Mag-log inNevertheless, she still wore it. She also used the expensive makeup that was there.
Samantha smiled when she saw her reflection in the mirror. She's wearing a cocktail dress that barely covers her back, showing off her porcelain white skin. She was very petite at the height of 5'4 and a perfect body at her age. Nag-effort talaga siyang mag-ayos. Ayaw niyang maging katatawanan o mapahiya si Tristan sa mga magulang nito kapag ipinakilala na siya. Alam niyang metikulosa ang mga Miller at batid na mataas ang standard at taste ng mga nakapaligid kay Tristan. Ayaw niya din magmukhang katawa-tawa sa paningin ng iba kapag tumabi siya sa asawa. Lumabas si Samantha ng silid matapos makapag ayos ng sarili at bumaba ng hagdan. "Ihi," sambit ng may edad na katulong ng makita siya. Bakas sa mukha nito ang pagkamangha. Tumango si Sam at ngumiti. "Hindi ako nagkamali, maganda ka talaga." ani ng matanda habang titig na titig sa kanya. "Salamat po." Nakangiting tugon ni Sam. "Si Tristan po ba lumabas na ng room niya?." Tanong niya dahil sa tingin niya alam nito na magkahiwalay sila ng silid ni Tristan kahit mag-asawa na sila. "Iha, kanina pa siya umalis. Intayin ka daw niya sa sasakya." "Ah ganon po ba, sige po maiwan ko na kayo." Agad niya sabi. Naisip niya na baka nainip na si Tristan sa pag-iintay sa kanya kaya agad siyang nagmadali. Paglabas ng penthouse unit nagulat siya ng makita niya ang dalwang bodyguard doon pero di nya iyon pinansin dahil nagmamadali siya. Gayon pa man batid niyang nakasunod ang mga ito sa kanya. Pagdating sa entrance ng lobby agad niyang nakita ang sasakyan ng asawa na nakaparada sa harap. Ang bodyguard na nakasunod sa kanya ang siyang nagbukas ng pinto ng kotse. "Sorry,. Kanina ka pa ba?" nahihiya niyang sambit. Ngunit hindi tumugon si Tristan sa tanong niya. Bagkos tumingin ito sa rare mirror ng kotse. "Let's go!" ani nito sa driver. Buong biyaheng hindi sila nag-uusap. Gusto sana niyang tanungin ang asawa kong ayos lang ba ang itsura niya? Kung magugustuhan ba ng mga magulang nito ang ayos niya. Ngunit abala si Tristan sa phone nito. Paminsan minsan may kinakausap ito sa phone pero tungkol iyon sa trabaho. KINAKABAHAN si Sam na pumasok sa modernong masyon ng mga Miller. Naka-sunod lang siya sa likod ni Tristan. He saw Tristan's confident stance. Kahit nakatalikod ito alam mong gwapo ito kung haharap. He could also smell the expensive perfume from him, leaving its scent wherever he passed. Undeniably rich. "Sir, kanina pa po kayo iniintay ng mga magulang niyo." Magalang na ani ng batler sa mansyon. Nilingon ni Tristan ang asawa mula sa likod nito. Narinig ni Sam ang mahinang umungol si Tristan bago naramdaman ang mga kamay nito sa hubad niyang likod. She felt a sudden jolt at the contact. Isang bagay na kahit minsan ay hindi pa niya naramdaman. Iba talaga ang epekto sa kanya ni Tristan sa tuwing lalapit ito sa kanya. Hinapit siya ng asawa kaya halos magdikit na ang katawan nila. Parang biglang tumalon ang puso niya sa lalamunan. It was beating so loud and so fast that she could almost hear it. Hanggang naramdaman niya ang kamay nito sa maliit niya bewang dahilan upang mapasinghap si Sam sa gulat. "T–Tristan," nauutal na sambit ni Sam at napatingin sa kamay na nakakapit sa bewang niya. "Relax.." Baritong sambit ni Tristan. Walang nagawa si Sam at nagpadala nalang kung saan patungo ang hakbang ni Tristan. They have to act like they are madly in love with each other. Pabor din naman ito para kay Sam dahil nababawasan ang kaba niya sa dibdib. Dahil kanina niya pa iniisip kong anong magiging reaksyon ng pamilya ni Tristan kapag iniharap siya sa mga ito. Sabay silang pumasok sa mansyon habang ang kamay ni Tristan ay nasa bewang ni Sam. "Akala ko simpleng dinner lang." mahinang sambit ni Sam. Pagpasok kase nila nakita ni Sam ang Ina ni Tristan. Abala ito sa pag-estima ng mga naroroon. Ang ilan sa mga bisita ay familiar kay Sam dahil nakikita nya na ito sa ilang mga gathering ng pamilya ng bestfriend niyang si Dan. Subalit ang ilan sa mga nandirito ay ngayon niya lang nakita. May mga ilang personalidad din ang kilala niya dahil sikat ang mga ito sa kani-kanilang mga propesyon at larangan. "Starting tonight, masanay ka na,. This is really how my family is.." Malamig na tinig na ani ni Tristan. "Shall we.." mas hinapit ni Tristan ang bewang ni Sam at tsaka confident na naglakad. "Huh?, kapamilya niya lahat `to? Akala ko pa naman maliit na pamilya lang sila lalo't solong anak lang naman siya.. kung may anak man sa labas hindi naman siguro ganon kadami." Ani ni Sam sa isip. Pilit hindi pinapahalata ni Sam ang kaba ng makitang nakatingin sa kanila ang Ina ni Tristan nang mamataan silang papalapit. "Excuse me,." paalam ng Ina ni Tristan sa mga kausap at tsaka ito humakbang palapit sa mga kadarating lang. "Son,. I'm glad you're already here.. I thought you wouldn't come again.." Masayang bati ng Ina. Ngunit bigla itong napatingin sa kasama ng anak nito. At halatang nagulat ng makitang ang kamay ng anak ay nasa bewang ng babaeng kasama. Kahit kilalang womanizer si Tristan hindi ito nagsasama ng babae sa mga family gatherings at bihira rin itong dumalo. Kadalasan late ito kung darating. "Hi, Mom.." Bati ni Tristan at nakipag beso ito sa Ina. "S–Samantha.." sambit ng ginang ng makumpirmang tama ang nakikita nito na nasa harapan niya. Kanina kase hindi nito mawari kung sino ang babaeng kasama ng anak. Ngumiti si Sam. "Hi.., Tita Bobot,." Nahihiyang ani ni Sam. At nakipag beso. Magkakilala si Sam at mga mgulang ni Tristan. Kilala ng mga ito si Sam bilang magaling na Event Organizer at bilang bestfriend ni Dan na asawa ng pamangkin nilang si Liam De Vera. "Son, is she your date tonight?" tanong ng ginang. Habang ang tingin nito ay hindi inaalis sa dalaga. "Mom, she's my—" hindi natapos ni Tristan ang pagpapakilala kay Sam nang may panibagong tinig ang lumapit. "Tristan, Nandito kana pala.. I thought late kang darating.," sarkastikong bati ng Ama. Mas kinabahan si Sam ng marinig ang ama ni Tristan. Dominante at may command ang tinig nito. "I already said I would come,." Tumingin si Tristan kay Sam, "And I would bring her along." Dagdag pa nito. Nagtama ang mga mata ni Tristan at Sam. Tipid na ngumiti si Tristan samantalang halos hindi makagalaw si Sam sa kaba. Madilim na tingin at salubong ang kilay ni Leo ng tingnan nito si Samantha. "Son, Are you serious about your fucking game? She was not even you're type, for pete's sake." prangka aniya nito nito. "Leo, stop being rude.." Mabilis naman saway ng ginang sa asawa sa mahinang boses pero dinig at klaro. "Kaya lumalaking matigas ang ulo ng anak mo.. Kinukunsinti mo!." anas ni Leo. "Pagsabihan mo nalang at kausapin ang anak natin ng kayo lang." sagot ng ginang. At muling tumingin kay Samantha at tipid na ngimiti. Halatang pilit pinapagaan ang tensyon sa baligid. "Iha pasyensya kana,. Halika ipakikilala kita sa mga pinsan ni Tristan at sa iba pang kapatid niya. Nasa lanai ang mga ito." Malambing na aniya ng ginang at tsaka hinawakan nito ang isang kamay ni Sam upang ayain. Napatingin si Sam sa mukha ni Tristan na nakatingin din sa kanya. Nang makitang tumango si Tristan nagpatangay si Sam kung saan siya dadalhin ng Ina ni Tristan. Pero bago tuluyang makalayo dinig ni Sam ang tinig ng ama ni Tristan. "Let's talk in privately," Aniya ni Leo sa anak. Nang lingunin ito ni Sam kita niyang naglakad si Leo at nakasunod lang si Tristan dito.Bahagyang umayos ng tindig ni congressman at tsaka lumingon sa panibagong tinig. "I saw a former friend here, I just said hi to her" tugon nito at tsaka tumingin sa akin. "Samantha," tawag naman agad ni Tristan sa akin. Nang magtama ang tingin namin ni Tristan kita ko ang seryoso nitong titig sa akin pero hindi ko mabasa. Gayon pa man humakbang ako papalapit sa kanya. At tumayo sa tabi nya. "I'm leaving now," sambit ni Cong. Romualdez "You should," tugon ni Tristan Tahimik lamang ang paligid ngunit ramdam ko ang bigat ng tensyon sa pagitan nilang dalawa. Nang tumalikod si Cong. Romualdez malamig na sinusundan ng tingin ni Tristan ang papalayong congressman. Samantala ako… hindi pa rin tuluyang nakakabawi mula sa banta. “Are you okay?” mababa ngunit mariing tanong ni Tristan nang hindi tumitingin sa akin nananatili siyang nakatayo sa tabi ko. “I’m fine.” bago pilit na ngumiti. Ngunit agad din nitong ibinaling sa akin ang tingin. “Don’t lie to me, Samantha.”
Nakapirmi ako sa kinatatayuan ko, hawak ang dibdib kong hindi pa rin maayos ang tibok. Kapwa kami nakainum sa hub ng maghalikan kami noon. At ngayon lasing siya ulit, hindi ko gustong sa ganitong paraan kami magkalapit, kaya kailangan kong magmatigas. Kailangan kong pigilan ang sarili ko. Gusto ko siya at marami na akong kahibangang nagawa para lang sa lintik na nararamdaman kong ito. Pero may mga bagay na hindi ko kayang isugal. Hindi ko hahayaan na ibaba ko pa ang dangal ko lalo't mas mahalaga sa akin na mapaibig siya, hindi ang akitin lang siya gamit ang katawan ko. “Lasing ka,” ulit ko, mas mahinahon na ngayon, pero may diin. “At kung lasing nga ako?” mababa niyang tanong. “Then this conversation can wait... Hindi ko gustong pagsisihan natin ito bukas,” dagdag ko, pilit pinapakalma ang sarili. “Ayokong isipin mong kaya lang tayo nagkakalapit dahil wala ka sa sarili mo.” Umangat ang tingin niya sa akin. “Hindi alkohol ang problema,” sagot niya, paos pa rin ngunit kontrolad
“Tristan, lasing ka… mabuti pa magpahinga ka na,” mahina kong saad habang pilit iniiwas ang tingin sa kanya.Ngunit hindi niya iyon pinansin.Kinalas niya ang suot na necktie at mabilis iyong itinapon sa gilid. Sunod naman nitong tinanggal ang ilang butones ng suot na long sleeves na para bang wala lang.Napasinghap ako nang bahagyang tumambad ang matipuno nitong katawan.Agad akong napaiwas ng tingin.Ngunit huli na.Nakita ko na kung paano gumalaw ang panga niya habang nakatitig sa akin.Tahimik siyang umupo sa gilid ng kama ko bago isinandal ang isang braso sa tuhod niya.“W-Why are you wearing that kind of clothes?” tanong niya sa mababang boses.Unti-unti akong napakapit sa laylayan ng suot kong nighty.“K-kasi…”Hindi ako makasagot dahil ang paraan ng pagtitig niya sa akin ngayon ay hindi madilim. Kundi parang may kung anong init na pilit niyang pinipigilan.“Kala ko ba manang ang style mo?” dagdag pa niya habang dahan-dahang sinusukat ng tingin ang buo kong katawan. “But look a
THIRD PERSON POV Makalipas ang ilang segundo, bumukas ang pinto ng opisina. Iniluwa noon ang bodyguard ni Tristan na si Martin, bakas sa seryoso mukha nito ang tila mabigat na balitang dala. Natigilan sina Tristan at Luke nang makitang dire-diretsong lumapit si Martin. “May problema ba?” agad na tanong ni Tristan nang mapansing kakaiba ang ekspresyon nito. “Boss… may galaw na naman ang kampo ni Romualdez,” agad nitong ulat. Biglang tumalim ang tingin ni Tristan. “What do you mean?” “Kaninang hapon, may ilang taong nakita sa paligid ng kumpanya ni ma'am Samantha. Hindi natin kilala, pero mukhang hindi ordinaryong mga tauhan.” Nagdilim ang mukha ni Tristan sa narinig. Habang sumeryoso ang mukha ni Luke. “Ilang beses ko nang sinabi na higpitan ang pagbabantay sa kanya,” mariin niyang saad ni Tristan. “We did, Boss. Pero mukhang sinusubukan lang nilang magpadala ng mensahe.” Napakuyom ang kamao ni Tristan. Ramdam ang unti-unting pagtaas ng tensyon sa loob ng opisin
THIRD PERSON POV KINAGABIHAN sa hub. Habang nag-uusap sina Tristan at Luke sa loob ng opisina, bumukas ang pinto at pumasok ang isang staff na may bitbit na tray. Nakapatong doon ang mamahaling alak, yelo, at dalawang crystal glass. Maingat nitong inilapag ang tray sa gilid ng office table bago bahagyang yumuko. “Sir, ito na po ang pinapakuha n’yo,” magalang nitong saad. “Hm. Maaari ka nang umalis,” walang emosyong tugon ni Tristan habang abala sa pagbubukas ng ilang dokumentong nasa harapan niya. “Nasaan si Andy? Bakit parang hindi ko nakikita ang paborito mong manager?” tanong ni Luke habang inaabot ang isang baso. Karaniwan kasi, tuwing nasa hub ito, si Andy mismo ang naghahatid ng alak sa opisina ni Tristan. Kilala ito ni Luke na malapit kay Tristan at isa sa mga pinagkakatiwalaan nito sa loob ng negosyo. Saglit na napatingin ang staff kay Luke ngunit agad ding nagbaba ng tingin. Tikom ang bibig nitong tumango bago mabilis na lumabas ng opisina. Naiwang nakakunot-noo si L
THIRD PERSON POV Walang gustong magpatalo sa pagitan ni Miguel at Liam. “Enough,” awat ni Tristan habang mariing tumitingin sa dalawa. “Ian, nagsisisi na si Daphne. She learned her lesson. Until now, ikaw pa rin ang mahal niya at gagawin niya ang lahat para mabawi ka. I know may lugar pa rin siya sa puso mo. Please, hayaan mong manatili siya sa tabi mo. Hayaan mong ipaglaban ka ni Daphne. She sincerely regrets leaving you and not fighting for your relationship before.” pagpupumilit na ani ni Miguel. Napailing si Liam at marahang natawa, ngunit bakas sa mukha nito ang pagkainis. “Too late,” malamig nitong saad. "Kahit magsisi pa si Daphne, kasal na sina Ian at Sam. Bakit hindi na lang ninyo hayaan maging masaya ang dalawa? Don’t act like a fool, dude.” Natahimik ang buong silid matapos ang palitan ng opinyon at mga pakiusap. Tanging mabibigat na paghinga lamang ang maririnig habang nanatiling walang imik si Ian, tila nahihirapang mamili sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan. N
Mabilis sumunod si Dan sa akin. "Grabe,. Excited na ko!" Dinig kong sabi ni Dan. "Ohh.. baka makalimutan mo.. Ang major project natin." anya ni Cathy kay Dan. "Oh course not,. Excited na nga ako para sa kanya." Nilingon ko silang dalwa. "Anong meron?" tanong ko dahil parang may hindi sila s
SAMANTHA'S POINT OF VIEW Napatitig ako sa salamin na dingding. "Tristan," mahinang sambit ko. Mula sa kabilang silid na may pagka dim light ang ambiance, tumambad sa paningin ko si Tristan. Tanging ang glass wall ang namamagitan sa aming kinaroroonan.. I paused. Just a second. And I swallow
WARNING: Matured 18 + contents! SAMANTHA'S POINT OF VIEW Nag-retouch na rin ako dahil pagkatapos nang magiging pag-uusap namin ni Tristan may kikitain akong kliyente. Paglabas ko ng restroom nagulat akong makitang may staff na nakatayo sa labas ng pintuan ng restroom. "Ay kabayo!" sambit ko
=DISCLAIMER= 2026 "Pretending, Turned Into Reality" written by Ms. Addie All rights reserved. This is an original work of fiction and the result of a mind's imagination. Any name, character, business, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a







