MasukCHAPTER 58“Mukhang patay na patay ka sa akin, ah? Paano kung maghiwalay tayong dalawa? Kasi hindi naman natin alam ang takbo ng buhay natin. What if dumating ang oras na makipaghiwalay ako sa’yo dahil hindi na kita mahal?”“I am going to court you again, Maria. I’m gonna win your heart again. Gagawin ko ang mga bagay na ginagawa ko noon, kung saan minahal mo ako. Ganoon lang ka simple, Maria,” "Paano kung ayaw ko na talaga?"Kumunot lang ang noo niya at umiling."Let's not talk about that. Hindi naman 'yan mangyayari, Maria,""Pero paano nga-"No, let's change the topic. You always think about us breaking up. Pag-usapan nalang kaya natin kung gaano natin kamahal ang isa't-isa?""Ang corny naman nun,"Tinaasan niya ako ng kilay. "Stop talking or else I will kiss you," "Dito mismo sa harapan nila? Ang dami na ngang mga matang nakamasid sa ating dalawa. Ano'ng chismis na naman kaya ang gagawin nila kapag nakita nila tayong naghalikan dito sa labas ng bahay," mapakla akong tumawa. May
CHAPTER 57Hindi pa kami kasal at bago pa lang ang relasyon naming dalawa. Pero pamilya na ang turing niya sa aking pamilya. May ganitong mga lalaki pa palang natitira sa mundo? Ang swerte ko talaga. Paulit-ulit kong sasabihin kung gaano ako kaswerte kay Sebastian. Agad-agad ay nilipat si Mary sa isang pribadong kwarto sa ospital. Sinagot na rin ni Sebastian ang mga gastusin ang ospital. Pero sabi ko sa kanya ay babayaran ko iyon. Magsisikap akong mabayaran ang perang ginastos niya sa mga gamot ni Mary. Kahit na sinabi niyang hindi naman namin kailangang bayaran. Pero babayaran pa rin namin kahit paunti-unti lang. Sapat na ang tulong niya na pagbibigay ng isang pribadong kwarto para sa aking pamangkin. “Macy, wait lang. Nagtitimpla pa ako ng gatas mo,” pag-aalo ko sa aking pamangkin. Buhat-buhat siya ni Sebastian pero iyak pa rin nang iyak. Inaantok na siya kaya mainit na ang kanyang ulo. Lalo na at natagalan sa pagtitimpla ng gatas niya. Kapag nagkapamilya pala kaming dalawa ni Seb
CHAPTER 56“Hindi ko alam kung paano kita masusuklian, Sebastian. Halos lahat ng mga pangangailangan ko ay binibigay mo. Hindi ko nga alam kung bakit mo ako gusto, wala naman akong mabibigay sa ‘yo. Ang dami ring ibang mga babae na mas higit pa sa akin,”Ilang beses akong kumurap-kurap dahil nakakaramdam na ako na parang tutulo na ang aking mga luha. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng pagmamahal. Nakakatakot pero masarap sa pakiramdam. Sa wakas ay may isang tao ng nagpaparamdam sa akin ng isang pagmamahal na hinahanap ng bawat babae sa mundo.“Mahalin mo lang ako. Sapat na ‘yon para sa akin, Maria. Pagmamahal mo lang ang maging sukli,” Nang huminto ang sasakyan namin sa tapat ng bahay ni Ate ay hinawakan niya ang aking kamay at bahagyang pinisil iyon.“Don’t think about what other people will say to our relationship. They have nothing to do with us. Tayo lang ang nakakaalam kung ano ang totoo. At totoong pagmamahal ang namamagitan sa atin. Hindi dahil sa pera o sa mga ma
CHAPTER 55"What did I do?"Nandito pa rin kami sa cashier. Nakangiti na ang babae habang pasulyap-sulyap sa aming dalawa. Mukha pa naman kaming pamilya dahil buhat-buhat ko si Macy habang ang kamay ni Sebastian ay nakalagay sa aking bewang."Ang dami na nito," pabulong na sabi ko sa kanya. "Minsan lang naman tayo makabisita sa kanila kaya sulitin na natin," Masama pa rin ang aking tingin sa kanya at halos hindi na ako ngumiti. "Ang ganda naman po ng pamilya n'yo," komento ng cashier at hindi na ata niya napigilan ang kanyang sarili. Aangal na sana ako na hindi naman kami pamilya kaya lang naunahan akong sumagot ni Sebastian. "Thank you. Bagay na bagay ba kaming dalawa?" Muntik ko na siyang makurot. "Opo! Bagay na bagay po kayo! At ang ganda rin po ng anak n'yo. Sana dagdagan n'yo pa po," Itong isa naman tuwang-tuwa sa mga naririnig niya."Dadamihan namin ang mga anak namin." Tumingin sa akin si Sebastian. "Let's say, mga limang anak pa?"Galing siya sa malaking pamilya. Kaya
CHAPTER 54“Sebastian, may sariling buhay ka rin. Kaya ko naman dito. Itong si Macy lang naman ang aalagaan ko,” sambit ko. May trabaho rin siya. Manghihingi naman ako ng tulong sa kanya kapag kailangan ko. “Then I’ll help you take care of her. Come on, Maria. Alam kong kaya mo, but I am your boyfriend. Of course, I’ll help you when you have a problem,” Isang ngita ang ibinigay niya sa akin at lumabas na naman ang kanyang dimple na nagsisilbing kahinaan ko. Malambing niyang hinawakan ang aking pisngi at marahang hinaplos iyon."Don't worry about my work, okay? You are more important than that,""Dito ka rin matutulog mamaya? Paano 'yan? Hindi ka magkakasya sa mga kama na nandito? Matangkad ka kaya paniguradong lalagpas ng paa mo," "I can still sleep, Maria. At hindi naman ito habang-buhay. Ilang araw lang naman, kaya kong magtiis,"Muntik na akong maluha nang sabihin niya iyon. Shit. Tang ina. Kaya alam kong mahal na mahal niya ako dahil ito ang pinapakita niya sa akin. Magdudu
CHAPTER 53Isang balita ang gumulat sa akin nang bigla akong makatanggap ng tawag mula kay Ate na dinala raw sa ospital ang panganay anak niya dahil mataas ang lagnat nito. Kinailangan kong pumunta sa bahay nila dahil walang ibang magbabantay sa kanilang bunso. Iniwan lang nila sa kanilang kapit-bahay dahil dalawa sila ni Kuya Rolly ang pumunta ng ospital.Sakto nga at sweldo ko kaya pinuntahan ko kaagad sila. Sa byahe ko na pinaalam kay Sebastian na aalis ako. Mamaya niya pa ‘yon mababasa dahil nasa meeting pa siya sa mga oras na ito.Kinuha ko na agad si Macy sa kapit-bahay nila nang dumating na ako. Bumili pa ako ng gatas dahil nang tiningnan ko ay pang-isang inom na lang ang natitira dito sa bahay nila. Bumili na rin ako ng bigas dahil wala ng laman ang lalagyan nila ng bigas. Limang kilo lang ang aking binili. Bakit wala silang bigas ni Ate? Ano ang kinakain nila sa bahay na ito kung ganoon? Umiiyak nga si Ate nang tumawag siya sa akin kanina. Dahil wala raw silang pera. Isang
CHAPTER 5 Hinatid ako ni Ninong sa labas ng bahay namin. “Salamat sa paghahatid, Ninong. Kailan po ang simula ng trabaho ko?” tanong ko sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt na nakakabit sa aking katawan. Tumikhim ito bago pinasok ang isang kamay sa loob ng bulsa niya. Nilabas niya ang kanyan
CHAPTER 4“What are you saying? I'll just take you home,” sabi niya ng hindi tumitingin sa akin.Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang sinabi niya. Jusko, akala ko ngayong gabi na ako mawawasak. Ihahatid lang naman pala ako sa bahay. Nakakahiya tuloy ‘yong pinagsasabi ko sa kanya! Baka isipin n
CHAPTER 3Bakit sa dami ng mga babae ay ako pa ang naisip niyang bigyan ng offer na ganito? Maraming mas maganda, mas malinis tingnan, at mas mayaman kesa sa akin. Kung nalilibugan man siya ay marami naman siyang pera at pwede siyang kumuha na lang ng mga babae. Isang minuto akong nakatitig sa muk
CHAPTER 2Mabilis akong lumapit sa kanya upang pigilan siya sa pagsuntok sa matanda. Nakahandusay na ito sa sahig at sunod-sunod niyang sinuntok ang mukha.“Ninong, tama na ‘yan! Ninong Dwayne!” sigaw ko. Hinawakan ko ang balikat niya upang ilayo siya doon sa matanda na naliligo na sa sarili niya







