Mag-log inRavenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewHumugot ako nang malalim na hininga. Hindi ko na namalayan kung ilang oras na ba ang lumipas. Basta ang alam ko lang ay kakain na ulit ako, pero dinner na.Hindi na ako binantayan ng lalaki. Kaya nakapagtataka kung bakit pinili niyang lumabas.Hindi na rin naman pumasok pa si Simon dito sa loob. Kung may papason man, ‘yong isang lalaki na madalas akong tulungan.Hindi ko alam kung bakit medyo natulala pa ako. Pakiramdam ko kasi ay parang may tunog akong naririnig na hindi ko alam kung saan nanggagaling.Nasa matinong pag-iisip pa naman ako, pero bakit parang matinis na tunog sa kung saan?Napahawak na lamang ako sa aking tainga, at kinagat nang mariin ang aking labi, hanggang sa may magsalita.“Baby.”Napaawang ang aking labi, at kaagad na natantong ang boses na ‘yon ay nanggagaling mismo sa aking earrings.“Are you there?”“Killian?”“Tone down your voice, baby,” wika nito na siyang nagpasinghap na lang sa akin.Bakit ngayon niya lang ako kinaus
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“Ano ba ang pakialam mo?” singhal ni Simon sa kaniya.Napansin ko naman ang pagsulyap nito sa akin, at ang pagkunot ng kaniyang noo na hindi ko alam kung para saan nga ba.Bumigat din ang kaniyang awra, pero hindi ko matukoy kung bakit. Basta ang alam ko lang ay tumalim ang kaniyang mga mata nang lingunin niyang muli si Simon.“Naatasan lang tayo para bantayan ‘yan, hindi para bugbugin!”Doon naman natawa si Simon, at kaagad akong itinuro na para bang may nagawa akong kasalanan.“Ito! Itong babaeng ‘to! Sinabi ba naman na wala talaga silang pakialam sa kaniya! Na kaya ganoon ang nangyari ay dahil pinaglalaruan lang tayo ng mga ‘yon!”Dumako muli ang mga mata sa akin ng lalaki, ngunit kaagad din naman niyang ibinalik muli ang kaniyang atensyon kay Simon na ilang beses napamura nang malutong.“Tang ina! Kung patayin na lang natin ‘to?”“Tapos ano? Tayo ang malalagot kina boss?” iritadong wika naman niya, at napailing na lamang. “Kaya mo ba sinuntok
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewIsang araw na ang lumipas magmula nang dalhin nila ako rito. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, pero naniniwala naman ako na darating si Killian.Naniniwala ako na magagawa nila akong hanapin, at magagawa nilang pabagsakin ang mga ‘to. Pero bakit sa tuwing lumilipas ang oras ay aminado akong nawawalan na ako ng pag-asa?Hindi ko alam kung dahil ba sa lalaking madalas akong pagsalitaan ng kung ano, o dahil pakiramdam ko ay wala talaga akong laban sa kanila?Sabihin na nating namatay na nga si Dexter, pero hindi naman ‘yon sapat para maging kalmado ako, hindi ba? Kaya hindi ko maiwasang mapatulala na lang, at pilit nagdadasal para tanggalin ang kabang nararamdaman ko magmula pa kanina.“Kumain ka na.”Napasulyap ako sa lalaking nagdala ng pagkain para sa akin, at kung hindi ako nagkamamali ay siya ‘yong madalas na hindi nagkokomento sa tuwing nasa paligid ‘yong isa.Kung hindi ako nagkamamali ay Simon ang pangalan no’n, pero ‘tong isa, hindi
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewHindi ko na alam kung ilang oras na ba ang lumipas. Basta pagmulat ko ng aking mga mata, medyo maliwanag na ang paligid. Hindi na sa puwesto ko ang may ilaw. Buong sulok na ng silid.Kaya nagulat ako nang magkaroon ng mesa sa saking harapan. Parang ang hirap kasing paniwalaan, at hindi na rin makatali ang mga kamay ko. Napatitig ako sa pagkaing nasa harapan ko. Pakiramdam ko ay kanina pa ‘to nakahain. Kaya kumalam ang aking sikmura, kahit na hindi ko naman tipo ang pagkain.Mabilis akong kumain. Hindi ko na ininda pa kung ilang beses akong nabulunan, dahil ang mahalaga sa akin ay ang makakain ako nang maayos.Ayaw kong sayangin ang pagkatataong ‘to. Gutom na gutom ako, at nauuhaw. Pakiramdam ko ay mawawalan ulit ako ng malay kung hindi ko ‘to itinuloy.Kaya naging mabilis ang lahat. Hindi ko man lang namalayan na naubos ko na ‘yon, at uminom ako kaagad ng tubig.“Patay gutom ka pala?” puna nang isang boses.Doon ako napasulyap sa gawi niya, at n
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“Ilibing niyo ‘yan,” utos ng lalaki sa mga tauhan nila.He’s dead?Kahit wala akong makita, dahil madilim sa parte nila, hindi ko maipaliwanag ang takot na nararamdaman ko.Nagawa niyang patayin si Dexter, at hindi malabong kaya rin ako nitong patayin kung gugustuhin niya.Kaya napalunok ako, at napailing lalo pa’t alam kong hindi basta-bastang tao ‘to.“Pinatay mo siya,” bulong ko na may halong panghihina, at panginginig.Naramdaman ko ang mga mata nilang napalingon sa akin, at hindi ko alam kung bakit nanuyo ang aking lalamunan. Maging ang aking balahibo sa katawan, tumayo.“Yes,” he answered. “So what? I hate that kind of trash. Ang plano rito ay ang kidnap-in ka para dumating ang mga Rivanov. Ang habol lang naman niya sa ‘yo ay ang business mo, pero dahil sa kalibugan no’n, patay siya.”Hindi ako makapagsalita. Did he save me from him?Alam kong kalaban nina Killian ‘to, pero hindi ko aakalain na magagawa niya akong iligtas sa kung sino.“I j
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewHindi ako makapagsalita. Gulat na gulat ako sa aking narinig. Ni hindi ko rin magawang huminga, dahil sa kaniyang sinabi.“Tikman ko na siya ngayon. Baka kapag napatay ko ‘to, hindi ko na maririnig na umiyak,” dagdag pa niya.Rinig ko ang yabag ng kaniyang paa, hanggang sa tumigil siya sa aking harapan. Doon ko natanaw ang kaniyang mukha, at kung ikukumpara ang mukha niya noon sa mukha niya ngayon, ibang-iba.Ang laki kasi ng ipinayat nito, at hindi ko alam kung dahil ba nasa ibabaw niya ang ilaw kaya parang malalim ang kaniyang mga mata.“Huwag kang lalapit sa akin!”Natawa siya nang mahina, at yumuko para tapatan ang level ng aking mukha. Tinitigan niya ako nang nakadidiri. Nagawa pa niyang tingnan ang aking katawan, at ngumisi na lamang nang nakatatakot.“Bakit hindi? Mamamatay ka lang din naman. Tikman na kita ngayon.”Nagsimulang magtubig ang aking mga mata. Ilang beses pa akong napalunok, hanggang sa tumulo na ang aking mga luha.“Tang ina!
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewKinabukasan ay napagpasiyahan namin ni Killian na lumabas, at mamasyal muna rito sa Seville, Spain. Ang sabi niya ay maganda raw manood ng live flamenco dancing ngayon, tapos bukas ay pupunta naman kami sa isang beach na tingin ko ay aabutin nang ilang oras an
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewNang makarating kami sa hotel na kung saan si Mommy ang pumili, hindi ko maiwasang mapangiwi na lamang.Sobrang laki kasi nito, at kung susubukan kong tingnan ang presyo sa website nila, baka sumakit lang ang ulo ko.Hindi naman kasi kailangan na magarbo ang r
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“All cleared?”Narinig ko ang bulong ni Killian. Kaya naman napagawi ang aking mga mata sa kaniya, at hindi maiwasang magtaka, dahil sa kaniyang naging tanong.Wala naman siyang kausap, pero kung bumulong siya ay parang mayroon. Maya-maya pa ay bigla na lang s
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewNakarating din naman kami kaagad sa loob ng eroplano. Kahit yata first class ang na-book ni Mommy, marami pa rin ang napalilingon sa amin.Hindi ko alam kung namumukhaan ba nila kami, o sadyang naaagaw lang talaga ni Killian ang atensyon ng mga ‘to.Kaya lang







