LOGINAng bilis ng araw. Akala ko makakahinga ako matapos ang meeting, pero mukhang kabaligtaran ang nangyayari. Halos hindi ako pinapahinga ni Sebastian Castillo. Kung hindi schedules ang pinapagawa niya, reports naman. Kung hindi reports, errands. Para akong personal assistant, hindi intern.
Pero kahit nakakapagod, ayaw kong magpakita ng kahinaan. Ayokong isipin niyang isa lang akong batang walang alam. “Miss Velasquez,” tawag niya habang nakatayo sa harap ng malaking salamin sa opisina niya, nakasandal at hawak ang cellphone. “Come inside.” Dali-dali akong pumasok, dala ang kopya ng notes na inayos ko mula sa meeting. “Sir, here’s the summary you asked for.” Kinuha niya iyon, mabilis na binuklat, tapos bahagyang ngumisi. “Not bad… for an intern.” Hindi ko alam kung compliment ba ‘yon o insulto, kaya ngumiti na lang ako ng pilit. Pero bago pa ako makaalis, bigla siyang nagsalita. “I have another task for you. Let’s see if you can handle it.” “Anong task po, sir?” Tumayo siya mula sa swivel chair niya, lumapit, at tinuro ang table kung saan nakalatag ang ilang contracts at business proposals. “I want you to brief me on these before lunch. Summarize everything. The pros, the cons, and which deal is worth signing.” Halos nanlaki ang mata ko. “Sir… two hours na lang bago mag-lunch. At ang kapal po nito.” “Exactly.” Nag-cross arms siya at tinitigan ako. “You said you’ll do your best, right? Prove it.” Gusto kong kumontra, pero naunahan ako ng determinasyon. Kinuha ko ang mga papeles at bumalik sa desk ko. Kaya ko ‘to. Hindi ako pwedeng sumuko. Kung challenge ang gusto niya, challenge ang ibibigay ko. Dalawang oras akong halos hindi gumalaw. Basa, sulat, highlight, tapos basa ulit. Ilang beses kong kinagat ang ballpen sa frustration, pero pilit kong tinapos. Pagdating ng 11:55, tumayo ako dala ang mga notes ko at pumasok muli sa opisina niya. Nandoon siya, nakaupo at tila walang pakialam habang nagbabasa ng isang luxury magazine. “Sir,” sabi ko, habol hininga. “I’m ready.” Nag-angat siya ng tingin, parang nagulat na seryoso talaga ako. “Oh? Go on then.” Isa-isa kong ipinaliwanag ang mga contracts. Inilatag ko ang strengths and weaknesses, pati ang possible risks kung pipirmahan niya agad. Habang nagsasalita ako, napansin kong hindi siya tumitingin sa papeles kundi sa akin lang. Para bang sinusuri niya kung matatakot ba ako o magpapatuloy. At hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makita akong manghina. Pagkatapos ng halos fifteen minutes na briefing, tumigil ako. “That’s all, sir. Based on my review, proposal number three has the most potential but needs renegotiation on the timeline. The others are either too risky or overpriced.” Tahimik lang siya ng ilang segundo, tapos bigla siyang tumawa. Hindi malakas, pero sapat para magbigay ng kilabot at kilig sa loob ko. “Impressive,” sabi niya, leaning back sa chair. “Hindi ko in-expect na matatapos mo ‘yan.” “Sinabi ko naman po sa inyo, sir. I’ll do my best.” Lumapit siya ng bahagya, nakaluhod ang siko sa desk at diretso ang tingin sa akin. “Careful, Miss Velasquez. Kung patuloy kang magpapakita ng ganyang tapang, baka lalo akong ma-curious sa’yo.” Napalunok ako, hindi alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Pero bago pa ako makapagsalita, dumating si Dylan. “Bro, lunch meeting na tayo with the investors,” sabi niya, pasilip sa pintuan. Tumango si Bash, pero bago siya tumayo, lumingon ulit siya sa akin. “You’re coming.” “P-po?” halos mapasigaw ako. “You handled the papers. You’ll join the meeting. Consider it part of your training.” At habang naglalakad ako kasunod niya, napaisip ako. Hindi ko alam kung sinusubok niya lang ako… o gusto lang niya akong ilagay sa sitwasyong hindi ko makakalimutan. Pero isang bagay ang sigurado: sa larong ito, hindi ako pwedeng maging mahina Pagdating namin sa five-star hotel restaurant, halos mahulog ang panga ko sa ambiance. Puro businessmen at investors na nakasuot ng mamahaling suit. Elegant, intimidating, at halatang sanay sa ganitong klaseng kapaligiran. Kasama ko si Bash at si Dylan, pero pakiramdam ko invisible ako. Intern lang, naka-black slacks at simpleng blouse, habang sila parang mga modelo ng luxury magazine. Paglapit namin sa reserved table, agad nagtayuan ang mga investors. “Mr. Castillo,” bati ng isang matanda, sabay abot ng kamay kay Bash. “Pleasure to see you again.” “Likewise,” sagot niya na parang walang effort, pero puno ng authority. Umupo kami. Ako, tahimik lang sa gilid, hawak ang maliit kong notebook. Pero bago pa magsimula ang usapan, naramdaman ko ang tuhod ni Bash na dumikit sa tuhod ko. Napakagat ako ng labi at halos mapatingin agad sa kanya. Pero kalmado lang siya, nakikipag-shake hands sa mga nasa table. Para bang wala siyang ginagawa. Sebastian Castillo, anong trip mo? Habang tumatagal ang meeting, mas lalong sumisikip ang dibdib ko. Ang daming terms, ang daming figures. Nag-raise ng concern ang isang investor tungkol sa feasibility ng isang project, at bigla akong tinapik ni Bash sa ilalim ng mesa. Bahagya akong napatingin sa kanya. Walang salita, pero ramdam kong gusto niyang magsalita ako. “Miss Velasquez,” tawag niya bigla, kalmado pero may ngiti sa labi. “You reviewed the contracts this morning, didn’t you? Why don’t you share your thoughts?” Nanlamig ang kamay ko. Lahat ng mata nasa akin ngayon. Mga taong milyon-milyon ang hawak, at ako lang ang simpleng intern. Huminga ako ng malalim. “Base po sa review ko, proposal number three is the most realistic in terms of timeline and budget. But I’d recommend renegotiating the manpower clause, kasi masyadong tight at baka mag-cause ng burnout sa employees. The others look good on paper, pero risky sa long term.” Tahimik. Ilang segundo lang, pero parang isang oras sa pakiramdam ko. Tapos, biglang natawa ang isa sa mga investors. “Not bad, Mr. Castillo. Even your intern thinks like a consultant.” Nakita kong ngumiti si Bash, pero hindi siya sumagot. Sa halip, bahagya niyang pinisil ang kamay ko—oo, hawak na niya pala ang kamay ko sa ilalim ng mesa at hindi ko namalayan kung kailan niya kinuha. Halos mabitawan ko ang ballpen ko, pero pinigilan ko ang sarili ko. Nakatitig siya sa akin, walang ibang nakakaalam sa ginagawa niya kundi kami lang. At sa mga mata niya, may halong amusement at admiration. Pagkatapos ng meeting, habang palabas kami ng restaurant, biglang bumulong si Dylan sa akin. “Impressive, intern. Hindi lahat nakakakuha ng ganyang compliment from investors.” “Thank you po,” nahihiya kong sagot. Pero si Bash, walang sinabi. Tahimik lang siyang naglakad. Nang makalayo kami, saka siya yumuko at bulong na halos ikabagsak ng tuhod ko: “Sweetheart… careful. Baka masanay ako sa galing mo. At masanay din ako sa init ng kamay mo sa ilalim ng mesa.” Nanlaki ang mata ko at napaatras ng konti. “Sir, kayo po ang humawak—” Ngumisi lang siya, ‘yung tipong alam mong sinasadya niyang asarin ako. “Doesn’t matter. You didn’t pull away.” At doon ko naisip… mas delikado pala siya sa akala ko. Hindi lang sa business world, kundi lalo na sa personal na mundo ko.Alas-siyete na ng gabi ngunit ang Archives Section ng CIU Central Library ay nananatili pa ring tahimik. Patay na ang karamihan sa mga naglalakihang ilaw sa unahan, at tanging ang maliit na desk lamp sa lamesa nina Seth at Avery ang nagbibigay ng madilaw na liwanag sa kanilang pinaliligirang mundo ng mga libro. Malamig ang aircon, at halos mapuno na ng mga tech jargon at medical statistics ang screen ng kanilang mga laptop. Si Avery ay bahagyang napasandal sa upuan, hinahaplos ang kanyang batok dahil sa matinding pagod. Ang kanyang puting Nursing uniform ay bahagyang may kaunting lukot na, ngunit ang kanyang focus ay nananatili pa ring matalas. Subalit ang katahimikan sa kanilang lamesa ay kanina pa nabubulabog ng isang bagay—ang cellphone ni Seth. Nakatobang paitaas ang screen ng mamahaling iPhone ni Seth sa tabi ng notebook nito. Kanina pa ito walang tigil sa pag-vibrate. Ang screen ay sunod-sunod na nagliliwanag dahil sa mga notifications mula sa kanilang exclusive Group Chat
Pagkatapos na pagkatapos ng seminar, halos gumuho ang sementadong daanan sa labas ng auditorium sa lakas ng tawanan ng anim na playboys habang nakasunod kay Seth. Si Seth naman ay naglalakad nang tuwid, bitbit ang kanyang bag sa isang balikat, ngunit may hindi matanggal-tanggal na pilyong ngisi sa kanyang mga labi. "Putsa, seryoso talaga, Seth Axel! Synthesis report mula kay Dr. Henson?" humahalakhak na asar ni Dwayne Alcantara habang hinahabol ang hakbang ng Senior Racer. "Fifty percent ng grade niyo sa seminar! At ang pinakamalupit, kayong dalawa lang ni Miss Phantom ang magkasama sa buong linggo!" "Hahaha! Kuya Seth, congratulations! Naka-score ka rin ng one-on-one time nang walang kahati!" sigaw ni Kian Kyler na panay ang sundot sa tagiliran ni Seth gamit ang kanyang siko. "Sabi sa inyo, effective ang kamandag ni Dr. Henson para sa love life nitong isa, eh!" "Anong love life?" seryosong sumingit si Ryker Blake Monteverde habang umiiling. "Ang tawag doon, academic death sente
Ang malawak na CIU Main Auditorium ay kasalukuyang napupuno ng daan-daang estudyante mula sa College of Business Management at College of Health Sciences. Ang malamig na aircon at ang mahinang bulungan ng mga estudyante ay nagbibigay ng pormal na atmospera para sa gaganaping Joint Seminar on Healthcare Entrepreneurship. Ngunit ang pormalidad na iyon ay agad na nayanig nang sabay-sabay na pumasok ang pitong playboys sa likurang bahagi ng auditorium. “Shh! Nandiyan na sila!” “Ang guwapo pa rin ni Asher kahit halatang inaantok!” “Swerte ng mga taga-Nursing ngayon, kasama natin sila sa seminar!” Binalewala ng pito ang mga bulungan habang pababa sila sa baitang ng stadium-style seating ng auditorium. Nangunguna si Duke Monteverde na seryosong nakikipag-usap sa isang student council staff, habang si Dwayne Alcantara naman ay panay ang ngiti sa mga Nursing students na nadadaanan nila. Ngunit si Seth Axel Castillo ay may ibang hinahanap. Ang kanyang kulay abong mga mata ay mabi
Kinaumagahan, tila ba nagkaroon ng sariling bawas sa enerhiya ang mukha ni Seth Axel Castillo habang naglalakad sa malawak na quadrangle ng Castillo International University. Kahit suot ang kanyang plantsado at mamahaling uniform ng unibersidad, halatang-halata ang itim sa ilalim ng kanyang mga mata. Puyat mula sa paghihintay kay Avery sa studio, puyat sa biyahe, at mas lalong puyat dahil sa magkasunod na sermon nina Daddy Bash at Mommy Althea kagabi. Ngunit ang anim niyang kaibigan na kasabay niyang naglalakad ay walang pakialam kung mukha siyang binuhay na bangkay. Sa katunayan, ito ang pinakapaboritong oras ng squad—ang oras ng walang awang pang-aasar. "Oh, nasaan ang makapangyarihang King of the Road?" panimula ni Dwayne Alcantara, na may bitbit pang hawak na mamahaling kape habang pilyong nakatitig sa mukha ni Seth. "Mga pare, tingnan niyo ang mukha ng Senior natin. Mukhang hindi lang na-flat-an ng gulong, mukhang tinakbuhan pa ng kaluluwa." "Hahaha! Grabe ka, Kuya Dwayne,"
Nakalubog pa rin ang mukha ni Seth Axel sa malambot na unan ng sofa habang ang pilyong ngisi ay nananatili sa kanyang mga labi. Sa kabila ng mabigat na banta ng kanyang ama na itapon siya sa Mindanao, tila ba mas matimbang pa rin sa isip niya ang mukha at ang banayad na amoy ng baby powder ni Avery habang natutulog ito sa tabi niya kanina. Para sa kanya, ang bawat banta at hirap ay tila ba bahagi lang ng isang exciting na karera na kailangan niyang panalunan. "Nakangisi ka pa dinala ng kalokohan mo, Seth Axel. Akala mo ba ay hindi ko alam ang mga ginagawa mo?" Ang banayad ngunit puno ng awtoridad na boses na iyon mula sa dilim ng pasilyo ang naging dahilan upang biglang mapabalikwas ng upo si Seth. Ang kanyang kulay abong mga mata ay napatingin sa unahan, at doon ay nakita niya ang kanyang ina. Si Althea Castillo. Ang kaisa-isang babaeng nakapagpaamo sa mailap at mapanganib na si Sebastian "Bash" Castillo. Kahit madaling araw na at nakasuot lang ito ng isang simpleng silk robe
Alas-tres na ng madaling araw nang dahan-dahang pumasok ang Matte Black McLaren 720S sa dambuhalang bakal na gate ng Castillo Mansion sa Forbes Park. Pinatay agad ni Seth Axel ang headlights ng kanyang sasakyan bago pa man ito tuluyang pumasok sa malawak na garahe, pilit na iniiwasan ang ingay upang hindi magising ang buong kabahayan. Matapos i-lock ang sasakyan, dahan-dahang siyang naglakad patungo sa side entrance ng mansyon. Bitbit ang kanyang black leather jacket sa isang balikat at ang susi na pilyong pinapaikot sa kanyang daliri, may kaunting ngiti pa rin sa kanyang mga labi. Hanggang ngayon, tila ba sariwa pa rin sa kanyang isip ang amoy ng baby powder at ang banayad na profile ni Avery habang natutulog sa kanyang tabi kanina sa BGC. Subalit ang lahat ng antok at pilyong ngiti ni Seth ay biglang naglaho nang buksan niya ang dambuhalang pintuan patungo sa main living room. Bukas ang naglalakihang chandelier sa kisame, nagbibigay ng gintong liwanag sa marangyang sala. At sa
Monday never felt this long. Para kay Althea Velasquez, bawat tik-tak ng wall clock sa opisina ay parang pahiwatig ng kaba sa dibdib niya. The moment she stepped back into her cubicle after that encounter with Sebastian earlier, alam niyang tapos na ang peace of mind niya. Kahit anong pilit niyan
Tahimik ang buong opisina nang maiwang mag-isa si Sebastian Castillo sa swivel chair niya. Nakatitig siya sa laptop, pero hindi naman gumagalaw ang cursor. Ang mga mata niya — malalim, parang may hinahanap. Pero ang totoo, alam naman niyang kung ano ang gumugulo sa isip niya. Her. ‘Yung paraan
Maaga pa lang, gising na si Althea Velasquez. Habang nasa harap ng salamin, paulit-ulit niyang sinasabing sa sarili, “Professional ka, Althea. Professional.” Pero kahit ilang beses pa niyang ulitin, hindi niya maitago ang pamumula ng pisngi tuwing naiisip ang nangyari kagabi. Bakit ko ginawa ’yon
Tahimik pa rin sa loob ng kotse. Ilang minuto na lang at nasa tapat na sila ng bahay ni Althea, pero para kay Thea, bawat segundo parang may kasamang tibok ng puso na hindi niya mapigilan. Mula nang umandar muli ang sasakyan, wala nang nagsalita sa kanilang dalawa. Pero kahit walang salita, ramdam







