Mag-log inRavenna Ylianna Ocampo’s Point of View
Napalunok ako, at mabilis na inilihis ang aking mga mata lalo na nang mapansin kong nakatitig siya sa akin.
Umupo kasi siya sa sofa na medyo may kalayuan sa aking table. Ipinatong niya ang kaniyang mga bisig sa sandalan ng sofa, at nagawa ko nga rin kasing nasaksihan ang pag-de-kuwatro niya.
Bahagya pa ngang nanuyo ang aking lalamunan, dahil hindi ko inaasahan na ganito pala kalakas ang appeal niya.
Maiintindihan ko tuloy ang mga babaeng nagkandadarapa sa kaniya, which is malayong hindi mangyari. Mayaman siya. Of course, maraming nakakikilala sa kaniya. Malabo rin namang hindi siya kilala ng mga ‘to, kahit na hindi siya mayaman.
Sa lakas ng appeal niya, tangkad, at kaguwapuhan niya, malabong hindi mo alamin ang pangalan. Baka nga maraming lumapit sa kaniya, at mag-offer na lang ng contract para lang ipasok siya sa modelling industry.
Kahit simpleng damit lang siguro ang ipasuot sa kaniya, magagawa niya ‘yong idala nang walang kahirap-hirap. Kung pagsuotin man siguro ‘to nang butas-butas na damit, magmumukha pa ring may class.
Imbis na isipin siya, umiling na lamang ako. Itinuon ko ang aking pansin sa mga document na kailangan kong pirmahan.
Bukod sa rush ang ilang document dito, kinakailangan ko ring tanggalin sa isipan ko ang pagkahumaling ko sa lalaking ‘to.
Kabi-break ko lang sa ex-boyfriend ko. Kahit sabihin pang single kaming pareho, wala pa akong balak. Kailangan ko pang ayusin ang sarili ko, kung maayos ko man.
Sa dinami-dami ba naman kasing breakup na naranasan ko, at pare-pareho lang ang rason, parang nakatatakot na ring sumugal. Mas gugustuhin ko pang tumanda na lang nang dalaga kaysa ang ganito.
“Is that how you treat your guest?”
Natigil ako sa pagpipirma nang bigla na lang siyang magsalita. Nawala tuloy ako sa focus, dahil sa kaniyang pagsingit.
Ilang beses pa akong napakurap, hanggang sa matawa na lamang ako nang bahagya. Ano ba ang kailangan kong gawin? Wala naman kasi siya sa schedule ko kung tutuusin.
Nang mag-angat ako ng tingin, nakita ko siyang nakatitig sa aking gawi. Madilim ang kaniyang mga mata, at tila may gustong sabihin. Kaya lang ay nang ipinikit niya ang kaniyang mga mata, nawala ‘yon.
“Ano ba ang dapat kong gawin? Pagsilbihan ka?” masungit kong tanong sa kaniya, at ibinaba ang hawak kong ballpen. “Ang kapal naman ng mukha mo kung ganoon?”
Umangat ang sulok ng kaniyang labi sa aking sinabi. Kaya napakunot ako ng aking noo.
Hindi ko lang maintindihan kung bakit ganoon ang kaniyang naging reaksyon kung gayon na nagawa ko na siyang sungitan. Natuwa pa siya sa lagay na ‘yon?
“Natuwa ka pa sa lagay na ‘yan?” hindi mapigilang komento ko.
Pero imbis na sumagot, ngumisi lamang siya. Hindi na tipid ‘yon kung ikukumpara kanina. Kaya napailing na lang ako, dahil siya na nga ang sinungitan, pero siya pa ang natuwa.
Hindi na ako nakipag-usap sa kaniya. Nag-focus na lamang ako sa aking trabaho, hanggang sa hindi ko napansin na basta na lang pumasok ang secretary ko dala ang mga pagkain na hindi ko alam kung saan galing.
“Nag-order ka?” tanong ko sa secretary ko, dahil puro mga mamahaling pagkain ang mga ‘yon.
Nagtataka namang tumingin sa akin ang secretary ko. Mukhang hindi inaasahan na magtatanong ako.
“Hindi po. Akala ko po ay ikaw ang nag-order, ma’am, kasi may bisita ka,” nagtataka nitong tanong na nagpalingon naman sa akin kay Killian.
Hindi siya nakatingin sa aking gawi, dahil ang atensyon niya ay nasa librong binabasa niya. Hindi ko nga lang sigurado kung binabasa niya lamang ‘yon, o props lang, eh. Pero parang may ideya na ako kung sino ang salarin sa bagay na ‘to.
“Nabayaran naman na ‘to, ma’am,” dagdag pa ng aking secretary.
Mas lalo tuloy lumakas ang kutob ko, dahil sa kaniyang naging sagot. Kaya imbis na magsalita, tumango na lamang ako para hindi na humaba pa ang usapan naming dalawa.
Hindi rin naman nagtagal nang umalis siya sa office ko. Saka lang din binitawan ni Killian ang librong binabasa niya, at mabilis na lumingon sa akin.
“Let’s eat.”
Naningkit naman ang aking mga mata, dahil parang maganda ang mood nito. Hindi ko alam kung dala lang ba ‘yon ng pagkain na naamoy niya, o sadyang nagbago lang talaga ang mood niya nang magbasa siya?
“Ikaw ang nag-order?” tanong ko sa kaniya.
He shrugged. Bumaling kaagad ang kaniyang atensyon sa mga pagkain na nasa kaniyang harapan, at nagsimulang tanggalin ang mga takip nito.
Napahawak na lang tuloy ako sa aking noo, dahil biglang pumintig ang aking sintido. Hindi ko nga lang masiguro kung dahil ba ‘to sa biglaan niyang pagbisita, saka pag-order, o ang mga tambak na documents sa aking table, eh.
“It’s already lunchtime. You should be eating instead of working.”
Hindi naman ako sumagot. Pinili kong manahimik, dahil baka kung ano ang masabi ko. Kaya imbis na makipag-away pa sa kaniya, tumayo na lamang ako, at lumapit doon.
Pinili ko nga lang maupo sa harapan niya, dahil ayaw kong parehong sofa ang inuupuan namin.
Isa pa, naglalaro pa sa isipan ko ‘yong sinabi niya sa akin noon. Tingin ba niya ay hindi matatanggal sa aking isipan ang tungkol doon?
“I want you on my bed—begging for me to wreck you.”
Ipinilig ko ang aking ulo sa kanan, at pasimple na lang siyang pinanood kung saan ay naglalagay siya ng mga ulam sa isang plato.
Nang makuntento siya roon, saka niya ‘yon inilahad sa akin. Bahagya pa ngang kumunot ang aking noo, dahil bakit naman niya ibibigay sa akin ang mga kinuha niya?
“This is yours,” he clarified.
Napaawang naman ang aking bibig. Hindi inaasahan na magagawa niya akong asikasuhin kung gayon na siya ang bisita ko, at nasungitan ko pa siya.
Hindi ko naman makalilimutan na siya ang tumulong sa akin, at kailangan ko pa siyang bayaran. Ang problema lang ay bakit nagagawa niya ‘to kung ang tanging kailangan lang naman niya sa akin ay ang katawan ko?
“Why are you doing this?” I asked, trying to break the deafening silence between us.
“What do you think?” tanong naman nito pabalik sa akin, at tiningnan ako nang mariin.
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewHumugot ako nang malalim na hininga. Hindi ko na namalayan kung ilang oras na ba ang lumipas. Basta ang alam ko lang ay kakain na ulit ako, pero dinner na.Hindi na ako binantayan ng lalaki. Kaya nakapagtataka kung bakit pinili niyang lumabas.Hindi na rin naman pumasok pa si Simon dito sa loob. Kung may papason man, ‘yong isang lalaki na madalas akong tulungan.Hindi ko alam kung bakit medyo natulala pa ako. Pakiramdam ko kasi ay parang may tunog akong naririnig na hindi ko alam kung saan nanggagaling.Nasa matinong pag-iisip pa naman ako, pero bakit parang matinis na tunog sa kung saan?Napahawak na lamang ako sa aking tainga, at kinagat nang mariin ang aking labi, hanggang sa may magsalita.“Baby.”Napaawang ang aking labi, at kaagad na natantong ang boses na ‘yon ay nanggagaling mismo sa aking earrings.“Are you there?”“Killian?”“Tone down your voice, baby,” wika nito na siyang nagpasinghap na lang sa akin.Bakit ngayon niya lang ako kinaus
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“Ano ba ang pakialam mo?” singhal ni Simon sa kaniya.Napansin ko naman ang pagsulyap nito sa akin, at ang pagkunot ng kaniyang noo na hindi ko alam kung para saan nga ba.Bumigat din ang kaniyang awra, pero hindi ko matukoy kung bakit. Basta ang alam ko lang ay tumalim ang kaniyang mga mata nang lingunin niyang muli si Simon.“Naatasan lang tayo para bantayan ‘yan, hindi para bugbugin!”Doon naman natawa si Simon, at kaagad akong itinuro na para bang may nagawa akong kasalanan.“Ito! Itong babaeng ‘to! Sinabi ba naman na wala talaga silang pakialam sa kaniya! Na kaya ganoon ang nangyari ay dahil pinaglalaruan lang tayo ng mga ‘yon!”Dumako muli ang mga mata sa akin ng lalaki, ngunit kaagad din naman niyang ibinalik muli ang kaniyang atensyon kay Simon na ilang beses napamura nang malutong.“Tang ina! Kung patayin na lang natin ‘to?”“Tapos ano? Tayo ang malalagot kina boss?” iritadong wika naman niya, at napailing na lamang. “Kaya mo ba sinuntok
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewIsang araw na ang lumipas magmula nang dalhin nila ako rito. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, pero naniniwala naman ako na darating si Killian.Naniniwala ako na magagawa nila akong hanapin, at magagawa nilang pabagsakin ang mga ‘to. Pero bakit sa tuwing lumilipas ang oras ay aminado akong nawawalan na ako ng pag-asa?Hindi ko alam kung dahil ba sa lalaking madalas akong pagsalitaan ng kung ano, o dahil pakiramdam ko ay wala talaga akong laban sa kanila?Sabihin na nating namatay na nga si Dexter, pero hindi naman ‘yon sapat para maging kalmado ako, hindi ba? Kaya hindi ko maiwasang mapatulala na lang, at pilit nagdadasal para tanggalin ang kabang nararamdaman ko magmula pa kanina.“Kumain ka na.”Napasulyap ako sa lalaking nagdala ng pagkain para sa akin, at kung hindi ako nagkamamali ay siya ‘yong madalas na hindi nagkokomento sa tuwing nasa paligid ‘yong isa.Kung hindi ako nagkamamali ay Simon ang pangalan no’n, pero ‘tong isa, hindi
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewHindi ko na alam kung ilang oras na ba ang lumipas. Basta pagmulat ko ng aking mga mata, medyo maliwanag na ang paligid. Hindi na sa puwesto ko ang may ilaw. Buong sulok na ng silid.Kaya nagulat ako nang magkaroon ng mesa sa saking harapan. Parang ang hirap kasing paniwalaan, at hindi na rin makatali ang mga kamay ko. Napatitig ako sa pagkaing nasa harapan ko. Pakiramdam ko ay kanina pa ‘to nakahain. Kaya kumalam ang aking sikmura, kahit na hindi ko naman tipo ang pagkain.Mabilis akong kumain. Hindi ko na ininda pa kung ilang beses akong nabulunan, dahil ang mahalaga sa akin ay ang makakain ako nang maayos.Ayaw kong sayangin ang pagkatataong ‘to. Gutom na gutom ako, at nauuhaw. Pakiramdam ko ay mawawalan ulit ako ng malay kung hindi ko ‘to itinuloy.Kaya naging mabilis ang lahat. Hindi ko man lang namalayan na naubos ko na ‘yon, at uminom ako kaagad ng tubig.“Patay gutom ka pala?” puna nang isang boses.Doon ako napasulyap sa gawi niya, at n
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“Ilibing niyo ‘yan,” utos ng lalaki sa mga tauhan nila.He’s dead?Kahit wala akong makita, dahil madilim sa parte nila, hindi ko maipaliwanag ang takot na nararamdaman ko.Nagawa niyang patayin si Dexter, at hindi malabong kaya rin ako nitong patayin kung gugustuhin niya.Kaya napalunok ako, at napailing lalo pa’t alam kong hindi basta-bastang tao ‘to.“Pinatay mo siya,” bulong ko na may halong panghihina, at panginginig.Naramdaman ko ang mga mata nilang napalingon sa akin, at hindi ko alam kung bakit nanuyo ang aking lalamunan. Maging ang aking balahibo sa katawan, tumayo.“Yes,” he answered. “So what? I hate that kind of trash. Ang plano rito ay ang kidnap-in ka para dumating ang mga Rivanov. Ang habol lang naman niya sa ‘yo ay ang business mo, pero dahil sa kalibugan no’n, patay siya.”Hindi ako makapagsalita. Did he save me from him?Alam kong kalaban nina Killian ‘to, pero hindi ko aakalain na magagawa niya akong iligtas sa kung sino.“I j
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewHindi ako makapagsalita. Gulat na gulat ako sa aking narinig. Ni hindi ko rin magawang huminga, dahil sa kaniyang sinabi.“Tikman ko na siya ngayon. Baka kapag napatay ko ‘to, hindi ko na maririnig na umiyak,” dagdag pa niya.Rinig ko ang yabag ng kaniyang paa, hanggang sa tumigil siya sa aking harapan. Doon ko natanaw ang kaniyang mukha, at kung ikukumpara ang mukha niya noon sa mukha niya ngayon, ibang-iba.Ang laki kasi ng ipinayat nito, at hindi ko alam kung dahil ba nasa ibabaw niya ang ilaw kaya parang malalim ang kaniyang mga mata.“Huwag kang lalapit sa akin!”Natawa siya nang mahina, at yumuko para tapatan ang level ng aking mukha. Tinitigan niya ako nang nakadidiri. Nagawa pa niyang tingnan ang aking katawan, at ngumisi na lamang nang nakatatakot.“Bakit hindi? Mamamatay ka lang din naman. Tikman na kita ngayon.”Nagsimulang magtubig ang aking mga mata. Ilang beses pa akong napalunok, hanggang sa tumulo na ang aking mga luha.“Tang ina!
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“What?” gulantang na tanong ko sa kaniya, dahil parang sobrang dami naman yata nila. “Bakit nadamay ako?”Akala ko ay si Liam lang ang problema ko, pero bakit maging ang isang ex-boyfriend ko ay dumagdag pa? Ano ba ang gusto nila sa akin?“Your properties,” sa
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewHabang nasa kitchen kami, at naghahanda si Tita ng mga kakailanganin naming ingredients.Walang nagsasalita sa amin ni Tita, pero ramdam ko na parang gusto niyang magbukas ng topic.Kaya nang magtagpo ang mga mata namin ni Tita, kaagad na lumitaw ang ngiti sa
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of ViewHabang pauwi kami ni Killian, hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng kabog ng aking puso. Parang may mali, at hindi ko alam kung ano nga ba ‘yon.Kaya napalingon ako kay Killian na ngayon ay seryosong nagmamaneho. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kan
Ravenna Ylianna Ocampo’s Point of View“Sure ka talaga? Hindi natin hahanapan ng girlfriend ang kapatid mo?” pagbibiro ko sa kaniya.Umiling naman siya kaagad bilang sagot, at tinulungan akong makababa ng kaniyang sasakyan.Isinara naman niya ang pintuan ng kaniyang sasakyan, saka kami sabay na nag

![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





