LOGIN
MAGSASAYAW para mabuhay. Iyon lamang ang ginagawa ni Maya tuwing sasapit ang gabi. Tama. Nagsasayaw siya sa isang bar, at iyon ang pinagkukuhanan niya ng pera. Hindi lamang siya basta-bastang mananayaw dahil isa rin siyang prôstitute. Maraming lalaki ang sumasama sa kaniya sa kama, bagay na lalo niyang ikinasasaya dahil malaki ang kinikita niya rito.
Mahirap ang trabahong iyon, ngunit kailangan niya iyong gawin para sa kaniyang isang taong gulang na anak. May anak siya dahil nabuntis siya ng lalaking hindi naman siya pinanagutan. Ano pa ba ang magagawa niya? Isa lamang siyang hamak na prostitute. Nakaupo siya sa harap ng isang salamin habang nakakalat sa mesa ang iba't ibang make-up. Inaayos niya ang sarili dahil siya na ang susunod na magpe-perform sa stage. Habang nag-aayos, biglang dumating ang kaibigan niyang dancer din sa bar na si Pamela. “Maya, ikaw na pala ang susunod? Galingan mo dahil mukhang jackpot ang gabing ito,” saad nito. Itinigil niya ang pagme-make-up at mabilis na inikot ang upuan paharap sa kaibigan. “Ano namang ibig mong sabihin?” usisa niya. “Nakita ko kasi ang mga lalaking naroon. Mukhang mayayaman silang lahat, at may nakita pa akong isang hottie,” kinikilig na saad ni Pamela na ikinangisi na lamang niya. “Ano naman ngayon? Huwag ka ngang tanga, Pam! Puro mayayaman talaga ang nagpupunta rito. Wala akong pakialam sa hottie na sinasabi mo. Huwag mo nga akong istorbohin dahil ako na ang susunod!” inis niyang saad habang mabilis na iniharap muli ang upuan sa salamin at ipinagpatuloy ang ginagawa. “Sorry naman!” Narinig pa niya ang boses ng kaibigan, ngunit hindi na niya ito sinagot. Baka kasi tawagin na siya agad ng momshie nila. “Maya, ikaw na!” Ayan na nga. Narinig niya ang tinig ng kanilang momshie na si Caren. Nang tingnan niya ito sa salamin, nakabusangot itong nakatingin sa kaniya. “Opo, susunod na po ako, Momshie Caren.” Dali-dali niyang inayos ang sarili at pinagmasdan ang mukha sa salamin. Nang makuntento, agad siyang humarap dito. “Tara na po,” nakangiti niyang saad. Tinanguhan lamang siya nito. NAKAKAENGGANYONG tugtog ang umaalingawngaw sa buong lugar. Nasa gitna ng stage si Maya habang unti-unting ginagalaw ang kaniyang katawan. Sumasabay siya sa saliw ng isang romantikong kanta. Iyon ang araw-araw niyang ginagawa—ang magsayaw ng bagay na itinuturing ng iba na malaswa. Humakbang siya nang bahagya pasulong. Naroon ang isang pole na siya niyang susunod na gagamitin. Dahan-dahan siyang umakyat dito at iwinagayway ang mga kamay na tila isang modelo. Marami pa siyang ipinakitang galaw bago tuluyang bumaba. Doon nagsimulang maghagis ng pera ang mga lalaking nanonood sa kaniya. May mga matanda at mayroon ding mga binatang sa tantiya niya ay kasing-edad lamang niya. Nasiyahan siya kaya lalo pa niyang pinagbuti ang pagsasayaw. Napakaseksi ng kaniyang suot dahil two-piece lamang iyon kaya aliw na aliw ang mga lalaki. Hanggang sa may isang bagay na umagaw sa kaniyang atensyon. Isang guwapong lalaki. Sa tantiya niya, iyon lamang yata ang pinakaguwapong lalaking naroon. Napakagat-labi siya habang pinagmamasdan ito. Ang lalaki naman ay napailing at muling uminom ng alak.Marami mang pagsubok ang dumaan sa buhay ni Maya, hindi iyon naging dahilan para mawalan siya ng pag-asa. Sa katunayan, sa bawat problemang nalalampasan niya ay lalo siyang tumitibay.Lumipas ang ilang taon.Marami na ang nagbago.Ngayon ay masaya na siya kasama ang asawa niyang si Blight. Tuluyan na rin silang tinanggap ng mommy nito, pati na rin ang anak niyang si Cyrus.Limang taong gulang na si Cyrus, samantalang tatlo na si Kyle.Hindi na siya humihiling ng iba pa.Sapat nang makita niyang masaya at buo ang kaniyang pamilya.Katatapos lamang ng kasal nila. Sa makalawa ay lilipad sila patungong Italy para sa kanilang honeymoon, bago tuluyang lumipat ng tirahan sa United States.Napangiti siya.Sa wakas...Masaya na rin ang naging wakas ng kanilang kuwento.Marami mang nawala sa kanilang buhay, pinili pa rin nilang magpatuloy.Namatay na rin si Kim matapos masunog ang kulungang pinaglalagyan dito. Marahil ay iyon na ang naging kapalaran nito."Mommy, tingnan mo po ang drawing ko."
“Mom, huwag na tayong magsisihan. Wala sa atin ang may gustong mangyari ito, so stop blaming her!” singhal ni Blight sa kaniyang ina.Muling nangilid ang mga luha ni Maya.Malas ba talaga siya?Bakit ganoon na lang ang pakikitungo sa kaniya ng ina ni Blight? Wala ba siyang halaga? Wala ba talaga siyang puwang sa mundong ito?Hindi na niya napigilan ang sarili. Kasabay ng pagpatak ng mga luha ay tuluyan na ring kumawala ang matagal na niyang kinikimkim.“Bakit parang ako na lang po ang sinisisi ninyo? Dahil lang ba nagsinungaling ako, ganito na ang trato ninyo sa akin? Tao rin po ako. Nasasaktan din ako at gusto ko ring igalang.”Huminga siya nang malalim.“Siguro nga kasalanan ko. Simula nang dumating ako sa buhay ninyo, parang sunod-sunod na ang mga trahedyang nangyari. Kung ganoon ang iniisip ninyo... sige lang po. Isisi ninyo na sa akin ang lahat. Tutal, para na rin naman ninyo akong kriminal kung husgahan. Baka mas mabuti pang lumayo na lang ako para wala nang problema.”Pagkasabi
Papalabas na ng department store si Light nang biglang mapunit ang paper bag na dala niya dahilan upang magkalat ang mga pinamili niya sa sahig.Napabuntong-hininga siya."Wala naman..." bulong niya sa sarili bago isa-isang pulutin ang mga nahulog. Kahit punit na ang paper bag ay pinagkasya pa rin niya ang mga gamit para lang may mapaglagyan.Nang matapos ay naglakad na siya palabas ng mall patungo sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan niya.Ngunit bigla siyang natigilan.May isang itim na van ang humarang sa daraanan niya.Unti-unting bumukas ang sliding door nito at bumungad ang isang lalaking may hawak na baril.Nanlaki ang mga mata niya.Nabitawan niyang muli ang paper bag."W-What are you doing?" kinakabahan niyang tanong."Pasensya na... trabaho lang."Kasunod niyon ay sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw.Ni wala siyang pagkakataong makatakbo.Isa-isang bumaon ang mga bala sa kaniyang katawan. Bumigay ang kaniyang mga tuhod hanggang sa tuluyan siyang bumag
ONE WEEK LATER...Masayang nilalaro ni Maya ang anak niyang si Kyle sa kuna. Ngayon lang niya ito muling nakasama nang ganito dahil ilang araw siyang na-confine sa ospital. Pagkauwi naman niya ay kinailangan muna niyang magpahinga."How are you, darling?"Napalingon siya nang marinig ang boses ni Blight. Kakapasok pa lamang nito sa kuwarto."Ayos naman," nakangiti niyang sagot."That's good."Ibinaba nito ang coat at bag sa couch. Bumalik na kasi ito sa kumpanya kaya hindi na sila magkasama buong araw. Kailangan na nitong magtrabaho, hindi lamang para sa negosyo kundi para na rin sa kinabukasan ng kanilang pamilya."Kumain ka na ba? Ipagluluto kita kung gusto mo.""No, I'm fine. I have a gift for you."Lumapit ito habang may hawak na pulang kahon. Nagtaka siya kung ano ang laman niyon."Ano naman iyan?" usisa niya.Pagkalapit nito ay marahan siya nitong hinalikan sa labi."I want to give you this."Binuksan nito ang kahon at bumungad sa kaniya ang isang napakagandang kuwintas."P-Para
“THE patient will be fine soon. She needs to rest for her fast recovery!”“Thanks, Doc,” tugon ni Blight.“You're always welcome, Mr. Elizalde. By the way, I need to go.”Napatango na lang siya kaya pumasok na siya sa kuwarto ni Maya.Maraming nakakabit na aparato sa katawan nito. Mabuti na lang at maayos na ang lagay nito, hindi katulad kanina na kritikal. Akala nga niya ay mamamatay ito.Umupo siya sa tabi ng higaan nito. Hinawakan niya ang kamay nito at marahang pinisil.“Maya, please wake up. Our sons are waiting for you,” aniya.Nakuha na si Cyrus habang si Kim naman ay nakatakas. Alam niyang hindi pa iyon titigil at anumang oras ay baka bumalik ito. Kailangan na talaga nilang magkaroon ng mahigpit na seguridad laban sa babaeng iyon dahil gagawa at gagawa ito ng paraan para matupad ang gusto nito. Pinaghahanap pa ito ng mga pulis. Sa isip-isip nga niya ay baka bali-bali na ang mga buto nito dahil tumalon ito mula sa second floor, pero nakatakas pa rin. Sana mahuli na ang babaeng
Kabanata 25“MOM!”Nang makapasok si Light sa bahay ng kaniyang ina, agad niya itong tinawag. Wala pang ilang minuto ang lumipas nang lumabas ito mula sa kusina habang karga ang pamangkin niya.“Why?” tanong nito.“Nothing. I just came here to visit you.” Lumapit siya rito at pinakatitigan ang pamangking si Kyle. “He's so cute. Mana sa akin,” matawa-tawa niyang sabi.“By the way, puwede bang makisuyo?”“Sure.”“Alagaan mo muna itong si Kyle. Maliligo lang ako.”“Sure,” sagot niya kaya agad na ibinigay ng ina si Kyle sa kaniya. Hindi siya maalam magbuhat ng bata dahil wala naman siyang muwang sa pag-aalaga nito. Basta na lang niya itong kinarga na kung titingnan ay parang pinapatulog.“Thanks, Light. I'll go.”Tumango lang siya at kaagad namang umalis ang matanda. Siya naman ay kinarga ang pamangkin habang naglalakad patungo sa sala ng bahay. Nang makarating ay umupo agad siya sa sofa.“Hi, Kyle!” bati niya kahit alam niyang hindi siya nito sasagutin. Papikit-pikit pa ito na para bang







