LOGINAlas-siyete na ng gabi ngunit ang Archives Section ng CIU Central Library ay nananatili pa ring tahimik. Patay na ang karamihan sa mga naglalakihang ilaw sa unahan, at tanging ang maliit na desk lamp sa lamesa nina Seth at Avery ang nagbibigay ng madilaw na liwanag sa kanilang pinaliligirang mundo ng mga libro. Malamig ang aircon, at halos mapuno na ng mga tech jargon at medical statistics ang screen ng kanilang mga laptop. Si Avery ay bahagyang napasandal sa upuan, hinahaplos ang kanyang batok dahil sa matinding pagod. Ang kanyang puting Nursing uniform ay bahagyang may kaunting lukot na, ngunit ang kanyang focus ay nananatili pa ring matalas. Subalit ang katahimikan sa kanilang lamesa ay kanina pa nabubulabog ng isang bagay—ang cellphone ni Seth. Nakatobang paitaas ang screen ng mamahaling iPhone ni Seth sa tabi ng notebook nito. Kanina pa ito walang tigil sa pag-vibrate. Ang screen ay sunod-sunod na nagliliwanag dahil sa mga notifications mula sa kanilang exclusive Group Chat
Pagkatapos na pagkatapos ng seminar, halos gumuho ang sementadong daanan sa labas ng auditorium sa lakas ng tawanan ng anim na playboys habang nakasunod kay Seth. Si Seth naman ay naglalakad nang tuwid, bitbit ang kanyang bag sa isang balikat, ngunit may hindi matanggal-tanggal na pilyong ngisi sa kanyang mga labi. "Putsa, seryoso talaga, Seth Axel! Synthesis report mula kay Dr. Henson?" humahalakhak na asar ni Dwayne Alcantara habang hinahabol ang hakbang ng Senior Racer. "Fifty percent ng grade niyo sa seminar! At ang pinakamalupit, kayong dalawa lang ni Miss Phantom ang magkasama sa buong linggo!" "Hahaha! Kuya Seth, congratulations! Naka-score ka rin ng one-on-one time nang walang kahati!" sigaw ni Kian Kyler na panay ang sundot sa tagiliran ni Seth gamit ang kanyang siko. "Sabi sa inyo, effective ang kamandag ni Dr. Henson para sa love life nitong isa, eh!" "Anong love life?" seryosong sumingit si Ryker Blake Monteverde habang umiiling. "Ang tawag doon, academic death sente
Ang malawak na CIU Main Auditorium ay kasalukuyang napupuno ng daan-daang estudyante mula sa College of Business Management at College of Health Sciences. Ang malamig na aircon at ang mahinang bulungan ng mga estudyante ay nagbibigay ng pormal na atmospera para sa gaganaping Joint Seminar on Healthcare Entrepreneurship. Ngunit ang pormalidad na iyon ay agad na nayanig nang sabay-sabay na pumasok ang pitong playboys sa likurang bahagi ng auditorium. “Shh! Nandiyan na sila!” “Ang guwapo pa rin ni Asher kahit halatang inaantok!” “Swerte ng mga taga-Nursing ngayon, kasama natin sila sa seminar!” Binalewala ng pito ang mga bulungan habang pababa sila sa baitang ng stadium-style seating ng auditorium. Nangunguna si Duke Monteverde na seryosong nakikipag-usap sa isang student council staff, habang si Dwayne Alcantara naman ay panay ang ngiti sa mga Nursing students na nadadaanan nila. Ngunit si Seth Axel Castillo ay may ibang hinahanap. Ang kanyang kulay abong mga mata ay mabi
Kinaumagahan, tila ba nagkaroon ng sariling bawas sa enerhiya ang mukha ni Seth Axel Castillo habang naglalakad sa malawak na quadrangle ng Castillo International University. Kahit suot ang kanyang plantsado at mamahaling uniform ng unibersidad, halatang-halata ang itim sa ilalim ng kanyang mga mata. Puyat mula sa paghihintay kay Avery sa studio, puyat sa biyahe, at mas lalong puyat dahil sa magkasunod na sermon nina Daddy Bash at Mommy Althea kagabi. Ngunit ang anim niyang kaibigan na kasabay niyang naglalakad ay walang pakialam kung mukha siyang binuhay na bangkay. Sa katunayan, ito ang pinakapaboritong oras ng squad—ang oras ng walang awang pang-aasar. "Oh, nasaan ang makapangyarihang King of the Road?" panimula ni Dwayne Alcantara, na may bitbit pang hawak na mamahaling kape habang pilyong nakatitig sa mukha ni Seth. "Mga pare, tingnan niyo ang mukha ng Senior natin. Mukhang hindi lang na-flat-an ng gulong, mukhang tinakbuhan pa ng kaluluwa." "Hahaha! Grabe ka, Kuya Dwayne,"
Nakalubog pa rin ang mukha ni Seth Axel sa malambot na unan ng sofa habang ang pilyong ngisi ay nananatili sa kanyang mga labi. Sa kabila ng mabigat na banta ng kanyang ama na itapon siya sa Mindanao, tila ba mas matimbang pa rin sa isip niya ang mukha at ang banayad na amoy ng baby powder ni Avery habang natutulog ito sa tabi niya kanina. Para sa kanya, ang bawat banta at hirap ay tila ba bahagi lang ng isang exciting na karera na kailangan niyang panalunan. "Nakangisi ka pa dinala ng kalokohan mo, Seth Axel. Akala mo ba ay hindi ko alam ang mga ginagawa mo?" Ang banayad ngunit puno ng awtoridad na boses na iyon mula sa dilim ng pasilyo ang naging dahilan upang biglang mapabalikwas ng upo si Seth. Ang kanyang kulay abong mga mata ay napatingin sa unahan, at doon ay nakita niya ang kanyang ina. Si Althea Castillo. Ang kaisa-isang babaeng nakapagpaamo sa mailap at mapanganib na si Sebastian "Bash" Castillo. Kahit madaling araw na at nakasuot lang ito ng isang simpleng silk robe
Alas-tres na ng madaling araw nang dahan-dahang pumasok ang Matte Black McLaren 720S sa dambuhalang bakal na gate ng Castillo Mansion sa Forbes Park. Pinatay agad ni Seth Axel ang headlights ng kanyang sasakyan bago pa man ito tuluyang pumasok sa malawak na garahe, pilit na iniiwasan ang ingay upang hindi magising ang buong kabahayan. Matapos i-lock ang sasakyan, dahan-dahang siyang naglakad patungo sa side entrance ng mansyon. Bitbit ang kanyang black leather jacket sa isang balikat at ang susi na pilyong pinapaikot sa kanyang daliri, may kaunting ngiti pa rin sa kanyang mga labi. Hanggang ngayon, tila ba sariwa pa rin sa kanyang isip ang amoy ng baby powder at ang banayad na profile ni Avery habang natutulog sa kanyang tabi kanina sa BGC. Subalit ang lahat ng antok at pilyong ngiti ni Seth ay biglang naglaho nang buksan niya ang dambuhalang pintuan patungo sa main living room. Bukas ang naglalakihang chandelier sa kisame, nagbibigay ng gintong liwanag sa marangyang sala. At sa
Tahimik ang gabi sa private island—isang uri ng katahimikan na hindi nakakatakot, kundi nakakahilo. Yung parang hinahaplos ang balat ng malamig na hangin, at kada yapak sa buhangin ay lumulubog nang marahan, parang pinapakalma ang puso. Katapos ng dinner nila—na mas mukha talagang date kaysa normal
Pagbukas ni Althea ng pinto ng villa, bumungad agad sa kanya ang mahinang simoy ng gabi. Ramdam niya ang init at lamig na nag-aagawan sa hangin—parang eksaktong kabaligtaran ng nararamdaman niya kay Sebastian, na laging may halong init at lamig, calm pero dangerous, safe pero nakakapaso. Nasa beac
Pagbukas pa lang ng pinto ng maluwang na meeting villa, ramdam agad ni Althea ang lamig ng aircon na may kasamang halimuyak ng mamahaling wood scent. Ang contrast nito mula sa mainit, maalinsangang hangin ng Maldives ay parang sampal na nagpabalik sa kanya sa realidad—nasa business trip sila. Hindi
Mainit pero banayad ang hangin nang lumabas si Althea mula sa villa. Ang araw ay nasa gitna ng langit, kumikintab sa ibabaw ng malinaw na dagat — parang isang higanteng salamin na kumikislap sa bawat alon. Nakasuot siya ng white sundress na may manipis na strap, at sa ilalim nito ay simpleng swi
![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






