LOGIN
Dumadagundong ang kaba sa dibdib ni Carol habang nakatayo siya sa harap ng pintuan ng isang mamahaling condo unit. Dalawang taon. Dalawang taong kasal siya sa isang lalaking hindi pa niya nakikita nang personal. Mga litrato lang mula sa kanilang arranged marriage ang nagbigay sa kanya ng ideya kung ano ang itsura nito—bata pa sa larawan, inosente ang ngiti, at tila walang bahid ng kasamaan. Ngunit ngayon, sa unang pagkakataon, makikilala na niya ito.
Sa kanyang pagkakataranta, hindi niya napansin ang lalaking nakamasid sa kanya. Matangkad ito, nakasuot ng mamahaling coat, at may malamig na titig. “Magkano ang usapang ibabayad sa ‘yo?” malamig na tanong nito. Napalingon siya, “Ha?” naguguluhan niyang tugon. Bago pa siya makasagot, marahas siyang hinawakan ng lalaki sa braso at hinila papasok sa isang unit. “Wag ka nang magkunwari. Alam kong ikaw ang pina-book para sa plano ko.” “Sandali! Ano ba—” Naputol ang kanyang salita nang marahas siyang itulak papasok sa loob. Amoy alak at usok ang kwarto. Sa isang gilid, may isang lalaking nakahandusay sa sofa, walang suot na pang-itaas, pawisan, at tila wala sa sarili. Nanginginig ang kamay nitong may hawak na baso ng whiskey, at sa tabi nito, may maliit na tray na may bahid ng puting pulbos. Napatigil si Carol. Ang panlalamig sa kanyang katawan ay unti-unting napalitan ng matinding takot. “S–Sino ka? Anong plano mong gawin?” garalgal ang boses ng lasing na lalaki. “Huwag kang magsayang ng oras,” malamig na sabi ng lalaking nagdala sa kanya. “’Yan ang gusto mo, ‘di ba? Don't worry, hindi makakalabas ‘tong gagawin mo.” sabay tawa ng lalaki. Parang binuhusan ng yelo ang katawan ni Carol. Hindi niya alam kung paano siya napunta sa ganitong sitwasyon. Ang alam lang niya, dapat ay nasa kabilang unit siya— ang unit ng kanyang mister. Bigla ay napahawak si Carol sa sentido niya. Ang init sa loob ng unit ay tila dumoble, at ang paninikip ng kanyang dibdib ay hindi dahil lang sa takot— parang may bumabalot na kakaibang hilo sa kanyang katawan. Parang na gamot sa hangin na naamoy nila. Napaatras siya, pilit lumalayo sa lalaking nakatayo na ngayon, padaplis-daplis ang hakbang na parang hirap manatiling matino. Sa madilim na kwarto, naaaninag niya ang matalim ngunit tila naghihirap na mga mata nito—mga matang punong-puno ng lungkot at desperasyon. “I need you,” muling bulong nito, tinig na may halong pakiusap at pangungusap. “Babayaran kita, just name your price after.” Umiling si Carol, halos napapikit sa panlalabo ng paningin. “N–No, don’t– huwag kang lalapit.” Naramdaman niya ang malamig na pader sa likuran niya—wala na siyang matatakbuhan. Mas lalong bumigat ang kanyang katawan, at dahan-dahang bumalot ang isang nakapanghihinang pakiramdam sa kanya. Para bang ang bawat paghinga niya ay nakakalason. Napansin ito ng lalaki. Ngumiti ito, mapait at bahagyang nag-aalangan. “Wala pang babaeng tumanggi sa akin ng ganito,” aniya, may bahid ng pagtataka. “Sorry, Miss, but I won’t let you go that fast—not now that I need you, bago pa ako magkalat ng eskandalo sa labas.” Ngunit walang takas. Mas lalong lumapit ang lalaki, at bago pa siya makatakbo ay sinunggaban siya nito sa isang marahas na halik. Kinabukasan, masakit ang buong katawan ni Carol. Nang imulat niya ang kanyang mga mata, nakatulala lang siya sa kisame. Mabigat ang pakiramdam niya, parang nabugbog ang katawan niya, at nawasak siya. Pero hindi ito panaginip. Walang saplot ang kanyang katawan sa ilalim ng kumot. At kahit hindi pa niya maalala nang buo ang nangyari kagabi, alam niyang may nagbago na sa kanya. Hindi na siya birhen. Napakapit siya sa kumot, at pilit na isinisiksik sa kanyang katawan habang pinipigil ang panginginig ng kanyang mga kamay. Hindi niya maalala kung paano ito nangyari. Ang huling natatandaan niya ay ang pagbigat ng kanyang talukap, ang sakit ng kanyang ulo, at unti-unting pag-init ng kaniyang katawan, kasabay ng paghaplos ng estrangherong lalaki sa kaniyang katawan. Bigla ay napalingon siya sa tabi. Walang ibang tao sa kama. Wala ang lalaking kumuha sa kanya. Napaatras siya, dumulas pababa sa kama, halos madapa sa pagmamadali. Kinuha niya ang kanyang bag na nasa sahig, pilit na sinuot ang kanyang gusot na damit habang nanghihina pa rin. Hindi niya puwedeng hintayin ang lalaki. Hindi niya puwedeng harapin ang katotohanan kung andito pa siya. Bumuntong-hininga siya, sinubukang pigilan ang patak ng luha sa kanyang mga mata. Hindi pa oras para umiyak. Kailangan ko munang makaalis. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto at sumilip sa sala. Tahimik. Walang ibang tao. Ang mga bote ng alak, ang upos ng sigarilyo, at ang baso ng whiskey ay nakakalat pa rin. Hindi na siya nag-atubili. Lumakad siya nang mabilis, halos hindi na humihinga. Hinawakan niya ang seradura ng pinto, pinihit ito, at tuluyang lumabas. Habang naglalakad siya sa pasilyo, pilit niyang inaalala kung paano siya napunta sa kwartong iyon, paano siya naloko, paano siya pinagsamantalahan ng lalaking iyon. Pero may isang bagay na mas higit pang bumabagabag sa kanya… Sino ba ang lalaking ‘yon? Bagsak ang balikat ni Carol habang naglalakad papasok ng kanilang mansion. Ang sakit ng katawan niya ay hindi pa rin nawawala, pero mas matindi ang hapding bumabagabag sa kanyang isipan. Para siyang basang sisiw, litong-lito at walang matatakbuhan. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi. Hindi niya na rin maalala kung paano niya nagawang sumakay ng taxi habang nanginginig pa rin sa takot at hiya. Ang tanging nasa isip niya ay makabalik sa bahay, sa lugar kung saan siya ligtas. Pero hindi siya handa sa bumungad sa kanya. Sa ibabaw ng kanyang lamesa sa study room, isang envelope ang nakapatong. Napakunot ang noo niya, nanginginig ang kamay nang kunin ito. Nang mabasa niya ang laman, nanlabo ang kanyang paningin. Annulment papers. Napalunok siya, pinipilit intindihin ang mga nakasulat. Mabilis ang tibok ng puso niya, at sa bawat linya ng dokumento, parang may kutsilyong tumatarak sa kanyang dibdib. Nakikipaghiwalay sa kanya ang asawa niya. Nanlalata siya. Para bang sa isang iglap, nawala ang dalawang taon niyang paghihintay, ang bawat pangarap niyang makita at makasama ang lalaking pinakasalan niya kahit hindi niya pa ito nakikita. Pero ngayon, gusto na nitong putulin ang lahat. Napakuyom siya ng kamao. Bakit? Napaatras siya, halos matumba sa kinatatayuan. Ramdam niya ang sakit sa kanyang ego. Kung siya lang ang unang nakaisip nito, baka hindi ganito kasakit. Pero hindi. Siya ang itinapon. Siya ang tinanggihan. At ang mas masakit—hindi niya man lang alam kung bakit.Tahimik ang buong safe house. Hindi nawala sa isip ni Carol ang tawag ni Margaret. Paulit-ulit na umiikot sa kanyang isipan ang mga salitang sinabi nito. "Someone else is already looking for Dustin." Sino? Ano pa ba ang hindi niya alam? Napatingin siya kay Dustin na masayang naglalaro sa sala. Walang bahid ng takot ang mukha ng bata, para bang wala siyang kaalam-alam sa panganib na unti-unting lumalapit sa kanila. Mahigpit na napapikit si Carol. "Hindi kita hahayaang kunin nila," pabulong niyang sabi. Hindi na niya hahayaang maulit ang nakaraan. Sa kabilang banda, papalapit na si Damien sa safe house. Tahimik siyang nagmamaneho habang paminsan-minsang sumusulyap sa rearview mirror. Nandoon pa rin ang itim na SUV. Hindi ito nagmamadali. Hindi rin ito lumalayo. Parang naghihintay lamang ng tamang pagkakataon. Napakuyom si Damien sa manibela. Hindi siya sigurado kung sila ba talaga ang sinusundan nito o nagkataon lamang. Ngunit ayaw niyang isugal ang kaligtasan nina Caro
Madaling-araw pa lamang ay gising na si Carol.Hindi siya nakatulog nang maayos.Sa bawat pagpikit niya, bumabalik ang alaala ng mga lalaking humahabol sa kanila, ang liham na nagbanta sa kanya, at ang takot sa posibilidad na isang araw ay malaman ni Damien ang lahat.Dahan-dahan siyang bumangon upang hindi magising si Dustin.Tahimik ang buong bahay.Sa sala, nakita niyang wala si Damien sa sofa kung saan ito nagbantay buong gabi.Mula sa kusina ay narinig niya ang mahinang kalansing ng tasa.Naroon si Damien, nagtitimpla ng kape.Napalingon ito nang makita siya."Good morning.""Good morning."Sandaling katahimikan.Parang pareho silang hindi sigurado kung paano kikilos sa isa't isa matapos ang lahat ng nangyari."Maaga ka yata nagising," sabi ni Damien.Bahagyang ngumiti si Carol."Hindi lang talaga makatulog."Tumango si Damien.Naiintindihan niya.Kung tutuusin, siya man ay halos walang tulog.Hindi dahil sa panganib.Kundi dahil sa mga tanong na unti-unting sumisira sa katahimik
Tahimik ang umaga sa safe house.Sa labas ng lumang bahay ay maririnig lamang ang huni ng mga ibon at ang mahinang paggalaw ng mga dahon sa tuwing hahaplos ang hangin. Matapos ang magulong gabi, tila pansamantalang tumigil ang mundo upang bigyan sila ng pagkakataong makahinga.Ngunit hindi lahat ay nakatagpo ng kapayapaan.Nakaupo si Damien sa balkonahe habang hawak ang isang tasa ng kape. Nakatanaw siya sa malawak na damuhan sa harap ng bahay, ngunit hindi talaga iyon ang nakikita niya.Ang nasa isip niya ay si Carol.At si Dustin.Paulit-ulit na bumabalik sa kanya ang mga nangyari kagabi.Ang takot sa mukha ni Carol.Ang desperasyon sa boses nito nang isigaw ang pangalan niya.At ang mahigpit na pagkakayakap nito kay Dustin na para bang handa itong ibigay ang sariling buhay para lamang maprotektahan ang anak.Hindi iyon normal.May mas malalim na dahilan.May mas malaking lihim.At alam niyang may kaugnayan siya roon.Napabuntong-hininga siya."You're thinking too much."Napalingon
Sa kalaliman ng gabi, huminto ang kotse sa isang liblib na lugar. Tahimik ang paligid, tanging ugong ng makina at lagaslas ng ulan ang maririnig. Nasa harap nila ang isang lumang bahay na yari sa kahoy at semento, bahagyang natatabingan ng mga punong kahoy. Wala itong halatang palatandaan na may nakatira, ngunit sa mismong katahimikan at simpleng anyo nito, makikita ang esensya ng pagiging isang safe house.Dahan-dahang bumaba si Damien mula sa kotse at agad na tinakpan ng payong ang gilid kung saan naroon si Carol at Dustin. “Halika na,” maikli at mariing utos niya, walang bakas ng pag-aalinlangan sa boses, ngunit mabigat ang bawat salita.Si Carol, yakap pa rin ang anak na nakasubsob sa leeg niya, ay tumango lamang. Mabigat ang bawat hakbang niya papunta sa pintuan ng bahay, ramdam niya ang lamig ng ulan na bumabagsak sa kanilang balat, parang mga daliring patuloy na nagpapaalala ng takot na kanina lang ay halos lamunin sila.Pagbukas ng pinto, bumungad ang amoy ng lumang kahoy at a
Kinabukasan, maaga pa lamang ay naroon na si Carol sa opisina. Mabigat ang bawat hakbang niya, at sa bawat galaw ay ramdam ang pagod na hindi lang pisikal, kundi mas malalim pa,isang pagod na galing sa isip at sa puso. Namumugto ang kaniyang mga mata, halatang halos walang tulog kagabi. Paulit-ulit kasi na bumabalik sa kaniyang alaala ang sulat na natagpuan niya kagabi sa pinto ng kanilang unit,isang malamig, nakakatakot, at puno ng banta.Habang umuupo siya sa mesa, parang ang bigat ng mundo ay nakapatong sa kaniyang balikat. Dahan-dahan niyang binuksan ang kaniyang laptop, pinilit na kumalma, at nagsimulang mag-type ng email.FILLING FOR LEAVE> Good morning, Ma’am.Nais ko pong mag-file ng indefinite leave simula ngayong linggo dahil sa personal na kadahilanang nangangailangan ng aking buong atensyon. Sisikapin kong maayos ang lahat bago ako bumalik sa trabaho.Maraming salamat po sa pag-unawa.– CarolPagkatapos pindutin ang send, napalunok siya nang malalim. Para bang may isang m
Tahimik pa ring nakaupo si Damien, naghihintay ng kasagutan habang tila binibilang ang bawat tibok ng kanyang puso. Ngunit sa halip na kumpirmasyon, isang malamig at matatag na tinig ang bumasag sa tensyon.“Hindi mo siya anak, Damien.”Napakunot ang noo ni Damien. “Anong—”“Hindi mo siya anak,” ulit ni Carol, this time, mas mariin. “Anak ko siya… sa ibang lalaki.”Napatigil si Damien. Hindi agad siya nakapagsalita. Para siyang tinanggalan ng hininga, pero pilit pa ring sinikap na intindihin ang narinig.“Carol…” mahinang sabi niya, “Kung gano’n, bakit hindi mo agad sinabi noon pa? Bakit mo ako pinaiikot? Seriously? Are you fvcking kidding me? Pinaglalaruan mo ba ako?” tila galit na sambit ni Damien.Lumunok si Carol. Pilit niyang itinatagong nangingilid na luha. “Akala ko kaya ko. Akala ko madali lang ang magsinungaling para protektahan siya… para protektahan ka. Pero ngayong nandito ka na, hindi ko alam kung alin ang mas makakasakit—ang totoo, o ‘tong kasinungalingang pinilit kong p
Nanatiling tahimik si Carol, ramdam ang bigat ng bawat salita ni Tita Margaret. Parang unti-unting bumagsak ang mundo niya sa mga narinig. Hindi siya makapaniwala—hindi niya alam kung alin ang totoo at alin ang kasinungalingan. Pero isang bagay ang sigurado niya— hindi niya kayang ipagsapalaran ang
Pagdating ni Damien sa café, agad siyang luminga-linga, umaasang makikita roon si Carol. Suot niya ang dark blue blazer na bahagyang nabasa ng ulan, at dala-dala ang kaba’t pananabik na buong gabi niyang pinasan. Pero ang inabutan niya lamang ay isang bakanteng mesa, isang tasa ng kape na kalahati
Nag-angat si Carol ng kilay. Ang sakit na matagal na niyang itinago ay nagsimula muling magbalik."Damien, I’m busy," mahinang sagot ni Carol. Ngunit kahit ganun, ang mga salitang iyon ay may kabuntot na isang hindi malirip na sakit."I know, but this is important," wika ni Damien. "It’s about the
FIVE YEAR LATERSa isang eleganteng fashion studio sa Paris, France, nakatayo si Carol sa harap ng isang malaking salamin habang inaayos ang isang haute couture gown na gawa niya mismo. Suot niya ang isang sleek na itim na dress, na nagpapakita ng kanyang pagiging isang ganap na fashion designer.“







