LOGINNanatili akong nakatingin sa frame natigilan pa talaga ako sa nakita, ngayon lang ako nakapasok sa ganitong silid dahil nong nagpapanggap palang ako ay hindi ko sinubukang pasokin ang silid na ito. Inilibot ko ang paningin ko sa buong silid maganda ito at may malaking kama sa gitna. Kwarto nga pala talaga ito, natigilan ako ng may marinig akong ingay na nagmumula sa cr. Patak ng tubig kaya siguro may naliligo sa loob ng banyo. May nagmamay-ari nga pala talaga sa kwartong ito, napatango ako at balak na sanang umalis sa kwarto pero narinig ko ang pag bukas ng pintoan sa banyo at kasabay non ang pag tawag sa akin. "Oh....... looks who's back?" Si Nyxielle, hindi ko muna siya nilingon. Kaya pala hindi ko ma pasok-pasok ang silid na ito dahil sa kanya naman pala. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya na parang walang nangyari sa pagitan namin."What are you doing in our room, Vivienne?" Tanong niya. Ng mapatingin ako sa kanya ay nakabalot nang tuwalya ang katawan niya. Nakangiti pa siya
Tahimik lamang ako sa loob ng kotse ni Aurelius ngayon sasama ako sa kanya sa mansion niya. Pero susubukan ko lang kung kaya kung manirahan sa mansion niya. Para lang din naman sa bata ang gagawin ko tshaka hindi ko pa kayang mahalin si Aurelius. Sa ngayon ang iniisip ko kung paano magsisimula kung paano ko haharapin ang lahat. "Are you okay?" Tanong nito. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya nakita ko siyang focus lang sa daan. Tipid akong napangiti kahit papano gumagaan ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Marahil siya ang ama ng batang nasa sinapupunan ko at siguro ang presyensiya niya ang nagpapagaan ng pakiramdam ko. Siguro susubukan ko munang mas kilalanin siya at kapag pwede na sana pwede pa. "I'm hungry," walang ganang saad ko. "Okay, let's eat first, malayo pa tayo," mahinang saad nito. "Ayaw ko kumain," mabilis na saad ko. Gutom na ako pero ayaw ko namang kumain ng pagkain, ganito naba talaga kapag buntis? Iyung gutom ka pero ayaw naman sa pagkain ang sikmura mo.
Nagawa pa akong tinulak ni Julie palabas ng sarili kung bahay, kung saan ako unang sinilang at unang bahay na nasilayan ko. Sumasakit ang tiyan ko kaya hindi ko na sinubukang lumaban dahil inaalala ko ang bata na nasa sinapupunan ko. Nawala na ang dalawa, hindi ko na hahayaan na may mawala ang isang batang nanatili sa sinapupunan ko. Napahawak ako sa tiyan ko habang nakatingala ako sa mansion namin. Nasaan na ang Daddy ko? Bakit hindi ko man lang nalaman na wala na siya? Patay na nga si mommy tapos si papa naman. Iniisip ko ang maraming memories na nangyare sa mansion namin. Ang saya namin simula nong okay pa kami, iyung buhay pa si mommy. Wala pang problema non at tanging mga tawanan lang namin ang maririnig sa buong mansion. Hindi ko lubos akalain na wala na akong babalikan at ang mas masakit pa non, nalaman kung wala na ang Daddy ko. Tapos hindi ko pa alam kung buhay paba ang Kuya Theodore ko. Napatingin ako sa loob dahil nga sa bukas pa ang gate. Nakita ko kung paano tumawa s
Ang buong katawan ko ay nanatiling nakatayo sa gitna ng bakuran ngunit ang isip ko ay tila hindi na makasabay sa lahat ng nakikita ng mga mata ko. Habang mas matagal kong pinagmamasdan ang paligid ay mas lalo kong nararamdaman na parang may malaking bahagi ng buhay ko ang nabura nang hindi ko nalalaman. Ang mansyon na minsan kong tinawag na tahanan ay nakatayo pa rin sa parehong lupain ngunit halos wala na akong makitang bakas ng pamilyang kinalakihan ko rito.Muli kong inilibot ang tingin sa malawak na bakuran habang pilit na hinahanap ang mga bagay na pamilyar sa akin. Umaasa akong may makita man lamang akong isang tao, isang halaman, o isang sulok ng bahay na magpapatunay na hindi ako tuluyang napag-iwanan ng panahon. Ngunit sa bawat segundo na lumilipas ay mas lalo lamang akong nakukumbinsing may napakalaking bagay na nangyari habang wala ako.Ilang buwan lang naman akong nawala dito pero bakit parang andami ng nagbago? Alam kung hindi ito magagawa ng Daddy ko. Kahit nag-asawa
Humigpit ang hawak ko sa baril habang nakatitig sa kanya. Ngunit sa halip na matakot ay ngumiti lamang siya at iyon ang tuluyang nagpuno sa pasensya ko.Hindi talaga siya natakot na baka kalabitin ko nga gatilyo at matamaan siya. Ganoon nalang ba talaga ang tiwala niyang hindi ko siya kayang patayin."Fine."Mabilis kong kinalabit ang gatilyo habang diretso ang tingin ko sa kanya. Parang nag slow motion pa ang paligid naming dalawa pagkatapos kong gawin iyon.Ngunit walang nangyari. Walang putok na umalingawngaw sa loob ng silid. Walang bala na lumipad patungo sa kanya. Ang tanging narinig ko lamang ay ang mahinang click na nagmula sa baril na hawak ko.Natigilan ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa baril. Mabilis kong sinuri iyon at muli kong kinalabit ang gatilyo, ngunit pareho parin ang nangyari.Click.Click.Click.Nanlaki ang mga mata ko habang paulit-ulit kong tinitingnan ang baril. Alam kong may mali. Hindi pwedeng hindi ito pumutok dahil sigurado akong may laman ito kan
Mabilis ang pagtibok ng puso ko habang mahigpit na nakatutok ang baril sa likod ni Aurelius. Pakiramdam ko ay naririnig ko ang bawat tibok nito sa loob ng tahimik na silid, habang ang kamay kong nakahawak sa baril ay pilit kong pinapatatag upang hindi niya mapansin ang bahagyang panginginig ko.Ilang buwan akong nagkunwaring walang muwang at walang malay sa harapan niya, kaya ngayon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang saya nang makita ko ang gulat sa mukha niya.Nanatiling nakataas ang dalawang kamay niya habang dahan-dahan siyang lumingon sa direksyon ko. Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya at kung paano siya natigilan na para bang hindi agad naproseso ng utak niya ang nakikita niya."Vivienne?" gulat na tanong niya.Napangisi ako nang malawak habang mas lalo kong itinutok ang baril sa likod niya. Hindi ko binawasan kahit isang pulgada ang distansya sa pagitan ng baril at katawan niya dahil alam kong isang maling galaw lang niya ay kaya ko siyang kalabitin.
Hapon na nang huminto sa harap ng bahay ang kotse ni Kuya para ihatid ako sa school. Kanina pa ako nag-aantay sa kanya, siya kase taga hatid saken. Galing pa kase siya sa company ni Daddy, kilala na siya habang ako hindi pa ang focus ko talaga ngayon ay ang pag-aaral ko.“Viv, handa ka na ba? Late
Maaga akong nagising dahil sa boses ng kuya ko na sumisigaw sa loob ng kwarto ko. Napuyat ako ka gabi, grabe naman kase ang pag review ko.“Viv! Gising na! Mag breakfast ka na, baka mahuli ka sa school!” sigaw niya habang hinahampas ng medyo malambot ang paa ko para siguradong gumalaw ako.“Kuya… f
Masaya ang araw na ‘to. Habang naglalakad ako papunta sa canteen, ramdam ko ang init ng araw sa likod ko at ang excitement sa school lalo na’t lunch break. Aminin niyo, tulad ko favorite niyo rin ang lunch time eh huwag na ipagkaila. At sa canteen.Dito ko lagi nakikita si Ashley, best friend ko s
Nanatili akong nakatingin sa taong hindi ko inaasahan na makita ko sa mansion na ito. Ang akala ko iba ang magiging plano niya, gusto ko na itong tanongin pero hindi pwede. “Why are you here, Ysabel?” tanong agad ni Aurelius. Pero hindi agad ako napatingin sa kanya dahil sa hindi pa ma process sa







