinakaharap nila. “Carol…” malumanay na bati nito, may bahagyang ngiti sa labi. “Sa wakas, nagkita rin tayo nang maayos.” Napalunok si Carol. Ramdam niya ang kaba sa dibdib niya, pero hindi siya umatras. “Ano pong ginagawa niyo rito, Tita?” tanong niya, pilit pinapakalma ang sarili. Dalawang taon na rin ang nakalipas simula nang makita niya ‘to. Ibinaba ni Tita Margaret ang tasa ng tsaa at marahang tumingin sa kanya, ang mga mata nito ay tila nagmamasid, sinusuri ang bawat galaw niya. “Para kausapin ka, siyempre.” sagot nito. “Marami tayong dapat pag-usapan, hindi ba?” Napalunok si Carol. Alam niyang hindi ito magiging isang simpleng usapan lang. Nanatili lang siyang nakatayo, at pinipilit itago ang kaba na unti-unting gumagapang sa kanya. “Ano’ng gusto ninyong pag-usapan, Tita Margaret?” tanong niya, pilit pinapakalma ang kanyang boses. Tumayo si Tita Margaret, dahan-dahang lumapit sa kanya. Kahit hindi ito nagsasalita, ramdam ni Carol ang bigat ng presensya nito—ang isang uri ng awtoridad na hindi basta-bastang nilalabanan. “Halika, maupo ka muna.” wika nito, itinuro ang sofa sa harap ng kinauupuan niya kanina. Alam ni Carol na may ibang rason ang pagpunta nito rito, pero sa halip na tumanggi, tahimik siyang umupo. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa,” panimula ni Tita Margaret. “Gusto kong malaman kung ano na ang nalaman mo.” Napasikip ang hawak ni Carol sa kanyang palda. “Ano pong ibig ninyong sabihin?” Bahagyang ngumiti ang ginang. “Huwag kang magkunwari, Carol. Alam kong nagkausap na kayo ni Vincent. At sigurado akong sinabi niya na ako ang nasa likod ng lahat.” Halos hindi makahinga si Carol. Diretso ang mga salita ni Tita Margaret, parang hindi man lang ito nag-aalalang itanggi ang paratang. “Bakit?” mahina pero matigas na tanong ni Carol. “Bakit ninyo ginawa ito?” Napangiti si Tita Margaret, pero sa likod ng ngiting iyon, may bahid ng pagmamataas. “Dahil hindi ka bagay kay Damien.” Nanlamig ang katawan ni Carol. “A–Ano po?” “Simula pa lang, alam kong ikaw ang magiging kahinaan niya,” patuloy nito. “At hindi ko hahayaang sirain mo ang lahat ng pinaghirapan ng anak ko.” Napatayo si Carol, hindi makapaniwala sa narinig. “Sana noon pa lang ay pinigil niyo na ang kasal namin. Kung kailan ko siya nakita at nakilala saka niyo kami paghihiwalayin?!” Muling umupo si Tita Margaret, hindi natinag sa galit ni Carol. “Sana nga noon pa, pero hindi ko nagawa because I need you that time para makuha ang pamana mula sa Lolo ni Damien.” Nanginginig ang mga kamay ni Carol. “Kaya ninyo ginawa ang lahat ng ito para sa mana? Tapos ngayon pineke niyo ang annulment, pinagamit si Vincent para ilagay ako sa unit ni Damien, at ngayon, ano pa?” “Hindi ko inasahang hindi ka bibitaw, at hindi ko rin inaasahan na malalaman ni Damien na ikaw ang asawa niya.” sagot ni Tita Margaret. “Akala ko, kapag nakita mong nagkakagulo ang lahat, ikaw mismo ang aalis. Pero nagkamali ako. Kaya ngayon, bibigyan kita ng huling pagkakataon.” Dahan-dahang tumayo ito at lumapit sa kanya. “Umalis ka kay Damien, Carol. At titigil na ang lahat ng ito.” Napalunok si Carol, pero hindi siya umatras. “At kung tumanggi ako?” Sa unang pagkakataon, nawala ang ngiti ni Tita Margaret. “Huwag mo akong subukan, hija. Hindi mo pa alam kung ano ang kaya kong gawin.” Nagtagpo ang mga mata nila—isang tahimik na sagupaan ng dalawang babaeng parehong may mahalagang dahilan para ipaglaban ang kanilang panig. “At hindi mo rin alam kung ano ang kaya kong gawin,” matapang na sagot ni Carol. “Hindi ko susundin ang gusto niyo, hindi niyo ako tauhan.” Tahimik na tumitig sa kanya si Tita Margaret bago muling ngumiti, pero sa pagkakataong ito, may bahid ng panlilinlang. “Kung gano’n,” anito, “Handa ka na pa lang malaman ang susunod kong gagawin.” Nanlamig si Carol. Ano pa ang binabalak nito? Hindi kumurap si Carol habang nakatitig kay Tita Margaret. “Ano'ng susunod ninyong gagawin?” tanong niya, pilit pinapanatili ang matatag na tinig. Ngumiti nang bahagya ang ginang, pero sa likod ng ngiting iyon ay isang malamig na babala. “Hindi ko kailangang marumihan ang kamay ko, Carol. Ang kailangan ko lang ay tiyaking mawawalan ka ng dahilan para manatili sa tabi ni Damien.” “At paano ninyo naman gagawin 'yon?” Humakbang palapit si Tita Margaret, halos magkalapit na ang kanilang mukha. “Sabihin na lang natin na hindi mo nagugustuhan ang sagot kapag nalaman mo ang buong katotohanan tungkol kay Damien—at sa relasyon ninyo.” Nanigas si Carol. “Ano'ng ibig ninyong sabihin?” Muling bumalik sa upuan si Tita Margaret, tila sinasadyang paikutin ang sitwasyon. “Wala ka bang naisip na dahilan kung bakit wala sa sarili si Damien nang gabi na ‘yon?” Napalunok si Carol. Alam niyang hindi aksidente ang lahat, pero hindi niya pa rin lubos maisip kung bakit. “Bakit hindi mo tanungin si Damien?” sabay ngiti ni Tita Margaret. “Dahil maaaring hindi lang ako ang may tinatagong lihim sa ‘yo.” Napaatras si Carol. Hindi... imposible. “Hindi mo ako maloloko.” mariing sabi niya. “Alam kong mabuti si Damien, kahit ngayon pa lang kaming nagkita ramdam—” “Oh, really?” Bahagyang natawa si Tita Margaret. “Oh, Don’t tell me you fall for him that fast? Hindi mo ba naisip kung bakit bigla siyang nakaisip na magpakita sa ‘yo?” “A–Ano pong ibig niyong sabihin?” kinakabahang tanong ni Carol. “Carol, you are smart. But Damien wants you just because he needs an heir. A legitimate son from you dahil sa ‘yo siya kasal.” Halos sumikip ang dibdib ni Carol. Hindi na niya kaya. “A heir? Bakit? Anong mayroon bakit kailangan niyang magkaroon na ng tagapagmana?” naguguluhang tanong ni Carol. “Oh, it’s a long story, but to make it short. ’Yung kompanya ni Damien ay magiging sa kaniya lang kapag nagkaanak na siya.” “N–No, that’s not true…” “It’s true, Carol. Kaya huwag kang maniwala sa ginawa niyang kuwento. Gagamitin ka lang din niya, at kung hindi ako nagkakamali ay may nangyari na sa inyo. Now, hihintayin na lang niyang magbunga ang gabi na ‘yon. At kapag naipanganak mo na ang anak niyo… Phew! Wala ka ng silbi.” Napahawak si Carol sa kaniyang tiyan, na para bang pinakikiramdaman niya ‘yon kung sakaling may nabuo na nga ba. “Now choose. Aalis ka, tatakas ka mula kay Damien at tutulungan kita, o pipiliin mong manatili kay Damien para gamitin ka lang niya? Choose wisely, Carol.”Tahimik ang buong safe house. Hindi nawala sa isip ni Carol ang tawag ni Margaret. Paulit-ulit na umiikot sa kanyang isipan ang mga salitang sinabi nito. "Someone else is already looking for Dustin." Sino? Ano pa ba ang hindi niya alam? Napatingin siya kay Dustin na masayang naglalaro sa sala. Walang bahid ng takot ang mukha ng bata, para bang wala siyang kaalam-alam sa panganib na unti-unting lumalapit sa kanila. Mahigpit na napapikit si Carol. "Hindi kita hahayaang kunin nila," pabulong niyang sabi. Hindi na niya hahayaang maulit ang nakaraan. Sa kabilang banda, papalapit na si Damien sa safe house. Tahimik siyang nagmamaneho habang paminsan-minsang sumusulyap sa rearview mirror. Nandoon pa rin ang itim na SUV. Hindi ito nagmamadali. Hindi rin ito lumalayo. Parang naghihintay lamang ng tamang pagkakataon. Napakuyom si Damien sa manibela. Hindi siya sigurado kung sila ba talaga ang sinusundan nito o nagkataon lamang. Ngunit ayaw niyang isugal ang kaligtasan nina Caro
Madaling-araw pa lamang ay gising na si Carol.Hindi siya nakatulog nang maayos.Sa bawat pagpikit niya, bumabalik ang alaala ng mga lalaking humahabol sa kanila, ang liham na nagbanta sa kanya, at ang takot sa posibilidad na isang araw ay malaman ni Damien ang lahat.Dahan-dahan siyang bumangon upang hindi magising si Dustin.Tahimik ang buong bahay.Sa sala, nakita niyang wala si Damien sa sofa kung saan ito nagbantay buong gabi.Mula sa kusina ay narinig niya ang mahinang kalansing ng tasa.Naroon si Damien, nagtitimpla ng kape.Napalingon ito nang makita siya."Good morning.""Good morning."Sandaling katahimikan.Parang pareho silang hindi sigurado kung paano kikilos sa isa't isa matapos ang lahat ng nangyari."Maaga ka yata nagising," sabi ni Damien.Bahagyang ngumiti si Carol."Hindi lang talaga makatulog."Tumango si Damien.Naiintindihan niya.Kung tutuusin, siya man ay halos walang tulog.Hindi dahil sa panganib.Kundi dahil sa mga tanong na unti-unting sumisira sa katahimik
Tahimik ang umaga sa safe house.Sa labas ng lumang bahay ay maririnig lamang ang huni ng mga ibon at ang mahinang paggalaw ng mga dahon sa tuwing hahaplos ang hangin. Matapos ang magulong gabi, tila pansamantalang tumigil ang mundo upang bigyan sila ng pagkakataong makahinga.Ngunit hindi lahat ay nakatagpo ng kapayapaan.Nakaupo si Damien sa balkonahe habang hawak ang isang tasa ng kape. Nakatanaw siya sa malawak na damuhan sa harap ng bahay, ngunit hindi talaga iyon ang nakikita niya.Ang nasa isip niya ay si Carol.At si Dustin.Paulit-ulit na bumabalik sa kanya ang mga nangyari kagabi.Ang takot sa mukha ni Carol.Ang desperasyon sa boses nito nang isigaw ang pangalan niya.At ang mahigpit na pagkakayakap nito kay Dustin na para bang handa itong ibigay ang sariling buhay para lamang maprotektahan ang anak.Hindi iyon normal.May mas malalim na dahilan.May mas malaking lihim.At alam niyang may kaugnayan siya roon.Napabuntong-hininga siya."You're thinking too much."Napalingon
Sa kalaliman ng gabi, huminto ang kotse sa isang liblib na lugar. Tahimik ang paligid, tanging ugong ng makina at lagaslas ng ulan ang maririnig. Nasa harap nila ang isang lumang bahay na yari sa kahoy at semento, bahagyang natatabingan ng mga punong kahoy. Wala itong halatang palatandaan na may nakatira, ngunit sa mismong katahimikan at simpleng anyo nito, makikita ang esensya ng pagiging isang safe house.Dahan-dahang bumaba si Damien mula sa kotse at agad na tinakpan ng payong ang gilid kung saan naroon si Carol at Dustin. “Halika na,” maikli at mariing utos niya, walang bakas ng pag-aalinlangan sa boses, ngunit mabigat ang bawat salita.Si Carol, yakap pa rin ang anak na nakasubsob sa leeg niya, ay tumango lamang. Mabigat ang bawat hakbang niya papunta sa pintuan ng bahay, ramdam niya ang lamig ng ulan na bumabagsak sa kanilang balat, parang mga daliring patuloy na nagpapaalala ng takot na kanina lang ay halos lamunin sila.Pagbukas ng pinto, bumungad ang amoy ng lumang kahoy at a
Kinabukasan, maaga pa lamang ay naroon na si Carol sa opisina. Mabigat ang bawat hakbang niya, at sa bawat galaw ay ramdam ang pagod na hindi lang pisikal, kundi mas malalim pa,isang pagod na galing sa isip at sa puso. Namumugto ang kaniyang mga mata, halatang halos walang tulog kagabi. Paulit-ulit kasi na bumabalik sa kaniyang alaala ang sulat na natagpuan niya kagabi sa pinto ng kanilang unit,isang malamig, nakakatakot, at puno ng banta.Habang umuupo siya sa mesa, parang ang bigat ng mundo ay nakapatong sa kaniyang balikat. Dahan-dahan niyang binuksan ang kaniyang laptop, pinilit na kumalma, at nagsimulang mag-type ng email.FILLING FOR LEAVE> Good morning, Ma’am.Nais ko pong mag-file ng indefinite leave simula ngayong linggo dahil sa personal na kadahilanang nangangailangan ng aking buong atensyon. Sisikapin kong maayos ang lahat bago ako bumalik sa trabaho.Maraming salamat po sa pag-unawa.– CarolPagkatapos pindutin ang send, napalunok siya nang malalim. Para bang may isang m
Tahimik pa ring nakaupo si Damien, naghihintay ng kasagutan habang tila binibilang ang bawat tibok ng kanyang puso. Ngunit sa halip na kumpirmasyon, isang malamig at matatag na tinig ang bumasag sa tensyon.“Hindi mo siya anak, Damien.”Napakunot ang noo ni Damien. “Anong—”“Hindi mo siya anak,” ulit ni Carol, this time, mas mariin. “Anak ko siya… sa ibang lalaki.”Napatigil si Damien. Hindi agad siya nakapagsalita. Para siyang tinanggalan ng hininga, pero pilit pa ring sinikap na intindihin ang narinig.“Carol…” mahinang sabi niya, “Kung gano’n, bakit hindi mo agad sinabi noon pa? Bakit mo ako pinaiikot? Seriously? Are you fvcking kidding me? Pinaglalaruan mo ba ako?” tila galit na sambit ni Damien.Lumunok si Carol. Pilit niyang itinatagong nangingilid na luha. “Akala ko kaya ko. Akala ko madali lang ang magsinungaling para protektahan siya… para protektahan ka. Pero ngayong nandito ka na, hindi ko alam kung alin ang mas makakasakit—ang totoo, o ‘tong kasinungalingang pinilit kong p
Nanlamig ang katawan ni Carol sa rebelasyong iyon. Kung hindi si Damien ang nagpadala ng annulment papers… sino? Napatingin siya rito, pilit hinahanap sa mukha ng lalaki ang kahit anong senyales ng pagsisinungaling. Pero seryoso ang ekspresyon ni Damien—matigas, walang bahid ng biro. “Ano’ng ibig
Pagpasok ni Damien sa kanyang kwarto, napahinto siya. Wala na ang babae. Napatingin siya sa kama— magulo pa rin ang bedsheet, pero wala na ang init ng katawan ng babaeng kasama niya kagabi. Napamura siya, napahawak sa sentido. Saan siya nagpunta? Kinuha niya ang cellphone sa bedside table a
Dumadagundong ang kaba sa dibdib ni Carol habang nakatayo siya sa harap ng pintuan ng isang mamahaling condo unit. Dalawang taon. Dalawang taong kasal siya sa isang lalaking hindi pa niya nakikita nang personal. Mga litrato lang mula sa kanilang arranged marriage ang nagbigay sa kanya ng ideya kung
Sa isang mataas na gusali sa Makati, sa loob ng isang moderno ngunit simpleng opisina, nakaupo si Damien sa harap ng kanyang desk. Ang monitor ay nakabukas, naglalaman ng spreadsheet na matagal na niyang tinitigan pero hindi man lang niya nai-scroll. Ilang ulit na siyang nag-type ng mga numero at b







