Mag-log inChapter 4
Carlo Madrigal’s POV
Biglang humina ang tuhod niya, kaya dali-daling akong lumapit. Mabuti na lamang at nasalo ko siya.
“Evie, are you okey?” may pagaalalang tanong ko sa kanya
Napaiyak na lamang siya. Maraming nakakatakot na pangyayari sa buhay niya ang bigla niyang naalala.
“Don’t worry, Evie, wala na siya,”paggarantiya ko sa kanya.
“Can you stand?” tanong ko sa kanya
Hindi siya sumagot, kaya nagpasya akong isakay na lamang ito sa aking kotse. Dinala ko siya sa isang 24-hour convenience at drug store. Bumaba ako sa kotse at bumili ng pampakalma.
Naisip kong kapag nanatili pa kami sa lugar na iyon ay magpatuloy ang takot niya. Pagkatapos niyain ang pampakalma, tinanong ko ito kung saan ito nakatira. Hindi pa rin ito nagsalita, kaya kinuha ko na ang kanyang bag at nakita ko ang address nito. Taga San Benisa QC pala siya
Nakatulog ito sa sobrang stress. Kinuha ko ang aking jacket na nasa likuran ko at ikinumot ko ito sa kanya.
Evie’s POV
Halos alas 10 na ng umaga ako nagising. Ang daming missed calls sa aking phone, mula sa opisina, kay Lida at iba pa.
Bigla akong napatayo at tiningnan ang sarili ko. Suot ko pa rin ang itim na damit mula sa kahapon na meeting. Binabalikan ko ang mga nangyari noong gabi. Kinalibutan ako sa takot.
May ilang detalye na di ko na maalala. Kung paano ako nakauwi, hindi ko na rin ma-recall.
Pumunta ako sa parking space at nakita ko naman ang aking kotse doon. “Pero papaano, ano ang mga nangyari? Nakapag-drive ako?”
Pumunta ako sa lobby ng aking condo, nagtanong-tanong. Ayon sa report, inihatid ako ng isang lalaki at nagpasama ito ng isang admin para ihatid ako sa aking unit. May naghatid din ng kotse ko. Nagiwan na lamang ito ng calling card at umorder ng pagkain para sa akin. Para sakaling magising ako ay kailangan kong makakain, yung ang bilin nito. Inabot sa akin ng personnel ang calling card.
“Ma'am Evie, ito po oh” sabi ng staff
Itim na card ito at may gold na mga letters, pagkakita sa card, CARLO MADRIGAL CEO/ CBM Holdings
Di ako makapaniwala, of all people, siya talaga. Kaya ngayon, ang dating pagkainis ko ay napalitan ng malaking utang na loob sa taong nagligtas ng buhay ko.
Nakatanggap ako ng message sa isang di-kilalang number. Binasa ko ito.
Kumain ka na?
Palaisipan pa rin sa akin kung sino ito, kaya para hindi na maging palaisipan ito sa akin, nag-text back ako sa kanya.
“Sino po ito?” reply ko.
Hindi na muling nag-message ito.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili, nagtungo na ako sa aking opisina mag-alas-3 na iyon ng hapon. Malapit lang naman ito sa aking unit, kaya ipinasyang gamitin na lang ang 600 cc motor bike para mabilis akong makarating.
“Ma'am Evie, ito po yung accomplishment report ng unit 509,” inabot ng isa sa mga admin niya na si Lynel, na isang binabae.
“Salamat, kamusta yung sa San Jose, Bulacan? Parang di ko nakita ang weekly report nila. May problema ba? tanong niya
“Wala naman po, Ma'am, nagkasakit lang yung anak ni foreman kaya di siya nakapasok at di naasikaso ang mga reports, pero nabisita naman po iyon noong Huwebes, at lahat naman maayos. May nagrereklamo lang na tenant kasi nag-decide si foreman na mag-overtime ang mga tao para matapos yung sa kitchen. Medyo may drills po kasi eh. Tinapos lang nila. Gusto na po kasing lumipat agad ni Mrs. Smith at parating na daw yung AFAM niya” report ni Lynel
“Okay, make sure na quality yung gawa nila. Ayaw kong mapahiya kay Mrs. Smith, ang laki pa namang magpaayuda nun,”pabirong sagot ko.
“Eh yung anak ni foreman, kumusta? Nakalabas na ba ng hospital? Pakiassist na lang, put in my tab. And also padalhan mo ng sweets yung tenant na nagrereklamo, babae ba? Tanong ko.
“Ay hindi Ma’am, it’s a boy,” patawa nito.
“Sige, ako na lang, daanan ko siguro mamaya after work.” sagot nito
“Akin na yung plano sa San Jose” utos nito
“Kunin ko lang po,”nagmamadaling tumungo sa kanyang mesa para hanapin ito.
Pagkatapos busisiin ang ilang dokumento at pirmahan ang mga papel, nag-log off na rin ako sa aking computer. Inayos ko na ang sarili ko para tumungo sa SJDM. Dumaan muna ako sa liquor store at bumili ng mga prutas sa daan. Mabuti na lamang at maraming tindahan sa babaybayin niyang kalsada. Mabilis akong nakarating sa unit ni Mrs. Smith 403. Kinatok ko ang unit 402. Lumabas doon ang isang lalaking nasa 50s, pagtatantiya ko. Malaki ang tiyan, balbasarado, at mukhang may kasungitan.
“Yes? Tanong nito.
“Hi po, ako po si Evie. Ako po ang nag-handle sa renovation sa unit ni Mrs. Smith.”
Ang ganda ng ngiti niya sa akin. Na halos matulala ang lalaki . Pero dahil sa karakter nito at sa walang inferiority, taas-noo itong nagreklamo pa rin sa akin.
“Ah, ikaw ba. Sabihan mo ang mga tao mo, hatinggabi na, nag-iingay pa rin. Istorbo, natutulog na ang mga tao, I can stop the renovation if I want to” malakas na sagot na reklamo nito
Ang totoo, siniguradong soundproof ang unit ni Mrs. Smith; sadyang maselan lang ang kapitbahay niya sa konting ingay o vibration.
“Huwag naman po, we apologize po talaga. Don’t worry po, it won't happen again.” paliwanag niya
Inabot ko ang box ng alak na nabili ko at prutas sakaling hindi ito umiinom.
“Sir, pasensiya na po talaga. I hope na hahabaan ninyo pa po ang inyong patience sa amin. Konti na lang po at matatapos na ang renovation namin,” pakiusap ko.
“Well, ano pa ba ang magagawa ko? Thank you for this. Maganda ang taste mo. Siguro dahil sa maganda ka din.” pagdiga nito
Nakahinga na ako nang maluwag, at pagkatapos, nag-check na ako sa unit ni Mrs. Smith. May mga natirang tao na naglilinis pagkatapos magtrabaho.
Nasabi ko sa sarili ko. “All good,” napangiti ako na may pagkakuntento.
Naghanda na ako para makauwi. Pasakay na ako ng motor at inaayos ko na ang helmet ko para isuot. Biglang narinig ko ang tinig ng isang pamilyar na boses.
“Evie” tawag nito
Nilingon ko ito, isang lalaking naka-casual na polo at maong. Ang ganda ng ngiti nito sa akin.
“Carlo, anong ginagawa mo dito? Tanong ko.
“I went to your office, kaso wala ka na daw. Kaya, I ask kung saan ka pupunta kaya ibinigay nila. Kaya ito ako.” itinuturo niya ang kanyang sarili
Hindi ko maiwasang mapagmasdan ang kanyang buong katauhan. At napangiti ako nito.
“At bakit naman, Mr. Madrigal?”tanong ko.
“Actually, I was worried sick. I’m checking if ok ka na talaga. I guess yes, you seem ok na.” saad nito
“Thanks to you.” pasasalamat ko
“Uy, first time kong makarinig ng maganda sa iyo ah. Kinikilig ako.” pagbibiro nito
“Grabe ka naman, siguro laging wrong timing lang, that’s why,” sagot ko.
“Siguro nga, at nagsisisi na ako.” sagot ni Carlo
“Evie, may malapit na coffee shop dito. If you like, puede tayong magkape? tanong ni Carlo
Tiningnan ko ang relo ko. Nag-isip muna ako, pero dahil sa pag-aalaga sa akin nito noong isang gabi, hindi ko na ito tatanggihan.
“Sige.”sagot ko.
Hinintay niyang makasakay ako sa motor ko. At nagtungo na kami sa coffee shop.
Chapter 54Evie’s POV“Ang ganda naman ng batang ito.”Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog na anak ni Lida.Maputi ang balat nito, matangos ang maliit na ilong, at mahahaba ang pilikmata na para bang manika. Paminsan-minsan ay kumikibot pa ang maliliit nitong labi na tila nananaginip.Parang ang sarap lang pagmasdan.Hindi mo namamalayang napapangiti ka na rin.Napansin iyon ni Lida, kaya napahalakhak siya.“Oh, di ba? Tama lang talaga na nagpabuntis ako sa AFAM.”Napailing ako.“Lida!”“Ano?”“Malay mo, Evie,” natatawa niyang dugtong. “Ang batang ito ang magaahon sa akin sa kahirapan.”“Aba, ang aga mo namang magplano para sa anak mo.”Nagkatawanan kami.Ganoon talaga si Lida.Kahit ilang beses siyang subukin ng buhay, hindi nawawala ang kakayahan niyang ngumiti at gawing biro ang mabibigat na sitwasyon.Pero alam kong sa likod ng mga biro niyang iyon...Marami siyang kinikimkim.Napatingin ako sa kanya.“Alam mo ba ang sandwich generation, L
Chapter 53Evie’s POVPagkahatid ko kay Lida sa kanyang bahay ay kasunod ko naman ang sasakyan ni Carlo.Tahimik lang kaming bumabyahe. Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa rearview mirror at nakikita kong hindi siya lumalayo sa sasakyan ko. Para bang sinisigurado niyang ligtas akong makakauwi.Bago kami umalis sa resto ay kinausap ko muna siya.“Honey, ihatid ko muna si Lida, sumunod ka na lang o magkita na lang tayo sa bahay.”“Susundan kita,” maikli niyang sagot.Hindi man iyon ganoon kalambing, sapat na iyon para gumaan ang loob ko.Kahit papaano ay alam kong humupa na ang galit niya. Hindi pa tuluyang nawawala ang sakit na nararamdaman niya, pero handa na siyang makinig at unti-unting maghilom ang sugat sa pagitan naming dalawa.At para sa akin, malaking bagay na iyon.Pagdating sa bahay, agad akong nagtungo sa kusina.“Coffee?” tanong ko habang lumilingon sa kanya.Tumango lang siya.Tahimik siyang naupo sa sala habang ako naman ay naghanda ng dalawang tasa ng mainit na kape. Ka
Chapter 52Evie's POVKakaibang mundo ang nabuksan sa akin noong gabing iyon.Hindi lang ito basta isang dinner party. Isa itong pagtitipon ng mga taong dati ay napapanood ko lang sa telebisyon o nababasa sa business magazines. Mga CEO ng malalaking kumpanya, mga tagapagmana ng mga kilalang negosyo, mga prominenteng politiko, mga sikat na artista, at mga socialite na tila sanay na sanay sa ganitong klaseng okasyon.Samantalang ako...Pakiramdam ko ay isa lamang akong ordinaryong babae na aksidenteng napasama sa mundong hindi ko kinagisnan.Mas lalo kong napansin kung gaano kasanay si Carlo sa ganitong klase ng lipunan. Halos bawat ilang hakbang namin ay may bumabati sa kanya. Nakikipagkamay siya, nakikipagbiruan, at tila kilalang-kilala siya ng lahat.Napangiti ako habang pinagmamasdan siya.Ibang-iba siya sa Carlo na nakakasama ko kapag kaming dalawa lang. Dito, kitang-kita ang pagiging natural niyang lider.Maya-maya ay may lumapit sa amin."Wow, Evie, you're here, hija!"Lumingon a
Chapter 51Evie’s POV"Guys... kayo na muna ang bahala sa mga sarili ninyo, ha."Napatingin kaming dalawa ni Lida kay Aika.May pilit siyang ngiti, ngunit halatang pagod na pagod na siya. Namumugto ang kanyang mga mata, at kahit sinubukan niyang magmukhang matatag, kitang-kita naming ilang gabi na siyang hindi nakakatulog nang maayos."I'm sorry, guys... mukhang wala na talagang pag-asa ang project natin sa DLB."Tahimik kaming nakatingin sa kanya."You know naman what happened."Malungkot ang boses niya."What do you mean?" nagtatakang tanong ko.Huminga siya nang malalim bago inilabas ang isang puting sobre mula sa kanyang bag."I submitted my resignation letter."Napahinto ako.Pakiramdam ko ay biglang bumagal ang oras."And... aalis na ako bukas.""Pupunta akong Britain.""I got a job there."Nanlaki ang mga mata namin ni Lida."No, Aika.""You can't be serious."Halos hindi makapaniwalang sabi ni Lida.Ngumiti lamang si Aika.Hindi iyon masayang ngiti.Kundi iyong ngiting ginagam
UnderstandingChapter 50Evie’s POV“Na-curious lang din talaga ako diyan kay Andrew, noh? Ano ba 'yan... obsession na ba talaga?” tanong ni Lida habang pareho kaming nakaupo sa café sa tapat ng opisina.Kanina pa namin pinag-uusapan ang tungkol kina Andrew at Aika. Habang mas lalo naming pinagdurugtong-dugtong ang mga nangyari nitong mga nakaraang linggo, mas lalo lamang akong naguguluhan.“Parang totoong pinapaasa niya si Aika,” dugtong pa ni Lida. “Tapos gusto ka pa rin niya, Evie?”Napabuntong-hininga ako.“Iyon din ang hindi ko maintindihan.”Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang gusto ni Andrew.Kung mahal ba niya si Aika...O ginagamit lang niya ito para takasan ang nararamdaman niya para sa akin.“Sabihin mo kaya kay Carlo. This is dangerous,” seryosong sabi ni Lida.Umiling ako.“I don't know if si Carlo ang dapat kong kausapin.”“Bakit?”“Kapag nagkakadikit silang dalawa ni Andrew, para silang apoy at gasolina.”Napatahimik si Lida.Alam niyang totoo ang sinabi ko.Si
Chapter 49Evie’s POV“Lida, tumatawag ba sa iyo si Aika?”“Oo, kanina. Kakatawag lang niya.”“Bakit Evie?”“Kasi ilang araw na akong tumatawag at nagme-message, parang ini-ignore niya lang ako.”“Ha?”“Bakit naman?”“I have no idea.”“Bakit, ano ba ang ginawa mo?”“Wala,” mariin kong sagot.“Hayaan mo na lang muna. Baka may sumpong lang gaya ng boss niyang si Andrew. Pagkatagal-tagal na ng proposal natin hanggang ngayon wala pang balita.”“Sa tingin mo, Evie, baka naibigay na iyon sa iba, ah.”“Kung naibigay na iyon sa iba, dapat ipinaalam man lang sa atin ni Aika,” sagot ko.“Alam mo, pansin ko sa babaeng iyan, parang ang laki ng pinagbago niya mula noong nagchukchakan sila ng boss niya.”“Hoy, Lida, baka may makarinig,” pagsaway ko.“Dati emotionless siya. Ha ha ha!”“Ano?” natawa na rin ako.“Ngayon hyper kung makapag-react.”Iba talaga ang nagagawa ng PAG-IBIG sa mga tao.“Oo gaya mo.”“Naback to me talaga ako ah.”Nagtawanan na lang kami.“Pero seriously, something is off with A
Chapter 30Evie’s POV“Nay, babalik na po kami ni Carlo sa Maynila,” mahinahon kong sabi habang tinutulungan si Nanay na magligpit ng pinagkainan.Agad siyang napalingon sa akin. Kita ko agad ang lungkot sa mga mata niya.“Hindi ba puwedeng magtagal pa kayo kahit ilang araw?” malumanay niyang tanong
Chapter 16Evie’s POVPagkatapos kong tanungin siya kung nakapagpakasal siya sa Amerika, nagulat ako sa sagot niya.“Honestly, I’m about to, things we’re prepared by the family. Hindi ko alam na may plano silang ganoon. Akala ko anniversary celebration lang ng parents ni Mitch. Pinagsuot nila ako
Chapter 13Carlos’ POVTinatantiya ko ang oras. Siguro ay nakauwi na ito sa bahay. Sinubukan kong tawagan siya, baka sakaling gising pa ito.Nakailang tawag na naman ako. Nang pangatlong beses na, nasabi ko sa sarili ko na kapag hindi pa siya sumagot ay bukas ko na lamang siya tatawagan.“Hello,
Chapter 6Carlo Madrigal POVHinintay kong makasakay muna si Evie sa big bike niya. “Grabe, ang sexy niya talaga.” nasabi ko na may paghanga,Ako kailanman, hindi ko pa nasubukang magpatakbo ng ganoong sasakyan. Pero siya, napakalakas ng loob niya. Para siyang lalaki kung umasta. Kumaway na siy







