LOGINChapter 51Evie’s POV"Guys... kayo na muna ang bahala sa mga sarili ninyo, ha."Napatingin kaming dalawa ni Lida kay Aika.May pilit siyang ngiti, ngunit halatang pagod na pagod na siya. Namumugto ang kanyang mga mata, at kahit sinubukan niyang magmukhang matatag, kitang-kita naming ilang gabi na siyang hindi nakakatulog nang maayos."I'm sorry, guys... mukhang wala na talagang pag-asa ang project natin sa DLB."Tahimik kaming nakatingin sa kanya."You know naman what happened."Malungkot ang boses niya."What do you mean?" nagtatakang tanong ko.Huminga siya nang malalim bago inilabas ang isang puting sobre mula sa kanyang bag."I submitted my resignation letter."Napahinto ako.Pakiramdam ko ay biglang bumagal ang oras."And... aalis na ako bukas.""Pupunta akong Britain.""I got a job there."Nanlaki ang mga mata namin ni Lida."No, Aika.""You can't be serious."Halos hindi makapaniwalang sabi ni Lida.Ngumiti lamang si Aika.Hindi iyon masayang ngiti.Kundi iyong ngiting ginagam
UnderstandingChapter 50Evie’s POV“Na-curious lang din talaga ako diyan kay Andrew, noh? Ano ba 'yan... obsession na ba talaga?” tanong ni Lida habang pareho kaming nakaupo sa café sa tapat ng opisina.Kanina pa namin pinag-uusapan ang tungkol kina Andrew at Aika. Habang mas lalo naming pinagdurugtong-dugtong ang mga nangyari nitong mga nakaraang linggo, mas lalo lamang akong naguguluhan.“Parang totoong pinapaasa niya si Aika,” dugtong pa ni Lida. “Tapos gusto ka pa rin niya, Evie?”Napabuntong-hininga ako.“Iyon din ang hindi ko maintindihan.”Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang gusto ni Andrew.Kung mahal ba niya si Aika...O ginagamit lang niya ito para takasan ang nararamdaman niya para sa akin.“Sabihin mo kaya kay Carlo. This is dangerous,” seryosong sabi ni Lida.Umiling ako.“I don't know if si Carlo ang dapat kong kausapin.”“Bakit?”“Kapag nagkakadikit silang dalawa ni Andrew, para silang apoy at gasolina.”Napatahimik si Lida.Alam niyang totoo ang sinabi ko.Si
Chapter 49Evie’s POV“Lida, tumatawag ba sa iyo si Aika?”“Oo, kanina. Kakatawag lang niya.”“Bakit Evie?”“Kasi ilang araw na akong tumatawag at nagme-message, parang ini-ignore niya lang ako.”“Ha?”“Bakit naman?”“I have no idea.”“Bakit, ano ba ang ginawa mo?”“Wala,” mariin kong sagot.“Hayaan mo na lang muna. Baka may sumpong lang gaya ng boss niyang si Andrew. Pagkatagal-tagal na ng proposal natin hanggang ngayon wala pang balita.”“Sa tingin mo, Evie, baka naibigay na iyon sa iba, ah.”“Kung naibigay na iyon sa iba, dapat ipinaalam man lang sa atin ni Aika,” sagot ko.“Alam mo, pansin ko sa babaeng iyan, parang ang laki ng pinagbago niya mula noong nagchukchakan sila ng boss niya.”“Hoy, Lida, baka may makarinig,” pagsaway ko.“Dati emotionless siya. Ha ha ha!”“Ano?” natawa na rin ako.“Ngayon hyper kung makapag-react.”Iba talaga ang nagagawa ng PAG-IBIG sa mga tao.“Oo gaya mo.”“Naback to me talaga ako ah.”Nagtawanan na lang kami.“Pero seriously, something is off with A
Chapter 48Evie’s POV“Evie, sige na, punta ka na dito,” halos pagsusumamo na ang boses ni Aika sa kabilang linya.“Hoy, alas otso na ng gabi. Matutulog na ako,” sagot ko habang nakahiga na sana at naghahanda nang magpahinga matapos ang mahabang araw.“Sige ka, kapag may nangyari sa akin dito, hindi mo mapapatawad ang sarili mo.”Napaupo ako sa kama.“Ano iyan? Pangba-blackmail ba iyan? Aba girl, marunong ka na ha.”Narinig ko ang malakas na tugtog sa kabilang linya.“Yes! Yes! Let’s dance!”Pagkatapos ay agad niyang ibinaba ang tawag.“AIKA!”Napabuntong-hininga ako nang malalim.“Maloloka talaga ako sa babaeng ito. Parang motto na nila ni Lida ang pag-alalahanin ako palagi.”Mabilis akong nagbihis at kumuha ng bag. Hindi ko man alam ang buong dahilan kung bakit siya nasa bar at umiinom, alam kong hindi normal para kay Aika ang ganoong asal.Siya ang pinakaresponsable sa aming magkakaibigan.Siya iyong tipong magdadala ng payong kahit maaraw.Siya iyong tipong may planner para sa pla
Chapter 47Evie’s POV“Guys, uwi na ako, para akong lalagnatin,” mahina kong sabi habang inaayos ang mga gamit sa mesa ko.Napatingin agad sa akin sina Lida at ang iba ko pang kasamahan. Kanina pa nila napapansin na hindi ako gaanong nagsasalita at ilang beses na ring napapahawak sa sentido ko.Lumapit si Lida at walang pag-aalinlangang kinapa ang noo ko.“Girl, Evie, may sinat ka nga. Mainit ka,” nag-aalalang sabi niya. “Tama, umuwi ka na. Magpahinga ka muna.”Ngumiti ako nang pilit.“Hindi naman siguro malala.”“Evie, tingnan mo nga ang sarili mo. Namumutla ka na. Hindi matatapos ang mundo kapag nagpahinga ka ng isang araw.”Napabuntong-hininga ako.Alam kong tama siya.Ilang linggo na rin akong halos walang maayos na tulog. Sunod-sunod ang meetings, deadlines, presentations, at site inspections. Minsan nga hindi ko na alam kung anong araw na.“Aalis na ako,” sabi ko habang kinukuha ang bag ko.“Mag-message ka pag nakauwi ka ha,” paalala ni Lida.Tumango ako bago tuluyang lumabas ng
Chapter 46Evie’s POVSa gitna ng aking abalang iskedyul, nagpasya akong tawagan si Nanay.Matagal ko na rin kasi siyang hindi nakakausap nang maayos.Agad naman niyang sinagot ang tawag.“Ano, anak, kailan ba kayo babalik ni Carlo dito?”Napangiti ako.Alam kong miss na miss na niya kami.“Busy lang po, Nay,” sagot ko.“Eh si Carlo? Kamusta na kayo?”Hindi ko napigilang matawa.“Nanay naman, nakikitsismis ka.”“Aba, malamang!” mabilis niyang sagot. “Hindi ba puwedeng alalahanin ng nanay ang anak niya?”Mas lalo akong natawa.“Okay naman po siya. Nasa Singapore po siya ngayon.”“Mukhang abala talaga ang nobyo mo anak, noh?”“Opo.”Tahimik siya sandali bago muling nagsalita.“May oras naman ba siya sa iyo?”Alam kong hindi niya iyon tinatanong dahil nagdududa siya kay Carlo.Nag-aalala lamang siya.Likas na iyon sa isang ina.“Opo, Nay. Hindi naman ako pinababayaan ni Carlo.”Narinig ko ang buntong-hininga niya.“Mabuti kung ganoon.”Pagkatapos ay bumalik na naman ang pagiging ina niya
Chapter 5Carlo’s POVHinintay kong makasakay si Evie sa motor niya. Humanga na naman ako dito dahil bihirang may makilala siyang ganito kagandang babae , pero isang rider ng big bike, walang pakialam sa hitsura at sa sasabihin ng mga tao. Hindi katulad ng mga babaeng nakilala na niya, mga sophis
Chapter 4Carlo Madrigal’s POVBiglang humina ang tuhod niya, kaya dali-daling akong lumapit. Mabuti na lamang at nasalo ko siya.“Evie, are you okey?” may pagaalalang tanong ko sa kanyaNapaiyak na lamang siya. Maraming nakakatakot na pangyayari sa buhay niya ang bigla niyang naalala.“Don’t worr
Chapter 3Evie’s POVBiyernes alas 7:00 ng gabi, sa wakas pumayag si Mr. A.B sa isang friendly meeting. Hindi ko alam ang buong detalye, pero bigla akong minessage ni Ms. A at nag-arrange agad ng meeting.Magkahalong damdamin ang nararamdaman ko noong araw na iyon. “This is it” ang sabi ko sa sar
Chapter 2Evie’s POVDalawang linggo ang makalipas mula ang charity event.Rush hour, napakadaming tao sa station ng MRT. Nasa West Avenue ako patungo sa Shaw Blvd. Ang haba ng pila. Naubos na pala ang laman ng Beep Card ko. Wala na akong nagawa. Kailangan ko na talagang pumila at makipagsiksikan



![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



