LOGINPagbalik namin sa opisina matapos ang lunch meeting, halos gusto ko nang umupo agad at ibagsak ang notebook ko sa mesa. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi dahil sa pagod lang, kundi dahil sa mga nangyari kanina.
Under the table, Bash Castillo. Talaga bang ginawa mo ‘yon? At bakit hindi ko tinanggal ang kamay ko? “Miss Velasquez.” Napatingin ako bigla. Nakatayo siya sa harap ng desk ko, nakasuksok ang kamay sa bulsa, at malamig ang ekspresyon. Kung makikita siya ng iba, iisipin nilang pormal lang siya at walang pakialam. Pero sa likod ng tingin niyang ‘yon, alam kong may alam siya na ako lang ang nakakaintindi. “Sir?” “In my office. Now.” Agad akong sumunod, dala ang notebook ko. Pagkapasok ko, isinara niya ang pinto at dumiretso sa upuan niya. Tahimik lang siya habang nagbubukas ng laptop. Ako naman, parang tanga lang na nakatayo roon, naghihintay ng utos. “Sir, do you need me to type something, or—” “Sit.” Umupo ako sa harap niya. Hindi ko siya matingnan nang diretso, pero ramdam kong nakatitig siya sa akin. Maya-maya, nagsalita siya. “You surprised me today.” “Po?” “Hindi lahat ng interns may lakas ng loob magsalita sa investors. Pero ikaw…” ngumisi siya ng konti, ‘yung tipong nakakaloko. “…you held your ground.” “Ginawa ko lang po yung trabaho ko.” “Trabaho?” ngumisi siya, leaning forward. “Sweetheart, you went beyond your job description. Ang interns, usually taga-kopya lang ng files at taga-bili ng kape. Pero ikaw, nakipag-debate sa mga taong twice, thrice your age. That’s bold.” Nag-init ang mukha ko. “Kung may mali po akong nasabi—” “Walang mali.” Pinutol niya agad ako. “Actually, you were right. I just didn’t expect it.” Napatigil ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa papuri niya o maiinis kasi halatang hindi siya sanay na may lumalaban sa mundo niya. Tahimik siya ng ilang segundo, tapos biglang bumangon mula sa upuan niya at lumapit sa desk kung saan ako nakaupo. Tumayo siya sa gilid ko, malapit na malapit, hanggang sa halos maramdaman ko ang init ng katawan niya. “Pero may isa akong hindi maintindihan…” bulong niya, mababa ang tono. “…kung bakit hindi mo tinanggal ang kamay mo kanina.” Napasinghap ako at napatingala sa kanya. “Sir, kayo po ang humawak—” “Yeah,” tumawa siya ng mahina, pero halatang may laman. “And you didn’t pull away.” Hindi ko alam kung paano sasagutin ‘yon. Gusto kong magalit, gusto kong magtanggol sa sarili ko, pero sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit nga ba hindi ako umatras. “Sir, please…” mahina kong sabi. “Don’t… don’t make this harder for me.” Saglit siyang tumingin sa akin, tapos napabuntong-hininga at lumayo. Umupo ulit siya sa chair niya, seryoso na ulit ang mukha. “You can go,” sabi niya. “I’ll call you if I need you.” Tumayo ako agad, dala ang notebook ko, at lumabas ng opisina niya. Pagkasara ng pinto, halos malaglag ako sa upuan ko sa labas. Ano bang nangyayari? Bakit parang… hindi lang basta laro sa kanya ito? At bakit ako mismo… parang nahuhulog na rin? Pagkatapos ng hapon, halos gusto ko nang mahulog sa upuan ko sa sobrang pagod. Ang dami niyang pinagawa—emails, filing, phone calls—pero kahit gano’n, ramdam ko pa rin yung titig ni Bash mula sa loob ng opisina niya. Tuwing dumadaan siya sa harap ko, kahit isang segundo lang, parang lumalakas ang tibok ng puso ko. Nang mag-5:30 na, unti-unting naglabasan ang mga empleyado. Ako, nanatiling nakaupo sa desk ko, sinusubukan pang tapusin ang huling email draft. “Miss Velasquez,” tawag niya bigla mula sa pintuan ng opisina niya. Napatayo ako agad. “Yes, sir?” “Come inside.” Dahan-dahan akong pumasok, dala ang laptop ko. Nakaupo siya sa desk, medyo nakatanggal ang necktie at nakaluwag ang butones ng polo niya. Mas lalong naging dangerous ang aura niya sa ganitong itsura—relaxed pero nakakaakit. “Done with the reports?” tanong niya. “Yes, sir. I already saved them sa shared folder.” Tumango siya. Tahimik. Tapos tiningnan niya ako ng matagal, parang may binabasa sa mukha ko. “Sir?” “Sit.” Umupo ako sa harap niya, kinakabahan. “Do you regret it?” bigla niyang tanong. Napakunot ang noo ko. “Regret what?” “You know what I’m talking about.” Nanahimik ako. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya. Pero sa halip na magsalita, siya mismo ang ngumiti, ‘yung tipong nakakaasar at nakaka-turn on sabay. “You didn’t pull away, Althea.” Nanlaki ang mata ko. “Sir, please… wag niyo pong banggitin ‘yon dito. Office po ito—” “Exactly,” putol niya, leaning forward. “This is my office. My rules. And right now, I want honesty.” Huminga ako ng malalim. “I… I don’t know what to say.” Hindi siya sumagot. Tumayo siya, lumapit sa gilid ko, at bahagyang yumuko. Ang amoy ng kanyang perfume, halong wood at spice, halos magpawala ng ulirat ko. “Don’t think too hard,” bulong niya. “Actions speak louder than words. And yours? Tells me more than enough.” Bago pa ako makasagot, tumunog ang cellphone niya. Agad niyang kinuha at sumagot ng tawag. Sa tono niya, halatang business-related. Habang nagsasalita siya, lumayo siya ng konti, at ako naman ay agad na nakahinga nang maluwag. Sht. Delikado ‘to. Ang bilis kong nadadala.* Pagkatapos ng tawag, lumingon siya ulit sa akin. “You can go home now. Be here early tomorrow.” Tumayo ako agad, halos nagmamadali palabas ng opisina. Pero bago ko tuluyang isinara ang pinto, narinig ko ang mahina niyang bulong. “See you tomorrow… sweetheart.” At doon ko tuluyang naramdaman ang kaba at init na pilit kong tinatago buong araw.Alas-siyete na ng gabi ngunit ang Archives Section ng CIU Central Library ay nananatili pa ring tahimik. Patay na ang karamihan sa mga naglalakihang ilaw sa unahan, at tanging ang maliit na desk lamp sa lamesa nina Seth at Avery ang nagbibigay ng madilaw na liwanag sa kanilang pinaliligirang mundo ng mga libro. Malamig ang aircon, at halos mapuno na ng mga tech jargon at medical statistics ang screen ng kanilang mga laptop. Si Avery ay bahagyang napasandal sa upuan, hinahaplos ang kanyang batok dahil sa matinding pagod. Ang kanyang puting Nursing uniform ay bahagyang may kaunting lukot na, ngunit ang kanyang focus ay nananatili pa ring matalas. Subalit ang katahimikan sa kanilang lamesa ay kanina pa nabubulabog ng isang bagay—ang cellphone ni Seth. Nakatobang paitaas ang screen ng mamahaling iPhone ni Seth sa tabi ng notebook nito. Kanina pa ito walang tigil sa pag-vibrate. Ang screen ay sunod-sunod na nagliliwanag dahil sa mga notifications mula sa kanilang exclusive Group Chat
Pagkatapos na pagkatapos ng seminar, halos gumuho ang sementadong daanan sa labas ng auditorium sa lakas ng tawanan ng anim na playboys habang nakasunod kay Seth. Si Seth naman ay naglalakad nang tuwid, bitbit ang kanyang bag sa isang balikat, ngunit may hindi matanggal-tanggal na pilyong ngisi sa kanyang mga labi. "Putsa, seryoso talaga, Seth Axel! Synthesis report mula kay Dr. Henson?" humahalakhak na asar ni Dwayne Alcantara habang hinahabol ang hakbang ng Senior Racer. "Fifty percent ng grade niyo sa seminar! At ang pinakamalupit, kayong dalawa lang ni Miss Phantom ang magkasama sa buong linggo!" "Hahaha! Kuya Seth, congratulations! Naka-score ka rin ng one-on-one time nang walang kahati!" sigaw ni Kian Kyler na panay ang sundot sa tagiliran ni Seth gamit ang kanyang siko. "Sabi sa inyo, effective ang kamandag ni Dr. Henson para sa love life nitong isa, eh!" "Anong love life?" seryosong sumingit si Ryker Blake Monteverde habang umiiling. "Ang tawag doon, academic death sente
Ang malawak na CIU Main Auditorium ay kasalukuyang napupuno ng daan-daang estudyante mula sa College of Business Management at College of Health Sciences. Ang malamig na aircon at ang mahinang bulungan ng mga estudyante ay nagbibigay ng pormal na atmospera para sa gaganaping Joint Seminar on Healthcare Entrepreneurship. Ngunit ang pormalidad na iyon ay agad na nayanig nang sabay-sabay na pumasok ang pitong playboys sa likurang bahagi ng auditorium. “Shh! Nandiyan na sila!” “Ang guwapo pa rin ni Asher kahit halatang inaantok!” “Swerte ng mga taga-Nursing ngayon, kasama natin sila sa seminar!” Binalewala ng pito ang mga bulungan habang pababa sila sa baitang ng stadium-style seating ng auditorium. Nangunguna si Duke Monteverde na seryosong nakikipag-usap sa isang student council staff, habang si Dwayne Alcantara naman ay panay ang ngiti sa mga Nursing students na nadadaanan nila. Ngunit si Seth Axel Castillo ay may ibang hinahanap. Ang kanyang kulay abong mga mata ay mabi
Kinaumagahan, tila ba nagkaroon ng sariling bawas sa enerhiya ang mukha ni Seth Axel Castillo habang naglalakad sa malawak na quadrangle ng Castillo International University. Kahit suot ang kanyang plantsado at mamahaling uniform ng unibersidad, halatang-halata ang itim sa ilalim ng kanyang mga mata. Puyat mula sa paghihintay kay Avery sa studio, puyat sa biyahe, at mas lalong puyat dahil sa magkasunod na sermon nina Daddy Bash at Mommy Althea kagabi. Ngunit ang anim niyang kaibigan na kasabay niyang naglalakad ay walang pakialam kung mukha siyang binuhay na bangkay. Sa katunayan, ito ang pinakapaboritong oras ng squad—ang oras ng walang awang pang-aasar. "Oh, nasaan ang makapangyarihang King of the Road?" panimula ni Dwayne Alcantara, na may bitbit pang hawak na mamahaling kape habang pilyong nakatitig sa mukha ni Seth. "Mga pare, tingnan niyo ang mukha ng Senior natin. Mukhang hindi lang na-flat-an ng gulong, mukhang tinakbuhan pa ng kaluluwa." "Hahaha! Grabe ka, Kuya Dwayne,"
Nakalubog pa rin ang mukha ni Seth Axel sa malambot na unan ng sofa habang ang pilyong ngisi ay nananatili sa kanyang mga labi. Sa kabila ng mabigat na banta ng kanyang ama na itapon siya sa Mindanao, tila ba mas matimbang pa rin sa isip niya ang mukha at ang banayad na amoy ng baby powder ni Avery habang natutulog ito sa tabi niya kanina. Para sa kanya, ang bawat banta at hirap ay tila ba bahagi lang ng isang exciting na karera na kailangan niyang panalunan. "Nakangisi ka pa dinala ng kalokohan mo, Seth Axel. Akala mo ba ay hindi ko alam ang mga ginagawa mo?" Ang banayad ngunit puno ng awtoridad na boses na iyon mula sa dilim ng pasilyo ang naging dahilan upang biglang mapabalikwas ng upo si Seth. Ang kanyang kulay abong mga mata ay napatingin sa unahan, at doon ay nakita niya ang kanyang ina. Si Althea Castillo. Ang kaisa-isang babaeng nakapagpaamo sa mailap at mapanganib na si Sebastian "Bash" Castillo. Kahit madaling araw na at nakasuot lang ito ng isang simpleng silk robe
Alas-tres na ng madaling araw nang dahan-dahang pumasok ang Matte Black McLaren 720S sa dambuhalang bakal na gate ng Castillo Mansion sa Forbes Park. Pinatay agad ni Seth Axel ang headlights ng kanyang sasakyan bago pa man ito tuluyang pumasok sa malawak na garahe, pilit na iniiwasan ang ingay upang hindi magising ang buong kabahayan. Matapos i-lock ang sasakyan, dahan-dahang siyang naglakad patungo sa side entrance ng mansyon. Bitbit ang kanyang black leather jacket sa isang balikat at ang susi na pilyong pinapaikot sa kanyang daliri, may kaunting ngiti pa rin sa kanyang mga labi. Hanggang ngayon, tila ba sariwa pa rin sa kanyang isip ang amoy ng baby powder at ang banayad na profile ni Avery habang natutulog sa kanyang tabi kanina sa BGC. Subalit ang lahat ng antok at pilyong ngiti ni Seth ay biglang naglaho nang buksan niya ang dambuhalang pintuan patungo sa main living room. Bukas ang naglalakihang chandelier sa kisame, nagbibigay ng gintong liwanag sa marangyang sala. At sa
Hindi handa si Althea sa bigat ng tanghaling iyon.Hindi dahil sa dami ng tao.Hindi rin dahil sa laki ng mesa o sa presensiya ng mga miyembro ng board.Kundi dahil alam niyang sa loob ng silid na iyon, bawat kilos niya ay binabasa, bawat salita ay tinatandaan, at bawat reaksyon ay puwedeng bigyan
Maagang nagising si Althea. Hindi dahil sa alarm, kundi dahil sa pakiramdam na parang may nakaabang na araw sa kanya—isang araw na hindi mabigat, pero hindi rin basta ordinaryo. Tahimik ang bahay. Ang liwanag ng umaga ay sumisilip pa lamang sa pagitan ng kurtina, banayad at maingat, parang ayaw ma
Naiwan si Nathan de Leon sa gitna ng malamig na hangin ng gabi.Hindi siya agad gumalaw.Nakatayo pa rin siya sa parehong pwesto kung saan huli niyang nakita ang likod ni Althea—ang paraan ng paglakad nito palayo sa kanya, diretso, walang pag-aalinlangan. Walang paglingon. Walang second glance. Wal
Thea stepped out of the revolving glass doors of Castillo Group, dala ang warm paper bag na iniabot ng café earlier. The late evening wind greeted her, cool and gentle, contrasting the heaviness na gumugulo sa dibdib niya buong araw. She exhaled softly. Finally, she could breathe. Pero bago pa ni







