LOGINEloise's Point of View
Isang buwan na ang nakalilipas simula nang makipaghiwalay ako kay Atticus. Patuloy lang ang bawat araw ko ng hindi siya iniisip."Eloise, sama ka? Buong department natin pupunta mamaya diyan sa malapit na bar." Eksayted na saad ni Aurora sa akin.Umiling-iling ako. Isang linggo nang masama ang aking pakiramdam. Kaya mamaya ay dadaan ako ng hospital upang magpacheck-up."Hindi ako makakasama, pupunta ako ng hospital mamaya. Isang linggo na kasing masama ang pakiramdam ko."Tumaas naman ang isang kilay ni Aurora pagkatapos ay humalukipkip ito sa harapan ko."Masyado ka kasing subsob diyan sa trabaho mo, mag-enjoy ka din girl paminsan-minsan."Tama si Aurora. Masyado akong naging subsob sa trabaho. Sinadya ko iyon dahil gusto kong makalimutan ang ex-boyfriend ko."Sa susunod sasama na ako, promise." Nakangiti kong saad kay Aurora.Sa totoo lang, ayaw ko nang bumalik ulit sa bar. Oo. Masaya at nakaka-enjoy ngunit muntik na akong mapahamak sa isang matandang lasing. Mabuti na lang at may lumapit na lalaki sa akin upang tulungan ako.Ngunit hindi ko inaasahan na maibibigay ko ang aking sarili sa estranghero na lalaking iyon.Hanggang ngayon ay wala pa rin nakakaalam tungkol sa nangyaring one night stand sa amin ng lalaki. Wala akong ibang pinagsabihan.Napailing-iling na lamang ako nang maalala ko ang lalaki at ang gabing aming pinagsaluhan. Lasing ako noong mga panahong iyon ngunit naalala ko pa ang bawat detalye ng aming pagniniig ng lalaki."Sige na nga. Basta sa susunod sumama ka sa amin, hah?"Tumango na lamang ako dito bilang pagsang-ayon. Si Aurora naman ay bumalik sa kanyang pwesto at hindi na ako pinilit pa.Ilang saglit pa ang dumaan. Mas lalong sumasama ang aking pakiramdam. Nakararamdam ako ng hilo. Marahan kong hinilot-hilot ang aking sintido."Are you okay, Ms. Eloise?"Tanong sa akin ni Mr. Ford, ang may-ari ng kumpanya. Nakita ako nitong halos masubsob na ako sa aking lamesa nang mapadaan ito sa aking pwesto."Y-yes, Boss." Pilit kong pinakalma ang aking boses. Ayaw kong isipin nitong hindi ko ginagawa nang maayos ang aking trabaho."But you look pale."Halata sa mga mata ng lalaki ang pag-aalala. Ngunit hindi ko iyon binigyan nang malisya. Malamang nag-aalala siya dahil empleyado niya ako."I'm fine, boss." Nakangiti kong saad dito.Nakahinga naman ako ng maluwag nang umalis na ito."Uy! Girl. Mukhang concern sayo si boss pogi. Siguro, type ka niya."Halos masamid naman ako sa sinabing iyon ni Aurora. Imposible ang sinasabi nito."Ano ka ba! Baka may makarinig sayo. Bigyan nila nang malisya." Saway ko kay Aurora. Madalas pa naman pasmado ang bibig nito.Saka paanong magkakagusto sa akin ang boss namin? Isang hamak lamang akong empleyado nito."Hindi naman nila naintindihan ang pinag-uusapan natin eh." Nakangusong saad ni Aurora. Saglit itong tumahimik at tila may pilit na inaalala.Hindi ko na lang pinansin si Aurora.Napangiti naman ako ng lihim. Matagal ko ng crush si mr. Ford, ngunit hindi ko pinansin ang nararamdaman ko para sa kanya dahil sa boyfriend kong si Atticus.Hindi naman nahuhuli si Mr. Ford kung pagwapuhan lang din ang pag-uusapan. Gwapo ito. May iilan pa nga na nagtangkang pikutin siya ngunit walang nagtagumpay."Pero alam mo, girl. Noon ko pa napapansin na iba 'yong trato niya sa'yo. Mas mahalaga ka sa kanya kaysa sa amin na empleyado din naman niya. Naalala mo, noong minsan nag-overtime tayo. Hinatid ka pa niya samantalang kami ay hinayaang maka-uwi mag-isa."Biglang usal ni Aurora matapos nitong manahimik ng ilang minuto at halos malukot naman ang mukha niya.Natawa naman ako nang maalala ko iyon. Nakiusap si Aurora na kung pwede rin siyang makisabay ngunit hindi siya pinayagan ni Mr. Ford."Huwag mong bigyan nang malisya ang kabaitan noong tao. Mabait lang si mr. Ford."Hindi na naman ito nakipagtalo sa akin. Ngunit alam kong hindi ito nakumbinsido.Nagpunta muna ako comfort room dahil pakiramdam ko ay masusuka ako. Pagkarating ko sa loob ay sinigurado kong walang ibang taong naroroon. Nilock ko ang pinto at tinungo ko ang lababo.Halos maubos ko na ang aking kinain kaninang tanghalian dahil halos lahat ay naisuka ko na. Nang matapos na akong sumuka ay inayos ko muna ang aking sarili.Nagdududa na ako sa aking nararamdaman. Isang linggo ng late ang aking regla. Ngunit kailangan kong makasigurado.Nang makita kong maayos na ang aking hitsura ay lumabas na ako at bumalik na sa aking lamesa."Ms. Eloise, Mr. Ford needs you in his office, now."Saad iyon ng assistant ni Mr. Ford.Bigla naman akong kinabahan. Bakit kaya niya ako pinapatawag? Wala naman akong matandaan na nagawa kong kasalanan.Nanginginig ang aking mga kamay nang kumatok ako sa kanyang pintuan. Nakabukas naman iyon kaya pumasok na ako."S-sir?" Nauutal kong tawag dito.Nag-angat naman sa akin nang tingin ang lalaki. Pinaupo niya ako sa malambot nitong sopa."You can rest there. Finish your work tomorrow."Awang ang mga labing napatingin ako sa lalaki. Nagbibiro ba ito? Hahayaan lamang niya akong maupo dito habang nagtatrabaho ang mga kasama ko?"But sir-"Pinutol nito ang iba ko pa sanang sasabihin. "I am your boss, you need to follow my order."Wala na akong nagawa kundi ang sundin ang sinasabi nito. Masama talaga ang pakiramdam ko kaya kailangan ko talagang nakapagpahinga.Lumapit ito sa akin at inayos nito ang sopa. Kanina ay pwede mo lamang itong maupuan ngunit ngayon ay pwede ka nang mahiga dito."Now, you can sleep there."Magsasalita pa lamang ako ngunit mabilis na itong bumalik sa kanyang lamesa.Pinagmasdan ko ang lalaki. Seryoso itong nakatutok sa mga papeles.Nahihiyang humiga ako. Nang maramdaman ng aking katawan ang malambot na sopa ay nakaramdam ako ng antok.Balak ko lang sana mahiga saglit pero hindi ko namalayan na mahimbing na pala akong nakatulog.Nagising na lamang ako nang may mahinang tumatapik sa aking pisngi. Bumalikwas ako ng bangon nang makita ko ang mukha ng aking boss."B-boss, I'm sorry. I didn't realize that I fell asleep." Nahihiya kong paumanhin dito. Tiningnan ko ang aking orasan. Halos lumaki ang aking mga mata nang makit ko ang oras. Mag-aalas onse na ng gabi."I'm sorry if I woke you up from your deep sleep, but we have to go home." Mukhang inaantok na rin ito.Sabay na kaming bumaba ng building. Wala ng mga tao roon. Tanging kami na lamang ang naiwan. Nakayuko lamang ako habang naglalakad. Walang gustong magsalita sa amin.Nakakahiya.Pagkarating namin sa ibaba ay muling nagsalita ang aking boss."I will take you home."Nahihiwagaan talaga ako sa aking boss. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na may gusto siya sa akin."Hmm. Thank you so much boss, but-""Get in the car." Matigas na utos nito.Wala na akong nagawa kundi ang sumakay sa sasakyan nito. Isang oras pa ang lumipas at nakarating na rin kami sa aking condo."Thank you so much, Mr. Ford." Nakangiti kong saad dito.Tumango lamang ito sa akin at mabilis nang pinatakbo ang kanyang sasakyan.Hindi na tuloy ako nakadaan ng hospital.May malapit naman na botika kaya dumaan muna ako doon para bumili ng pregnancy test kit.Sana hindi totoo ang aking hinala.Pagkapasok ko sa aking kwarto ay agad akong pumunta ng banyo dala-dala ko ang pregnancy test kit. Hindi na ako makapaghintay ng madaling araw upang malaman ang resulta.Tatlong kit ang aking binili para makasigurado ako.Naghintay lamang ako ng ilang segundo at lumabas na agad ang resulta."Oh My God! It's positive. I'm fvcking pregnant!" Halos matutop ko ang aking bibig. Tama nga ang hinala ko. Kaya pala isang linggo ng halos masama ang aking pakiramdam.Ngunit hindi pa rin ako makapaniwala na mabubuntis ako agad, gayong isang gabi lang may nangyari sa amin.Paano ko ngayon hahanapin ang lalaking nakabuntis sa akin. Ni pangalan nito ay nakalimutan kong itanong sa kanya. Wala sa sariling nasabunutan ko ang aking sarili.Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na umiiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko.Kinabukasan, maaga akong pumasok na parang walang nangyari. Wala akong balak na sabihin sa kanilang buntis ako ngunit alam kong malalaman din nila iyon.Ngunit saka ko na muna iyon iisipin. Hindi pa naman halata ang tiyan ko. Magre-resign na lamang ako kapag mahahalata na ang aking tiyan.Malaki na rin naman ang aking naipon. Magtatayo na lamang siguro ako ng sariling negosyo."Uy! Mare.. ikaw hah! Umuwi na kami lahat-lahat kahapon pero hindi kana lumabas sa opisina ni boss." Bungad ni Aurora.Umagang-umaga gusto na agad nitong makitsismis. Inaasahan ko na rin naman itong magtatanong sa akin."Alisin mo na sa iyong isipan kung ano man iyang iniisip mo, Aurora." Wala akong panahon para magpaliwanag dito. "Hinayaan lamang akong matulog ni boss, dahil napansin niyang masama ang pakiramdam ko kahapon."Makahulugang ngumiti naman ito sa akin."Para magtatanong lang eh. Pero tama ang hinala ko, may gusto talaga sa'yo si boss."Mapakla naman akong tumawa.Sa ngayon ay wala na sa isip ko ang mga ganyang bagay. Mas mahalaga sa akin ngayon ang aking ipinagbubuntis."Magtrabaho ka na nga. Pumasok ka lang ata para makipagtsismisan eh." Natatawa kong saad kay Aurora.Nakanguso naman itong naglakad papunta sa kanyang pwesto.Hinimas-himas ko ang aking tiyan. "I love you, baby." Mahina kong bulongNapatingala ako sa isang mataas at malaking gusali sa aking harapan, halos malula ako dahil sa sobrang taas nito. Huminga ako nang malamin, at sandaling ipinikit ang aking mga mata habang hawak ko ang kapirasong papel na napulot ko sa daan. Nakasaad roon na nangangailangan sila ng sekretarya. Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad ko itong pinuntahan. Isang malamig na hangin ang dumpi sa aking mukha at banayad na nilipad-lipad nito ang iilang buhok kong nakatakas mula sa pagkakatali nito. Sandali akong nakaramdam ng kapayapaan sa aking sarili. Ang sarap mabuhay kapag wala kang iniisip na anomang problema. Subalit sandali ko lang iyong naramdaman dahil tila nagising ang diwa ko sa realidad ng buhay. Aktong imumulat ko na ang aking mga mata nang maramdamang kong tila may isang matigas na bagay ang bumunggo sa akin, dahilan upang mawalan ako ng balanse. Mariin akong napapikit dahil sa lakas ng impak ay muntik na akong tumalsik, ngunit bago pa man mangyari 'yon ay may malakas
"Where is daddy, Mommy?" Malungkot na tanong ni Avery sa akin. Bakas sa mukha nito ang pagkasabik na muling makita ang kanyang ama. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang naitanong ito sa akin sa loob ng buong maghapon. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Pilit akong ngumiti sa aking anak. Ayaw kong ipakita dito kung gaano ako naapektuhan sa hindi pagpaparamdam ng ama nito sa amin. "Hindi na ba ako love ni daddy?" Humihikbing muling usal nito. "Hindi na ba niya tayo, mahal?" "Ano ka ba, nak! Mahal ka ng daddy mo." pang-aalo ko naman dito dahil nagsimula na itong umiyak. "Tiyak akong uuwi rin siya dito. Kaya tahan na, hmm?" Isang buwan nang hindi bumabalik ang lalaki, magmula ng gabing iyon. Isang gabi iyon na puno ng pagmamahal. Ang mga pangyayari ng mga sandaling iyon ay malinaw pa sa aking ala-ala, kung paano niya ako inangkin. Subalit hindi ko inaasahan na iyon na pala ang huli. Mariin akong napapikit upang pigilan ang nagbabadyang mga luh
Marahan akong napa-igtad nang ipasok niya ang kanyang kamay sa loob ng aking pang ibabang kasuotan. Kakaibang kiliti ang aking naramdaman ng mga sandaling nilaro-laro niya ang aking pagkababae. "Uhmmm." Hindi ko mapigilan ang mapa-ungol habang nakapikit at dinadamdam ang bawat paghagod nito. Mahigpit ako napasabunot sa kanyang buhok nang bilisan niya iyon. "Uhhmmm.. Oh Elijah" muli kong ungol sa kanyang pangalan. Nararamdaman ko nang malapit ko na akong labasan. Ngunit bigla akong napamulat nang itigil niya ang kanyang ginagawa. May pagtataka at halong inis akong tumingin sa kanya. Subalit isang nakalolokong ngiti lang ibinigay niya sa akin. "Please L-logan.. ituloy mo." Nahihiya kong usal dito. Ghad! Ito ba ang parusa niya? Ang bitinin niya ako? Ang sakit sa puson ha! "No, baby. Not now, galit ako ngayon. Ayoko kong mahirapan ka kapag pinilit mo ako." Saglit akong natigilan. Ramdam kong galit pa rin ito. "Huwag ka nang magalit. G-gagawin ko lahat nang gusto mo
Eloise's Point of View Magkahalong kaba at pag-aalala ang aking nararamdaman ngayon. Katatapos lamang nang aming pag-uusap ni Brynne sa telepono. Umiiyak ito dahil sa kanyang natuklasan. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa aking anak. Paano kung malaman niyang ako ang ina ni Avery? Tiyak na malaking gulo ito. "Oh ate, okay ka lang? Bakit tila namumutla ka diyan?" May pag-aalalang tanong sa akin ni Nicole. "O-okay lang ako, Nicole." Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Mabilis akong tumayo mula sa aking pagkaka-upo at tinungo ang aking kwarto. Nagtataka namang sumunod sa akin si Nicole. "Saan ka pupunta, ate?" Usisa nito nang maabutan niya akong nagbibihis. "May pupuntahan lang ako, Nicole. Pakisabi na rin kay Elijah na wag na nila akong intaying umuwi mamaya." Usal ko dito habang ina-ayos ko ang suot kong damit. Simpleng bestida lamang ang sinuot ko dahil doon ako mas kumportable. "Pero ate, alam ba ni sir Elijah kung saan ka pupunta?" Isang b
Third Person's Point of View"I love you too, Elijah." Ani ni Eloise sa kabilang linya.Malapad naman na napangiti si Elijah sa naging tugon ni Eloise. Tila isang musika iyon sa kanyang pandinig. Nararamdaman niyang unti-unti na rin nahuhulog sa kanya ang dalaga kaya naman hindi niya palalagpasin ang pagkakataon na iyon upang mabuo ang kanilang pamilya."Good morning, sir Elijah. Remind ko lang po ang appointment ninyo kay Mr. Sandoval mamayang Ala una." Ani ni Mary na bahagya lamang nakasilip ang kanyang ulo sa pintuan. Hindi siya nag-atubiling pumasok sa opisina dahil tila malalim ang iniisip ng kanyang boss kaya hindi nito narinig ang kanyang pagkatok. "Cancel mo na lahat ng meeting ko ngayon, Mary. Susunduin ko ang aking anak sa school niya mamaya." Walang ka emo-emosyong usal ni Elijah sa kanyang secretary.Bahagya namang nagtaka si Mary dahil sa kanyang narinig. 'Anak? May anak na pala si sir Elijah?' Usal ni Mary sa kanyang isipan.Hindi na nagtanong pa si Mary dahil natatako
Eloise's Point of ViewNaramdaman ko ang kanyang dila na pilit pinaghihiwalay ang aking mga labi kaya naman inawang ko iyon ng bahagya.At tuluyan na nga niyang naangkin ang aking mga labi. Ang mga dila nito ay unti-unti nang nilalaro ang aking dila sa loob. Tila nawalan na ako nang lakas na pigilan siya dahil trinaydor na ako ng sarili kong katawan. Kusa na akong tumugon sa maiinit niyang mga halik. Mahigpit akong napayakap sa lalaki ng mas lumalim pa ang mga bawat halik nito. Kakaibang kiliti ang dulot ng mga halik niya na tila ba mawawala na ako sa aking sarili."Ahhmm.. t-teka lang." Pigil ko kay Elijah nang ipasok niya ang kanyang kamay sa loob ng aking damit. Sandaling bumalik ang aking katinuan dahil doon.Hindi dapat ako magpadala sa bugso ng aking damdamin.Kunot-noo naman na napatingin ang lalaki sa akin ngunit maya-maya ay napabuntong hininga na lamang ito."I'm sorry, Sweetheart. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko." Hinging paumanhin nito. "Matulog na tayo."Nakaramdam
Eloise's Point of ViewPagkalabas ko ng opisina ni Elijah ay nakita ko si Mary na namumugto ang mga mata. Halatang galing ito sa pag-iyak. Kanina lang ay pinagalitan siya ni Elijah kahit hindi naman niya sinasadyang makita ang ginagawa namin ni Elijah.Umangat ang tingin niya sa akin nang dumaan ako s
Eloise's Point of ViewNapilitan akong bumangon nang maaga dahil unang araw nang pasukan ni Avery. Ihahatid ko pa ito sa kanyang school bago ako pumasok sa trabaho.Mas pinili kong ipasok ito sa sikat na school dahil sigurado ang seguridad doon ng aking anak.Medyo inaantok pa ako dahil magdamag akong
Eloise's Point of ViewNakangiti ako habang naglalakad patungo sa aking sasakyan. Naalala ko ang gulat na gulat mukha ni Elijah nang halikan ko ito.Nakita kong lumabas ng sasakyan si Nicole at tila may hinahanap. Nagtataka itong lumapit sa akin. "Ate, hindi ba kayo nagkita ni Avery?" Nagtatakang tano
Eloise's POV"Wake up, mommy. It's your first day at work. You can't be late." Boses iyon ni Avery.Umakyat siya sa aking kama at marahan na niyugyog ang aking mga balikat. Maaga itong nagigising dahil gustong gusto nitong tumulong sa pagluluto kay Nicole. Naniniwala si Avery na ang tunay na princess







