로그인CHAPTER 3
Bakit sa dami ng mga babae ay ako pa ang naisip niyang bigyan ng offer na ganito? Maraming mas maganda, mas malinis tingnan, at mas mayaman kesa sa akin. Kung n*********n man siya ay marami naman siyang pera at pwede siyang kumuha na lang ng mga babae. Isang minuto akong nakatitig sa mukha niya. Wala akong alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Papayag ba ako? Malaking pera rin ang ibibigay niya sa akin. Ang dalawampung libo ay kita ko na sa isang buwan. Tapos kapag tinanggap ko ang alok niya ay ang dalawampung libo na iyon isang linggo ko lang pagtatrabahuan. Hindi na ako haharap sa mga customer na mga bastos. Hindi ko na kailangang maglaba sa kung sino-sinong mga bahay. Mababayaran ko na ang utang namin sa mga tindahan. May pagkain na palagi sa bahay, hindi na magugutom ang mga kapatid ko. Mabibigyan ko rin sila ng baon kapag papasok sila sa paaralan. Ang tanong, kaya ko bang lunukin ang dignidad ko? Ibibigay ko ang sarili ko sa kanya, ibebenta ko ang sarili ko sa kanya. Mahabang buntong-hininga ang aking pinakawalan bago ako nagpasyang magdesisyon. “Tinatanggap ko po ang alok niyo, Ninong,” matapang na sagot ko. Bahala na ‘to. Iisipin ko na lang na ginagawa ko ito para sa aking mga kapatid. Nakita ko ang pagngisi niya na minsan ko lang makita. “That's a good decision,”wika niya. Inayos niya ang kanyang pambisig na relo. “Come with me right now,” aniya sabay hawak sa aking pulupulsuhan at hinila ako. Sa gitna ng aming paglalakad ay nagsalita ako. Magsisimula na agad? Ngayon din? Hindi pa ako handa! Ito ang unang beses na sasama ako sa isang lalaki. Hindi naman ako inosente, may alam naman ako sa mga ganitong bagay. Pero never been touch and never been kissed ‘to, ‘no! Wala pa talaga kahit sino! Never ba akong nagkaroon ng boyfriend. Kahit halik nga ay hindi ko pa nararanasan. “Teka lang, teka lang, Ninong,” kinakabahang sabi ko. Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako. “Ah... p-pwede ko ba muna kunin ang gamit ko sa loob?” nauutal na sabi ko. Jusko, kinakabahan na talaga ako. Hindi man lang ba muna ako maghahanda? Ang lakas ng tibok ng puso ko. Mas kinakabahan pa ako rito kesa sa mga job interview na nagawa ko. “I'll have my men get your things,” tipid na sabi niya. Muli itong nagsimulang maglakad habang hila-hila niya pa rin ako. Ngayong araw ba mawawala ang virginity ko na ilang taon kong iningatan? Totoo ba ‘to? Naghahanap pa ako ng pwede kong gamitin na gawing rason upang ‘wag munang matuloy. Maghahanda muna ako! Pinagpapawisan na ako nang huminto kami sa isang Bugatti na sasakyan. Ang lakas na ng tibok ng aking puso. Binitawan niya ang aking pulupulsuhan upang buksan ang pintuan ng sasakyan. “Get inside,” sabi niya. Pinasok niya ang kaliwang kamay sa loob ng kaliwang bulsa niya. Nagdadalawang-isip na ako kung papasok ba ako. Kung papasok na ako ay wala na talagang atrasan ‘to. Mawawala na nga sa akin ang ilang taon kong iningatan. Tahimik akong pumasok sa loob ng sasakyan niya. Ilang beses kong dinilaan ang aking pang-ibabang labi dahil pakiramdam ko sobrang tuyo nun. Ang linis ng sasakyan niya, ha. Bago na naman ba ‘to? Parang nung huling kita namin ibang sasakyan ang dala niya. Ngayon iba na rin. Wala akong experience! Paano kong magkamali ako mamaya? Baka magalit siya kapag pumalpak ako. Ano ba ‘tong pinasok ko? Lalong nadagdagan ang kaba sa aking dibdib nang makita ko siyang pumasok na sa loob. Tatlong segundo ko siyang tiningnan bago ko tinuon ang aking atensyon sa unahan. Wala bang tubig dito? Balak ko ng manghingi ng tubig sa kanya dahil nauhaw ako bigla. Alam ko kung saan ang bahay ni Ninong Dwayne dahil ilang beses naman na akong nakapunta doon. Pero ang labis na pinagtataka ko ay kung bakit ibang daan itong tinatahak naming dalawa. Kaya naman ay hindi ko na napigilan ang aking sarili na magtanong sa kanya kung saan ba kami pupunta. “Saan po tayo pupunta, Ninong?” tanong ko, hindi nawala ang kaba sa aking boses. “I'll take you home. Why are you nervous?” nagtatakang tanong niya. Ang ganda tingnan ng mga ugat niya sa kamay, lumalabas iyon habang nagmamaneho siya. Sa bahay namin gagawin? Kakayanin kaya ng kama ko luma na ‘yon. Parang isang bayo niya lang mawawasak na ang kama ko. Mas maganda doon sa mansyon niya, dalawang palapag pa iyon bagong-bago. Mas matibay ang kama doon. Pangarap ko ngang magkaroon ng ganoong kalaking bahay. Sana balang araw mabigyan din ako ng pagkakataon na bigyan ng magandang buhay ang pamilya ko. Magsisikap akong mabuti para maiahon sila sa kahirapan. “Sa bahay po ba natin gagawin? Pwede bang sa bahay niyo na lang? Luma na kasi ang kama ko, Ninong. Baka isang bayo mo lang ay mawasak na agad iyon,”CHAPTER 61"Kapag mabait ang isang tao ay palaging ginagawan ng masasamang balita ng ibang tao. Kagagawan lang din 'yan ng mga taong inggit sa asawa ko," Pinagtatanggol niya pa rin talaga ang asawa niya kahit nahuli na siya. Lihim akong napangiti, hilaw na ang ngiti ni Nina. Pero hindi pa rin matanggal ang kanyang mga mata kay Sebastian."My father is helping many people. That's why ang daming mga inggit sa kanya," sabi ni Nina."Baka gusto mong magdinner kasama siya. Pwedeng-pwede kami mamaya. Nakaya mong tumira sa bahay na ito?" Nilibot niya ang kanyang tingin sa buong paligid. Ang sarap sagutin na, "Oo, nakaya ni Sebastian. Kayo lang naman ang mga maaarte!""Why? This place is good,""Sebastian, I am really a big fan of your mom. Kapag may mga events ay sa kanya kami bumibili ng mga cakes,"Ang daming mga alahas na nakakabit sa buong katawan ni Tita. Pagmamay-ari rin 'yan ng mga tao kasi may ambag din sila para mabili ni Tita ang mga alahas niya. Ang mga tao rin sa lugar nila an
CHAPTER 60"Hi, Maria! Long time no see!" bati sa akin ni Nina, siya ang pinsan ko. Anak siya ng aking Tita na kumupkop sa akin noong mawala ang mga magulang ko.At ano ang sadya nila rito? Bakit nila ako pinuntahan? Hindi pwedeng wala silang matinding dahilan. Hindi nila ako basta-bastang bibisitahin kung wala silang kailangan sa akin. Nakatakip pa sa kanyang ilong ang aking pinsan na si Nina. Ang arte talaga ng babae 'to. Akala mo naman kagandahan. Mas maganda naman ako. "Ano po ang sadya n'yo rito?" tanong ko sa kanilang dalawa. Hindi ko nilakihan ang pagkakabukas ng pinto para maramdaman nila na hindi ako masaya sa kanilang pagbisita rito. Naaalala ko kasi ang mga ginawa nila sa akin nung nasa puder nila ako. Kung paano sila makitungo sa akin. Tinuring nila akong parang hindi pamilya. "Bumisita lang kami dahil nalaman naming nasa ospital daw ang anak ng Ate mo," wika ni Tita Nenita."Nasa ospital po sila. Wala po sila rito. Kung gusto niyo po silang bisitahin ay dumiretso na la
CHAPTER 59"D'yan, d'yan sa mga pagsasalita mo ng ganyan mas lalo akong nahuhulog sa'yo," Hindi ko maiwasang mapangiti habang sinasabi ko iyon. Gumuhit din ang ngiti sa mga labi ni Sebastian.“Bonus na rin ang mukha mo,” dagdag ko pa.“Ang sarap-sarap mo kasi nung unang pagkikita nating dalawa. Ako pa ang unang kumausap sa’yo. Sabi ko sa sarili ko, mabibigyan ako ng magandang lahi ng lalaking ‘to. Kailangan ko siyang akitin,” Labas na labas na ang kanyang dimple at napapahawak na ito sa kanyang tiyan.“Wala akong kaalam-alam na CEO na pala ang kausap ko. Akala ko matanda na ang CEO, bata pa pala. Parehas pala kayo ng pangalan nung daddy mo. Gusto ko na talagang magpalamon sa lupa nung nalaman ko ang totoo mong pagkatao. Tang ina kasi ginawa ko lang driver ang boss ko,” “What I love about you is your personality. You can always make me smile even in the hardest season of my life. You can make everyone happy,”"'Wag mo akong tingnan ng ganyan, halatang patay na patay ka sa akin, eh,"
CHAPTER 58“Mukhang patay na patay ka sa akin, ah? Paano kung maghiwalay tayong dalawa? Kasi hindi naman natin alam ang takbo ng buhay natin. What if dumating ang oras na makipaghiwalay ako sa’yo dahil hindi na kita mahal?”“I am going to court you again, Maria. I’m gonna win your heart again. Gagawin ko ang mga bagay na ginagawa ko noon, kung saan minahal mo ako. Ganoon lang ka simple, Maria,” "Paano kung ayaw ko na talaga?"Kumunot lang ang noo niya at umiling."Let's not talk about that. Hindi naman 'yan mangyayari, Maria,""Pero paano nga-"No, let's change the topic. You always think about us breaking up. Pag-usapan nalang kaya natin kung gaano natin kamahal ang isa't-isa?""Ang corny naman nun,"Tinaasan niya ako ng kilay. "Stop talking or else I will kiss you," "Dito mismo sa harapan nila? Ang dami na ngang mga matang nakamasid sa ating dalawa. Ano'ng chismis na naman kaya ang gagawin nila kapag nakita nila tayong naghalikan dito sa labas ng bahay," mapakla akong tumawa. May
CHAPTER 57Hindi pa kami kasal at bago pa lang ang relasyon naming dalawa. Pero pamilya na ang turing niya sa aking pamilya. May ganitong mga lalaki pa palang natitira sa mundo? Ang swerte ko talaga. Paulit-ulit kong sasabihin kung gaano ako kaswerte kay Sebastian. Agad-agad ay nilipat si Mary sa isang pribadong kwarto sa ospital. Sinagot na rin ni Sebastian ang mga gastusin ang ospital. Pero sabi ko sa kanya ay babayaran ko iyon. Magsisikap akong mabayaran ang perang ginastos niya sa mga gamot ni Mary. Kahit na sinabi niyang hindi naman namin kailangang bayaran. Pero babayaran pa rin namin kahit paunti-unti lang. Sapat na ang tulong niya na pagbibigay ng isang pribadong kwarto para sa aking pamangkin. “Macy, wait lang. Nagtitimpla pa ako ng gatas mo,” pag-aalo ko sa aking pamangkin. Buhat-buhat siya ni Sebastian pero iyak pa rin nang iyak. Inaantok na siya kaya mainit na ang kanyang ulo. Lalo na at natagalan sa pagtitimpla ng gatas niya. Kapag nagkapamilya pala kaming dalawa ni Seb
CHAPTER 56“Hindi ko alam kung paano kita masusuklian, Sebastian. Halos lahat ng mga pangangailangan ko ay binibigay mo. Hindi ko nga alam kung bakit mo ako gusto, wala naman akong mabibigay sa ‘yo. Ang dami ring ibang mga babae na mas higit pa sa akin,”Ilang beses akong kumurap-kurap dahil nakakaramdam na ako na parang tutulo na ang aking mga luha. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng pagmamahal. Nakakatakot pero masarap sa pakiramdam. Sa wakas ay may isang tao ng nagpaparamdam sa akin ng isang pagmamahal na hinahanap ng bawat babae sa mundo.“Mahalin mo lang ako. Sapat na ‘yon para sa akin, Maria. Pagmamahal mo lang ang maging sukli,” Nang huminto ang sasakyan namin sa tapat ng bahay ni Ate ay hinawakan niya ang aking kamay at bahagyang pinisil iyon.“Don’t think about what other people will say to our relationship. They have nothing to do with us. Tayo lang ang nakakaalam kung ano ang totoo. At totoong pagmamahal ang namamagitan sa atin. Hindi dahil sa pera o sa mga ma
CHAPTER 132APAT NA TAON ANG LUMIPAS...Hindi ko akalain na darating pala ang araw na aakyat ako sa stage upang kunin ang aking diploma. Pinaghirapan ko ito ng apat na taon. At sa wakas ay magbubunga na rin lahat ng mga aking paghihirap. Kinaya kong pagsabay- sabayin ang lahat, bilang isang ina, bi
CHAPTER 62 (WARNING: SOME SCENES ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.)“Why are you here, babe? Do you need something?” inaantok na sabi ni Ninong.Pumasok ako sa loob ng kwarto niya. Alas dos na ng madaling araw nang magpasya akong puntahan siya sa loob ng kanyang kwa
CHAPTER 36“Ang seloso mo naman, Dwayne,” sabi ni Sir Joseph pero sa mahinang boses lang. Sinamaan lamang siya ng tingin ni Ninong Dwayne. “Shut the fvck up, Joseph! Mauna kana sa kanila ni Lucas. Susunod na lang ako sa ‘yo,” deklara ni Ninong. Napakamot sa kanyang ulo si Sir Joseph. “Ano pa ang
CHAPTER 5 Hinatid ako ni Ninong sa labas ng bahay namin. “Salamat sa paghahatid, Ninong. Kailan po ang simula ng trabaho ko?” tanong ko sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt na nakakabit sa aking katawan. Tumikhim ito bago pinasok ang isang kamay sa loob ng bulsa niya. Nilabas niya ang kanyan







