INICIAR SESIÓNSalamat po sa suporta kina Nathan, Cielo at Sky!
Nag-alala si Nathan sa tono ng pananalita ni Emilio. Kilala niya ang nakatatandang lalaki na maliksi at laging may ngiti sa labi. Isang dahilan kaya noong nilapitan siya nito at inalok na bumili ng shares ng fast food restaurant nito upang sagipin ang kanilang negosyo sa pagkalugi ay hindi niya ito tinanggihan. Forty percent ang inaalok sa kanya noon ng lalaki, pero hindi naman siya maalam sa food business kaya fifteen percent lamang ang binili niya at tinulungang ialok sa iba pang kakilala ang natirang 25%.Agad pinihit ni Nathan ang doorknob ng p***o sa pag-aalala kay Cielo. Umangat ang tingin ni Sister Lilibeth sa kanya at nang ibaba niya ang tingin, agad na nakita ang babaeng minamahal na nakayuko.Kumunot ang noo niya at lumapit sa gilid nito. “Mo Spéir?”Nagulat si Nathan nang hilain ni Cielo ang kanyang baywang at doon umiyak. Naiyakap niya ang kanyang dalawang braso sa katawan nito at saka naagaw ang kanyang pansin sa dalawang larawang nakalapag sa mesa. Agad niyang naintindiha
Sabay na napalingon sina Nathan at Cielo sa nightstand nang mag-ring ang cellphone ng babae. Pilyo pang kinubabawan ng lalaki si Cielo upang abutin ang cellphone ng huli, na tinatawanan lang ang panlalandi niya rito.Kumunot ang noo ni Nathan nang makita ang pangalan sa screen bago inabot ang phone kay Cielo. “Si Sister Anne.”Pati si Cielo ay nagtaka. “Wala bang report ang bodyguards?”Lumipat sa kabilang nightstand si Nathan at sinilip ang kanyang phone. Umiling siya kay Cielo.Sinagot ng babae ang tawag kasabay ng pag-usal ng tahimik na panalangin na sana ay walang nangyaring masama sa Santuario. Kahit kasi sinabi kagabi na walang nakitang foul play sa pagsabog ng transformer, hindi pa rin siya ganap na makampante.“Cielo, puwede ka raw bang pumarito ngayon, sabi ni Sister Lilibeth?” mahinahong tanong ni Sister Anne, ngunit napansin ni Cielo na tila may bumabagabag sa kausap na madre.“S-Sige po, Sister. May problema po ba?” nag-aalala pa niyang tanong.Napailing si Sister Anne na p
Pagkatapos mag-almusal, hinila ni Nathan si Cielo sa labas kung nasaan ang swimming pool at ang garden. Nilagpasan nila iyon at saka sila lumapit sa gilid kung saan tanaw na tanaw ang buong siyudad. “Ang ganda!” nakangiting sabi ni Cielo habang tinititigan ang skyline ng lungsod.“I knew you would love our penthouse,” bulong ni Nathan habang iniyayakap sa baywang ni Cielo ang kanyang mga braso.Bahagyang nilingon ni Cielo ang mukha ni Nathan na nakasiksik sa tabi ng mukha niya. “Ilan ba ang penthouse mo?”“Ito at yung sa tinirhan natin sa Escalade,” aniya.May naalala si Cielo, kaya kumunot ang noo niya. “Sinong inuuwi mo dito noong mga panahong hindi mo ako inuuwian sa gabi?”H******n ni Nathan ang pisngi ng babae bago siya nagsalita nang mahina. “Dito ako umuuwi noon kasi pagod na pagod na ako.""Hayun lang ang building natin ng JNQ," dagdag pa ni Nathan habang itinuturo kay Cielo ang building na halos katabi ng building ng penthouse. "Pero wala akong iniuuwing babae.”“Hindi ako na
Isang magaan na haplos sa kanyang ulo, kasunod ng pagdampi ng malambot na labi sa kanyang noo, ang gumising kay Cielo. Bubuksan na sana niya ang kanyang mga mata nang lumapat sa pisngi niya ang isang pamilyar na halik. Alam niyang si Sky ang huling humalik, kaya naisip niyang si Nathan ang una. Minabuti niyang magpanggap munang tulog.“Why is she not opening her eyes, Daddy?” aburidong tanong ni Sky sa ama. “Dati, isang kiss ko lang, nagigising na si Mommy."“Baka napagod nang husto ang mommy kahapon. Mamaya gisingin natin siya ulit,” paliwanag ni Nathan habang nakatayo sa gilid ng kama, habang nasa kabilang gilid naman ni Cielo si Sky na kagigising lang din.“But I’m hungry! I want to eat breakfast with her,” pag-angal ng bata.Napangiti si Nathan sa anak. “Do you have any suggestion para magising na si Mommy?”Napaisip sandali si Sky. “Yes!”“Okay, then do it!” nakangiting sabi ni Nathan sa anak.Umiling si Sky. “You should do it, Daddy.”Kumunot ang noo ni Nathan. Pigil din si Ciel
Mahigpit ang hawak ni Elias sa manibela ng kanyang sasakyan at halos paliparin na niya ito sa South Luzon Expressway. Wala siyang pakialam kung malalabag man niya ang speed limit dahil ang tanging nasa isip niya ay makausap ang ama at mailabas ang sama ng loob.Pagliko sa busy street ng Muntinlupa, walang tigil ang kanyang pagbubusina para makaraan na at muntik pang maputol ang gate barrier ng subdivision kung hindi agad naiangat iyon ng naka-duty na guard.Natataranta ring binuksan ng guwardiya nila ang mataas na gate sa kanilang bahay nang marinig ang malakas at sunod-sunod niyang busina. Tumigil siya sa canopy sa mismong tapat ng main door ng kanilang mansyon.Patakbong sumalubong ang matandang mayordoma sa kanya sa pag-aakalang may nangyayaring hindi maganda. “Elias, may problema ba, hijo?”“Nasaan si Papa?” salubong ang kilay niyang tanong.“N-Nasa opisina niya sa itaas,” kinakabahang sagot ng matandang babae na ngayon lamang nakitang ganito kagalit ang bunsong anak ng mga King.
Pagkaalis ng sasakyan ni Elias sa Santuario, agad nakatanggap ng mensahe sa communication device si Jay na katatapos lang kausapin ang pinagkakatiwalaan ni Nathan na househelp sa kanyang penthouse sa Quezon City.Mabilis na pumasok sa main building si Jay at nilapitan si Nathan kahit nakikipag-usap ito sa Mother Superior ng Santuario.“Sir, we need to leave now,” bulong nito.Tumango si Nathan habang buhat pa rin ang anak at hawak pa rin sa baywang si Cielo. Hindi nito pinakawalan ang babae kahit kaharap ang madre. “Sister, pasensiya na po. Kailangan na naming umalis. Isasama ko po sina Cielo, Sky, at Nanay Criselda,” pagbibigay-alam niya sa matandang madre.Bahagyang nagulat si Sister Lilibeth na gusto sanang tutulan ang pagkuha sa mag-ina dahil nais sana niyang maikasal muna si Cielo kay Nathan bago sila tuluyang magsama, ngunit muling nagsalita ang lalaki.“Iiwan ko ang limang bodyguard para makatulong kay Mang Delfin sa pag-secure sa inyo. Bukas ay magdadagdag ako ng security gua
Napahawak sa kanyang dibdib si Cielo pagliko niya sa kalsadang tutumbok sa gate ng JNQ Motors Automobile Factory. Oras ng pagdating ng mga empleyado, kaya abala ang pedestrian gate, pati ang pasukan ng mga sasakyan. Pagdating niya sa gate, isang friendly smile ang ibinungad sa kanya ng guwardiya. N
Pinagkagat ni Cielo ang kanyang mga bagang upang pigilan ang sarili niyang magmukhang nagulat sa mukha ng lalaki na sa puwesto niya ngayon ay kanyang tinitingala kahit pa nasa tatlong pulgada ang heels ng suot niyang sapatos. Lubha pa rin itong matangkad nang malayo sa kanya.Sabay pang gumala ang
Halos pigilan ni Cielo ang paghinga nang magsimulang sumuot sa kanyang ilong ang amoy ng pamilyar na pabango ni Nathan. Crisp, outdoor, and woody scent. Iyon mismo ang paborito niyang perfume para sa lalaki. Ang amoy ng balat ni Nathan na nagpapabaliw sa kanya noon. Nagtama ang kanilang paningin a
Mabilis na lumambitin sa leeg ni Cielo ang kanyang mahigit tatlong taong gulang na anak na lalaki nang huminto sa lobby ng malaking mall ang sinasakyan nilang EV Taxi. Isang yakap na mahigpit at isang matunog na halik na agad nagpalakas ng kanyang loob. Ilang bagay na nagpapaalala kay Cielo kung ga







