Share

Chapter 6

last update Tanggal publikasi: 2025-08-10 13:13:00

Mainit ang hapon sa probinsya, pero malamig ang simoy ng hangin mula sa bukid na dinaanan nila. Nasa passenger seat si Isobel habang nagmamaneho si Leandro. Naka-rolled up sleeves ito, shades, at halatang relaxed pero may ngiting may tinatago.

“Bakit parang may tinatago ka?” tanong ni Isobel, hawak ang cellphone niya pero mas nakatutok sa binata.

“Wala,” sagot ni Leandro na may bahagyang ngisi. “I just want you to meet my friends. Sila yung barkada ko since high school.”

Napakunot ang noo ni Isobel. “Meet your friends? Like… lahat sila? Ngayon?”

“Yep,” sagot niya, sabay lingon saglit sa kanya. “Don’t worry. They’ll love you.”

They better, bulong ni Isobel sa isip.

Pagdating nila sa isang maliit na kubo sa gilid ng ilog, narinig agad ni Isobel ang tawanan at kantahan mula sa loob. May ilang lalaking naka-sando at shorts, may mga babaeng nakaupo sa banig, nagkukwentuhan. Halatang sanay sa isa’t isa.

“Leandro!” sigaw ng isa, sabay tayo at yakap sa kanya. “Pare, ang tagal mong nawala ah!”

“Busy sa syudad,” sagot ni Leandro, tapik sa balikat nito. “Pero guys, I want you to meet someone special.”

Nakaramdam ng kakaibang kaba si Isobel habang papalapit. Ramdam niya ang ilang pares ng mata na sumusuri sa kanya mula ulo hanggang paa.

“This is Isobel… my girlfriend,” sabi ni Leandro na may diin sa huling salita.

Nagkaroon ng ilang segundo ng katahimikan bago bumungad ang ngiti ng isang babae na halatang leader-type sa grupo. “Hi! Finally, may dinala na si Leandro dito. Akala namin forever bachelor na siya.”

Napangiti si Isobel at nakipag-kamay. “Hi, nice to meet you all.”

“Come, join us,” sabi ng isa pang lalaki. “We’re just having late lunch.”

Habang kumakain, paminsan-minsan ay nahuhuli ni Isobel ang ilang tingin mula sa mga kaibigan ni Leandro—hindi naman hostile, pero parang curious.

“So, Isobel,” tanong ng isang babaeng medyo maputi at may maiksi ang buhok, “how did you and Leandro meet?”

Nagkatinginan sila ni Leandro bago siya sumagot. “Uh… work. We started as… let’s say, unexpected colleagues.”

'Sa bar lang kami unang nagkita tapos nagbembangan na,' saad ni Isobel sa isip niya at palihim na ngumiti.

Nagkatawanan ang ilan. “Leandro, work daw? Alam naming hindi mo ina-approach ang mga babae sa office dati,” biro ng isang lalaki.

“Eh, iba si Isobel,” sagot ni Leandro sabay tingin sa kanya na parang walang ibang tao sa paligid.

May kakaibang init sa pisngi ni Isobel. Hindi niya alam kung dahil sa araw o sa tingin ni Leandro.

“Uy, sweet!” sigaw ng isa, sabay kantyaw. “Hindi na kami sanay sa ganyang Leandro ah.”

“Mas mabuti na yan kaysa sa dati,” sabi ng isang babae. “Hindi na palipat-lipat ng… alam mo na.”

Natawa si Leandro pero hinawakan niya ang kamay ni Isobel sa ilalim ng mesa. “She’s the only one I want,” bulong nito na siya lang ang nakarinig.

Matapos ang pagkain, nag-aya ang barkada na pumunta sa ilog para magpalamig. May ilan nang tumalon mula sa bato, may naglalaro ng tubig.

“Come on, Isobel, try mo!” sigaw ng isang babae.

Nag-aalangan siya. Hindi siya handa para sa ganito ka-casual na bonding. Pero bago pa siya makatanggi, hinila siya ni Leandro papunta sa mababaw na bahagi ng tubig.

“Relax,” bulong niya. “I’m right here.”

Habang naglalaro sila sa ilog, abala si Isobel sa pagpupunas ng mukha nang mapansin niyang wala si Leandro sa tabi niya. Napalingon siya at nakita itong nakatayo sa mababaw na bahagi ng tubig, kausap ang isang babaeng naka-blue rash guard.

Nakatalikod si Leandro sa kanya pero halata ni Isobel ang pagkaka-lean ng babae palapit sa kanya. May hawak pa itong bottled water na para bang ibinibigay kay Leandro.

Seriously? In the middle of everyone?

Napakunot ang noo ni Isobel, pakiramdam niya ay may kung anong mainit na umakyat sa batok niya.

Nakita niyang ngumiti si Leandro sa babae at tinanggap ang tubig. Tumawa pa ito sa isang sinabi ng babae—at iyon ang huling patak ng pasensya ni Isobel.

Lumapit siya, dahan-dahan pero may diin ang bawat hakbang sa tubig. Nang marating niya si Leandro, dire-diretso niyang hinawakan ang braso nito at marahang hinila palapit sa kanya.

“Oh, Bel—” magsasalita pa sana si Leandro pero bigla niya itong hinalikan sa labi. Hindi mabilis, hindi rin mababaw—isang halik na sapat para maramdaman ng babae sa harap nila na wala siyang laban.

Napalunok ang kausap ni Leandro at biglang nagpaalam, “Uh, I’ll just… go back to the group.”

Pagkaalis nito, napangisi si Leandro. “Jealous?” bulong niya.

“I’m just making sure people know their boundaries,” sagot ni Isobel, kunot ang noo pero namumula ang pisngi.

Hinawakan ni Leandro ang baywang niya at bumulong, “You don’t have to worry. You’re the only one I see.”

Pero kahit malinaw ang tono ng boses ni Leandro, ramdam pa rin ni Isobel ang kaunting init ng selos sa loob niya—na mas lalo lang nagpatamis sa susunod nilang mga titig at hawakan.

At oo nga, buong oras, hindi siya iniwan ni Leandro. Kahit may mga babaeng kaibigan si Leandro na lumalapit at nakikipag-usap dito, palaging isang kamay o braso ang nakadikit sa kanya. Para bang sinasabi sa lahat na She’s mine.

May isang pagkakataon na lumapit ang isang babaeng nakapink bikini at sumigaw, “Leandro, remember last summer when—”

“Not now, Shane,” sagot ni Leandro, mabilis pero mahinahon.

Naka-arko ang kilay ni Isobel. Shane na naman.

“Who’s Shane again?” bulong niya kay Leandro habang naglalakad sila pabalik sa kubo.

“Friend. Just… history. Nothing to worry about.”

“History? Like Mika? Ang dami mong babae!” tinaasan niya ito ng kilay.

“History that ended the moment you came in,” sagot ni Leandro, seryoso ang boses. “You’re the present and future, Bel.”

At sa harap ng barkada, bago pa makapagsalita si Isobel, hinalikan siya ni Leandro—hindi mabilis, hindi rin sobra, pero sapat para marinig niya ang lahat ang collective na  kinantiyaw sila.

Ramdam niya na kahit bago siya sa grupo, malinaw sa lahat kung gaano siya kamahal ni Leandro.

Bago sila umalis, isa-isa silang binati ng mga kaibigan ni Leandro. May mga nagpa-picture, may nangulit ng kwento nila, pero lahat ay may ngiting tanggap na siya sa buhay ng lalaki.

Pagbalik nila sa sasakyan, hawak pa rin ni Leandro ang kamay niya.

“See? I told you they’d love you.”

Napangiti si Isobel. “Maybe… pero alam mo kung bakit ako kampante?”

“Why?”

“Because you never let go.”

Tumawa si Leandro, hinalikan ang kamay niya, at sinabing, “Never will, Bel. Never will.”

At sa biyahe pabalik, kahit may init pa rin sa hangin, mas malamig ang pakiramdam ni Isobel—hindi dahil sa klima, kundi dahil ramdam niya ang seguridad sa piling ni Leandro.

Pagkatapos ng incident sa ilog, hindi pa rin mawala sa isip ni Isobel ang nakita niya kanina. Kahit pa sabihing wala lang ‘yon kay Leandro, ramdam niya pa rin ang kaunting kurot sa dibdib.

Pero sa kabilang banda, gusto rin niyang aminin sa sarili na… medyo enjoy siya sa ginawa niyang paghalik sa harap ng iba. Hindi lang para ipakita na sila ni Leandro ay totoong magka-relasyon, kundi para rin maramdaman ng lahat na wala siyang balak ibigay ang lalaki sa kahit sino.

Nang gumabi. Sa bahay ng isa sa mga kaibigan ni Leandro ginanap ang hapunan. May mahaba silang mesa sa labas, sa ilalim ng mga parol at string lights na nakasabit sa mga puno. May grupo ulit si Leandro na dumating, halos pinsan naman ito yon at kaibigan ng iba nitong kaibigan.  Kaya hindi niya inaasahan na may nakakakilala sa kanya doon.

“Bel, dito ka sa tabi ko,” tawag ni Leandro habang may hawak na plato.

Pero bago pa siya makalapit, isang babaeng pinsan ni Leandro ang tumapik sa kanya. “Hi! You’re Isobel, right? Grabe, ang ganda mo pala in person.”

“Uh, thanks,” sagot ni Isobel na may ngiting tipid.

“Leandro told us a lot about you,” dagdag nito.

Napalingon si Isobel kay Leandro na biglang ngumisi, parang batang nahuli sa kalokohan. “Only good things,” sabay wink.

“Only good things, huh?” bulong ni Isobel nang umupo siya sa tabi ni Leandro.

“Of course,” sagot niya habang inihahain ang inihaw na isda sa plato ni Isobel. “Kung may masama man akong sabihin, baka magalit ka sa’kin.”

“Baka?” sagot ni Isobel na may pilit na kunot ng noo, pero halata ang ngiti sa labi.

Habang kumakain, ilang beses na nahuhuli ni Isobel ang mga kaibigan ni Leandro na tinitingnan sila—lalo na kapag kusa siyang nilalagyan ni Leandro ng ulam sa plato, o kapag may sinasabi ito sa tenga niya na nagiging dahilan ng pagtawa niya.

“Mukhang baliw na baliw sa’yo si Leandro,” bulong ng isa sa mga babae sa tabi niya.

“Siguro,” sagot ni Isobel, pero sa loob-loob niya ay, Yes. And I want to keep it that way.

Pagkatapos ng hapunan, nagkayayaan ang lahat na maglakad-lakad muna sa gilid ng bukid para mag-digest. Ibang pinsan at kaibigan ni Leandro ay nauna dahil ilan sa kanila ay may asawa't anak na. Pero si Isobel, medyo napagod na, kaya nagpasya na siyang maghintay sa sasakyan.

“Bel, sasamahan kita sa sasakyan,” saad ni Leandro na kinailing niya.

“Go with them. I’ll be fine. Just… don’t take too long,” sagot niya. 

Nauna na siya sa sasakyan at iniwan ang mga ito. Pero mayamaya pa ay nakita niya si Leandro na papalapit sa sasakyan nito kung saan naroon siya. Mukha ngang iniwan nito ang mga kaibigan.

“Sabi ko sa kanila, mas gusto kong kasama kita,” sabi niya, walang bahid ng biro. Napailing na lang siya.

Tahimik ang unang ilang minuto ng biyahe niya. Nakatingin si Isobel sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang mga anino ng puno at ang malambot na ilaw ng buwan.

“Still thinking about earlier?” tanong ni Leandro habang nakatutok sa kalsada.

“Maybe,” sagot ni Isobel. “I just… I don’t like it when someone tries to get too close to you.”

“I like it,” sagot naman bigla ni Leandro.

Nilingon siya ni Isobel, kunot ang noo. “You like it?”

“I like it when you’re jealous,” sagot nito, ngayon ay nakatingin na sa kanya saglit bago bumalik sa kalsada. “Means you care. Means you’re afraid to lose me.”

Tumahimik si Isobel, ramdam ang mainit na bugso ng damdamin. “I’m not afraid… I just don’t want to.”

“You won’t,” malumanay na sagot ni Leandro. “Hindi ako mawawala, Bel.”

Biglang huminto si Leandro sa gilid ng kalsada, malapit sa isang maliit na viewpoint na tanaw ang ilog sa ibaba. Naka-on lang ang maliit na ilaw sa loob ng sasakyan.

Bago pa makapagtanong si Isobel, lumapit si Leandro at hinawakan ang kamay niya. “Come here.”

Nilapit siya ni Leandro hanggang magtagpo ang kanilang mga mukha. “I want to kiss you here. No distractions. No audience.”

At doon, sa gitna ng katahimikan ng probinsya, hinalikan siya ni Leandro—mabagal sa una, tila tinatandaan ang bawat kurba ng labi niya, tapos ay lalong lumalim, parang walang bukas.

Hinawakan ni Isobel ang batok niya, marahang hinihila palapit. Ramdam niya ang tibok ng puso nito sa dibdib, at ang init ng hininga na humahalo sa malamig na hangin ng gabi.

“You’re mine,” bulong ni Leandro nang maghiwalay sila para huminga.

“Always,” sagot ni Isobel, halos pabulong din.

Sa natitirang biyahe, nakahawak si Leandro sa kamay ni Isobel gamit ang isang kamay nito,  habang ang isa’y nasa manibela. Paminsan-minsan ay pinipisil nito ang kamay niya, para bang pinapaalala na andun lang ito.

“Bel,” sabi niya bigla.

“Hm?”

“When we get back to the city… I don’t want things to change.”

“Bakit? May magbabago ba?” sagot ni Isobel.

“Because sometimes, the city makes people forget. I don’t want you to forget how much I love you here.”

Napangiti si Isobel, at mas lalo pang hinigpitan ang hawak niya sa kamay nito. “I won’t forget. I’ll just remember… and maybe miss it even more.”

Pagdating nila sa bahay, hindi agad bumaba si Leandro. Tumigil muna ito at tumingin sa kanya.

“Thank you for today,” sabi nito.

“Ako dapat magsabi niyan,” sagot ni Isobel. “You made me feel… safe. Even when I was being silly.”

“You’re not silly,” sagot niya, seryoso na ang tono. “You’re mine. And I’m yours. That’s it.”

Tumango si Isobel at ngumiti, sabay marahang idinikit ang noo sa kanya. “Goodnight, Leandro.”

Pero bago pa siya makababa, hinila ulit ni Leandro ang kamay niya, at hinalikan siya muli—isang matagal, matamis, at puno ng pangako.

At sa halik na iyon, alam ni Isobel na kahit anong mangyari, kahit saan sila mapunta, may isang bagay na mananatili—ang pagmamahal ni Leandro sa kanya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 30

    ​"Sigurado ka ba talaga rito, Leandro? Pwede ka pa ring hindi pumunta. Nag-submit ka na ng resignation letter. Out of jurisdiction ka na dapat dito."​Nakatayo si Atty. Ramon Santos, ang matagal nang legal counsel ng pamilya Valencia, habang inaayos ang kanyang briefcase sa tapat ng pintuan ng Grand Executive Conference Room. Tumingin siya sa dating propesor na nakatayo sa tabi niya.​Naka-dark gray suit si Leandro, maayos ang buhok, at malamig ang mukha. Pero sa ilalim ng mga mata niya, bakas pa rin ang matinding pagod at puyat.​"Kailangan kong pumunta, Atty. Santos," sagot ni Leandro. Ang boses niya ay patag ngunit puno ng matinding pinalidad. "Inihabol pa rin ng Board ang kaso laban kay Isobel. Kahit wala na ako sa unibersidad, hindi sila titigil hangga't hindi nila napapatawan ng expulsion ang bata. Hindi ko pwedeng hayaan na mangyari 'yon."​"Pero kapag pumasok ka sa kwartong 'yan, Leandro, ilalagay mo ang sarili mo sa isang kangaroo court. Gagamitin nila ang lahat para durugin

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 29

    "Totoo ba, Bea? Sabihin mo sa akin na hindi totoo 'yan!"​Nakahawak si Isobel sa magkabilang balikat ng kaibigan sa loob ng bakanteng classroom sa second floor. Nanginginig ang buo niyang katawan, habang ang mga mata niya ay nanlalabo na dahil sa mga luhang nagbabadyang pumatak.​"Narinig ko lang din sa faculty room kanina, Bel," sagot ni Bea, ang boses ay puno ng awa at matinding pag-aalala. "Nag-uusap si Miss Clarisse at 'yung secretary ni Dean. Nagpasa na daw si Sir Leandro ng resignation letter ngayong umaga. Tinanggap na agad ng Board. Effective immediately na raw."​"Hindi... hindi niya pwedeng gawin 'yan," umiling-iling si Isobel, dahan-dahang napapabitaw sa kaibigan habang napapahawak sa kanyang dibdib. "Nangako sila sa akin sa investigation room... naniwala ako na kapag nanahimik ako, pareho kaming magiging ligtas. Bakit siya mag-reresign?"​"Isobel, ginawa niya 'yon para sa 'yo!" pilit siyang hinawakan muli ni Bea sa braso. "Inalok daw siya ng deal ng Dean! Kapag nag-resign

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 28

    "Hindi mo na kailangang palakihin pa ito, Leandro. May paraan naman para matapos 'to nang hindi nasisira ang lahat."​Nakatayo si Leandro sa tapat ng malaking narra desk sa loob ng opisina ng Dean. Nakasara ang mga blinds, at ang tanging ilaw lang ay mula sa maliit na desk lamp ni Dean Alvarez. Sa gilid ng silid, nakaupo rin ang Vice President for Academic Affairs, nakatitig sa kanya nang malamig.​"Anong paraan, Dean? Ang aminin ang kasalanang hindi ko naman buong ginawa? O ang magturo ng kung sino para lang may maipakain kayo sa media at sa board?" malamig na tanong ni Leandro. Naka-de kuwatro lang siya sa upuan, pero bakas sa kanyang mga mata ang matinding pagod mula sa walang tulog na mga gabi. ​"Makinig ka muna bago ka mag-react," mahinahong sabi ni Dean Alvarez habang inilalapag ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa. "Gusto ka naming tulungan. Alam naming magaling kang guro. Malaki ang naambag ng pamilya mo at ng pangalan mo sa unibersidad na ito. Ayaw ka naming ipahiya nang tul

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 27

    ​"Hindi mo pa rin ba siya nakakausap?"​Inayos ni Bea ang strap ng canvas tote bag niya habang binabaybay nila ang hallway ng Arts and Sciences building. Saglit siyang tumingin sa kaibigan na tahimik lang na nakatingin sa semento habang naglalakad.​"Sino?" sagot ni Isobel.Ang boses niya ay walang buhay, parang isang simpleng tugon lang para matapos na ang usapan.​"Isobel, naman," bumuntong-hininga si Bea at huminto sa paglalakad, dahilan para mapahinto rin ang dalaga. "Si Leandro.Isang linggo na, 'di ba? Hindi ka na pumupunta sa condo niya. Hindi ka na rin naghihintay sa parking lot pagkatapos ng huling klase mo. Kahit sa Org room, kapag nandoon siya, bigla kung paano ka nawawala."​"Busy ako sa finals project, Bea," malumanay ngunit malamig na tugon ni Isobel. Inayos niya ang ilang strands ng buhok na humaharang sa mukha niya. "At busy rin siya sa kaso niya. Mas mabuting ganito muna."​"Mas mabuti o iniiwasan niyo lang ang isa't isa kasi pareho kayong natatakot?" tanong ni Bea. I

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 26

    CHAPTER 26 — The Investigation​Scene 1​“Wala po talaga akong alam, Dean. Normal naman po ang pakikitungo ni Sir Leandro sa amin sa klase.”​“Are you sure, Miss Krisha? Wala ka bang napapansin na kakaibang closeness or any special treatment towards any particular student?”​“Wala naman po. Strict nga po si Sir, eh. Halos lahat kami natatakot kapag recitation.”​The administrative conference room smelled heavily of brewed coffee and anxiety. Outside the frosted glass doors, the corridor was unusually quiet, but the tension was thick enough to choke anyone who dared to walk by. The university’s executive committee composed of the Dean, the Vice President for Academic Affairs, and two senior board representatives had set up a temporary tribunal.​One by one, the faculty and students from the Humanities department were called in.​“How about you, Mr. Adrian? Sinasabi rito sa reports na nagkaroon daw kayo ng physical altercation ni Marco kanina lang sa loob ng lecture hall.” Dean Alvarez

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 25

    “Seryoso ba? Sila talaga?”“Oo nga! Sobrang kalat na kaya sa kabilang building. May nakakita raw mismo sa email na sinend sa Dean.”“Kaya pala laging mataas ang grade niyan kay Sir Leandro, eh. May VIP pass pala sa faculty room.”“Shh! Ang ingay mo, baka marinig ka. Papunta siya rito.”The whispers in the hallway of the Humanities building didn’t stop. They only dropped in volume, turning into a low, buzzing hiss as Isobel walked down the corridor. She kept her head down, her fingers clutching the straps of her backpack so tightly that her knuckles turned white.Every single step felt like walking through wet cement. Every laugh from a passing group of students felt like a slap directly to her face. She could feel their eyes... dozens of them—heavy, judging, and mocking, boring into her back.“Isobel! Huy!”A hand grabbed her forearm, making her flinch violently. She gasped, stepping back, her heart leaping into her throat.“Hey, hey, it’s just me. Si Krisha ’to,” Krisha said, her eye

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status