تسجيل الدخولRavenna Ylianna Ocampo, isang babaeng naghahangad lamang na mahalin nang isang matinong lalaki. ‘Yong tunay, at hindi lamang sa taglay niyang ganda, o yaman ng kaniyang pamilya. Ilang beses siyang nabigo, at nasaktan, dahil puro lang naman pera ang nasa isipan nila, idagdag na ang paghahangad ng mga ‘to sa kaniyang katawan. But the pain vanished when she met a man named Killian Adler Rivanov. A handsome billionaire that owns a bunch of business at a young age. Madalas siyang pagkaguluhan ng mga babae, na kahit sobrang lamig na ng pakitutungo nito sa mga ‘to ay hindi pa rin siya tinatantanan. “You’re crying because of a boy?” he asked, looking straight into her eyes as he let out a mocking laugh. “He already got the diamond that he wanted and yet, he let it slipped away.” Killian wrapped his arms around her waist, trapping her in his arms so she wouldn’t runaway. With his intense stare, he use that as a weapon to make her knees tremble. “Be with me tonight, woman, and I’ll let you experience the love that you’re looking for.” ‘Yong isang minutong kasama niya ang binata ay halos hindi na siya makahinga nang maayos, at tila nahihirapan, paano na lang kaya ‘yong isang gabi na kasama niya ‘to?
عرض المزيدRavenna Ylianna Ocampo’s Point of View
He tilted his head as the corner of his lips rose. “You’re drunk.”
I gently shook my head. Inilapit ko pa ang aking mukha sa kaniya para lang maamoy ko nang maayos ang kaniyang pabango, pero ang hindi ko man lang napansin ay kaunting galaw na lang ay magdidikit na ang aming labi.
I was hypnotized by his scent. Hindi masakit sa amoy, at sakto lang kasi ‘yon para sa pabango nang isang lalaki.
“Uminom lang ako nang kaunti,” bulong ko sa kaniya.
I felt him touch my cheek, wiping the tears away as his eyes darkened. His lips formed into a thin line while he gritted his teeth, making his jaw prominent.
“Your breath smelled like you’ve drunk vodka and margarita. You also walked like a drunk woman and there’s a trace of tears on your cheeks. And if I stare at your eyes, it looks like you’ve cried,” he stated, making my breath hitch. “I’m not dumb, woman. You’re a heartbroken woman who wanted to erase the pain that he caused by getting drunk.”
Hindi ako makapagsalita, at napaawang na lamang ang aking labi sa kaniyang sinabi.
Wala naman akong pinagsabihan maliban sa mga kaibigan ko, at mga magulang ko tungkol sa nangyari, pero ‘tong lalaking hindi ko kilala? Nalaman kaagad niya?
Paano naman nangyari ‘yon?
“This is actually normal if you’re with your friends,” he groaned as if something hurt him. “But really? You’re alone? Someone might take this chance just to assault you since you can’t even stand.”
Lumiit ang aking mga mata, at pilit siyang inaaninag. Hindi ko kasi siya makita. Sa katunayan ay sobrang labo talaga niya.
Kahit gusto ko ring intindihin ang kaniyang sinasabi, parang ang hirap. ‘Yong pabango kasi niya. Parang hinihila ako nitong matulog.
Isa pa, hindi ko rin siya maintindihan, dahil sa sobrang hina, at baba ng kaniyang boses.
“Fuck! Are you even listening?”
Natawa na lamang ako nang bigla na lang siyang magmura. ‘Yon lang yata ang nagawa kong maintindihan, dahil mas lalo lamang niyang inilapit ang kaniyang sarili sa akin para lamang bumulong.
“Kinda,” sagot ko.
“Damn!” he mumbled, which made me giggle.
Tinulungan niya akong makatayo, pero ang problema ay sa tuwing maglalakad ako, pasuray-suray.
“Hindi ka pa lasing sa lagay na ‘yan?” bulong nito nang napilitan na lamang siyang buhatin ako.
Hindi naman na ako nagreklamo sa kaniyang kagustuhan. Bagkus ay natawa na lamang ako, dahil nagawa niya akong buhatin nang walang kahirap-hirap.
There’s no need for him to do this since we don’t even know each other. Hindi ko siya maintindihan, at hinding-hindi ko yata kayang intindihin ang pinagsasabi ng aking isipan. Kasi bakit ko naman ‘to lalayuan kung alam ko naman sa sarili kung sino ang dapat na layuan, hindi ba?
Wala naman siyang ginagawang masama, pero kung sumigaw ang isipan ko, akala mo naman ay masamang tao talaga ‘to. Siya na nga ang tumulong sa akin tapos pag-iisipan ko pa nang masama?
Mabigat man ang kaniyang awra, hindi naman ibig sabihin no’n ay masamang tao na siya. Hindi nga ako natatakot, eh. Kung tutuusin ay parang safe na safe ako kung siya ang nasa tabi ko, yakap-yakap ako.
Nang makarating ako sa kaniyang sasakyan, napakurap ako, at pilit ginigiisng ang aking sarili. Kaya lang ay kahit ano ang aking gawin, hindi ko na mapigilan ang antok ko. Sa sobrang dami ko ba namang nainom, malamang sa malamang ay makatutulog talaga ako nang tuluyan.
Pagkasuot pa lang niya sa akin ng seatbelt, naramdaman ko na kaagad ang paghila sa akin nang dilim na hindi ko alam kung paano nangyari.
Nagising na lamang ako nang bahagya akong mainitan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, at napalingon sa aking katawan kung bakit tila binalot ako nang init. Doon ko lang napansin na may suot na pala akong itim na coat.
“You’re finally awake,” he said, trying to get my attention.
Mabilis naman akong napalingon sa pinanggalingan ng boses, at napansing nakasuot na lamang siya ng white long sleeves, habang ang kaniyang kamay ay nasa kaniyang baba.
“Where am I?” tanong ko, dahil hindi pa tuluyang nakapag-a-adjust ang aking paningin.
Blurred pa rin, at parang hindi pumapasok ang impormasyon sa aking utak. Hindi ko alam kung dahil nga ba marami akong nainom, o kung kagigising ko lang kaya ganito, eh.
“Parking lot.”
“Parking lot?” nalilito kong ulit.
Ilang minuto na ba nang ako ay makaidlip? Hindi ko kasi alam, dahil parang ang bigat pa rin ng ulo ko. Saka isa pa, hindi pa nagbago ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay masusuka pa rin ako, o hindi kaya ay nahihilo.
“Hindi tayo umalis?”
“Ibang parking lot ‘to,” paglilinaw niya nang maramdaman niyang hanggang ngayon ay litong-lito pa rin ako. “We were in the bar’s parking lot awhile ago. Right now, we are in the coffee shop’s parking lot.”
Hindi ako nagsalita. Hindi rin ako tumango. Bagkus ay natulala na lamang ako, at pilit inintindi ang kaniyang sinabi. Ang hirap kapag kagigising ko lang tapos puro siya salita.Kung magtanong ba naman kasi ako, sinasagot naman kaagad niya. Hindi ba puwedeng hayaan niya lang muna akong dumada?
“Why are we even here?”
“I need to sober you up. That’s why we went here. I didn’t even know you’ll wake up right away, though.”
Humugot na lamang ako nang malalim na hininga, at hindi na nagsalita pa. Bahala na siya. Siya naman ang hindi lasing sa aming dalawa. Kaya hindi ko na siya guguluhin pa.
“What drink would you like to pick?”
Umiling ako. “Bahala ka. Hindi naman ako mapili,” sagot ko na lamang.
Tahimik naman siyang lumabas ng kaniyang sasakyan, habang ako ay naiwan na lang na tulala.
Nang bumalik siya dala ang kaniyang order, ibinigay niya ‘yon sa akin. Nagpasalamat naman ako, at dahan-dahang humigop doon, habang siya ay isinara ang pinto.
“Tell me if you need something to eat. I’ll drive you there,” he said without even looking at me.
I froze. I didn’t expect him to say that. Puwede namang hayaan na lang niya ako, dahil sobra-sobra na ang ginawa niyang pagtulong sa akin. Pero bakit nandito pa rin siya? Willing pa siyang tulungan ako, kahit na hindi naman na dapat.
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewHumugot ako nang malalim na hininga. Hindi ko na namalayan kung ilang oras na ba ang lumipas. Basta ang alam ko lang ay kakain na ulit ako, pero dinner na.Hindi na ako binantayan ng lalaki. Kaya nakapagtataka kung bakit pinili niyang lumabas.Hindi na rin naman pumasok pa si Simon dito sa loob. Kung may papason man, ‘yong isang lalaki na madalas akong tulungan.Hindi ko alam kung bakit medyo natulala pa ako. Pakiramdam ko kasi ay parang may tunog akong naririnig na hindi ko alam kung saan nanggagaling.Nasa matinong pag-iisip pa naman ako, pero bakit parang matinis na tunog sa kung saan?Napahawak na lamang ako sa aking tainga, at kinagat nang mariin ang aking labi, hanggang sa may magsalita.“Baby.”Napaawang ang aking labi, at kaagad na natantong ang boses na ‘yon ay nanggagaling mismo sa aking earrings.“Are you there?”“Killian?”“Tone down your voice, baby,” wika nito na siyang nagpasinghap na lang sa akin.Bakit ngayon niya lang ako kinaus
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“Ano ba ang pakialam mo?” singhal ni Simon sa kaniya.Napansin ko naman ang pagsulyap nito sa akin, at ang pagkunot ng kaniyang noo na hindi ko alam kung para saan nga ba.Bumigat din ang kaniyang awra, pero hindi ko matukoy kung bakit. Basta ang alam ko lang ay tumalim ang kaniyang mga mata nang lingunin niyang muli si Simon.“Naatasan lang tayo para bantayan ‘yan, hindi para bugbugin!”Doon naman natawa si Simon, at kaagad akong itinuro na para bang may nagawa akong kasalanan.“Ito! Itong babaeng ‘to! Sinabi ba naman na wala talaga silang pakialam sa kaniya! Na kaya ganoon ang nangyari ay dahil pinaglalaruan lang tayo ng mga ‘yon!”Dumako muli ang mga mata sa akin ng lalaki, ngunit kaagad din naman niyang ibinalik muli ang kaniyang atensyon kay Simon na ilang beses napamura nang malutong.“Tang ina! Kung patayin na lang natin ‘to?”“Tapos ano? Tayo ang malalagot kina boss?” iritadong wika naman niya, at napailing na lamang. “Kaya mo ba sinuntok
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewIsang araw na ang lumipas magmula nang dalhin nila ako rito. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, pero naniniwala naman ako na darating si Killian.Naniniwala ako na magagawa nila akong hanapin, at magagawa nilang pabagsakin ang mga ‘to. Pero bakit sa tuwing lumilipas ang oras ay aminado akong nawawalan na ako ng pag-asa?Hindi ko alam kung dahil ba sa lalaking madalas akong pagsalitaan ng kung ano, o dahil pakiramdam ko ay wala talaga akong laban sa kanila?Sabihin na nating namatay na nga si Dexter, pero hindi naman ‘yon sapat para maging kalmado ako, hindi ba? Kaya hindi ko maiwasang mapatulala na lang, at pilit nagdadasal para tanggalin ang kabang nararamdaman ko magmula pa kanina.“Kumain ka na.”Napasulyap ako sa lalaking nagdala ng pagkain para sa akin, at kung hindi ako nagkamamali ay siya ‘yong madalas na hindi nagkokomento sa tuwing nasa paligid ‘yong isa.Kung hindi ako nagkamamali ay Simon ang pangalan no’n, pero ‘tong isa, hindi
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewHindi ko na alam kung ilang oras na ba ang lumipas. Basta pagmulat ko ng aking mga mata, medyo maliwanag na ang paligid. Hindi na sa puwesto ko ang may ilaw. Buong sulok na ng silid.Kaya nagulat ako nang magkaroon ng mesa sa saking harapan. Parang ang hirap kasing paniwalaan, at hindi na rin makatali ang mga kamay ko. Napatitig ako sa pagkaing nasa harapan ko. Pakiramdam ko ay kanina pa ‘to nakahain. Kaya kumalam ang aking sikmura, kahit na hindi ko naman tipo ang pagkain.Mabilis akong kumain. Hindi ko na ininda pa kung ilang beses akong nabulunan, dahil ang mahalaga sa akin ay ang makakain ako nang maayos.Ayaw kong sayangin ang pagkatataong ‘to. Gutom na gutom ako, at nauuhaw. Pakiramdam ko ay mawawalan ulit ako ng malay kung hindi ko ‘to itinuloy.Kaya naging mabilis ang lahat. Hindi ko man lang namalayan na naubos ko na ‘yon, at uminom ako kaagad ng tubig.“Patay gutom ka pala?” puna nang isang boses.Doon ako napasulyap sa gawi niya, at n
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“Narinig mo ‘yon?” tanong ko kay Killian, habang nakatingin siya sa akin ngayon.Katatapos ko lang kausapin si Mommy para ibalita ang tungkol doon, at hindi ko maiwasang makaramdam nang hiya lalo pa’t nakikinig nga pala si Killian. Pero siyempre ay hindi nito
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“May nahanap na ba kayong impormasyon?” tanong ko kay Killian.Nasa office na niya kami ngayon, at kasalukuyan siyang nagpipirma ng mga document. Saka lang napagawi ang kaniyang atensyon sa akin nang magtanong ako.Kaya naman napangiti ako nang tipid, dahil al
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewIlang oras din akong naghintay sa kuwarto ni Killian. Aminado akong gusto ko na siyang tawagan, pero pinigilan ko. Mabuti na lamang, dahil naisip ko kaagad sina Daddy, at Mommy. Kaya sila ang tinawagan ko kaagad para alamin kung kumusta ba ang kalagayan nila.
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewDoon ako natigilan. Parang hindi kayang iproseso ng isipan ko ang sinabi ni Tito lalo pa’t hindi ko ‘yon inaasahan.May daplis sila?Dapat ay inasahan ko na ‘to lalo pa’t halata naman na balak nilang saktan sina Killian, at Aziel. Pero bakit parang gulat na gu


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.