Share

One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)
One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)
Author: Duskara Morvane

Kabanata 1

last update publish date: 2026-01-20 02:21:56

Kiara’s POV

Successful ang kasong hawak ko bilang litigation lawyer. Malinis ang naging desisyon, pabor sa kliyente ko, at malinaw ang naging epekto sa buong firm. Paglabas ko pa lang ng conference room, sinalubong na agad ako ng palakpakan at pagbati ng mga kasamahan ko. Alam kong inaasahan nilang sasama ako sa celebration, pero iba ang laman ng isip ko. Gusto kong umuwi agad. Gusto kong makita si Jack. Gusto kong ako mismo ang magsabi sa kaniya ng magandang balita.

“Congratulations, Atty. Montero!” proud na sabi ni Joan, ang matalik kong kaibigan sa firm, sabay yakap sa akin. “Baka may award ka na naman ngayong taon. Mula nang pumasok ang 2026, wala ka talagang mintis.”

“Salamat,” natatawa kong sagot. “Pero tama na muna ang trabaho. May mas mahalaga akong pupuntahan.”

“Tama na ang trabaho?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Wow. Iba na talaga kapag engaged.”

“Ikaw ha,” biro ko. “Basta ikaw ang bridesmaid ko. Walang kawala.”

“Of course,” mabilis niyang sagot. “I’m so happy for you, Kiara. After everything you worked hard for, parang kumpleto na talaga ang buhay mo.”

Ngumiti lang ako. Ayoko nang patagalin pa ang usapan namin ni Joan.

Hindi na ako dumaan sa bar o sa restaurant. Hinayaan ko ang mga kasama kong magdiwang. Sinabi ko na lang sa kanila na ako ang magbabayad sa lahat ng gastos ngayong araw. 

Dumiretso ako sa condo ni Jack, dala ang folder ng kaso at ang excitement na hindi ko na mapigil. Pagbukas ko ng pinto, agad kong narinig ang pamilyar na boses ng. Tumigil ako sa paghinga.

“Jack,” tawag ng boses na iyon. “Stop, someone might see us.”

Hindi ko na kailangan lumapit para makilala kung kanino galing ang boses. Boses ‘yon ng stepsister kong si Kara!

Naglakad ako papasok sa sala. Doon ko sila nakitang naghahalikan—parang binalot ng kalibugan ang buong katawan dahil nakataas ang palda ni Kara at nakaupo siya sa kandungan ni Jack. Hindi ko aakalaing makikita ko sa ganoong posisyon abg fiancé ko at ang stepsister ko. 

“Ano’ng ginagawa ninyo?” malamig kong tanong, kahit nanginginig ang kamay ko. Nanuyo ang lalamunan ko sa galit. Gusto ko silang sugurin, pero parang dumikit ang mga paa ko sa sahig.

Nagkahiwalay sila agad. Kita ko ang gulat sa mukha ni Jack. Si Kara naman, mabilis na inayos ang damit niya.

“Kiara…” bungad ni Jack. “Hindi ito ang iniisip mo.”

“Talaga?” napatawa ako, pero walang saya sa boses. “So anong iniisip ko ngayon, Jack? Enlighten me.” Pinigilan ko ang pamumuo ng mga luha ko.

“Please, pakinggan mo muna ako,” sabi niya, palapit sa akin.

“Stop,” mariin kong utos. “Huwag kang lalapit sa akin. Nakakadiri ka. Nakakadiri kayong dalawa!”

“Kiara, I can explain,” sabat ni Kara, kunwaring kalmado sabay kagat ng labi niya.

Napalingon ako sa kaniya at sinampal ang makapal niyang mukha. “Ikaw?” tanong ko. “Ikaw ang mag-e-explain?”

Napahawak siya sa pisngi niya. “Hindi namin sinasadya—”

“Sinadya ninyo, Kara!” putol ko. “Hindi aksidente ang nangyari. Hindi aksidente ang halos maghubad ka na sa kandungan ng fiancé ko! Kailanman ay hinding-hindi magiging aksidente ang kalibugan at kalandian sa mga katawan ninyo!”

“Kiara, hindi mo alam ang buong kuwento.”

“Anong kuwento ba ang kailangan kong marinig, Kara?” sigaw ko. “Na matagal mo na siyang gusto? O na matagal ka nang nag-aabang na maghiwalay kami kasi kating-kati ka nang makuha siya?”

“Hindi ka lang naman ang nasasaktan,” balik niya.

“Wow,” napailing ako. “Talaga? So biktima ka rin? Ang kapal naman ng mukha mo!”

Muli ko siyang sinampal. 

Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. 

Pumagitna si Jack sa amin, pero mabilis ko siyang itinulak.

“Mga walang hiya kayong dalawa! Ginago ninyo ako! Mang-aagaw ka, Kara!” sigaw ko at muli siyang sinugod. Sinabunutan ko siya at sinampal ng paulit-ulit. 

“Oo na!” biglang sigaw ni Kara nang awatin kami ni Jack. “Ako na ang malandi! Lagi ka na lang nasa itaas. Ikaw ang magaling. Ikaw ang paborito. Ikaw ang may perpektong buhay. Kailan mo ba naisip kung ano ang pakiramdam na laging nasa likod mo, Kiara?”

“Huwag mong gawing dahilan ang inggit mo, Kara.” 

“Hindi ito inggit,” giit niya. “Ito ang katotohanan, Kiara.”

“Ang katotohanan,” sagot ko, “ay ninakawan mo ako. Inagaw mo sa akin si Jack. Malandi ka. Gusto mo lahat ng meron ako ay meron ka rin kaya pati fiancé ko inahas mo!”

“Hindi ko siya inahas,” mabilis niyang sagot. “Hindi siya bagay sa ‘yo. Hindi ka niya minahal!”

Naningas ako sa kinatatayuan ko. Napatingin ako kay Jack. “Totoo ba?” tanong ko. “Hindi mo ba ako minahal nang totoo?”

Hindi sumagot si Jack. Yumuko lamamg siya. At iyon ang pinakamasakit.

“Sumagot ka!” giit ko. “Ito ba ang dahilan kung bakit mo ako niloko, ha?”

“Kiara,” mahina niyang sabi.

“Isang tanong lang,” hindi ako umatras. “Mahal mo ba siya, Jack?”

Hindi siya agad sumagot.

“Jack,” nanginginig na ang boses ko. “Sagutin mo ako. Mahal mo ba ang stepsister ko na sumira sa relasyon natin?”

“Oo,” bulong niya.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.

“Oo,” ulit ko. Napaatras ako. “Sa lahat ng taon na kasama mo ako, ngayon mo lang nagawang maging totoo? Mahal mo si Kara, pero ako ang gusto mong pakasalan?”

“Hindi ko ginusto na masaktan ka, Kiara…” sabi niya. Sinubokan niya akong hawakan, pero agad kong inalis ang kamay niya.

“Pero ginawa mo pa rin,” sagot ko. “Dito mo pa talaga nagawang dalhin ang babae mo, Jack. Condo mo, condo ko. Ako ang nagbabayad nito buwan-buwan. Ang kapal ng mukha mong lokohin ako matapos kitang buhayin ng ilang taon!” Sinampal ko rin si Jack. 

“Kiara—” Sinubokan niya akong pigilan sa muling pagsampal kay Jack kaya siya na lang ang sinampal ko ulit. 

“Tumahimik ka,” sigaw ko. “Huwag mo akong pigilan kong ano ang gagawin ko sa kaniya!” 

“May karapatan akong ipagtanggol si Jack dahil ako ang pinili niya. Ako ang mahal niya!”

Tumawa ako, nangingilid ang luha. “Pinili ka niya dahil nandiyan ka. Dahil madali ka lang makuha, Kara. ‘Yon naman ang gusto niya sa ‘yo. Easy to get ka lang. Ang bilis mong bumukaka sa kaniya.”

“Hindi totoo ‘yan. Mahal ako ni Jack!” 

“Mahal?” Humakbang ako palapit sa kaniya. “Mahal ka lang niyan kasi hindi pa siya nagsawa sa ‘yo, Kara.”

Nanigas si Kara. Nanginginig siya sa galit, parang gusto niya na akong sugurin at saktan.

Napatingin ulit ako kay Jack. “Gaano na kayo katagal?” tanong ko.

Hindi siya makatingin sa akin nang diretso.

“Gaano,” ulit ko.

“Anim na buwan,” sagot niya.

Humigpit ang paghawak ko sa folder na dala ko. “Anim na buwan,” ulit ko. Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko. “Habang nagpaplano tayo ng kasal?”

“Hindi ko ginusto—”

“Ayoko nang marinig ang paliwanag mo, Jack. Cheating is a choice! Kaya huwag mo sabihin sa aking hindi mo ginusto! Choice mong magloko sa akin!” Napatakip ako ng mukha. “All these years…akala ko, ako na. Nag-propose ka pa talaga sa akin habang may relasyon kayo ni Kara.”

Hinubad ko ang engagement ring sa daliri ko. Tinitigan ko muna iyon bago ko ibinato sa mukha niya.

“Tapos na tayo, Jack.” Pinunasan ko ang mukha ko. “Lahat ng mga bagay na binigay ko sa ‘yo, babawiin ko. Kasama na rito ang condo.”

“Kiara naman, please,” lumapit siya. Lumuhod sa harapan ko. “Pag-usapan natin ‘to. Iiwan ko ang kapatid mo. Itutuloy natin ang kasal.”

“Huwag,” mariin kong sagot. “Wala ka nang lugar sa buhay ko. Sana…bago mo naisip na lokohin ako, inisip mo muna kung ano ang mangyayari. Pero hindi mo nagawa kasi pareho kayong malalandi at makakapal ang pagmumukha!”

Kinuha ko ang bag ko at naglakad palabas.

Lumabas ako ng condo na mabigat ang dibdib. Napaluhod ako sa kalsada, napahagulhol sa sobrang sakit ng ginawa nila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rey Pencerga
recommended
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 31

    Kimberly's POV Kabanata 31"Gamitin?" tanong ko. "Anong ibig mong sabihin?""Gamitin mo ako para pagselosin ang asawa mo."Natigilan ako."Ano?""Gamitin mo ako," ulit niya. "Ipakita mo sa kanya na may ibang lalaking nag-aalaga sa iyo. Ipakita mo sa kanya na may ibang lalaking gustong makasama ka. Ipakita mo sa kanya na hindi ka naghihintay sa kanya.""Pero—""Kim, tingnan mo ang sitwasyon mo," sabi niya. "Iniwan ka niya. Hindi siya nagparamdam sa loob ng limang buwan. Ngayong bumalik siya, hindi ka man lang niya pinansin. Hindi ka niya hinawakan. Hindi ka niya hinalikan. Hindi ka niya niyakap. Wala na siyang pakialam sa iyo.""Alam ko," sabi ko. "Alam ko lahat iyon.""Eh bakit mo pa siya hinahabol? Bakit mo pa sinisiksik ang sarili mo sa kaniya?""Kasi mahal ko siya," mahinang sabi ko. "Mahal na mahal ko siya, Cameron.""Kim, mahal mo siya," sabi niya. Ngumisi siya. "Pero hindi ka niya mahal."Naramdaman ko ang kirot sa dibdib ko."Alam ko," bulong ko. "Alam ko iyon.""Eh bakit mo p

  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 29

    Kabanata 29Kimberly's POV Pagkatapos ng hapunan, dumiretso si Michael sa dating silid ko sa bahay. Sa tuwing nasa bahay kami ng mga magulang ko, ito ang kwarto na ginagamit namin dalawa. May malaking kama. May malaking closet. May sariling banyo.Sumunod ako sa kanya.Pagkapasok namin sa silid, niyakap ko siya agad. Hinawakan ko ang kanyang katawan. Dinikit ko ang katawan ko sa kanya."Michael," bulong ko. "Miss na miss kita."Hindi siya gumalaw.Hinalikan ko ang kanyang leeg. Hinalikan ko ang kanyang pisngi. Hinalikan ko ang kanyang mga labi.Hinawakan ko rin ang kanyang ari. Hinaplos ko iyon sa ibabaw ng kanyang pantalon."Michael," bulong ko. "Gusto kitang maramdaman ngayong gabi." Napakagat-labi ako sa ginagawa ko. Hinaplos ko pa rin ang pantalon niya.Pero kahit isang segundo ay hindi niya ako pinansin.Tumayo siya roon. Hindi gumagalaw. Hindi tumitingin sa akin. Hindi nagsasalita.Mas lalo akong nanlumo."Michael, kiss me," pagmamakaawa ko. "Please. Kiss me."Hinawakan niya na

  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 29

    Kabanata 29 Kimberly's POV Pagkatapos ng hapunan, dumiretso si Michael sa dating silid ko sa bahay. Sa tuwing nasa bahay kami ng mga magulang ko, ito ang kwarto na ginagamit namin dalawa. May malaking kama. May malaking closet. May sariling banyo. Sumunod ako sa kanya. Pagkapasok namin sa silid, niyakap ko siya agad. Hinawakan ko ang kanyang katawan. Dinikit ko ang katawan ko sa kanya. "Michael," bulong ko. "Miss na miss kita." Hindi siya gumalaw. Hinalikan ko ang kanyang leeg. Hinalikan ko ang kanyang pisngi. Hinalikan ko ang kanyang mga labi. Hinawakan ko rin ang kanyang ari. Hinaplos ko iyon sa ibabaw ng kanyang pantalon. "Michael," bulong ko. "Gusto kitang maramdaman ngayong gabi." Napakagat-labi ako sa ginagawa ko. Hinaplos ko pa rin ang pantalon niya. Pero kahit isang segundo ay hindi niya ako pinansin. Tumayo siya roon. Hindi gumagalaw. Hindi tumitingin sa akin. Hindi nagsasalita. Mas lalo akong nanlumo. "Michael, kiss me," pagmamakaawa ko. "Please. Kiss me." Hina

  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 28

    Kabanata 28 Kimberly's POV Ang bahay ng mga magulang ko sa Forbes Park ay malaki. Tatlong palapag. May swimming pool sa likod. May hardin na may mga puno ng mangga at iba pang halaman. May malawak na driveway kung saan kasya ang limang kotse. Pero ngayong gabing ito, ang laki ng bahay ay parang nagsisiksik sa akin. Ang mga dingding ay tila lumalapit. Ang kisame ay tila bumababa. Ang hangin ay tila nagiging mabigat kasi nandito si Michael. Ang asawa ko. Ang lalaking iniwan ako limang buwan na ang nakakaraan. Ang lalaking hindi nagparamdam sa loob ng limang buwan. Ang lalaking ngayon ay nakaupo sa sala kasama ang mga magulang ko. Nakatayo ako sa may pintuan ng sala. Tinitigan ko siya. Nakasuot siya ng itim na suit. Puti ang kanyang long-sleeve. May kurbata siyang kulay gray. Ang kanyang buhok ay maayos na naka-ayos. Ang kanyang mukha ay may bahid ng pagod. Pero gwapo pa rin siya. Gwapo pa rin ang asawa ko. "Hubby!" masayang sabi ko nang magtama ang mga mata namin. Tumayo siya mu

  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 27

    Kabanata 27Cameron's POVNatapos ang meeting ko sa mga board of directors ng Archangel Group. Tatlong oras kaming nag-usap tungkol sa mga financial reports, sa mga bagong projects, at sa mga expansion plans. Ang mga mukha ng mga directors ay seryoso. Ang kanilang mga tanong ay matutulis. Ang kanilang mga demands ay mataas.But I handled them well. I always do."Sir, okay po ba ang meeting?" tanong ng assistant ko na si Marco. Nakatayo siya sa tabi ng pinto ng conference room. May dala siyang tablet at isang folder."Okay naman," sagot ko. "Same old issues. Same old solutions.""May gusto po ba kayong ipaayos?""Wala muna. I'll call you if I need anything."Tumango siya. "Opo, Sir."Lumabas ako ng conference room. Naglakad ako papunta sa private lounge ko. Ang lounge ay nasa ika-45 na palapag ng building. Malaki ito. May malaking bintana na nakaharap sa skyline ng Singapore. May mga sofa na kulay gray. May isang maliit na bar sa gilid. May isang malaking TV na nakasabit sa dingding.U

  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 26

    Kabanata 26 Cameron's POV Pagdating namin sa condo, agad ko siyang binuhat. Pumasok kami sa elevator. Umakyat kami sa floor niya. Binuksan ko ang pintò ng condo. Pumasok ako. Dinala ko siya sa kwarto. Maingat ko siyang inihiga sa kama. Tumingin siya sa akin. Ang kanyang mga mata ay nag-aalab. "Cameron..." bulong niya. "Yes, Attorney?" "Halikan mo ako." Hindi ako nakasagot. Yumuko ako. Hinalikan ko ang kanyang mga labi. Mariin. Malalim. Mainit. Ang kanyang mga bisig ay pumulupot sa aking leeg. Ang kanyang mga daliri ay kumakapit sa aking buhok. Ang kanyang mga labi ay gumagalaw kasabay ng aking mga labi. Pinulupot niya ang kanyang mga hita sa aking baywang. Hinila niya ako palapit sa kanya. Ang kanyang katawan ay dumidikit sa aking katawan. "Kim," bulong ko. "Huwag kang tumigil," sabi niya. Sinira ko ang kanyang dress. Ang tela ay napunit sa aking mga kamay. Nahubad ang kanyang katawan sa harap ko. Bumaba ang aking mga halik. Mula sa kanyang labi, papunta sa kanyang leeg

  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 34

    Chase’s POVBuong araw akong tutok sa computer at sa trabaho. Sunod-sunod ang mga dokumentong kailangang pirmahan, mga kontratang kailangang repasuhin, at mga tawag na hindi ko sinasagot. Ayokong may kausap. Ayokong may istorbo.Kaya nang bumukas ang pinto ng opisina ko, agad akong nainis.Mas lalo

    last updateLast Updated : 2026-03-24
  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 26

    Kiara’s POV Nasa restaurant ako ngayon kasama ang isa sa pinakaimportanteng kliyente ko. Family dispute ang kaso nila, at ako ang kinuhang litigation lawyer. Matagal na kaming nag-uusap tungkol sa strategy, sa posibleng galaw ng kabilang kampo, at kung paano namin ihahanda ang sarili namin sakaling

    last updateLast Updated : 2026-03-22
  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 77

    Kiara’s POVPagkaalis ni Joan, agad akong bumalik sa silid namin ni Chase para makapagpahinga kasi buong araw akong gising.Mabigat ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung dahil sa pagod, sa pagbubuntis, o sa dami ng nangyari nitong mga nakaraang araw. Kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko, hi

    last updateLast Updated : 2026-04-05
  • One Sinful Night With My Possessive Uncle (SSPG)   Kabanata 78

    Kiara’s POVKanina pa ako hindi mapakali mula nang umalis si Chase upang puntahan si Kara sa ospital. Hindi na ako sumama dahil gabi na rin at ayaw niyang mapagod ako. Ilang beses pa niya akong pinigilan bago siya umalis.“Stay here, Kiara,” sabi niya kanina habang suot na niya ang coat niya. “I do

    last updateLast Updated : 2026-04-05
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status