登入CHAPTER 93“Bakit? Sino ba ang boss nila? Nahuli niyo na?” nagtatakang tanong ko sa kanya.“The Mayor. Your Tito Tito Roland. He's the reason behind all of this. He was afraid that my father would expose him. But we already exposed him. Hindi namin alam na nakuha ka niya,”Lumabas na ang tatlong kumidnap sa akin. Pinigilan ko agad si Sebastian nang akma niya itong lalapitan.“'Wag. Wala silang ginawang masama sa akin. Hindi mo sila kailangang saktan,” wika ko habang pinipigilan ko siya.Hinarap ko silang tatlo. May posas na ang kanilang mga kamay. Gipit sila kaya kumapit ang mga ito sa masama. Pero hinding-hindi iyon tama. Kahit anong mangyari 'wag na 'wag kumapit sa patalim. Dahil mas lalo lang madagdagan ang problema niyo. “Tutuparin ko pa rin po ang pangako ko sa inyo. Mag-uusap po tayo ulit. Tutulungan ko kayo,” Tumingin ako sa lalaking kumakausap lang sa akin. “Sabihin niyo sa akin kung saang ospital naroroon ang anak niyo, Manong,”Pamilya niya ang una konsg tutulungan. Dahil
CHAPTER 92"Tang ina! Bakit ang daming mga pulis sa labas? Ano'ng gagawin natin? Mapapahamak tayo nito, p're! Paano na lang ang pamilya ko kapag nakulong ako?" "Kalagan n'yo ang babae at gawin n'yong hostage! Bilisan niyo!" Utos nung mataba. Nakalabas na ang hawak niyang baril."Manong, sumuko na lang po kayo. Ikakapahamak niyo pa po kapag nanlaban pa kayo sa mga pulis!"Kinalagan nila ako at dinala doon sa matabang lalaki. Agad niya akong hinawakan sa aking leeg at tinutok ang baril sa aking ulo."Manong... Masasaktan lang po kayo kapag nanlaban kayo... Sumuko na lang po kayo, please..." Pakiusap ko sa kanya."P're, anong gagawin natin? Mapapahamak na tayo! Paano kapag nakulong tayo? Paano ang mga anak ko? Paano ang pamilya ko?""P're, 'yong girlfriend ko naghihintay na sa akin. Ano'ng gagawin natin?" Ramdam ko ang kaba sa kanilang mga boses. Kahit ang matabang may hawak sa akin ay nanginginig na rin ang kamay. Sa tingin ko ay ito ang unang beses na gumawa ng kasamaan ang dalawa ka
CHAPTER 91Kanina pa nila binabanggit ang tungkol sa boss nila. Pero hindi naman nila sinasabi ang pangalan. “Manong, pwede bang iusog niyo ako malapit sa pader para maisandal ko lang ang ulo ko. Inaantok na kasi ako,” Wala akong alam kung anong oras na. Pero sigurado ako na malapit ng magmadaling araw dahil nahuhulog na ang mga mata ko.Kinalagan na muna nila ang aking paa upang makapaglakad ako. Nakatali na naman ngayon ang aking kamay. Binuhat ni Manong na kinausap ko kanina ang upuan malapit sa pader.Tatlo silang palitan sa pagbabantay sa akin. Nakatayo lang malapit sa pinto at hinihintay ang pagdating ng kanilang boss. Kahit sila ay badtrip na rin. Hindi na rin nila alam kung bakit ang tagal dumating.Sumapit ang umaga at hindi pa rin dumadating ang kanilang sinasabi na boss. Problemado na naman sila kung saan kukuha ng pera para sa aming almusal. Nawawalan na sila ng pasensya.“Ano? Hindi pa rin ba sumasagot? Sabi ko sa 'yo tawagan mo na kagabi pa lang, eh! Kita mo kung ano
CHAPTER 90“Manong, wala pa ba ang boss n’yo? Nakakagutom, ah? Madilim na sa labas. Hindi ba kayo nagugutom?” tanong ko sa kanila. Nagtatago na ang araw ngunit kahit anino ng boss nila ay hindi pa rin dumadating. “Wala atang balak na pumunta rito ang boss niyo,” dagdag ko pa. Ang sakit-sakit na ng pwet ko kakaupo rito.Nakaupo na rin silang tatlo at napagod na kakatayo. Tinanggal na nila ang mga takip sa mukha nila pero hindi naman humarap sa akin. Umupo ba naman na nakatalikod sa akin. Ayaw na ayaw ipakita ang mga mukha nila.“Nagugutom na rin ako, p’re. Bili kaya muna kayo ng ulam at kanin? Wala tayong dalang pagkain para sa hapunan natin,”Tama, bumili kayo ng pagkain dahil mamamatay tayo sa gutom. Sino ba kasi ang boss ng mga ‘to? Kahit anong pakiusap ko sa isang kasamahan nila ay ayaw niya talagang sabihin sa akin. Nakipagkwentuhan na nga ako’t lahat-lahat. Nagkwento na ako tungkol sa buhay ko, pero hindi naman totoo lahat ng mga sinabi ko. May iba doon na hindi ko naman naranas
CHAPTER 89Ang lakas ng tibok ng aking puso lalo na dahil tahimik ang mga kasama ko. Mahigit isang oras na ata ang byahe namin. Mapapanis naman ang laway ko sa mga 'to. Hindi rin naman ako makatulog dahil sino ba naman ang makakatulog ng maayos sa sitwasyon ko ngayon, 'di ba? Kung wala lang sanang takip ang bibig ko nakipagchikahan na ako ngayon sa mga kasama ko. Wala rin akong makita.Nakikiramdam lang talaga ako sa kanila. May isang beses na parang bumukas ang bintana dahil nagyosi ang katabi ko. Pang-amoy na lang ang nagagamit ko ngayon. Nabuhayan ang loob ko nang sa wakas ay huminto na ang sasakyan.Naramdaman ko na lang na may humila na sa akin at kamuntikan pa akong madapa.Hawakan niyo naman ako ng maayos! "Tanggalin niyo na ang takip ng mata at bibig niya,"Sa wakas! "Manong, tubig! Mamamatay ako sa uhaw! Painumin niyo naman ako!" Malakas na sigaw ko sa kanya nang tanggalin nila ang takip sa bibig ko. May tali ang kamay ko at nakalagay lang iyon sa aking kandungan. May na
CHAPTER 88“Sabi mo ay tuturuan mo na ako? Why are we in bed now?”Mahina kong sinampal ang dibdib niya. Nagpapahinga na kaming dalawa at kakatapos lang namin sa isang nakakapagod na labanan. “Kapag wala kang trabaho tuturuan naman kita. Linggo naman na sa susunod wala ka namang trabaho kaya tutulungan mo akong gumawa ng mga order. Nasarapan ka rin naman sa ginawa natin kaya ‘wag ka ng magreklamo,”“Masarap nga,”Kinabukasan ay nakipag meet na ako sa aking mga customer. Ganado na akong gumawa ng mga susunod na mga order. Sunod-sunod na kasi ang dumating. Kahit nakakapagod ay ganado akong gawin. Nakaka inspire.Naubusan ako ng ibang mga materials kaya kailangan kong lumabas para bumili. Pangalawang beses ko na itong lumabas ngayong araw. Tanging kulay red na t-shirt at isang simpleng cotton short ang aking sinuot. Babalik din naman kaagad ako. Mamayang hapon pa ang uwi ni Sebastian kaya wala akong kasama sa condo niya.Habang nag-aabang ako ng taxi sa labas ay mayroong humintong van s
CHAPTER 5 Hinatid ako ni Ninong sa labas ng bahay namin. “Salamat sa paghahatid, Ninong. Kailan po ang simula ng trabaho ko?” tanong ko sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt na nakakabit sa aking katawan. Tumikhim ito bago pinasok ang isang kamay sa loob ng bulsa niya. Nilabas niya ang kanyan
CHAPTER 4“What are you saying? I'll just take you home,” sabi niya ng hindi tumitingin sa akin.Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang sinabi niya. Jusko, akala ko ngayong gabi na ako mawawasak. Ihahatid lang naman pala ako sa bahay. Nakakahiya tuloy ‘yong pinagsasabi ko sa kanya! Baka isipin n
CHAPTER 3Bakit sa dami ng mga babae ay ako pa ang naisip niyang bigyan ng offer na ganito? Maraming mas maganda, mas malinis tingnan, at mas mayaman kesa sa akin. Kung nalilibugan man siya ay marami naman siyang pera at pwede siyang kumuha na lang ng mga babae. Isang minuto akong nakatitig sa muk
CHAPTER 2Mabilis akong lumapit sa kanya upang pigilan siya sa pagsuntok sa matanda. Nakahandusay na ito sa sahig at sunod-sunod niyang sinuntok ang mukha.“Ninong, tama na ‘yan! Ninong Dwayne!” sigaw ko. Hinawakan ko ang balikat niya upang ilayo siya doon sa matanda na naliligo na sa sarili niya







