Mag-log inRavenna Ylianna Ocampo’s Point of View
Kagaya ng napag-usapan namin ni Killian, inihatid niya ako. Mabuti na lang, dahil hindi kami nakita nang kung sino kagabi. Wala pa man din ako sa mood para makipag-usap sa kung kanino, dahil sumagi na naman sa isipan ko kung gaano kasakit maloko, at maiwan.
“Yana!” singhal ni Daddy nang ako ay makababa ng hagdan.
Napapikit na lamang ako, dahil ramdam ko ang galit ni Daddy sa paraan pa lang ng pagtawag niya. Na kahit wala akong sinabi, sumabog na talaga siya sa galit.
“Ano ‘yong narinig ko tungkol sa lalaking ‘yon?!” nanggagalaiting tanong nito sa akin.
Hindi naman ako makapagsalita, at piniling itikom ang aking bibig, dahil kapag sinagot ko siya, baka mas lalo lang siyang magalit.
“Iniwan ka niya?!”
“Sweetheart,” paglalambing naman ni Mommy, at sumulyap sa akin na tila gusto akong umalis na lang ng bahay para lang hindi na magalit si Daddy.
Kaya lang ay hindi ko yata alam kung paano ‘yon gagawin lalo pa’t gusto ko rin talagang sabihin sa kanila ang totoo. Gusto kong ako mismo ang mag-confirm sa kanila, at hindi ang ibang tao.
“Dad—”
“Tell me the fucking truth, Ylianna!” he hissed, trying to shut me up.
Humugot na lamang ako nang malalim na hininga, at hindi na nagsalita pa. Kahit gusto kong magsalita, pinili kong manahimik. binigyan ko siya nang kaunting oras para pakalmahin ang kaniyang sarili kung gayon na puwede namang sabihin ko kaagad sa kanila kung ano ang nangyari.
Ngunit alam ko kasi kung paano magalit si Daddy, eh. Alam kong hindi siya mapipigilan, pero alam ko naman na nakatatakot talaga siya.
Kaya hindi ako makapagsalita. Medyo kinakabahan din ako, dahil kapag may binitawang salita si Daddy lalo na kung galit siya, alam kong hindi siya nakipagbibiruan. Kung sinabi niyang gagawin niya, gagawin talaga niya.
“We broke up,” panimula ko para lang matapos na ang usapan.
Ang pangit lang, dahil kailangan pa naming mag-usap nang ganito kung gayon na umagang-umaga pa. May work pa kaming pareho ni Daddy, dahil ilan sa mga business nila ay hawak pa rin niya. Habang ang ilan naman ay hawak ko.
Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako makapagtatrabaho nang maayos kung ganito ang ibinungad sa akin ng tadhana. Pakiramdam ko tuloy ay masiyado akong malas para sa ganitong bagay.
“Nalaman kong ginagamit lang pala niya ako para sa business nila, Dad. He didn’t court me for love.”
Natahimik silang pareho nina Mommy, at Daddy. Kahit alam na nila ang kasagutan, pinili pa rin nilang pakinggan mula sa akin ‘yon.
Kaya nga napangiti na lang ako nang mapait. Bukod sa sobrang malas ko talaga pagdating sa pag-ibig, swerte naman ako, dahil hindi bumagsak ang mga business namin magmula nang hawakan ko ang mga ‘to.
Kung tutuusin ay mas umangat pa nga. Siguro ay dahil hands-on talaga ako pagdating sa mga business namin. Perfectionist kasi talaga ako. Dapat ay hindi kami puwedeng magkamali.
Kung maganda ang performance namin last year, dapat mas maganda ngayon. Dapat ay talunin pa rin namin ‘yong na-set naming record last year.
Kaya siguro sobrang dami naming achievements ngayong taon. Ang problema ko lang talaga ngayon ay dahil sa ex-boyfriend kong gago.
Wala na ngang naitulong sa akin, nagawa pa akong lokohin para lang iangat ang business nila. Pero mukhang pababagsakin naman ‘yon ni Daddy nang hindi nila napapansin, dahil nga sa nangyari ngayon.
“I’ll bring them down,” he announced.
Umiling na lamang ako, at hindi na umangal pa. ‘Yon siguro ang karma nila, ang gagawin ni Daddy. Kaya instead na pigilan siya, hinayaan ko na lang.
Kung ‘yon naman ang mabisang solusyon para matuto sila, at hindi nila ako gaguhin, mas maganda na lang sigurong pabagsakin sila. Bahala na kung ano man ang mangyari. Basta ayusin nila ang mga desisyon nila sa buhay kung ayaw nilang maging karma si Daddy.
Pagdating ko sa office ko, sumunod ang secretary ko.
“Good morning, Ma’am Ocampo,” bati sa akin nito.
Hindi ako nagsalita, at nilingon lamang siya nang ako ay makaupo sa aking swivel chair.
“Ma’am, may bisita po kayo.”
“Sino?” tanong ko sa kaniya gamit ang kalmadong boses.
Itinuon ko naman ang aking atensyon sa aking table na ngayon ay sobrang daming document. Mukhang kanina lang ‘to iniakyat ng ibang departments.
Masiyado kasing mabagal ang process ng documents kung minsan. Kinakailangan pang i-follow up ng aking secretary kung maayos na ba ang mga rush document doon.
Understandable naman since may mga process din naman kasi ang mga ‘to. Hindi rin naman kasi ‘to basta-basta, eh. Kaya iniintindi ko na lang kaysa magkaroon pa ako nang problema.
“Sir Killian Adler Rivanov, ma’am.”
Natigilan ako. Ramdam ko ang panlalamig ng aking mga palad, dahil sa biglaang pagbisita ng lalaking ‘yon.
Ilang beses akong kumurap. Umaasa kasi akong mali lang ako ng dinig. Kaya lang ay wala namang binawi ang secretary ko. Wala tuloy akong choice kung hindi ay lingunin siya para lang siguraduhin kung tama ba ang aking pangdinig.
“Pardon?”
“Sir Killian Adler Rivanov po,” ulit ng aking secretary.
“Bakit siya nandito?” tanong ko sa kaniya.
Aware naman akong mayaman ang lalaking ‘yon. Hindi ko lang inaasahan na makikilala niya kaagad ako, at kung aling business ang hawak ko para lang bisitahin niya ako mismo rito sa office ko.
Wala akong ideya kung ano ang pakay niya, pero ramdam kong hindi ‘yon basta-basta. Hindi naman kasi ako no’n sasadyain mismo rito kung simple lang ang pakay niya, hindi ba?
“May business meeting daw kayo, ma’am. Ganitong oras daw po, at sinabi niya raw po sa ‘yo kahapon.”
Hindi naman ako makapagsalita. Wala naman siyang sinabing ganoon, pero dahil mukhang kilala ng secretary ko kung sino ang lalaking ‘to, hindi na ako nakipagtalo pa.
“Let him in,” utos ko na lamang, at napahawak na lang sa aking noo.
Ramdam ko ang pagpintig ng aking sintido, dahil sa biglaan nitong pagbisita. Pero kung maniningil lang naman ‘to sa akin, bakit dito pa talaga sa office ko?
Hindi naman nagtagal nang pumasok siya. Suot ang mamahaling itim na business attire, at ang kaniyang mabibigat na mga titig sa aking gawi ang sumalubong sa akin.
Wala naman akong reaksyon nang magtama ang aming mga mata. Nanatili akong kalmado, kahit na sa loob-loob ko ay halos himatayin na ako sa sobrang kaba.
“How are you, Ravenna Ylianna Ocampo?” he said hoarsely, making my heart pound fast.
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewHumugot ako nang malalim na hininga. Hindi ko na namalayan kung ilang oras na ba ang lumipas. Basta ang alam ko lang ay kakain na ulit ako, pero dinner na.Hindi na ako binantayan ng lalaki. Kaya nakapagtataka kung bakit pinili niyang lumabas.Hindi na rin naman pumasok pa si Simon dito sa loob. Kung may papason man, ‘yong isang lalaki na madalas akong tulungan.Hindi ko alam kung bakit medyo natulala pa ako. Pakiramdam ko kasi ay parang may tunog akong naririnig na hindi ko alam kung saan nanggagaling.Nasa matinong pag-iisip pa naman ako, pero bakit parang matinis na tunog sa kung saan?Napahawak na lamang ako sa aking tainga, at kinagat nang mariin ang aking labi, hanggang sa may magsalita.“Baby.”Napaawang ang aking labi, at kaagad na natantong ang boses na ‘yon ay nanggagaling mismo sa aking earrings.“Are you there?”“Killian?”“Tone down your voice, baby,” wika nito na siyang nagpasinghap na lang sa akin.Bakit ngayon niya lang ako kinaus
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“Ano ba ang pakialam mo?” singhal ni Simon sa kaniya.Napansin ko naman ang pagsulyap nito sa akin, at ang pagkunot ng kaniyang noo na hindi ko alam kung para saan nga ba.Bumigat din ang kaniyang awra, pero hindi ko matukoy kung bakit. Basta ang alam ko lang ay tumalim ang kaniyang mga mata nang lingunin niyang muli si Simon.“Naatasan lang tayo para bantayan ‘yan, hindi para bugbugin!”Doon naman natawa si Simon, at kaagad akong itinuro na para bang may nagawa akong kasalanan.“Ito! Itong babaeng ‘to! Sinabi ba naman na wala talaga silang pakialam sa kaniya! Na kaya ganoon ang nangyari ay dahil pinaglalaruan lang tayo ng mga ‘yon!”Dumako muli ang mga mata sa akin ng lalaki, ngunit kaagad din naman niyang ibinalik muli ang kaniyang atensyon kay Simon na ilang beses napamura nang malutong.“Tang ina! Kung patayin na lang natin ‘to?”“Tapos ano? Tayo ang malalagot kina boss?” iritadong wika naman niya, at napailing na lamang. “Kaya mo ba sinuntok
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewIsang araw na ang lumipas magmula nang dalhin nila ako rito. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, pero naniniwala naman ako na darating si Killian.Naniniwala ako na magagawa nila akong hanapin, at magagawa nilang pabagsakin ang mga ‘to. Pero bakit sa tuwing lumilipas ang oras ay aminado akong nawawalan na ako ng pag-asa?Hindi ko alam kung dahil ba sa lalaking madalas akong pagsalitaan ng kung ano, o dahil pakiramdam ko ay wala talaga akong laban sa kanila?Sabihin na nating namatay na nga si Dexter, pero hindi naman ‘yon sapat para maging kalmado ako, hindi ba? Kaya hindi ko maiwasang mapatulala na lang, at pilit nagdadasal para tanggalin ang kabang nararamdaman ko magmula pa kanina.“Kumain ka na.”Napasulyap ako sa lalaking nagdala ng pagkain para sa akin, at kung hindi ako nagkamamali ay siya ‘yong madalas na hindi nagkokomento sa tuwing nasa paligid ‘yong isa.Kung hindi ako nagkamamali ay Simon ang pangalan no’n, pero ‘tong isa, hindi
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewHindi ko na alam kung ilang oras na ba ang lumipas. Basta pagmulat ko ng aking mga mata, medyo maliwanag na ang paligid. Hindi na sa puwesto ko ang may ilaw. Buong sulok na ng silid.Kaya nagulat ako nang magkaroon ng mesa sa saking harapan. Parang ang hirap kasing paniwalaan, at hindi na rin makatali ang mga kamay ko. Napatitig ako sa pagkaing nasa harapan ko. Pakiramdam ko ay kanina pa ‘to nakahain. Kaya kumalam ang aking sikmura, kahit na hindi ko naman tipo ang pagkain.Mabilis akong kumain. Hindi ko na ininda pa kung ilang beses akong nabulunan, dahil ang mahalaga sa akin ay ang makakain ako nang maayos.Ayaw kong sayangin ang pagkatataong ‘to. Gutom na gutom ako, at nauuhaw. Pakiramdam ko ay mawawalan ulit ako ng malay kung hindi ko ‘to itinuloy.Kaya naging mabilis ang lahat. Hindi ko man lang namalayan na naubos ko na ‘yon, at uminom ako kaagad ng tubig.“Patay gutom ka pala?” puna nang isang boses.Doon ako napasulyap sa gawi niya, at n
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“Ilibing niyo ‘yan,” utos ng lalaki sa mga tauhan nila.He’s dead?Kahit wala akong makita, dahil madilim sa parte nila, hindi ko maipaliwanag ang takot na nararamdaman ko.Nagawa niyang patayin si Dexter, at hindi malabong kaya rin ako nitong patayin kung gugustuhin niya.Kaya napalunok ako, at napailing lalo pa’t alam kong hindi basta-bastang tao ‘to.“Pinatay mo siya,” bulong ko na may halong panghihina, at panginginig.Naramdaman ko ang mga mata nilang napalingon sa akin, at hindi ko alam kung bakit nanuyo ang aking lalamunan. Maging ang aking balahibo sa katawan, tumayo.“Yes,” he answered. “So what? I hate that kind of trash. Ang plano rito ay ang kidnap-in ka para dumating ang mga Rivanov. Ang habol lang naman niya sa ‘yo ay ang business mo, pero dahil sa kalibugan no’n, patay siya.”Hindi ako makapagsalita. Did he save me from him?Alam kong kalaban nina Killian ‘to, pero hindi ko aakalain na magagawa niya akong iligtas sa kung sino.“I j
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewHindi ako makapagsalita. Gulat na gulat ako sa aking narinig. Ni hindi ko rin magawang huminga, dahil sa kaniyang sinabi.“Tikman ko na siya ngayon. Baka kapag napatay ko ‘to, hindi ko na maririnig na umiyak,” dagdag pa niya.Rinig ko ang yabag ng kaniyang paa, hanggang sa tumigil siya sa aking harapan. Doon ko natanaw ang kaniyang mukha, at kung ikukumpara ang mukha niya noon sa mukha niya ngayon, ibang-iba.Ang laki kasi ng ipinayat nito, at hindi ko alam kung dahil ba nasa ibabaw niya ang ilaw kaya parang malalim ang kaniyang mga mata.“Huwag kang lalapit sa akin!”Natawa siya nang mahina, at yumuko para tapatan ang level ng aking mukha. Tinitigan niya ako nang nakadidiri. Nagawa pa niyang tingnan ang aking katawan, at ngumisi na lamang nang nakatatakot.“Bakit hindi? Mamamatay ka lang din naman. Tikman na kita ngayon.”Nagsimulang magtubig ang aking mga mata. Ilang beses pa akong napalunok, hanggang sa tumulo na ang aking mga luha.“Tang ina!
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewHumugot ako nang malalim na hininga, at hindi man lang maiwasang makaramdam nang kaunting kirot sa aking puso. Parang nadaplisan ng kung anong bagay, dahil habang tumat
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“May balita ka ba kay Liam?” tanong ko kay Killian, habang kami ay nasa hapag.Napansin ko naman
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewMabilis lumipas ang araw, at hindi ko naman mapigilang makaramdam ng lungkot lalo pa’t ngayon ang huling araw namin dito.
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“May pupuntahan ba tayo?” tanong ko sa kaniya, habang pinatatakbo niya ang kabayo.Medyo may kabagalan lang din

![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





